Napangiti si Amos nang makitang palapit sa kaniyang table si Zein. Tumayo siya at sinalubong ito ng halik sa pisngi. Inatras niya ang katabing upuan at inalalayan itong umupo bago siya umupo sa sariling upuan. Nasalubong niya ang masamang tingin ni Lester na kabababa lang ng stage. Nang-uuyam siyang ngumisi rito. Inalis niya ang tingin sa binata at lumingon sa dalagang katabi. “Hindi ka ba naiinip?” nagtatakang tanong ni Zein sa kaniya habang nginunguya ang bubble gum sa bibig. Sinulyapan nito ang baso ng iced tea na kanina niya pang ininom. “You didn’t order food. Baka mamaya ay sisihin mo ako at sabihing ginugutom kita. Mangisay ka na riyan.” Natawa si Amos dahil sa pagiging seryoso ng nobya. Inilagay niya ang braso sa balikat nito at hinila palapit sa kaniya. “Hindi ako maiinip,” gigil na sabi niya pero kabaliktaran naman iyon sa ginawa niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Zein. “Talaga?” Tumango siya. “Darling, you’re amazing. Ibang-iba ka sa stage. I like the way you p
Kanina pang nakaharap sa desktop si Zein. Hindi pa siya kumakain pati na rin ang kaniyang team ng lunch dahil kailangan pa nilang ayusin ang mga naka-assign sa kanilang trabaho para sa pelikulang ginagawa ng company para sa buwang iyon. Limang buwan na ang nakararan simula nang maging video editor siya sa kompanyang pinapasukan. Sa tulong ng koneksiyon ni Amos, nagkaroon agad siya ng trabaho. May kaibigan kasi ito sa Gamski street na nasa industriya ng showbiz kaya ini-recommend siya nito sa kompanyang iyon. May koneksiyon din naman ang kaniyang ate pero hindi niya na lang ito inistorbo dahil busy ito sa trabaho. Sinabi niya na lang na may tumulong sa kaniyang isang kaibigan kaya madali siyang nakahanap ng trabaho. Pinuntahan siya ni Zelda isa o dalawang beses sa isang buwan. Walong buwan na sila ni Amos at hindi niya pa rin nasasabi sa kaniyang ate ang tungkol sa kanila ng kasintahan. Laging masaya si Zelda kapag nasa bahay nila sa Mapski street subalit nakita niya ang lungkot sa
Kapapasok lang ni Amos sa loob ng gymnasium dala ang box ng cake nang may tumamang bola sa kaniya. Itinaas niya agad ang cake kaya sa tiyan niya tumama iyon. Masama ang tingin na bumaling siya kay Denny.“What the heck?! Muntik mo nang masira ang cake para kay Zein!” sigaw niya sa kaibigang tumatawa. Gustong ibato ni Amos pabalik sa lalaki ang bola pero mas inisip niya ang safety ng cake. Parang tumaas ang lahat ng dugo niya sa ulo nang tumawa rin ang iba niyang kaibigan. Nandoon ang lahat ng kaibigan sa birthday at monthsary nila ni Zein subalit hindi talaga mawala ang pang-iinis ng mga ito sa kaniya.Pumunta si Amos sa lamesang pina-assemble niya kay Yvette at maingat na ipinatong ang box ng cake. Napangiti siya nang maalala ang plano niya. Gusto niyang maging espesiyal ang araw na iyon para sa kanilang dalawa. Sigurado na siya sa damdamin niya. Mahal niya na si Zein. Sa walong buwan na relasyon nila, parang kay Zein umikot ang mundo niya. Ayaw niyang napapalayo sa babae. Gusto niy
Nakasampay ang mga binti ni Zein sa headboard ng kaniyang kama nang pumasok si Yvette sa kaniyang silid. Kanina pa siyang nakapikit subalit gising na gising pa ang diwa niya. Malapit nang mag-twelve pero gising pa silang magkaibigan. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang paglubog ng higaan niya.“Bengut, turn off the lights,” tamad na tamad niyang utos rito.“Later.” Naramdaman niya ang pagkilos nito. Naimulat niya ang kaniyang mga mata nang may dumamping malamig na bagay sa kaniyang pisngi.“What’s that?” kunot-noong tanong ni Zein sa kaibigan.Umirap si Yvette at itinapat ang isang plastic sa mukha niya. “Duh? Facial cream para sa’yo at para sa akin. Ang pangit mo na kasi. Ayoko ng best friend na pangit.”Ginantihan niya rin ito ng irap bago muling pumikit. Hinayaan niya na lang ang dalaga na lagyan siya ng headband. Guminhawa ang pakiramdam niya nang pahiran nito ng cream ang kaniyang mukha.“You look stress, Agiw?”Mahinang tumawa si Zein. “Stress pa ako sa lagay na ito? Wala ng
