Share

CHAPTER 3 - LIVING UNDER THE SAME ROOF WITH MY ALPHA MATE AND HIS WIFE.

Clavem POINT OF VIEW

"How many times I told you, Clavem. Hindi ka puwedeng makisalo sa amin sa hapagkainan. Tapos umaarte ka pang hindi mo alam o bobo ka talaga kaya hindi mo maintindihan?! How pity of you."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa upuang kahoy dahil sa pagpipigil na sumabog ang emosyon ko at pilit na ngumiti. "P-Pa.. Pasensya na," nangangatal kong bigkas. "Sasabay na lamang ako sa mga katulong na kumain mamaya... pasensya na talaga, Luna."

"Good to know," mayabang at kalmadong saad nito sa akin pabalik pagkatapos tumikhim ng pineapple juice.

Yumuko ako at tahimik na ibinalik ang upuan at hinayaan ang alpha Sortitus at alpha-luna Heres na magsalo ng hapunan nang payapa at tahimik sa malaking mansyon na tinitirhan namin pansamantala na pagmamay-ari din ni Sortitus. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may pumigil sa akin na pumunta sa dirty kitchen.

"No. You may sit there, Clavem," malalim na tugon ng boses ni Alpha Sortitus. Hindi man ako nakaharap sa kanya, naririnig pa rin ng dalawang tenga ko ang kaluskos ng beef steak na hinihiwa niya gamit ang carving knife. Amoy na amoy ko pa nga ang mainit-init na katas ng karne at ang sarap na na taglay nito. Dinig ko rin ang madiin at malaman niyang paglunok ng malalim niyang adams apple, maging ang pasimple ngunit delikadong pagpasada ng kanyang mapanganib na mga tingin sa amin ni Heres. Alam ko rin naman na kahit naka poker face siya dahil laging ganito ang facial expression niya araw-araw, ang lakas pa rin ng sex appeal niya.

Kumawala ang isang mabigat na buntong hininga sa 'king bibig bago ko idiniin ang pagmulat ng aking talukap sa mata matapos itong ipikit ng ilang ulit bunga ng bigat ng aking nararamdaman at sa huling pagkakataon ay muling suminghap at lumunok. Pinanatiling kalmado ang sariling humarap sa dining table kahit na ang totoo ay gusto ko ng magwala o kumawala bunga ng sakit na patuloy kong ikinikimkim sa puso ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Kitang-kita ko ang mapanusok na titig ni Heres na nagpapahiwatig na hindi niya ako gusto na makasabay at makisalo sa dinner kasama ng kaniyang asawang alpha.

"Maraming salamat na lang po ngunit... hindi na ako sasabay sa inyong dalawa ng luna na maghapunan, doon na lang ako sa kusina kasama ng mga katulong."

Tama. 'Kasama ng mga katulong kung saan ako nababagay.'

Hindi ako ang asawa. Hindi rin ako ang luna. Pero ako ang fated mate niya... fated mate na hindi itinadhanang maikasal sa alphang tulad niya. Kaya bakit ako makikisabay sa kanilang mag-asawa sa mga ganitong eksena? E-Eh hindi naman nila ako kaaano-ano dahil isa lamang akong 'di hamak na sabit sa kanilang binubuong masayang pamilya.

Nagsalita muli ang alpha at pinipilit akong makisalo sa kanila habang umiiling ng paulit-ulit si Heres at napapadiin na ang hawak niya sa kanyang kutsara at tinidor dahil sa pamimilit ng kaniyang asawa.

"Huwag na alpha, hindi pa naman ako nagugutom." Ipinagdikit ko ang mga kamay ko't muling tumalikod na. Sa pagtalikod ko ay lihim kong pinahid ang luha kong hindi ko na namamalayan ay kusang pumatak na pala at akmang hahakbang na ako ngunit muli kong narinig ang nagbabanta na boses ni Sortitus.

"I said, sit here!"

Tulad ng ginawa ko kanina ay muli ko na lang pinikit ang aking mga mata at lihim na pinakawalan ang malalim na buntong hininga saka umupo na bago pa tuluyang magalit ng sobra si Sortitus. Araw-araw ganito ang nangyayari sa tuwing kakain kami. Hindi ko alam kung hanggang saan ang makakaya ko para panindigan ang pagiging fated mate ko.

Pagkatapos ng mga pangyayari sa kubo sinabi ko kay Sortitus na hindi na niya kinakailangan na ikulong ang sarili nito sa akin dahil handa na akong palayain s'ya no'ng gabing iyon para kay Heres dahil ramdam ko kung paano masaktan ang babae kapag nalaman nitong dalawa ang babae sa buhay ng lalaking mahal niya pero nang makita ko sa mga mata ni Sortitus ang pagsusumamong huwag ko s'yang iwanan at tanggihan dahil na rin sa pagmamahal ni Fenrir para sa akin at ang sinisigaw din ng lobo sa loob ko kaya kahit mabigat sa kalooban ko at hindi tama dahil ikakasal na ito sa babaeng mahal niya ay pumayag na rin ako sa ganitong set up kahit alam kong talo rin ako sa larong ito at lalabas na masama sa mata ng lahat dahil ako ang kabit pero mahal ko siya e... kahit maging dakilang tanga ako ay ayos lang.. kasi mahal ko siya mahal na mahal... Ganun ata kapag nagmamahal hindi mo na alam kung ano ang tama sa mali. Bata palang ay minahal ko na siya. Nung una ko palang itong nasilayan sa kagubatan at ginamot ang isang kaawa-awa at pilay na ibon ay nahulog na ako sa kabaitan nito't pagiging mapagmahal sa mga hayop hindi lang sa mga nasasakupan n'ya.

Lumipas na ang tatlong linggo ng itinuloy ng red pack at black pack ang kasunduan na pag-isahin ang kanilang mga angkan, ang naudlot na pagpapakasal nina Sortitus at Heres ay naganap na rin matapos ng panunugod ng mga kalaban, kahit isang simpleng kasal lang at minadali pa ito.

Nang nalaman ng buong pack ang tungkol sa akin dahil na rin kay Heres na ako ang fated mate ng mismong alpha at asawa nito ay nagkagulo na. Ang iba ay natuwa at ang iba ay hindi makapaniwala sa balita at karamihan sa kanilang angkan ay hindi ako nagustuhan dahil gusto at pinapaboran nila si Heres na maging pinuno at maging luna. At hiniling pa ng panig ni Heres na itapon ako ngunit hindi pumayag si Sortitus sa kanilang kahilingan. Akala ko hindi rin sasang-ayunan at aprubahan ang set up ni Sortitus ng kanyang pamilya at sa reyna at hari ng Radisworn Kingdom, ngunit nagulat ako ng isang iglap ay ayos lang ito at walang problema hangga't si Heres ang kaniyang asawa at ang luna na magiging katuwang nito sa lahat.

Lihim na itinago ko at ni Sortitus ang tungkol sa aking tunay na pagkatao na isa akong puti at maging kay Heres ay hindi ito pinaalam dahil kung malaman ito ng lahat ay baka hindi lang pagtapon ang igawad sa akin kun'di kamatayan. Kaya't gumawa-gawa na lang si Sortitus ng kuwento.

"Ahm, Clavem...... can you hand me that.... and that too, as well as that and the one next to it. Give me cheese and grapes too."

Sunod-sunod na utos na pinatang ni Heres sa akin hanggang sa hindi na ako makakain. Buong dinner ay nagugol ang oras ko sa kakaabot na lang ng mga pinapaabot niyang pagkain pero hindi naman niya kinakain. Pabalik-balik din ako sa kusina dahil kung ano-ano pa ang pinapakuha niya sa ref at mahigpit na inutos niya sa mga katulong na huwag akong tutulungan dahil gusto niya ako lang ang magsisilbi sa kaniya.

Gamit ang siko ko ay pinunasan ko ang pawis ko na tumatagaktak na dahil sa pagod. Napaduko ako at buwesit na kinagat ang labi saka inalapag ang huling ipinakuha n'yang slice of cake sa ref. Hindi pa man lumalanding ang pwet ko sa upuan at may sinasabi na naman ito.

"May kamay at paa ka naman po, mahal na luna. Bakit hindi na ikaw ang umabot sa mga iba at kanina niyo pa po ako inuutos-utusan at gusto ko naman na pong kumain kasi gutom na gutom na ako."

Imbis na mag-sorry sa akin ay ngumisi lang ito habang sinusubo ang pagkain at katapos ay nilinis ang gilagid gamit ng kanyang dila. Mapanukso pang tumingin sa akin habang nakapilantik ang mga daliri at nasa gitna pa nito ang kutsara. "I like the food it so so good... unlike the women in front of me, she's just average."

