Share

Chapter 7

Author: Gray
last update Last Updated: 2021-09-30 07:12:16

"ALAS-DIYES na ah, bakit ngayon lang kayo dumating?! Nalimutan niyo na bang may curfew kayo?!"

Napatungo na lamang ako sa tanong na iyon ni Tita. Tiningnan ko si Sheena at agad na tinapik nang makitang mukhang wala itong pakialam. Animo'y may sarili itong mundo. Hawak nito ang labi habang panay ang ngiti.

"Nakikinig ka ba, Sheena?!" Kahit itinanong na iyon ni Tita nang mas malakas ay hindi pa rin nagbago ang hitsura nito.

Napaawang na lamang ang bibig ko nang batukan ni Tita si Sheena. Agad naman itong nanumbalik sa katinuan.

"Aray ko naman, ma! Kapag ako na-bobo huwag kayong magrereklamo sa mababa kong grades."

"Hindi ang pambabatok ko ang magpapababa sa grades mo kundi iyang kalalakwatsa mo!"

Hindi na umimik pa si Sheena. Ngumuso na lamang ito habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo. Alam niyang kahit gaano siya kadaldal ay wala pa rin siyang panama sa tunay ng reyna ng bahay na ito.

"Pasensya na po, Tita. Hindi na po mauulit." Tumungo ako, handa na sa mga paninigaw nito.

"Siya sige, ika'y pumanhik na sa kwarto mo. Itong si Sheena ay paghuhugasin ko muna ng plato bago matulog." Napatango na lamang ako at agad na sinunod ito. Umakyat ako ng hagdan. Kapagkuwa'y sinilip ko pa si Sheena na mukhang iiyak na.

"Bakit ako ang maghuhugas? Hindi naman ako kumain, ah. At saka ako ang nagluto ng kanin—" Napatakip sa bibig niya ito. Tss. Sarili lang pala niya ang magpapahamak sa kaniya. Bahala siya diyan.

"Kaya pala nagtataka ako dahil hindi pa kailanman nagkamali sa pagluluto si Rose. Ikaw naman pala ang salarin! Ginamit mo pa ang kapatid mo para pagtakpan ka!" Agad nitong piningot si Sheena.

"O-ouch! My precious ear, mother dear!"

Napailing na lamang ako. Para talagang bata ang ugali ng kapatid kong 'yun. Debut na niya next week pero ganiyan pa rin siya kung umasta. Akala mo ay elementary student kung magreklamo.

Nang makarating sa kwarto ay agad akong nahiga. Pero napabalikwas ako ng bangon nang maalala kong may mga assignment pa nga pala akong hindi pa nagagawa.

Agad kong kinuha ang bag ko at binunot doon ang mga notebook. Sa katangahan ko ay may mga notebook pang nalaglag mula sa bag papunta sa sahig. Irita kong pinagpupulot ang mga iyon.

Onyx Villaverde loves Rosanne Oliveros

Nang mabasa iyon mula sa nalaglag na papel sa notebook ay bigla akong natigilan. Sari-saring ala-ala ang pumasok sa isip ko dahilan para kunin ko ang papel at punitin.

Nakakasira ng gabi, tss.

KINABUKASAN habang nag-aabang ng traysikel ay nagulat kami ni Sheena nang may kotseng pumarada sa harap namin.

"Sakay na kayo!" Ikinagulat naming dalawa ang paglabas ni Angelo sa kotse.

Sa pagkakaalala ko ay hindi ito 'yung kotse niyang ginamit kagabi. Mas maganda ito design-wise kumpara sa sinakyan namin kahapon. Kulay black ito na akala mo ay singdilim ng malalim na gabi.

"Hala, true ba? OMG! Let's go na sister girl, may libre na tayong sakay ngayong umaga!"

Hindi ako nagpahila sa kapatid ko dahilan para tingnan niya ako nang may halong pagtataka. "Tara na, baka ma-late tayo."

"Sakay ka na, Rose," aya sa akin ni Angelo.

Peke ko siyang nginitian. "Huwag na, kayo na lang. Salamat na lang sa imbitasyon."

Hindi na ako pinilit pa ng dalawa. Agad na sumakay si Sheena at agad ding umandar ang kotse palayo. Naiwan tuloy akong nag-iisa rito sa waiting shed.

Nice, Rosanne! Napakahusay mo! Ipagdasal mo na lang na may dumating agad na traysikel kundi ay mali-late ka.

Napairap ako sa kawalan. Okay na rin ang gan'to kaysa makasama sa isang sasakyan ang dalawang iyon. Baka lang masira ang araw ko sa ka-corny'han nilang dalawa.

Ilang minuto na akong naghihintay pero mukhang wala nang dadaang traysikel. Napabuntong hininga ako saka tumingin sa relo. Tss. Anong oras na, oh.

Napagdesisyunan kong maglakad na lang kesa maghintay sa wala. Bakit kasi ngayon pa nawalan ng traysikel dito? Umagang umaga minamalas ako.