“I’ll just go downstairs. I’ll just get the first aid kit and close the gate. Change your clothes… first.” Tinanggap agad ni Amos ang inabot na mga damit ni Zein. Nasa guest room siya ng bahay ng dalaga dahil ayaw niyang umuwi. Napilitan tuloy itong patulugin siya sa silid na iyon. “Thank you…”Marahan itong tumango. Pareho lang silang nakatayo sa loob. Dumako ang kaniyang mga mata sa pang-ibabang labi nitong may sugat. Hahawakan niya sana iyon ngunit maagap na lumayo ang dalaga. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay at umiwas ng tingin. Parang may sumakal sa puso niya sa kilos na iyon ng dalaga. Narinig ni Amos kanina ang mga gusto niyang marinig sa dalaga ngunit hindi niya alam kung bakit ilag pa rin sa kaniya si Zein. Kung puwede niya lang na ikulong ito sa mga bisig niya nang mas matagal pa ay ginawa niya na sana. Parang sa halip na magkaintindihan, mas lalo silang nagkalabuan. Gumawa ng pader ang babae sa pagitan nilang dalawa at ayaw niya iyon. Alam niyang labis ang sakit na di
Warning: Mature ContentHindi na alam ni Zein kung saan napunta ang isip niya nang halikan siya nang mapusok ni Amos. Ang tangi niya lang nagawa ay gantihan ang mga halik nito. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan ng binatang nakapatong sa kaniya. “Amos…”Inungol ni Zein ang pangalan ng binata nang magsimula itong umindayog sa ibabaw niya. Magkadikit na magkadikit ang mga ibabang bahagi ng katawan nila. Kahit may mga damit pa, para siyang napapaso sa bawat haplos nito sa panga, leeg at dibdib niya. Para siyang mababaliw sa mga halik nito. Suminghap si Zein nang bumaba ang kamay ni Amos sa padyama niya. Umawang ang bibig niya nang mabilis na ipinasok ng lalaki ang kamay nito sa loob ng panty niya. Wala pa man ginagawa ang mga daliri nito sa kaniya, mabilis na agad ang paghinga niya dahil sa sensasiyong dulot niyon sa kaniya.Tumitig sa kaniya si Amos na puno ng pagnanasa. Hinaplos nito ang buhok niya at mariin ulit siyang hinalikan. Buong-puso niya namang ginantihan iyon. Gusto
“Kuya Nelson, ano po ba talagang nangyari kay Amos?”Tinanong agad ni Zein si Kuya Nelson pagkasakay pa lang niya sa driver’s seat ng sasakyan. Kasalukuyan siyang nakaupong mag-isa sa back seat. Tatlong araw na siyang sundo’t hatid ng driver ni Amos mula sa trabaho dahil may sakit ang kaniyang nobyo. Kung tutuusin, kaya niya naman ang kaniyang sarili dahil may sasakyan siya pero ayaw pumayag ng binatang hindi siya ihatid at sunduin ni Kuya Nelson habang may sakit ito.Tuwing tinatawagan ni Zein si Amos ay tinatanong naman niya ang binata kung ano ba talagang sakit nito subalit ang lagi lamang nitong sinabi sa kaniya ay huwag na siyang mag-alala. Gusto niya itong puntahan sa bahay nito sa Gamski street ngunit lagi na lang itong may dahilan kaya lumakas ang hinala niya. May tinatago ang binata sa kaniya. Ayaw niya sa nararamdaman niya. Masyado na siyang nag-aalala. Kinamot ni Kuya Nelson ang ulo at bahagyang lumingon sa kaniya. “Hindi ko po puwedeng sabihin sa inyo. Kabilin-bilinan ni
Nagpunas muna ng kamay si Amos bago lumabas ng kitchen. Nadaanan niya ang secretary niya at binalita nitong dumating na ang package na hinintay niyang ipinadala ng mismong jewelry shop kung saan suki ang kaniyang mommy. Pumunta siya sa kaniyang opisina ng may ngiti sa mga labi. Ibinato niya sa couch ang basahang hawak. Hindi siya nag-abalang magpalit muna ng damit at tinungo agad ang desk niya kung saan nakapatong ang maliit na kahon. Binuksan niya agad iyon at mas lumawak ang kaniyang ngiti nang makita ang mas maliit na pulang kahon.“I can’t wait to see you wearing this,” usal ni Amos sa kaniyang sarili. Binuksan ni Amos iyon at kinuha ang singsing mula roon. Isa iyong diamond ring. Wala siyang alam sa mga alahas kaya isinama niya ang mommy niya sa pamimili ng nababagay na singsing para sa nobya. Gaya ng inasahan ni Amos, tuwang-tuwa ito. Inistorbo pa nito ang kaniyang amang busy sa trabaho at hindi pumayag na hindi sila samahan sa jewelry shop. Animo’y ikakasal na siya sa araw na