LOGIN"I love you, Luke?" "Hindi niyo alam ang sinabi niyo, ma'am!" "I'm old enough to know what I'm doing," gusto niyang isigaw iyon. "Why don't you want to believe?" Zarah Buenaflor ang dating anak-mayaman na walang ibang alam kundi ang mahalin ang kanilang hardinerong si Luke. That was six years ago. Noong langit at lupa pa ang pagitan nila. Ngunit sadyang bilog ang mundo at umiikot ang gulong ng kanilang kapalaran. Luke Guevarra was once a gardener who became to be a billionaire. Regardless of his wealth, he was inherently arrogant. "What have you done to your life, Zarah? You're playing the role of a whore!" asik ni Luke. "Wala kang pakialam!" "Pang-ilan na ba ako sa pinagregaluhan sa'yo?" "Hindi ko na mabilang!" Ang kauna- unahan nilang tagpo pagkatapos ng mahabang panahon. Ngunit bakit tila hanggang ngayon ay naroon parin ang familiar na tibok ng kanyang puso? Hindi pa ba sapat ang katagalang iyon upang tuluyan na itong mawalay sa kanyang sistema? Paano kung sa isang araw ay bibilhin siya nito sa isang napakalaking halaga? Papayag ba siya o tuluyan niya na itong iwasan at kalimutan? At paano niya ipaglaban ang sarili kung gayong nakatatak na sa isip nito, na siya ay isang mababang uri na babae? Tunghayan ang masalimuot na kuwento sa buhay nina Luke and Zarah. How their lives being twisted in a cruel twist of fate.
View MoreIS iT POSSIBLE for me to be discharged right away, Doc? Gusto kong sa bahay na lang ipagpapatuloy ang medication o di kaya sa clinic mo na lang, please? Pakiusap ni Luke sa personal niyang doctor na si Doc Zarah. Tatlong araw na itong namamalagi sa hospital at mismong si Zarah ang naging doctor nito. Pagkatapos ng madugong engkuwentro sa loob ng isla. Sa hospital na muling natagpuan ni Zarah ang binata pagkatapos siyang tawagan ni Briggs. Wala siyang ideya sa mga pangyayari. Gulong-gulo ang isip niya noong araw na yon dahil hindi niya inaasahan ang mga kaguluhang kinasasangkutan ng binata. Inooperahan niya sa balikat si Luke. May tama kasi ito ng bala sa parteng yon. Dagdag pa at nabagsakan pa ito ng lumang kisame sa naturang laboratoryo. Mabuti na lang at hindi naman napuruhan ang ulo ng binata, yon nga lang nawalan na kaagad ng malay. Marami ang naging katanungan sa isip niya kaya pinilit niya si Briggs na sabihin sa kanya ang mga nangyayari kay Luke from the past. Ayaw sana
LUKE "Hello, Cardo?" sagot ni Luke sa tawag ni Cardo. Madaling araw na nang magising siya sa sobrang ingay ng kanyang cellphone. Tulog pa si Zarah sa tabi niya. "Boss, may goodnews at badnews po." "What is it?" "Boss natagpuan na namin si Mrs. Buenaflor pero nakakatakas ang pinakapinuno ng grupo." "What?!" gulat siya sa narinig. Noong isang araw lang binalita ni Cardo sa kanya na nahuli na nga sana raw ang itinuring na pinakapinuno ng grupo na si Sergeant Edgardo Abanselo na kilala sa tawag na Boss Ed ngunit agad rin daw itong nakatakas at maging si Aldo na kaalyado nito ay nakatakas rin. Dating kasama ni Cardo sa Militarya si Edgardo Abanselo. At ito ang nagtraydor sa kaibigan upang iligwak si Cardo sa puwesto. Kaya naisipan ng huli na magreretiro ng maaga kesa patulan ang kahambogan ng dating kaibigan. Kasing-edad lamang ito ni Cardo at magkasabay ang dalawa nang pumasok sa PMA. Ngunit dahi sa galing ni Cardo kaya ito ang mas naunang umangat sa puwesto. Pero lingid sa
MASAKIT ang katawan ni Zarah nang gumising ng umagang iyon. Napahimbing ang tulog niya kaya hindi niya namalayan ang oras. Lumabas na ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Marahan siyang bumangon at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Napahinga siya ng malalim. Muling sumasariwa sa kanyang isip ang mainit na tagpong kanilang pinagsasaluhan ni Luke kagabi. Kinapa niya ang katabing lugar na hinigaan ng binata. Wala na ito sa kanyang tabi, tila maaga itong umalis. Bigla siyang nakakaramdam ng lungkot sa naisip. Hindi man lang nito hinintay ang kanyang paggising. Pagkatapos ng nangyari sa kanila bigla na lang itong nawala na hindi man lang nagpaalam. 'Kainis!' maktol niya. 'Kailan ka lang natutong magsesenti ha?' reklamo ng kanyang kabilang isip. Eh, sino ba kasing hindi magsesenti eh kaytamis ng pinagsaluhan nila kagabi tapos bigla na lang itong aalis kinaumagahana o baka madaling araw pa yon umalis. Napasimangot tuloy siya. Nagmamaktol na bumaba siya sa kama at
TULUYAN nang nawala sa sariling katinuan si Zarah ng sandaling yon. Tila saglit na tumigil sa pag inog ang mundo niya nang tuluyang sakupin ni Luke ang nakaawang niyang mga labi. His lips touching hers with so much love and tender. When Luke was kissing her, she immediately felt a familiar heat that suddenly spread throughout her body. Nagsimulang haplusin nito ng marahan ang bisig niya paakyat sa batok while kissing her passionately. "Ara, I missed you so much. You have no idea how much I long for this to happen between us again." Luke said as they were in the midst of their kisses. Tila unti-unti na ring nalulunod si Zarah sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Hinila siya ni Luke sa loob ng bathtub na magkahinang parin ang kanilang mga labi. Ni hindi niya nararamdaman ang lamig na nagmumula sa tubig dahil masyado ng alipin ang kanyang sistema sa kakaibang init na nagsisimulang namumuo sa kanyang katawan. Init na tanging si Luke lamang ang may kakayahang makapagbibigay non
"MOMMY where have you been? Kanina ka pa namin hinanap ni Daddy," salubong agad ni Leanne sa kanya pagkababa niya sa hagdan. Mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. "Oh baby! hinanap ka rin ni mommy. Saan ka ba nagpunta ha?" kabado pa ring tanong niya. Tumingin naman si Leanne kay Lander na tila
"WHAT! Nakita ka ni Luke?" gulat si Lander pagkatapos isalaysay ni Zarah ang aksidenting pagkikita nila ni Luke sa loob ng Mall. "At saka yong stalker mo parang sinusundan rin ako. Buti na lang nailigaw ko siya ulit." dagdag niya pa. "What stalker?" kunot-noo nitong tanong. "Yong kotseng bumuntot
PAUBOS na ang stocks nila sa kusina kaya pagkagaling ni Zarah sa hospital dumaan muna siya sa grocery store sa loob ng Mall. Namimili rin siya ng mga personal na mga gamit. Pati na ang mga toiletries at iba pang gamit panglinis. Hindi rin niya pinalagpas na dumaan sa pasta section. Ibat-ibang klasen
MAPUTING kisame ang nakita ni Zarah sa kanyang pagmulat. Ramdam niya ang pamimigat ng kanyang katawan. Bumaling siya sa kaliwang bahagi ng kamang kanyang hinigaan. Nakita niya ang tila isang litrong likido na nakabalot sa puting plastic, dextrose yon. So ibig sabihin nasa hospital siya. Sino kaya an






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews