“I will leave you for your own good.” Nagsalubong ang mga kilay ni Zein sa sinabi ni Amos. Wala siyang kaalam-alam na may balak palang umalis ang binata. Wala siyang kaalam-alam na iiwan siya nito at ang mga anak nila. “What did you s-say?” Nawalan ng ekspresiyon ang mukha ni Amos at kinuha sa kaniya ang plane ticket at ang titulo ng bahay na nakapangalan na sa kaniya. Natulala lang si Zein habang pinagpatuloy naman ng lalaki ang pag-aayos ng mga gamit nito. Naguguluhan siya. Hindi niya agad maproseso sa utak niya ang mga nangyayari. “Y-you’re leaving. B-bakit ka aalis?” lakas-loob niyang tanong. “Please, not now…” Nagpanting ang mga tainga ni Zein. Gusto niya ng paliwanag pero hindi kayang ibigay sa kaniya ni Amos. Gusto niya itong maintindihan pero parang wala itong naririnig sa mga tanong niya. “Not now? Kailan pa? Kapag aalis ka na? One week from now, aalis ka na! Anong balak mo?! Bakit mo binigay sa akin ang bahay na ito?! Why you’ll leave us for good?!” “Zein, p-please, d
Nakatayo si Amos sa mini stage sa event hall ng hotel. Kasal na sila ni Zein at reception na nila pero kinakabahan pa rin siya habang hinihintay ang asawa. Nagpalit kasi ang babae nang mas maayos na dress. “Let’s all welcome Mrs. Reolonda. Nakapagbihis na po ang ating bride,” anunsiyo ng emcee. Parang nahulog ang puso ni Amos habang pinapanood si Zein na maglakad palapit sa kaniya. Nakasuot lang ito ng simpleng infinity dress at nakalugay na ang buhok na nakatali lang kanina. Nagtagpo na naman ang mga paningin nila sa isang wedding reception katulad nang unang dumapo ang paningin ni Amos kay Zein. Sa pagkakataong iyon, sila na ang kinasal. Sa pagkakataong iyon, ang makasama ito hanggang pagtanda ang kaniyang plano. Sa pagkakataong iyon, labis na pagmamahal na ang dating atraksiyon lamang na naramdaman niya noon. “You’re so beautiful, Zein.” Hindi niya napigilang sabihin ang nilalaman ng isip nang makalapit na ito sa kaniya. Tumawa lang si Zein pero alam na alam niya ang kislap s
Kalansing na nagmula sa pinagdikit na mga baso at mga kubyertos ang pumuno ng ingay sa buong event hall kung saan ginanap ang reception ng kasal ni Zelda. Ilang sandali pa, naglapat ang mga labi ng bride at ng asawa nito.Matabang ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Amos sa tagpong iyon. Diretso niyang ininom ang red wine at pabalang na ipinatong ang wine glass sa lamesa.That should be me...Matalim ang tingin ng binata sa asawa ni Zelda. Dapat siya ang nasa posisyon ng mang-aagaw na si Race. Masyado siyang naging kampante sa relasyon ng babae noon kaya hindi niya namalayang naibaling na pala nito ang pagmamahal kay Race. Mahal niya ang babae. Alam ni Amos na nasaktan siya pero hindi siya umiyak. Marahil, ang ego niya lang bilang lalaki ang nasaktan. Bakit ba siya bitter ngayon at plastic sa mismong kasal ng ex-girlfriend niya? Iyon ay dahil hindi niya matanggap ang katotohanang ang babaeng minsan niyang naisipang alukin ng kasal ay nagpakasal na sa ibang lalaki.“Amos, let’s go,” paa
Nakahinga nang maluwag si Zein nang marating niya ang Kiki village. Kagagaling niya lang sa kasal ng kaniyang Ate Zelda at talagang napagod siya dahil pagka-uwi niya galing Japan ay dumiretso agad siya sa isa sa pinakamasayang araw ng kaniyang ate. Wala pa siyang pahinga. Ang tanging pahinga niya lang ay nang kunin niya ang kaniyang sasakyan at magpalit ng damit sa kanilang bahay bago pumunta kanina sa kasal. Nakapapagod at idagdag pa ang lalaking bitter kanina na si Mang Tasyo pero palalagpasin ba naman niya ang pagkakataong makita ang kapatid na nakasuot ng traje de boda? Silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay at hindi niya matitiis na hindi ito makitang naglalakad sa altar.Simula nang mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa isang ambush, si Zelda na ang tumayong kaniyang nanay at tatay. Tanging ang naiwan na lang sa kanila ng mga magulang nila ay ang bahay sa Mapski Street. Baon na pala sa utang nang mga panahong iyon ang pamilya nila.Kaya ang ate ni Zein na si Zelda an
