Share

Kabanata 2

Author: MM16
last update Last Updated: 2025-01-05 21:17:30

Kabanata 2

"Tell me, Uncle, anong problema sa lupa na iniwan ni lola?" Iyon ang naging tanong ni Ziana habang magkaharap silang dalawa ni Albert, kumakain ng gabihan.

Tapos na silang magkwentuhan tungkol sa kanyang trabaho at mga achievements sa trabaho. Kahit na mga nakakainitan niya ay ipinaalam din niya sa tiyuhin. Syempre, highblood ito sa mga taong bumabangga sa kanya at sumasalungat sa mga utos niya. Daig pa nito ang parating susugod sa gyera kapag may nakakaaway siya. Bata pa lang siya ay ganoon na si Albert. Mas nauuna pa itong sumugod sa tuwing may umaaway sa kanya sa eskwelahan. Ang Daddy naman niya ay ngingiti-ngiti lang kapag ganoon.

"I have to fix it right away so that we can have more time to bond," aniya pa matapos na uminom ng tubig.

Hindi sumagot si Albert kaya doon na lumipad ang mga mata ng dalaga sa tiyuhin. She paused and  sat straight, squinting her eyes.

Parang may mali.

Patuloy lang sa pagkain si Albert, ni hindi siya tingnan.

"Uncle. Hello?" Aniya.

Tumingin ito sa kanya at parang nangingiti. That's the time Ziana dropped her spoon and fork on the plate and shook her head.

"My God. Why do I trust an old wicked man like you, Albert Alcantara?" Natatawa na sabi niya kaya tumawa si Albert.

"Hey, young woman. Don't you ever accuse me of being wicked. Nagkataon lang na nagawan ko ng paraan ang problema, kaya kahit na wala ka ay naayos ko na."

"Sinasabi ko na nga ba! Niloko mo lang ako, Uncle. Pinauwi mo pa talaga ako para sa wala?" Mataas ang boses ng dalaga pero natatawa pa rin siya.

Hindi siya makapaniwala na naisahan siya ni Albert.

"Anak naman, kailangan mo pa rin bayaran iyong ginawa ko. Let's just say na inayos ko na iyon kaagad para talagang bakasyon lang ang isadya mo rito. Huwag ka ng magalit," malambing na sabi nito sa kanya kaya bumuntong-hininga na lang siya.

"Ano pa nga ba, Uncle? But, are you sure that it's okay?"

"Okay na. Nagka-problema lang sa tax dahil patay na si Mama. I already paid it. Wala na rin akong nagawa kung hindi bayaran ang tatlong milyon na hinihingi ng BIR."

Nanlaki ang mga mata ni Ziana, "Tatlong milyon? Seryoso ba sila, Uncle? Bayad naman si lola sigurado, bakit magkakaroon pa ng tatlong milyon na tax?"

"Well, you know it. Alam mo naman ang kalakaran sa ahensya na 'yan. Let's leave it to them. Ang mahalaga ay nabayaran ko na. Malinis na ang papel ng limang ektarya ng lupa na mana mo."

Ngumisi ito sa kanya.

"So, I owe you another 3M?" She asked and shook her head.

Muli siyang sumubo ng pagkain.

"It's nothing. Saan ko pa ba naman gagastusin ang pera ko. Wala naman akong ibang anak, ikaw lang," sagot naman ni Albert sa kanya habang nakamasid sa kanya.

"Parang ayoko lang na magkautang sa'yo kasi sa tuwing may hihilingin ka, hindi ako makakatanggi."

Humalakhak si Albert dahil sa sinabi niya. Naroon na halos maluha na rin ito dahil sa katatawa. Siya man ay natatawa rin. Binibiro lang naman niya ito dahil ang totoo, kahit na wala itong gawin para sa kanya ay hindi niya ito magagawang tanggihan.

She just loves this man so much.

"And I am so sorry to ruin your supposed to be vacation, honey," ani na nga nito na nagpatigil sa kanya sa pagnguya.

Her eyes moved to him.

"After dinner, we're going to talk about something, Ziana," seryoso na sabi nito sa kanya kaya tumango siya, "Meet me in the living room."

"Sure, Uncle," she also answered with a serious tone.

Dala ang tabako nito at pipa ay tumayo at naglakad papalabas ng komedor si Albert.

Ziana just eyed the old man, smiling. Tinapos na rin niya ang pagkain ilang subo lang. Uminom lang siya ng tubig tapos ay sumunod na rin sa matanda.

Lumapit siya sa butihing tiyuhin at agad na kinuha ang pipa sa bibig nito. Pinatay niya ang sindi ng sigarilyo kaya nakamaang ito da kanya, laglag ang pang-ibabang labi.

"Don't tell me you're still allergic to smoke."

