Chapter 62Malamig ang simoy ng hangin sa baybayin ng Southern France. Tahimik ang gabi, tila walang panganib, ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay isang napakalalim na operasyon ang binubuo. Isang misyon na maaaring magligtas—o magwasak—ng isang pamilya.Nasa loob ng tactical van na nakaparada malapit sa kagubatan si Richel Hermano, naka-itim na combat gear, suot ang earpiece, at tangan ang mapa ng buong estate kung saan ikinukubli si Lizzy. Sa likod niya, nakatayo si Rafa, ang kanyang dating kaibigan at elite operative, habang nagsusuri ng drone feed ang dalawa pang tech specialists. Sa isang monitor, makikita ang infrared movements ng mga bantay, ang layout ng mansion, at ang lokasyon ni Lizzy—isang maliit na kwarto sa ikalawang palapag, may kasamang babaeng tila nurse.Nakaupo sa kabilang dulo ng van si Justine, mahigpit ang hawak sa headset, habang nanginginig ang kamay. Bagama’t hindi siya kasama sa mismong assault team, siya ang “eyes and ears” mula sa command board, dahil s
Chapter 61Dahil sa pagbabalik ng alaala ni Richel, malaki ang pinagbago nito, kung noon natatakot sya na baka kapag bumalik ang alaala ng lalaki, muli sya nitong tatalikuran ngunit pinatunayan lang ng lalaki na nagkamali eto ng hayaan syang umalis noon. Ngunit meron pa silang kailangan harapin para tuluyang maging buo ang kanilang pamilya- ang paghahanap kay Lizzy.Sa loob ng pribadong silid ni Richel sa rest house, nagsimula na ang isang bagong digmaan—hindi ng damdamin, kundi ng estratehiya.Wala na ang Richel na tuliro, naguguluhan, at walang direksyon. Ang lalaking nakaupo ngayon sa harap ng mga papel, laptop, at secure na linya ng komunikasyon ay ang Richel Hermano na minsan nang kinatakutan sa corporate world—matalino, mapanlikha, at kung kailan kinakailangan- walang awa.Nasa likod niya si Justine, tahimik ngunit palaging nakabantay, ramdam ang tensyon sa bawat galaw ng lalaki. Hindi niya kailanman nakita si Richel sa ganitong anyo—nakasuot ng itim na t-shirt, naka-headset, se
Chapter 60 TAGAYTAY RESTHOUSEGABISa hardin ng rest house, nakaupo si Justine sa kahoy na duyan, tahimik na pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan habang nilalaro ng malamig na hangin ang kanyang buhok. Minsan, sinasayad niya ang paa sa damuhan, at sa bawat paghinga, sinusubukan niyang takpan ang bigat ng damdamin.Nasa kwarto si Gabriel, mahimbing na natutulog, habang siya ay pansamantalang nagpapahinga rin—hindi ng katawan, kundi ng puso. Sapagkat sa bawat oras na lumilipas, patuloy ang laban ng kanyang damdamin sa alaala ni Richel.Hanggang sa marinig niya ang mabigat ngunit pamilyar na yapak ng lalaking minsang bumuo, at muli ring bumasag sa kanyang mundo.Paglingon niya, naroon si Richel—nakatayo sa ilang hakbang mula sa kanya. Halata sa mukha nito ang bigat, ang pagkalito, at ang lungkot na tila ba matagal nang ikinukubli.Agad siyang tumayo. Hindi niya alam kung bakit, pero parang mas kailangan sya nito.“Richel… kumusta ang lakad mo?” mahinang tanong ni Justine, nangingini
Chapter 59Madilim ang paligid. Parang isang pelikula sa isipan ni Richel ang bawat tagpong unti-unting muling bumabalik. Hindi niya maintindihan kung paano nagsimula, ngunit sa bawat pintig ng puso niya ay may sumisigaw na sakit—isang sakit na galing sa malalim na nakaraan.Nasa loob siya ng lumang silid ni Donya Litecia, kung saan natagpuan nila ni Rafa ang mga lumang files—mga dokumentong itinago, litrato nila ni Justine noong magkasama pa, pati ang marriage certificate na hindi nya maunawaan kung bakit meron noon ang kanyang ina. At doon, parang bomba sa kanyang isipan, bigla na lang dumaloy ang isang rumaragasang alaala.“Rich, sige na kahit sandali kausapin mo naman ako!” Nakikita niya si Justine, nakatayo sa labas ng kanyang sasakyan, halos magmakaawa habang lumuluha.“Pwede ba, kelan mo ba ako titigilan? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?" Ang tinig niya noon—matigas, malamig, at walang pakiramdam. Kababa pa lang niya sa sasakyan noon, suot ang mamahaling suit, ngunit tila
Chapter 58TAGAYTAY RESTHOUSEMadaling araw. Walang katao-tao sa labas maliban sa malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa mga bintana. Tahimik ang paligid—ngunit hindi ang puso ni Richel.Nakatayo siya sa tapat ng silid kung saan natutulog si Justine at si Gabriel. Bitbit niya ang isang envelope—mga dokumentong hawak ni Lemar bago ito muling dukutin. Isang sulyap sa papel sapat na para muling gumulo ang damdamin niya.Maingat niyang binuksan ang pinto. Sa isang sulok, nakahiga si Gabriel, payapang natutulog, yakap ang paboritong stuffed toy. Si Justine, nakaupo sa sofa, hawak ang mainit na tsokolate habang tila malalim ang iniisip."Richel?" mahinang tawag ni Justine, na agad napatingin sa kanya ng maramdamang bumukas ang pinto ng silid.Umupo siya sa tabi nito. Wala siyang imik. Bago dahan-dahang inabot ang envelope na hawak“What's this?” tanong ni Justine, kita ang pangamba sa mga mata.“Galing kay Lemar. Natagpuan ito sa mga gamit niya bago siya mawala… Mababago nito ang laha
Chapter 57Sa gilid ng kagubatan malapit sa boundary ng Batangas at Cavite. Madilim. Malamig. Sa isang lumang private compound, lihim na pinasok nina Richel at Rafa ang lugar kung saan sinasabing dinala si Doña Litecia at Lemar. Habang dahan-dahang sumusulong si Rafa, pinipilit ni Richel ang sarili na manatiling kalmado, kahit pa ang puso niya ay punung-puno ng kaba at galit. Hindi niya kayang isiping maaaring masaktan ang inang matagal niyang inakala'y kakampi."This place is crawling with guards. Siguradong may big fish dito," bulong ni Rafa habang tumitingin sa night-vision binoculars."Siguraduhin nating mailigtas sila, Rafa. Gagawin ko ang lahat para makuha ko ang mga sagot."Sa kabilang bahagi ng compound, sa loob ng isang kwarto na tila selda, naroroon si Doña Litecia at Lemar, parehong may posas at pagod na. Hindi alam ni Doña Litecia kung gaano na katagal siyang naroon, ngunit alam niyang ang oras ay lumiliit na."Lemar," mahina niyang sabi. "Kapag may pagkakataon ka, tumakas