Ziana
NAPAMENOR siya nang tumunog ang kanyang aparato na nakapatong sa dashboard. Ziana stretched her neck to check who was calling and saw that it was her uncle's phone number, with his name flashed on the screen of his Z fold. She smiled and shook her head. Ang Uncle niya talaga, hindi matahimik pagdating sa kanya. Inabot niya ang aparato at sinagot ang tawag ng kanyang butihing tiyuhin na nasa Daraga. Napangiti pa siya nang makita ang pangalan ng kaisa-isang pamilya na lang na mayroon siya ngayon, ang tanging naiiwan sa kanya rito sa Pilipinas, na matiyaga siyang binabantayan at ginagabayan. Walang pag-aalinlangan na sinagot niya ang tawag ng tiyuhin at masayang binati. "Hello, Uncle..." "Hello, darling." Bakas sa tinig ng lalaki ang kasiyahan, at maging mga mga nito ay naniningkit sa pagkakangiti. "Heto na nga, nagmamaneho na ako papauwi. Hindi ka na makapaghintay na makita ang maganda mong pamangkin," biro niya kay Albert. "The last time I saw you was when?" Natatawa na sagot nito sa kanya. "Graduation!" She proudly declared, as if it were only yesterday, but apparently not, "Dala mo ang sasakyan ko na si Laycan bilang regalo sa sakripisyo ko sa PNPA," sagot naman niya habang nakangiti. Her car wasn't bad for a gift during her graduation. Dahil walang anak si Albert at isang matandang binata, hindi iyon nanghinayang na gastusan ang kanyang graduation. Her car was the most expensive gift she had received in her entire life. Nabawasan na sobra ang ipon ng kanyang tiyuhin para sa regalo sa kanya, pero nakatutuwa na ang sabi no'n ay kulang pa iyon sa hirap niya sa pag-aaral, maibigay lang ang kagustuhan ng pamilya na siya ay maging isang pulis din, na hindi lang basta graduate mula sa kung saan na university, at basta kurso lang ang kinuha. And she earned a lot from her hard work. Ang kanyang napakahabang buhok noon ay kanyang isinakripisyo, kaya ngayon ay pinahahaba na niya ulit. She was the youngest Alcantara in the family. Ang mga pinsan niyang sa ibang bansa at sa ibang panig ng Pilipinas ay mas matatanda sa kanya. Mayroon siyang pinsan na U.S Navy, may militar dito sa Pilipinas, may pulis na nasa ibang lugar nakadestino. At sa mga pulis niyang kamag-anak, siya lang itong may lakas ng loob na pumasok sa PNPA kahit na siya ang pinakabata at babae pa. Hindi niya masabi na gusto niya rin iyon. She was undecided when she started taking the entrance exam and complying with her requirements, but she passed the exam. Mula na rin kasi sa pagkabata pa lang ay nakahulma na siguro sa isip niya na dapat ay magpulis din siya. Tila ba isa iyong panata ng mga Alcantara, at wala siyang balak na sirain iyon. At malamang, kung magkaroon siya ng anak ay magpapatuloy pa rin. Kilala sila sa Albay bilang pamilya ng mga alagad ng batas. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang sulyapan niya ang traffic light. MABILIS ang reflexes ni Ziana kahit na nagulat siya. Napaapak kaagad siya sa kanyang preno nang isang rumaragasang sports car ang biglang dumiretso mula sa kanyang kanan. "What the—" hindi niya naituloy ang pagmura nang muntik na siyang sumubsob sa kanyang manibela. Ang bagal na nga ng patakbo niya, may isa namang tatanga-tanga na gusto yatang gawin na langit ang kalsada, na kahit naka-stop na ay dumidiretso pa rin. Kulang na lang ay tubuan ng pakpak ang itim na sports car para umangat da simento. "Ziana?" Tanong ng Uncle Albert niya sa kabilang linya, "What's that, iha? Are you alright?" "Yes, Uncle. May isang hari ng daan, muntik akong banggain. Wait a while. I have to deal with this," paalam niya saka bumaba siya sa kanyang sasakyan. Agad-agad niyang kinunan ng litrato ang pormahan ng mga sasakyan nilang muntik magsalpukan. Her Porsche Taycan was shining white in the middle of the hot sunny day, pero kung anong ganda ng kanyang service ay times ten ang ganda ng sa hari ng daan. It was a black Bugatti. It was a Bugatti and yes, nobody can afford to buy it except for those billionaires. Parang presidential car ang sasakyan na nahulaan kaagad ni Ziana na ini-escortan