Nanginginig kong nakuyom ang aking kamao at pangigigil ko sa 'king bistida sa ilalim ng mesa habang pinagpatuloy ko lang ang platik kong ngiti sa harap nilang mag-asawa. Imbis na ipakitang naapektuhan ako sa kaniyang mga sinasabi ay pilit na pinakalma ko ang sarili ko bago pa ako mabansagan ni Heres na pikon sa oras na mahuli niya ako pero alam kong ramdam ni Sortitus ang pagpipigil ko at ang hinanakit at bigat sa puso ko. Binasa ko ang labi ko at kinagat ito sabay taas noo. Nang kumalma ay itinapat ko ang isang kamay sa tapat ng dibdib ko at nagsimula ng humigop ng sabaw.

Ang buong dinner namin ay umikot lang sa pagpaparinig ni Heres sa akin. Pagpaparinig kahit hindi niya diretsahang sinasabi ay tagos hanggang laman naman ang nilalaman ng kanyang mga salita laban sa aking pagiging mababang klase ng lobo at pagpatol sa may asawa na.

Napalingon kami bigla sa aming gilid nang may biglang nagdabog at kita ko ang pagkairita sa mukha ni Sortitus at magkasalubong na kilay maging kunot noo niya at panlilisik na mga mata niyang pasada sa amin ni Heres.

"Heres!" hiyaw at saway ni Sortitus sa kanyang asawa. "Finish your food, Clavem at sa room natin ako ngayong gabi. Excuse me."

Mabilis na pinunasan ni Sortitus ang bibig saka ipinatong ang table napkin sa lamesa. Isang blankong mukha ang iniwan niya sa amin ni Heres bago pa siya tuluyan na umakyat sa taas at pumasok sa aming silid.

Pansamantala kaming nanatiling tahimik ni Heres hanggang sa tuluyan ng nawala si Sortitus sa aming paningin.

"Yeah... I forgot, thursday pala ngayon. Hugh! And it's my fvcking hell day." Padabog na itinapon ni Heres ang table napkin at umikot sa gawi ko't itinapat ang kaniyang bibig sa aking tainga. Dumapo sa aking balat ang mainit at naglalagablab niyang bakas ng pagbabanta sa kanyang paghinga't pagbitaw ng mga salita. "Be a good girl. Huwag mong gagapangin ang asawa ko."

Marahan at malambot niyang hinawi-hawi ang buhok ko't biglang malakas na binatukan. She's in dejection while masking it in a crazy laugh behind her wounded heart kaya't hindi ko na ito pinatulan pa ng away kahit na nagbibigay siya ng motibo na gustong magsimula ng gyera sa loob ng mansyon.

Hindi na niya tinapos ang kinakain niya at iniwan na ako mag isa sa lamesa. Dumiretso na siya sa kanilang kwarto ni Sortitus at nagpapanggap na malakas pero ngayon gabi ay alam kong babalutin na naman ito ng kalungkutan at ang palihim na pagiyak mag isa sa kama nilang mag asawa.

"Aurgh!"

Napalunok na lang ako at napahawak sa binatukang parte ni Heres at ininda ang sakit.

Alam kong napakahirap at masakit para sa aming tatlo ito pero kakambal din naman ng pagmamahal ang pagtitiis, pagiintindi at pagsasakripisyo. At hangga't nandito ako sa puder nilang magasawa ay kailangan ko pa ring respetuhin, galangin, pakisamahan at sundin ang lahat ng mga gustuhin at kondisyones ni Heres sa akin, kahit na hindi ito ayos sa akin ay ikukuyom ko na lang aking aking kamao at lulunukin ang pride para lang sa pagmamahal ko at alam kong ganito rin ang ginagawa ni Heres para kay Sortitus.

Sa loob ng isang linggo ay magkahati ang araw namin para makasama at makasiping si Sortitus. Lunes, Miyerkules, Biyernes, Sabado at linggo ang araw para kay Heres. Martes at huwebes lamang ang para sa akin.

Dumiretso na ako sa kwarto at nakita ko ang nakahiga at nakatalikod na alpha sa kama na naka topless at nakakumot na.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ko sa harap ng salamin sa loob ng banyo at nakita ko ang aking sarili na walang kahit anong make up ang mukha at nakita ko ang laki ng pananaba ko.

