Home / Romance / Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER / Chapter 16 "at Luke's mansion"

Share

Chapter 16 "at Luke's mansion"

Author: Funbun
last update Last Updated: 2024-08-06 09:55:12
TAHIMIK na nakaupo si Zarah sa malambot na sofa. Nasa family room siya ngayon sa bahay ni Luke. Sinundo siya nito sa restaurant na pinagtatrabahuan niya. Wala siyang klase sa ngayong gabi kaya libre ang oras niya ngayon.

Dahil sa usapan nila kahapon ni Luke, kaya siya sinundo nito pagkatapos ng kanyang shift. Kahit sinabi niya na siya mismo ang pupunta rito pero hindi parin ito nakinig sa kadahilanang baka hindi siya tutupad sa napag-usapan.

Dinampot nito ang remote control ng wide-flat screen TV. Nagulat siya nang yayain siya nitong manood ng TV. Iniabot nito sa kanya ang bowl na may lamang popcorn.

Parang gusto tuloy niyang magsisi at nag- spray pa siya ng mumurahing pabango. Halos manginig-nginig pa siya sa pinaghalong nerbiyos at kilig, iyon pala ay hindi man lamang nito hahawakan ni dulo ng kanyang kuko.

"What do you want to do?" tanong nito na nakaupo sa mahabang couch. Nakasandal ang likod nito sa backrest ng upuan at nakataas ang mga paa sa center table. Nakalantad a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER    Chapter 82 "at hospital"

    IS iT POSSIBLE for me to be discharged right away, Doc? Gusto kong sa bahay na lang ipagpapatuloy ang medication o di kaya sa clinic mo na lang, please? Pakiusap ni Luke sa personal niyang doctor na si Doc Zarah. Tatlong araw na itong namamalagi sa hospital at mismong si Zarah ang naging doctor nito. Pagkatapos ng madugong engkuwentro sa loob ng isla. Sa hospital na muling natagpuan ni Zarah ang binata pagkatapos siyang tawagan ni Briggs. Wala siyang ideya sa mga pangyayari. Gulong-gulo ang isip niya noong araw na yon dahil hindi niya inaasahan ang mga kaguluhang kinasasangkutan ng binata. Inooperahan niya sa balikat si Luke. May tama kasi ito ng bala sa parteng yon. Dagdag pa at nabagsakan pa ito ng lumang kisame sa naturang laboratoryo. Mabuti na lang at hindi naman napuruhan ang ulo ng binata, yon nga lang nawalan na kaagad ng malay. Marami ang naging katanungan sa isip niya kaya pinilit niya si Briggs na sabihin sa kanya ang mga nangyayari kay Luke from the past. Ayaw sana

  • Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER    Chapter 81 "Assault"

    LUKE "Hello, Cardo?" sagot ni Luke sa tawag ni Cardo. Madaling araw na nang magising siya sa sobrang ingay ng kanyang cellphone. Tulog pa si Zarah sa tabi niya. "Boss, may goodnews at badnews po." "What is it?" "Boss natagpuan na namin si Mrs. Buenaflor pero nakakatakas ang pinakapinuno ng grupo." "What?!" gulat siya sa narinig. Noong isang araw lang binalita ni Cardo sa kanya na nahuli na nga sana raw ang itinuring na pinakapinuno ng grupo na si Sergeant Edgardo Abanselo na kilala sa tawag na Boss Ed ngunit agad rin daw itong nakatakas at maging si Aldo na kaalyado nito ay nakatakas rin. Dating kasama ni Cardo sa Militarya si Edgardo Abanselo. At ito ang nagtraydor sa kaibigan upang iligwak si Cardo sa puwesto. Kaya naisipan ng huli na magreretiro ng maaga kesa patulan ang kahambogan ng dating kaibigan. Kasing-edad lamang ito ni Cardo at magkasabay ang dalawa nang pumasok sa PMA. Ngunit dahi sa galing ni Cardo kaya ito ang mas naunang umangat sa puwesto. Pero lingid sa

  • Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER    Chapter 80 "Love letter"