ng ilang mamahalin din na sasakyan. Nasa likod ang mga iyon. Pero hindi sapat na bilyonaryo ang sakay ng kotse. Muntik na siyang paliparin no'n papuntang Dead Sea. Alagad siya ng batas, at hindi siya naging Lieutenant para sa wala lang. "Patay tayo dito, Uncle," salita niya sa Bluetooth earpiece. "Patay? Sinong patay?" Nag-aalala na tanong kaagad nito sa kanya. "I think a Billionaire almost hit me," she declared. "Walanf billionaire sa isang pulis, Ziana. Always remember that." Hindi siya umimik. Tumapat siya sa binatana ng driver at agad na itinapat din doon ang kanyang tsapa. She stepped back. Nagawa pa niyang paraanin ang mga sasakyan na na-traffic nang senyasan niya ang nga iyon. After a few moments, she heard the door of the car clicked. Lumingon siya. Isang napakatangkad na lalaki ang kanyang nakita. If she was tall, how much more this man? Walang duda na bilyonaryo ito, sa height pa lang. May suot itong sunglass at lilinga-linga sa paligid. "I am in a hurry. How much do I owe you for almost hitting your car?" Agad nitong tanong na parang humahangos. Sinilip niya ang loob ng kotse at wala naman siyang nakita na katabi nito sa passenger's seat. At least ay aminado itong halos mabangga na siya. "It's not about, Money, Sir. Lisensya," aniya at bigla itong nameywang. Sa galaw nito ay nagpakita na kaagad ito ng awtoridad, wala pa man lang sinasabi. Hindi ito kumilos. "Don't you understand Tagalog? Are you foreign? Driver's license please," ulit niya. "I am in a hurry with my daughter. Spare us for once, Miss." "I am not just a Miss, Sir. I am police Lieutenant Alcantara. License..." May kinuha ito sa loob ng sasakyan tapos ay may iniabot sa kanyang isang card. Agad siyang napamaang. Ito na ba ang bagong lavas na driver's license ng LTO? Bakit parang hindi siya na-inform? "Call my lawyer if you need anything to settle. I'll deal with you through him. I saw that you already took a pic of this. Hindi kita tatakasan. For the meantime, we have to go. We are in a HURRY." may diin ang salita nitong hurry at Saka mabilis na sumakay sa sasakyan at walang pakudangan na pinasibad iyon papaalis. Segundo lang at parang hangin na nawala sa harap niya ang mamahalin na sports car. Kung ang kanya ay nasa sampung milyon ang halaga, malamang ang sasakyan ng lalaki ay bilyones. No wonder. Nauwi sa buntong hininga at pag-iling ang lahat. Napakalakas ng loob ng lalaking iyon na takasan ang isang alagad ng batas. Ang angas. He was so distespectful. Nauwi na lang ang dalaga sa pagtingin niya sa tarheta, at dahil na rin sa sobrang pagkadismaya. Literal na binastos lang naman siya ng lalaki na iyon. Atty. Hector Fabio de la Espriella. Kumibot ang mga kilay niya dahil sa ganda ng pangalan ng abogado. Wala siyang nagawa kung hindi ang itago iyon at maglakad na lang pabalik sa kanyang sasakyan. "How's it going, Ziana? Are you okay?" Muling umere ang boses ng Uncle niya sa earpiece. "He just left, Uncle. He never cared if I was a cop," reklamo niya nang sumakay sa kanyang kotse. "Damn it. That is not even possible. Sue him," mainit ang ulo na sabi nito sa kanya kaya nangiti lang siya. "He left his lawyer's card. Tatawagan ko ito pagdating ko d'yan. 'Wag ka ng magalit, Uncle, baka ma highblood ka pa, hindi mo makita ang maganda mong pamangkin," she smiled. She heard a soft chuckle, "I'll see you, Ziana. Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Malayo ang Daraga, anak." "Maingat naman, Uncle, medyo may mga hindi lang talaga maayos magmaneho." Napailing siyang muli nang paandarin ang kanyang sasakyan. Papauwi siya ngayon sa Albay. That was her family's province. Mula nang mawala ang kanyang Daddy, kinse anyos siya ay si Albert na ang nag-alaga sa kanya. Ginabayan siya ng tiyuhin para masiguro na siya ay magtatagumpay sa buhay. And that old man never failed. Si Albert ang panganay sa magkakapatid na mga Alcantara. Lahat ng mga iyon ay pawang alagad ng batas. Her grandfather was an Operation Deputy Director General. Ang kanyang ama naman ay isang Major, pero maagang pumanaw dahil sa sakit. Ang