Hi everyone! Kung umabot ka sa parteng ito, sobrang salamat for supporting this book. Kung nais mo pang patuloy na makapagbasa mula sa librong ito, maaring mag-suggest ka kung anong next na storya ang nais mong mabasa 👀❤️ Kung mapili ang suggestion mo, I’ll dedicate that story for you. Habang naghihintay ng update, mangyaring suportahan din ang aking ibang akda, [THE BILLIONAIRE’S TEMPORARY WIFE] & [MR. HOTTIE DOC, PATUSOK!]. Muli, maraming salamat sa pagtangkilik ng aking mga lathala. Asahan niyong lagi akong magsusulat para sa inyo! 💕
Malamig ang hangin nang lumabas si Elle mula sa opisina. Ito na ang huling beses na tatahakin niya ang hallway na ito. Matagal niyang pinag-isipan ang desisyong ito, pero sa huli, alam niyang ito lang ang tamang gawin. Hindi niya kayang manatili sa kumpanyang ito kung araw-araw ay makikita niya si Noah at kung patuloy siyang maaakit sa isang lalaking hindi niya kailanman maaaring mahalin.Bitbit ang kahon ng kanyang gamit, naglakad siya papunta sa elevator. Wala siyang balak magpaalam kay Noah. Wala siyang balak ipaalam dito na siya mismo ang sumusuko.Ngunit hindi siya nakalayo.Mabilis na sumulpot si Noah sa harapan niya, hinarangan ang dadaanan niya. Nakasuot pa ito ng itim na dress shirt, bahagyang nakabukas ang ilang butones sa may leeg. Mukhang kakarating lang nito mula sa meeting pero sa ekspresyon nitong puno ng emosyon, alam niyang hindi iyon ang dahilan ng pagmamadali nito.“Elle,” malamig pero nanginginig ang boses nito. “Anong ibig sabihin nito?”Hindi siya sumagot. Lalo ni
Habang lumilipas ang mga linggo, hindi maitatangging nagiging mas possessive si Noah.Nagsimula ito sa maliliit na bagay. Halatang-halata kasi ang mga matatalim na titig nito sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya o kaya naman ay bigla na lang siyang hihilahin palayo sa isang usapan para lang mapag-isa sila.Pero nang makita niya itong halos magalit nang may kasamahan silang nag-ayang lumabas siya para mag-dinner, alam niyang lumalampas na sa boundary nila si Noah.“Hindi mo kailangang sumama sa kanya,” malamig na sabi nito habang nakasandal sa desk niya, nakatitig sa kanya.Napailing si Elle, pilit na pinapanatili ang kontrol sa sarili. “Noah, kasamahan natin siya sa trabaho. Wala kang karapatan na pakialaman kung sino ang gusto kong makasama.”Bahagyang tumingala si Noah, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ah, gano’n?”Tumayo ito, lumapit sa kanya, hanggang sa halos magdikit ang kanilang katawan.“Hindi kita pag-aari, Elle,” bulong nito at mariing hinawakan ang ka
Hinila niya ang kuwelyo ni Noah at siniil ito ng halik. Saglit lang siyang nagpatumpik-tumpik pero nang maramdaman niya ang labi at dila nitong gumalaw rin ay lalo siyang nadarang. Mabilis siyang isinandal ni Noah sa pinto ng kotse habang ang kamay nito bumalot sa baywang niya para ihapit siya palapit. Ramdam niya ang tigas ng katawan nito at ang init na tila lumalabas sa damit nila.Mabilis na binuksan ni Noah ang pinto at bago pa siya makapagtanong, iginiya siya nito papasok.Nang makapasok sila sa loob ng kotse ay hindi na talaga nila kayang pigilan. Hindi na nila kayang magpanggap.Hinila siya ni Noah paupo sa kandungan nito habang kamay niya mahigpit na nakahawak sa bewang ni Elle. “Tingnan natin kung kaya mo pa akong artehan ngayon. Hirap na hirap akong di mo ko pinapansin.”Napasinghap si Elle nang maramdaman ang maiinit na labi ni Noah na gumapang sa kanyang panga, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa kanyang collarbone. “Noah…” Hindi niya alam kung pagtutol o pag-halinghing