Ang pananaba ko ay bunga ng pagpapakain sa akin ng mga kolesterol at matatamis na tsokolate ni Heres. Ang pamumutla ko naman ay ang hindi pagpayag ni Heres na magmake up ako at bawal magsoot ng kung anong sexy dress o revealing na damit lalo na kung kasiping ko si Sortitus.

Kumawala ang isang malalim na buntong hininga at mas nilapitan pa ang salamin at tinutok ang sarili.

Binuksan ko ang faucet at naghilamos. Iniangat ko ang basang-basang mukha ko.

"Ang pangit-pangit ko na paano pa ako magugustuhan ng alpha sa mukhang ito at sa katawan na mero'n ako ngayon?" basag kong boses.

"Sortitus," tawag ko.

"Sortitus," ulit na ani ko.

"Gising ka pa ba? Gising pa ba ang mahal ko?"

Hindi ako humarap sa kaniya ngunit nang tangkain ko pang magsalita ay na dinig ko ang kan'yang tahimik na paghilik at malalim na tulog.

Nakasuot ako ngayon ng pajama at maluwag na blue plain t-shirt at humiga na sa tabi ng alpha. Magkatalikod ang pwesto namin sa isa't isa at tila'y pagod na pagod na ito sa trabaho n'ya buong mag-araw sa pack at sa negosyo nila ni Heres.

Ramdam ko na ng antok kaya't bumababa na ang talukap ko sa mata. Biglang may pumalupot sa aking bewang at nakaramdam ako ng mainit na hiningang dumampi sa aking balikat.

"Clavem.."

Napangiti ako at mas hinigpitan pa ang yakap nito sa akin at hinuli ko ang kanyang bisig at niyakap din ito pabalik.

"Sorry kung hindi kita matulungan sa pamumuno mo. Wala akong silbi kun'di isang hamak na babaeng bahay lang."

Pinagbawalan din ako ni Heres na makisawsaw sa pamumuno at mangialam sa galaw o mga plano ng buong pack. Hindi rin ako pinahintulutan ni Heres na makiisa sa mga liping pula at itim na pangkat ngunit sumusubro na siya kaya't hindi ito pinayagan ni Sortitus at hinayaan niya pa rin akong sumanib sa kanilang lipi kahit na kalaban ng pinanggalingan ko ang pangkat nila.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang ulo sa aking balikat at hindi na ito nagsalita pa ngunit mas hinigpitan pa lalo ang yakap niya sa akin na tila'y hindi na ako pakakawalan.

"I-I love you, Sortitus," taimtim at nagaalab na bulong ko.

"Mhmmm.." pagdaing niya sa akin at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.

"I-It's ok. Nothing would change.... I'm fine, kahit hindi mo ako mahal, I understand why you choose not to reject me and letting me to stay by your side and be happy for what I had. And I'm contented to be your Mistress though I am your fated mate and a truth that would never at last... I love you... I love you eternally although it is a sin and forbidden," samot-saring emosyon ang gumuhit sa akin nang ibinulong ko ito sa kaniya. Dalawang patak ng luha ang bumasa sa 'king puting unan at mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanyang bisig at bumakas ang isang mapait na ngiti sa aking mga labi.

Nang isang gabi nadatnan ko si Heres papasok sa kanilang kwarto ni Sortitus. Pagewang-gewang dahil sa sobrang kalasingan.

"Tulungan na kita."

Kinuha ko ang kanyang kamay at ipinwesto sa aking balikat. Bigla niya akong itinulak ng kaunti papalayo sa kaniya.

"No! Don't stick your hideous skin to me," mapungay-pungay na boses niya. Namumula na ito sa kalasingan.

"Ako na Luna Heres, tulungan na kitang maihiga sa kama mo. Lasing kana."

"I said I don't need your help, I can handle myself! Get out of my face!"

Kahit na matigas ang ulo nito ay at ilang beses niya akong sigawan at itulak papalayo sa kaniya ay nandito pa rin ako at handa siyang tulungan.

Lumabas ako saglit para kumuha ng bimpo at maliit na palanggana para punasan ang katawan niya at nang mapreskuhan bago matulog. Pagkabalik ko ay nagulat ako ng wala na ito sa kama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status