"Oh, hell, I am my dear uncle, and that thing will never ever change," sagot niya rito na nakangisi.

"Hindi ka pa ba na-immune sa mga katrabaho mo sa Maynila, anak? Iba ang lifestyle roon. Hindi ka ba nagba-bar man lang, umiinom?"

"Si Uncle," nakanguso na sabi niya, "Hindi dahil ganoon sila ay ganoon na rin dapat ako. Probinsyana pa rin akong masasabi kahit na doon na halos ako tumira sa Manila. Anyway, let's stop talking about me na. What's the matter? Anong pag-uusapan natin at masyado kang seryoso? May problema ba doon sa agency niyo nina Dad?" She curiously asked.

Albert stared beyond nothing. Tulala itong nag-iisip kung paano sisimulan ang sasabihin sa kanya.

"You were saying na masisira ang bakasyon ko, tama ba, Uncle Albert?" Siya na rin ang nag-umpisa.

"I'm so sorry, Zianna, honey. Ikaw pa rin naman ang magdedesisyon. Ayoko rin sana. As much as possible, I want to have more time with you. Iyon nga ang rason bakit pilit kong inayos ang lahat tungkol sa lupa, para sa pag-uwi mo rito ay talagang bakasyon ang puntahan mo dahil ilang taon ka ng straight na nagta-trabaho. You don't even have time to relax and enjoy yourself. But now, it seems that I am the one who will ruin that supposed to be vacation," Bumuntong-hininga ito at kitang-kita sa mukha ang lungkot.

Inakbayan ng dalaga ang tiyuhin at nginitian, "Don't feel so guilty about that. May ipagagawa ka ba sa akin kaya ganyan ang tono mo?"

Hindi nakasagot si Albert, nakatingin lang sa magandang mukha ni Zianna.

"Come on. Tell me. Para tayong hindi pulis niyan," aniya pa saka tumawa nang mahina.

"I...have this special friend, actually, we. Ang Daddy mo ang unang nakakilala sa batang ito, anak. Lumipas ang maraming panahon at sa ibang bansa siya nag-aral, nawalan kami ng komunikasyon pero nagulat ako dahil tumawag siya sa agency kanina," Albert started.

Napaisip siya. Alam niya na seguridad ang serbisyo na iniaalok ng agency.

Doon ay pwedeng mag-hire ng mga temporary bodyguard, at sa pagkakaalam niya, hindi basta-basta ang mga taong nagha-hire roon. Mostly, those people were politicians and businessmen.

"And what did he say? Or—she?"

"He," ani Albert, "He said that his daughter is in danger."

Napakunot noo ang dalaga.

"May banta ng kidnapping sa bata, Zianna. Hindi lang basta milyonaryo ang taong ito—BILyonaryo, at ang anak niya ang kaisa-isa niyang tagapagmana."

"Hindi naman siya mahihirapan na humanap ng magbabantay sa anak niya, Uncle. He's a billionaire, sabi mo nga. He can even hire a batallion."

"Sana ay ganoon kadali para sa kanya pero may trust issues na siya, Zianna. Naiintindihan ko."

"For sure ay marami ka namang maiaalok sa kanya dahil maraming magaling sa agency niyo ni Dad. Subok na ang agecy sa pagbibigay ng de kalidad na seguridad sa mga taong gusto ng kaligtasan. We both know that, Uncle," she smiled, trying to divert it.

Ayaw niya ng ganito. Nakikita at nahuhulaan na niya ang gusto ni Albert. And kidnapping issue is out of her league. Magbantay na siya ng hari o reyna, huwag lang ang may banta ng kidnap for ransom.

"And we both know, too, that you are way far better than any of them," makahulugan na sabi ni Albert sa kanya, hindi siya hinihiwalayan ng tingin.

"Oh, God, Uncle," sambit na nga niya saka siya nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.

She couldn't look at him anymore.

"Alam mong ayaw ko ng topic na iyan. Ayaw ko ng mga kidna-kidnapping na iyan," sabi niya na mapait ang pakiramdam.

Parang binubungkal ng usapan nila ang kahapon kaya apektado siya na sobra.

"Here's the kid," anito na parang bingi lang sa sinabi niya kaya napatingin siya.

Kid?

Nakaharap sa kanya ang smartphone, at doon ay nakita niya ang isang nata na napakaganda. Bilugan ang mukha ng bata at mapisngi. She has a very long curly hair. Nakadamit iyon na parang sa prinsesa, kulay Lavender, tapos ay may korona. Sa tantya niya ay limang taon ang bata o higit pa, at hindi niya maialis ang mga mata sa pagkakatitig doon.

She gulped.

