Share

Chapter 70: No Hope

Panay ang pagsusuka ni Zein. Hindi niya maintindihan kung anong nangyari sa kaniya. Ang alam niya, gusto niya lang matulog kahit wala naman siyang ginawang nakakapagod. Sigurado rin siyang wala siyang nakaing panis.

“Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong sa kaniya ng maid pagkalabas niya ng banyo.

Tumango na lang si Zein at tinanggap ang baso ng tubig na binigay nito. Nasa kalagitnaan kasi siya ng pagluluto nang bigla na lang niyang naramdamang nasusuka siya. Ito na lang ang nagpatuloy sa pagluluto niya.

“Gusto ninyo po bang tawagan ko po si Sir Amos?”

Agad siyang umiling. “No need. Hindi naman malala ’to. Ipapahinga ko lang. Alam mo naman ’yang si Amos, laging O.A.”

Natawa ang maid nila sa sinabi niya. Talaga namang overreacting si Amos sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kanila ni Pita. Kulang na lang, ikulong sila palagi sa bisig nito para maprotektahan.

Kumain muna siya bago umalis ng bahay. Pupuntahan niya kasi ang photoshop niya para tingnan ang nangyayari sa negosyo niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status