Share

Chapter 23

"AKALA ko ba may lakad ka ngayon, Angelo?" tanong ni Jelay kay Angelo habang nakaupo kami sa sofa. 

Halos pahiga na ang pwesto ng pagkakaupo ni Angelo sa sofa habang nanonood ng TV. "Hindi na, tinamad na ako." 

Hindi ako makaimik. Maski si Onyx ay tahimik lang din sa gilid habang pinagmamasdan ang buong mansion. 

"Ba't nandito iyan?" tanong ni Angelo saka tinuro si Onyx. 

"Anong problema mo?" Nagsalubong ang kilay ni Onyx sa tanong niyang iyon. Napahawak ako sa braso nito at saka ko siya pinanlakihan ng mga mata. Magsisimula na naman, eh. Baka mamaya mag-away na naman sila nang wala namang katuturan. 

"Inimbitahan ko sila rito, Angelo. You have a problem with that?" 

"Wala naman, ate. Sana si Rose na lang ang dinala mo rito, sinama mo pa iyang asungot na iyan." Ngumiwi si Angelo at saka kumuha ng popcorn at walang gana iyong sinubo. 

"Mas mabuting nandito ako para mabantayan ko si Rosanne mula sa iyo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status