"She's just six. She is just like you when you were still a kid, Zianna. Parehas kayong maganda. Hindi sana kita sasabihan o itutulak dito pero nakita ko ang bata. And I don't trust anyone more than I trust you when it comes to protecting your people, especially a young girl. Kung matanda na ito ay pwede kong irekomenda ang mga tao ko, kaya lang babae ang bata at bata pa. And since my best cop is here, I hope you will not mind if your old man asks you to protect her," masuyo nitong sabi sa kanya.

Hindi siya makasagot. Napatingin muli si Zianna sa malayo, naninimbang sa sarili.

She hates kidnapping. Ayaw na ayaw niyang mababanggit o mapag-uusapan iyon dahil may lamat sa pagkatao niya ang bagay na iyon. Ngayon, isinusubo siya ng Uncle niya sa bagay na ayaw niya. And this man knew that.

"Uncle, alam mo naman na ayaw ko ng ganito. Sa lahat, ayaw ko ng salitang 'yan."

"Alam ko, anak," anito saka siya iniharap, hawak siya sa mga balikat, "But I trust you. Trust yourself, too. This is you. Isa kang pulis, matuwid at maaasahan, magaling at maganda," ngumiti ito kaya ngumiti siya pero malungkot, "I am begging you. As much as I want to be with you, the life of this kid matters more than my desire to be with my only niece. Kung papayag ka, I will personally endorse you to the client. And this client was from Manila. He traveled all the way here just to find your father," anito kaya napamaang siya.

"Si Dad?" Kunot noo ang dalaga.

Tumango kaagad si Albert.

"Yes. He trusts your father so much. Hinahanap niya talaga ang Daddy mo kaya lang sinabi ko ay wala na, pero may anak kako na magaling din na pulis. Sabi ko ay babae ka. Medyo nadismaya, baka hindi bilib sa galing mo."

"What?" Tila umusbong ang inis niya. Wala pang nag-underestimate sa kanya kahit na babae siya.

Kaya niyang magpatumba ng sampu.

Sa pagkakataon na iyon ay tumawa si Albert sa naging reaksyon ng mukha niya, "Prove him wrong, anak."

Mapanghamon ang salita ni Albert sa kanya kaya napatitig siya sa mukha nito.

He smiled and that was full of encouragement, aside from that, his aura tells her that he trusts her ability so much.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marieta Sumampong Tubil
hmmmmm interesting story🫠
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 82 ( final chapter)

    Kabanata 82 SA pinakamamahal kong bunso, na hindi ko man lang nagawang hawakan dahil sa dumi ng kamay ko at pagkatao. Patawarin mo si nanay kung ganito ang buhay na pinili ko. Sa araw na mabasa mo ang sulat na ito, wala na ako, matagal na. Nagmahal ako ng maling tao at ang tatay mo ang taong matuwid na hindi ko pinili. Ayaw kong makilala mo pa sila kahit kailan dahil gusto ko na masiguro na hindi mo ako magiging katulad. Walang pinag-aralan si nanay. Mahirap pa sa daga si nanay. Nangarap ako na makaahon at akala ko ay ang tatay ng ate mo ang sagot sa mga dasal ko, pero demonyo pala siya at ginawa niya rin akong demonyo. Nang makulong ako, walang ibang dumamay sa akin kung hindi ang tatay mo, pero kahit mabuti siya, ayaw kong makilala mo pa siya dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Lalaki kang mabait at mabuting tao dahil mabubuting tao ang magpapalaki sa iyo. Ayaw ko na magkaroon ka pa ng kahit na anong kaugnayan sa sinuman sa mga tao sa pangit kong mundo. Nagpapalit si Nanay ng

  • Protecting the Billionaire's Daughter   81.1

    Kabanata 81.1 NAKANGITI na humarap si Dr. Venida kay Ziana matapos na tingnan ang vitals ng kanyang ama. It's been three days since the operation.Ngayon pa lang tinanggal ang oxygen ni Silas. Sa tatlong araw ay hindi nawawala ang presensya ni Fabio sa tabi niya, umalis lang iyon kahapon dahil may hearing, pero bumalik din pagkatapos. Her Uncle Albert decided to come to Manila, pero wala pa ang matanda. Mamayang gabi pa raw iyon bibyahe sakay ng eroplano. "You can now talk to him, Ziana," ani ng doktor sa kanya. "Thanks, Doc." Nakangiti niyang sagot. Lumabas naman iyon kasama ang nag-a-assist na nurse. Tumingin siya sa ama niya na nakatingin sa kanya. Her smile was very faint, then she walked towards him. "Daddy," mahina niyang sabi rito. "I thought I'd never hear you say that again. Akala ko ay katapusan ko na." Umiling ang dalaga, "That bullet was supposed to be mine, pero dalawa kayo ni Fabio na sumalo." Kumurap siya para pigilin ang kanyang luha. Naupo siya sa may tabi n