“Yaya, aray!” Hindi mapigilan ni Amos na mapadaing habang nilalagyan ng ointment ng kaniyang Yaya Tasing ang mga sugat niya sa likod. Gasgas lang naman kung tutuusin ang mga iyon. Talagang masakit lang dahil marami siyang natamo.“Saan mo ba nakuha ang mga sugat na ito? Ikaw talagang bata ka! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?” tanong nito sa tono nang panenermon.“I don’t know. Ouch! Dahan-dahan naman.”Inabot sa kaniya ng matanda ang ice pack at idinampi niya iyon sa bukol ng kaniyang noo. Hindi lang iyon, pagkatingin niya sa salamin kanina, nakita niya ang sugat sa gilid ng kaniyang labi.Where did I get this wounds?Pilit inalala ni Amos kung ano ba ang nangyari sa kaniya pero ang huli niya lang natatandaan ay nang dalhin siya ni Barney sa bahay ni Zelda. Alam niya ng mga oras na iyon na may tama na siya ng alak kaya pinabayaan na lang siya ng kaniyang kaibigan sa gusto niyang gawin, tutal ay safe naman sa village.“Bakit ka ba naglasing, Amos?”“Just to escape…”Bumuntong-hininga
Paulit-ulit na tinapik ni Zein ang lamesa gamit ang kaniyang mga daliri habang kausap si Lester sa cellphone. Wala silang gig sa araw na iyon kaya nabo-boring siya pero wala naman siya sa mood lumabas ng bahay.“Come on, Zein. Come with me. I am going to Bicol,” pangungumbinsi sa kaniya ni Lester. Ginulo niya na lang ang buhok niya dahil sa kakulitan nito. Matagal niya na itong kaibigan. High school pa lang sila nang magkakilala sila. Ito rin ang bassist nila kaya sa lahat ng mga kabanda niya, si Lester ang pinakamalapit sa kaniya.“Then what? You will introduce me as your girlfriend? No way!”“Please, gusto nila akong ipakasal sa kinakapatid ko. Maldita naman ang babaeng iyon. I can’t imagine myself building a family with her.” Nahimigan ni Zein ang kawalan ng pag-asa sa lalaki.“Mag-isip ka nga. If you introduce me as your girlfriend to your parents, they will not like me for you. I swear, I am not the type of girl na magugustuhan nila.”“Magugustuhan ka nga nila,” giit nito. “You’
Hinubad ni Amos ang kaniyang hairnet at apron pagkatapos niyang malagay sa oven ang mga tinapay na ibebenta nila sa araw na iyon. Ganoon lagi ang gawain niya tuwing umaga sa bakeshop dahil kadalasang umaga bumibili ng mga tinapay ang customers. Sinigurado nilang bago ang mga produkto nilang pagkain kaya busy talaga siya tuwing umaga at kapag busy siya, alam ng kaniyang mga tauhan na ayaw niyang may istorbo sa kaniya. Passion ang baking kaya dapat nandoon ang buong oras at atensiyon. Iyon ang palaging bilin niya sa pastry chefs sa ibang branches ng Reo’s Bakeshop para hindi mawala ang kalidad at lasang pinatatag ng iba’t-ibang henerasyon ng kanilang pamilya.“Adrian, ikaw na ang bahala sa mga tinapay,” bilin niya sa kaniyang assisstant chef.Pagkalabas niya ng kitchen, sumalubong sa kaniya ang kaniyang secretary. “Sir, your father wants to talk to you about the deal with Mr. Stewart.”Tumango si Amos. Mabuti na lang, nai-close niya na ang deal kay Mr. Stewart. Hindi siya pine-pressure
Kanina pa nag-papractice ang banda ni Zein sa resto-bar kung saan siya nagtatrabaho ngunit walang matinong practice ang banda dahil okupado ng ibang bagay ang isip ng dalaga. Ilang beses na siyang sinabihan ng drummer nila na si Wilson na umayos subalit para siyang first timer sa stage dahil nawala siya sa lyrics. Nagdesisyon ang mga ito na mag-break muna sila.“What’s your problem, Zein?” Naupo sa tabi niya si Lester. Hindi niya sinagot ang tanong nito. Kinuha niya ang bubble gum sa bulsa ng palda niya at sinubo iyon. “Come on, Zein. Tell me.”Umiling siya at pinalobo nang paulit-ulit ang bubble gum. “Wala akong problema.”“Wala? Are you sure? You look tense,” naghihinalang tanong nito. Nagpakawala si Zein ng malalim na hininga. Wala talaga siyang maitago kay Lester. Nakasanayan niya na kasing mag-bubble gum kapag tensiyonado. Paano ba namang hindi siya maging tensiyonado? Ang lapit ng mukha ni Amos sa kaniya kaninang umaga. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya. Hindi niya alam kung b