Napabuntong hininga ako saka sinimulan ang paglalakad. Ilang beses din akong nagpalinga-linga para maghanap pa rin ng pwedeng masakyan. On a second thought, dapat pala nakisakay na lang ako kila Sheena. Nakakainis.

Sa paglilinga-linga ko at pagtingin sa kaliwa't kanan ay nagulat ako nang may makitang grupo ng tao. Medyo malayo pa sila sa pwesto ko kaya hindi pa nila ako napapansin. Agad naman akong nagtago.

Bakit kailangan ko pa talaga silang makita ngayon? Sumilip ako sa kinapupuwestuhan nila kanina pero ikinagulat ko nang makitang wala sila roon.

Ngunit nang ibaling ko ang ulo sa kabilang gilid ko ay nagulat ako nang makita roon ang grupo nila. Napaawang ang mga labi ko.

"Long time no see, Rosanne." Ngumisi ang lalaki saka lumapit sa akin. Inakbayan ako nito pero agad akong nagkumawala.

"Bakit lumipat ka na ng school? Dahil ba kay Onyx?" Nagtawanan silang lahat. Napakuyom na lamang ang kamao ko.

Isa-isa kong tiningnan ang apat na lalaki. Mukha silang mga estudyanteng sinasabi lang sa mga magulang na pumapasok sila pero ang totoo ay sa bilyaran lang naman ang diretso.

"Bakit naman ganiyan ang hitsura mo? Galit ka ba, baby girl?" Nagsitawanan sila. Pinilit kong huwag pairalin ang emosyon. Oras na paganahin ko ang galit ay paniguradong may mangyayaring wala sa kontrol ko.

"Miss ka na raw ni Onyx, miss na raw niya ang baby girl niya." Lalong lumakas ang tawanan nila.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka nagsimula na sa paglalakad. Pero hindi pa man lamang ako nakakahakbang ng dalawa ay hawak na ako sa braso ng isa.

"Bakit ba parang nagmamadali ka? Gusto ka pa naming makausap."

Agad kong hinila pabalik ang braso ko. Blangko ang ekspresyon ko silang tiningnan. Ang mga nakakuyom kong kamao ay pinigilan ko ang panginginig.

"Kalma ka lang, mamaya baka dumating si Onyx. Baka magkaroon kayo sakali ng comeback." Nagsitawanan ulit sila pero walang nakakatawa sa kung anuman ang pinagsasabi nila. Nakakasuka pwede pa.

Maglalakad na sana ako ulit pero hinawakan na naman ako sa braso ng isa. "Bitawan niyo ako," walang emosyon kong sabi.

"Bakit, papalag ka sa amin? Matapang ka talagang babae ka, ah."

"Noon pa man ay matapang na iyang pangit na iyan, akala mo naman ay kaya tayong patumbahin."

Patuloy kong hinila ang braso ko pero mukhang walang balak bumitaw ang isa sa kanila. Talagang sinusubukan nila ang pasensya ko.

"Bitawan niyo siya." Umalingawngaw ang boses na iyon sa eskinitang kinaroroonan namin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 50 [ Last Chapter ]

    ANGELO'S POV NAPADAING ako nang makaramdam ng sakit ng ulo paggising. Ikinagulat ko nang makarinig ng ingay mula sa mga taong kasama. Tumayo ako sa kamang kinahihigaan saka nagpalinga-linga. Ano ang dahilan at nag-iingay sila nang ganito kaaga? Dahan-dahan akong humakbang sa sahig na yari sa kawayan at saka binuksan ang pintong gawa din sa kawayan. Bumungad sa akin ang mga kasamahan naming kaniya-kaniya ang paroo't parito. May tumatawag sa telepono at mayroon din namang panay ang pakikipagtalo sa isa pa. Napakagulo nila kaya taka ko silang pinakatitigan. "Anong nangyayari?" pupungas-pungas kong tanong. Saka lamang nila ako napansin nang sabihin ko iyon. Kitang-kita sa mukha nila ang pag-aalala. Lalong-lalo na sila Mr. and Mrs. Escara. "Nawawala si Rose," si Mama na ang sumagot sa tanong kong iyon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang marinig iyon? Nawawala? Tek

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 49

    "SAAN kayo papunta?" tanong ni Jelay nang makita kami ni Angelo'ng magkasama.Napatingin kami ni Angelo sa isa't isa. Napakamot sa batok niya si Angelo at saka nginiwian ang ate niya. "Bakit mo tinatanong?""Wala. Bakit, masama bang magtanong?""Wala ka na do'n, ate."Hinampas siya sa braso ni Jelay kaya agad naman siyang humaplos sa parteng iyon. "Bakit ba?!""Sasama ako." Nagpa-cute pa si Jelay matapos iyong sabihin. Akma pa nitong yayakapin ang kapatid pero winaksi lang siya ni Angelo."Ate, hindi ka pwede sumama. Baka manggulo ka lang sa amin. May mga kasama ka namang mga lalaki diyan, ba't nanggugulo ka sa 'min ngayon?'"Nanggugulo agad? Nagtatanong lang naman ako!" Ngumuso ito na animo'y batang nagmamaktol. Tinawanan lang naman siya ni Angelo. Wala nang nagawa si Jelay kundi hayaan na lamang kaming umalis. Ayaw kasi magpatalo nitong isa, e.Wala sa aming umiimik ni Angelo habang naglalakad sa pampang. Maski ako ay wala ri