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 81

    Kabanata 81 ZIANA folded the paper and let her tears run down on her face. She found this letter after William opened her father's bag. Iniabot sa kanya ng kaibigan ang sulat na mukhang isinulat ng kanyang ama bago pa mangyari ang lahat ng ito. And now, reading it makes her so teary. She had good biological parents. Her father stood as a syndicate's boss to prevent any operations in the black market. Ang inakala ng lahat ay hinahasa nito si Inez para sa pagiging tagapagmana sa trono pero palabas lang iyon. Kaya lang, napaglinlangan din si Silas. Walang kaalam-alam ang kanyang ama na fully operational pa rin ang sindikato sa katauhan ng bedridden na kakambal nito. At si Inez ang gumagawa ng lahat ng kilos, ang pagkuha sa mga pasyente na mamamatayin pa lang at pagtanggal ng mga organs para ibenta sa mga mayayamang nangangailangan ng transplant... DALAWANG malalakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng basement ng ng building. This was the same basement where Ziana saw a man who

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 80

    Kabanata 80 “IANAH!” Malakas na sambit ni Fabio sa pangalan ni Ziana nang siya ay nanghihina na dumausdos pababa ng katawan ng binata. Napaiyak siya nang malakas at umiling habang hawak nang mahigpit ang kanyang smartphone. Hindi pala talaga siya matatag. Hindi pala talaga siya matapang, at hindi niya kaya na mag-isa sa lahat ng pagkakataon. Mayabang siya na isipin kaya niyang magsarili. Ngayon, totoo pala talaga ang kasabihan na, no man is an island. Time will come, mangangailangan siya ng karamay sa buhay kapag wala na siyang lakas na harapin ang lahat ng dagok sa buhay niya. “What is happening? Sumagot ka. Don’t just cry like this.” Ani Fabio sa kanya. “I can’t help it,” umiiyak na sagot niya habang halos maupo na siya sa sahig. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Buhay ni Sofia at buhay ng tatay niya ang nakataya. Dapat lang ay mamili siya. Sabi, siya ay matuwid at mabuting tao. Bakit ngayon ay nasusubok ang kabutihan na iyon? Alin ang pipiliin niya? Paggawa ng mabu

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 79

    Kabanata 79 BAGSAK ang mga balikat ni Ziana na humakbang papasok sa bakuran ng bahay ni Fabio. Ang mga mata niya ay hindi maalisan ng mga luha. Tumuloy siya sa may main door at kumatok doon. Hindi mawala sa isip niya ang ama. Ligtas na naman iyon pero hindi pa rin makausap kahit na nagmulat ng mga mata. Bago siya umalis, nakapagsalita naman si Silas kahit may tubo sa bibig. It was barely a whisper. He said, "Mabuti kang anak." That made her cry. It meant everything. Tapos ay wala na iyong sinabi. Siya ay nagmamadali na masagot ang mga tanong niya bago ang warrant. Hindi siya natatakot sa warrant. Kaya niyang linisin ang kanyang pangalan. Ang inaalala niya ay ang mga sinasabi ng tauhan ng ama niya, na may kakambal si Silas. Iyon ang nakita niya sa basement at hindi ang Daddy niya. Pero sinasabi ng mga tauhan na ang ama talaga ni Inez ay ang Daddy din niya. Nalilito siya. Sa ospital ni Colonel Prado niya ipinadala ang ama niya. Hindi iyon ganoon kasikat na ospital sa Maynila pe

  • Protecting the Billionaire's Daughter   Kabanata 78

    Kabanata 78 HINDI mapanatag ang kalooban ni Ziana habang naghihintay siya ng tawag ng kanyang ama. Nasa condo siya at naghihintay. Ang sabi no'n ay tatawagan siya sa oras na makauwi iyon. Hindi pa ba iyon nakakauwi? Pumangalumbaba siya at sinalat ang labi. Naalala niya si Fabio kaya mabigat ang kalooban na bumuntong-hininga siya. Hindi na sila nakapag-usap. Lahat ay parang hindi na nila napag-usapan. And she received a confirmation text from her cousin that he really left. Totoo siguro na pinaalis iyon ni Fabio nang malaman na anak siya ni Francesca. Ang hindi niya alam ay kung alam ng binata na magkapatid sila ni Inez, pero magkaiba ang mga ama. She picked up her phone and called her Uncle Albert. This is the first time after she arrived in Manila. Talagang iniwasan niya na tawagan ang matanda dahil sa inaasikaso niya. At ayaw kasi niyang magtanong. But now that she has no one to talk to, she needs to call him. She badly needs to. Dalawang ring bago sumagot si Albert sa kanya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status