naiiwan na lang ay ang Uncle Albert niya, na 64 anyos na. Isa naman itong Colonel. Three days ago, she received a call from this old man, asking her to come home to fix some papers about the properties her grandparents left her. Nakapagtataka naman na hindi nito iyon kayang ayusin ay mayroon naman silang abogado. Madali lang naman na ipadala sa kanya ang mga papeles kung sakali na mayroong dapat na pirmahan. And she just smiled when Albert told him to file a leave of absence for a month. Napakagaling talaga na tactics nito. Sinasabi na nga ba niya at gusto lang siya nitong papagbakasyunin sa Albay, isang lugar sa mundo na bukod tangi niya sana na iniiwasan na balikan at puntahan, pero dahil taga roon ang mga Alcantara ay wala siyang magagawa. Mas pinahahalagahan niya ang kagustuhan ng Uncle niya kaysa sa kanyang mga sariling kaisipan. Ang besides, masamang alaala lang naman ang naiwan niya roon. It doesn't exist anymore. It was just a dark part of her past, tapos na at napalitan na ng mga magagandang alaala. Isa pa, medyo naantig ang puso niya sa biro ni Albert na malay daw ba niya kung huling bakasyon na niyang kasama iyon dahil matanda na raw iyon at baka hinihintay na ng musuleyo de Alcantara. Diyos ko. Napapikit siya nang marinig ang biro na iyon mula sa tiyuhin. Hindi siya nakaimik at um-oo kaagad sa hiling nito sa kanya. Biniro pa siya nito na sasahuran na lang siya sa isang buwan na absent siya sa trabaho. That was a very silly joke. She doesn't need money. She had more than enough of it. At maraming salamat sa pamilyang ito ng mga Alcantara, na kahit hindi siya biyolohikal na ipinanganak ng sino man sa mga kapatid ni Albert ay itinuring siyang isang totoong kapamilya. These people were the people who loved her a d treated her like a real family member. Yes, Ziana was an adopted daughter of the late Colonel Greyson Alcantara. Ayon sa kwento, may dugo pa siya sa katawan matapos na ipanganak ay kinuha na siya ng mag asawa para alagaan at palakihin. And now, she's 23 and didn't have any regret of being an Alcantara, and she'd always be so proud of it.Kabanata 82 SA pinakamamahal kong bunso, na hindi ko man lang nagawang hawakan dahil sa dumi ng kamay ko at pagkatao. Patawarin mo si nanay kung ganito ang buhay na pinili ko. Sa araw na mabasa mo ang sulat na ito, wala na ako, matagal na. Nagmahal ako ng maling tao at ang tatay mo ang taong matuwid na hindi ko pinili. Ayaw kong makilala mo pa sila kahit kailan dahil gusto ko na masiguro na hindi mo ako magiging katulad. Walang pinag-aralan si nanay. Mahirap pa sa daga si nanay. Nangarap ako na makaahon at akala ko ay ang tatay ng ate mo ang sagot sa mga dasal ko, pero demonyo pala siya at ginawa niya rin akong demonyo. Nang makulong ako, walang ibang dumamay sa akin kung hindi ang tatay mo, pero kahit mabuti siya, ayaw kong makilala mo pa siya dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Lalaki kang mabait at mabuting tao dahil mabubuting tao ang magpapalaki sa iyo. Ayaw ko na magkaroon ka pa ng kahit na anong kaugnayan sa sinuman sa mga tao sa pangit kong mundo. Nagpapalit si Nanay ng
Kabanata 81.1 NAKANGITI na humarap si Dr. Venida kay Ziana matapos na tingnan ang vitals ng kanyang ama. It's been three days since the operation.Ngayon pa lang tinanggal ang oxygen ni Silas. Sa tatlong araw ay hindi nawawala ang presensya ni Fabio sa tabi niya, umalis lang iyon kahapon dahil may hearing, pero bumalik din pagkatapos. Her Uncle Albert decided to come to Manila, pero wala pa ang matanda. Mamayang gabi pa raw iyon bibyahe sakay ng eroplano. "You can now talk to him, Ziana," ani ng doktor sa kanya. "Thanks, Doc." Nakangiti niyang sagot. Lumabas naman iyon kasama ang nag-a-assist na nurse. Tumingin siya sa ama niya na nakatingin sa kanya. Her smile was very faint, then she walked towards him. "Daddy," mahina niyang sabi rito. "I thought I'd never hear you say that again. Akala ko ay katapusan ko na." Umiling ang dalaga, "That bullet was supposed to be mine, pero dalawa kayo ni Fabio na sumalo." Kumurap siya para pigilin ang kanyang luha. Naupo siya sa may tabi n