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 48

    "A-ANGELO?" hindi makapaniwalang bulong ko nang makitang tanggalin ng lalaking nakaitim ang bonnet na suot. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang mga labi nang makita ang pagkakangisi ni Angelo sa akin."HA!" Hingal na hingal akong napabangon sa kaninang pagkakahiga. Pulos butil ng pawis sa noo ko't dibdib. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid habang ako'y hingal na hingal pa rin.Nang mapagtantong wala na ako sa panaginip at gising na'y saka ako napapikit at napahinga nang maluwag. Ikatlong beses ko nang napanaginipan iyon. At ngayong ikatlong pagkakataon ko nakita kung sino ang nasa likod ng lalaking iyon na nakaitim.Hindi ako makapaniwala.Si Angelo?Alam kong hindi niya iyon magagawa sa akin. Alam kong hindi niya ako kayang saktan. Hindi ko talaga maisip kung paanong nangyaring si Angelo ang pumatay sa akin sa panaginip kong iyon. It doesn't make sense. Hindi niya iyon kayang gawin sa akin. Hinding-hindi!Ngunit ano kaya ang ib

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 47

    NANG imulat ko ang mga mata ko ay laking gulat ko nang mapagmasdan ang lugar na hindi naman sa akin pamilyar. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Sobrang sakit pa ng ulo ko kaya nahirapan akong umupo mula sa kaninang pagkakahiga.Nasa isang kubo ako na maliit at walang kagamit-gamit bukod sa kamang hinihigaan ko. Pero nang tingnan ko sa sahig na yari sa kawayan ay nakalapag doon ang sari-saring mga bag. Iyon 'yung mga bag namin, kung 'di ako nagkakamali. Nakarating na kami sa resort? Marahil nga siguro.Abala pa ako sa pagmamasid nang bigla-biglang bumukas ang pintuang kawayan na nasa harap ko lang din. Iniluwa nito ang gulat na si Angelo. Pinakatitigan pa ako nito habang nakaawang ang mga labi. Nang matauhan ay agad itong lumapit sa akin. "A-Anong pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.Dahan-dahan naman akong umiling bilang sagot sa huling katanungan niya.Bumuntonghininga naman siya at tumabi sa kin

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 46

    NAPATAKBO ako sa dalawang taong nakita ko sa pinto ng mansion nila Angelo. Hindi ko na napigilang mapahagulgol matapos silang makilala."Alesia, we miss you, anak." Hinaplos ni Mommy ang likod ko. Pati buhok at likod ng ulo ko ay hinagod niya saka niya ako binigyan ng halik sa tuktok ng ulo."We are happy you are safe. Please, lagi kang makinig sa amin. We only want what's best for you," si Daddy. Bumaling naman ako rito at agad na yumakap.Nagyakap kaming tatlo. Animo'y kami lang ang nandoon at hindi alintana na may mga nanonood sa amin, ang pamilya Francisco. Hinaplos nilang dalawa ang pisngi ko habang ako ay nagpipigil pa rin ng luha. "Na-miss ko po kayo.""Mas na-miss namin ang nag-iisa naming anak. We want to apologize for hiding the truth. Alam kong deserve mo na malaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao pero kinain ako ng takot. I was so afraid that you'll leave us once na malaman mo ang totoo na hindi ka namin tunay na anak. Natatakot kaming ipaala

  • ROSE BEHIND THOSE LETTERS   Chapter 45

    NAGLAGLAG ako ng mga bulaklak sa bumababang kabaong ni Nanay. Inayos ko pa ang shades na suot at saka bumalik sa kaninang kinauupuan. Nang makabalik ay hinawakan ako sa balikat ni Onyx. Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng pilit.Kaunti lang ang dumalo sa libing ngayon ni Nanay. Ayon na rin iyon sa hiling ko. Gusto ko sana ay tahimik lang at talagang mga close lang ng pamilya namin ang makikita ko. Hindi ko rin kasi gusto pang makipag-usap kung kani-kanino ngayon."Ang sabi ng mga pulis ay nakasara daw ang pinto ng kwarto ni Tita Hyacinth. Naka-lock daw iyon kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makalabas si Tita. Sa bintana nila nakita ang katawan nito, mukhang nagpipilit na lumabas mula roon."Nagsipagtuluan ang mga luha ko nang marinig iyon mula kay Angelo. Lumapit sa akin si Jelay at pinisil pa ang kamay ko. Napatingin ako dito at saka nagpasalamat sa pagdalo. Mabuti na lamang at may mga tulad nila na handang damayan ako sa mga ganitong pagkakataon. Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status