    MASAKIT ang katawan ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Napahimbing ang tulog niya kaya hindi niya namalayan ang oras. Lumabas na ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Marahan siyang bumangon at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Napahinga siya ng malalim. Muling sumasariwa sa kanyang isip ang mainit na tagpong kanilang pinagsasaluhan ni Luke kagabi. Kinapa niya ang katabing lugar na hinigaan ng binata. Wala na ito sa kanyang tabi, tila maaga itong umalis. Bigla siyang nakakaramdam ng lungkot sa naisip. Hindi man lang nito hinintay ang kanyang paggising. Pagkatapos ng nangyari sa kanila bigla na lang itong nawala na hindi man lang nagpaalam. 'Kainis!' maktol niya. 'Kailan ka lang natutong magsesenti ha?' reklamo ng kanyang kabilang isip. Eh, sino ba kasing hindi magsesenti eh kaytamis ng pinagsaluhan nila kagabi tapos bigla na lang itong aalis kinaumagahana o baka madaling araw pa yon umalis. Napasimangot tuloy siya. Nagmamaktol na bumaba siya sa kama at

  • Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER    Chapter 79 "Memorable night"

    TULUYAN nang nawala sa sariling katinuan si Zarah ng sandaling yon. Tila saglit na tumigil sa pag inog ang mundo niya nang tuluyang sakupin ni Luke ang nakaawang niyang mga labi. His lips touching hers with so much love and tender. When Luke was kissing her, she immediately felt a familiar heat that suddenly spread throughout her body. Nagsimulang haplusin nito ng marahan ang bisig niya paakyat sa batok while kissing her passionately. "Ara, I missed you so much. You have no idea how much I long for this to happen between us again." Luke said as they were in the midst of their kisses. Tila unti-unti na ring nalulunod si Zarah sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Hinila siya ni Luke sa loob ng bathtub na magkahinang parin ang kanilang mga labi. Ni hindi niya nararamdaman ang lamig na nagmumula sa tubig dahil masyado ng alipin ang kanyang sistema sa kakaibang init na nagsisimulang namumuo sa kanyang katawan. Init na tanging si Luke lamang ang may kakayahang makapagbibigay non

  • Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER    Chapter 78 "Co-parenting"

    "MAARI bang dito muna ako matutulog kahit ngayong gabi lang, Ara?" Tanong ni Luke sa kanya pagkatapos nilang maghapunan. Kakalabas lang nito mula sa kuwarto ng kanilang anak. Pinatulog muna nito si Leanne bago sila nag pasyang lumabas ng bahay upang makapag-usap. Mas pinili nilang sa labas mag-usap dahil baka magising si Leanne at maririnig nito ang kanilang pag uusapan. "That's what Leanne's asked for so who am I to stop it. I don't want to be the one opposing everything my child wants, Luke. And I also know that my daughter longs for our time, which is why I let it be." marahan ngunit may diin ang mga salitang binitawan niya. "Thank you," Mahinang tugon nito at bakas sa mukha ang kasiyahan sa kanyang sagot. "Ano nga pala ang gusto mong pag usapan natin?" tanong nito. Sinabi niya kasi kanina na may pag usapan sila kapag natulog na ang bata. "Nais ko sanang pag-uusapan ang tungkol kay Leanne. Hinahanap ka ng anak ko lalo na sa tuwing hindi ka makabisita kaya naisip kong ayu

  • Pursuing the BILLIONAIRE GARDENER    Chpater 77 "Kasalukuyan.........."

    ZARAH"DADDY!!" Masayang sigaw ni Leanne pagkakita nito sa ama sa may hamba ng pintuan. Dalawang linggo nang hindi ito napadalaw. Kaya labis ang pananabik ni Leanne na makita ang ama. Kahit halos araw-araw naman itong ka-usap ang ama sa phone. Pagkatapos ng mga nangyayari sa clinic. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Nakapagdesisyon siyang bumalik sa bahay at dito na matutulog sa gabi. Hindi niya alam kung bakit tila pakiramdam niya ay napapahiya siya sa sarili sa huling turan ni Luke. Na mas pinili niyang magpakalayo at umiwas dito kesa ang makasama ang anak niya. Ilang beses niyang pinag-isipan yon at aminado siyang tama nga ito. Kung bakit niya nagawa yon gayong wala namang ibang mas mahalaga sa kanya maliban sa kanyang anak. Kaya nga niya piniling umuwi sa bansa dahil nais niyang mabigyan ng sapat na oras ang kanyang anak, pero ano itong ginagawa niya. Nandahil lamang sa kakaiwas sa isang tao ay nagawa niya ring tikisin ang anak. Hindi niya ba kayang isaalang-alang ang sarili

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status