Kabanata 81 ZIANA folded the paper and let her tears run down on her face. She found this letter after William opened her father's bag. Iniabot sa kanya ng kaibigan ang sulat na mukhang isinulat ng kanyang ama bago pa mangyari ang lahat ng ito. And now, reading it makes her so teary. She had good biological parents. Her father stood as a syndicate's boss to prevent any operations in the black market. Ang inakala ng lahat ay hinahasa nito si Inez para sa pagiging tagapagmana sa trono pero palabas lang iyon. Kaya lang, napaglinlangan din si Silas. Walang kaalam-alam ang kanyang ama na fully operational pa rin ang sindikato sa katauhan ng bedridden na kakambal nito. At si Inez ang gumagawa ng lahat ng kilos, ang pagkuha sa mga pasyente na mamamatayin pa lang at pagtanggal ng mga organs para ibenta sa mga mayayamang nangangailangan ng transplant... DALAWANG malalakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng basement ng ng building. This was the same basement where Ziana saw a man who
Kabanata 80 “IANAH!” Malakas na sambit ni Fabio sa pangalan ni Ziana nang siya ay nanghihina na dumausdos pababa ng katawan ng binata. Napaiyak siya nang malakas at umiling habang hawak nang mahigpit ang kanyang smartphone. Hindi pala talaga siya matatag. Hindi pala talaga siya matapang, at hindi niya kaya na mag-isa sa lahat ng pagkakataon. Mayabang siya na isipin kaya niyang magsarili. Ngayon, totoo pala talaga ang kasabihan na, no man is an island. Time will come, mangangailangan siya ng karamay sa buhay kapag wala na siyang lakas na harapin ang lahat ng dagok sa buhay niya. “What is happening? Sumagot ka. Don’t just cry like this.” Ani Fabio sa kanya. “I can’t help it,” umiiyak na sagot niya habang halos maupo na siya sa sahig. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Buhay ni Sofia at buhay ng tatay niya ang nakataya. Dapat lang ay mamili siya. Sabi, siya ay matuwid at mabuting tao. Bakit ngayon ay nasusubok ang kabutihan na iyon? Alin ang pipiliin niya? Paggawa ng mabu
Kabanata 79 BAGSAK ang mga balikat ni Ziana na humakbang papasok sa bakuran ng bahay ni Fabio. Ang mga mata niya ay hindi maalisan ng mga luha. Tumuloy siya sa may main door at kumatok doon. Hindi mawala sa isip niya ang ama. Ligtas na naman iyon pero hindi pa rin makausap kahit na nagmulat ng mga mata. Bago siya umalis, nakapagsalita naman si Silas kahit may tubo sa bibig. It was barely a whisper. He said, "Mabuti kang anak." That made her cry. It meant everything. Tapos ay wala na iyong sinabi. Siya ay nagmamadali na masagot ang mga tanong niya bago ang warrant. Hindi siya natatakot sa warrant. Kaya niyang linisin ang kanyang pangalan. Ang inaalala niya ay ang mga sinasabi ng tauhan ng ama niya, na may kakambal si Silas. Iyon ang nakita niya sa basement at hindi ang Daddy niya. Pero sinasabi ng mga tauhan na ang ama talaga ni Inez ay ang Daddy din niya. Nalilito siya. Sa ospital ni Colonel Prado niya ipinadala ang ama niya. Hindi iyon ganoon kasikat na ospital sa Maynila pe
Kabanata 78 HINDI mapanatag ang kalooban ni Ziana habang naghihintay siya ng tawag ng kanyang ama. Nasa condo siya at naghihintay. Ang sabi no'n ay tatawagan siya sa oras na makauwi iyon. Hindi pa ba iyon nakakauwi? Pumangalumbaba siya at sinalat ang labi. Naalala niya si Fabio kaya mabigat ang kalooban na bumuntong-hininga siya. Hindi na sila nakapag-usap. Lahat ay parang hindi na nila napag-usapan. And she received a confirmation text from her cousin that he really left. Totoo siguro na pinaalis iyon ni Fabio nang malaman na anak siya ni Francesca. Ang hindi niya alam ay kung alam ng binata na magkapatid sila ni Inez, pero magkaiba ang mga ama. She picked up her phone and called her Uncle Albert. This is the first time after she arrived in Manila. Talagang iniwasan niya na tawagan ang matanda dahil sa inaasikaso niya. At ayaw kasi niyang magtanong. But now that she has no one to talk to, she needs to call him. She badly needs to. Dalawang ring bago sumagot si Albert sa kanya.