Dumating ang isang malaking company event sa isang hotel. Parehong dumalo sina Elle at Noah, parehong alam na ang promosyon ay halos abot-kamay na. Walang humpay ang pagpapakitang-gilas nila sa mga boss na nandoon lalo na’t parehas naman silang magaling sa pakikisalamuha. Busyng- busy sila na dalhin ang kani-kanilang mga bangko.Pero kahit anong gawin nila, hindi nila kayang hindi magkasalubong.Magkasamang nakatayo sina Elle at isang senior executive nang lumapit si Noah na may hawak na inumin.“Sir, gusto niyo po bang marinig ang opinyon ko tungkol sa project natin?” sabi ni Noah habang nakatingin sa kausap ni Elle.Nagpanting ang tenga ni Elle. Mabilis niyang inexcuse ang kanyang sarili bago hinila si Noah papalayo doon. Nakakainis na dahil nanlalamang ito! “Ano ba! Oras ko yun ng pakikipag-usap eh! Takot na takot ka ba na malaman nilang kaya kitang talunin sa kahit anong laban?”Bahagyang lumapit si Noah at bumaba ang boses. “Mas gusto mo ba kung ibang klase ng laban ang subukan
“Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Noah habang nakasandal sa pinto at nakatiklop ang mga braso. Ang suot nitong puting polo ay bahagyang nakabukas ang itaas na butones at kahit ayaw niyang aminin, hindi niya maiwasang mapansin kung gaano ito ka-distracting tingnan.“Dami pang kailangang tapusin,” sagot niya, hindi tumitingin. “Baka gusto mong sabay na tayong umuwi,” ani Noah hbang lumalapit nang dahan-dahan. “Alam mo namang delikado na kapag gabi. Baka may magtangka pang masama sa’yo.”Ano?! Tama ba ng narinig si Elle?! Si Noah, inalok sya na sabay na silang uuwi?!Napataas ang kilay ni Elle at sa wakas ay tumingin sa kanya. “Ikaw siguro ang may balak.”Napangisi si Noah. “Ako ang huling kasama mo, kargo ko pa pag may nangyari sayo. Tsaka ano bang balak ang sa tingin mo mayron ako sayo? Hmm?”Tumaas ang temperatura sa loob ng silid. Lalong bumibigat ang tensyon sa pagitan nila. Ilang hakbang na lang at halos magkalapit na ang kanilang mga katawan. Naririnig ni Elle ang sariling paghinga a
Mainit ang panahon nang pumasok si Elle sa opisina. Ang suot niyang fitted white blouse at high-waist pencil skirt ay lalong nagpatingkad sa kanyang mataray na aura. Rinig na rinig ang takong niya habang naglalakad siya. Ngumiti lang siya nang makita ang mga ulong napapasunod niya sa bawat hakbang niya.Hmmm. Mukhang magiging maganda ang araw ko.Ngunit sa kanyang pag-upo sa desk, isang pamilyar na boses ang sumira sa kanyang umaga.“Maaga ka yata ngayon, Elle.”Napakurap siya at dahan-dahang inangat ang tingin. Nasa tapat ng cubicle niya si Noah na nakasandal sa gilid, nakataas ang isang kilay, at may pilyong ngiti sa labi. Naka-roll up ang manggas ng navy blue dress shirt nito na kaya naman lalong naging obvious ang matikas nitong bisig.“At ikaw, late ka pa rin gaya ng dati,” mataray niyang sagot. “Paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang dumating sa oras?”“At paano ka mapo-promote kung hindi mo kayang pakisamahan ang mga katrabaho mo?” ganting sagot ni Noah habang lumalapit pa