Share

Chapter 20

KINABUKASAN, nagpumilit ako kay Tita. Gustong-gusto ko nang pumasok dahil baka may ma-miss akong subjects, baka mahirapan ako makahabol. Noong una ay ayaw niya pero sa paglalambing ko'y pumayag din naman. 

Sinundo ako ni Onyx. Nasalubong pa nga namin si Angelo na balak din pala akong sunduin. Ang sabi ko na lamang ay si Sheena ang isakay para hindi masayang ang pagod niya pagmamaneho papunta sa amin. Pero ayaw niya pumayag kaya hindi ko na pinilit. 

"Hindi ka pumunta sa bahay," imik ko kay Onyx habang bumibiyahe kami papuntang school. 

"Ha? Totoo ba 'to o nananaginip lang ako?" natatawang tanong ni Onyx. 

"Anong pinagsasasabi mo diyan?" 

"Ba't parang nagiging clingy ka na ulit sa akin?" 

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Umirap pa ako bago ibinuka ang bibig. "Kalimutan mo na nga lang. Mas mabuti ngang hindi ka nagpunta para hindi ka nakapanggulo doon." 

Malulutong na tawa ang narinig ko kay On

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status