Share

Chapter 68: Nakaraan

Natawa si Zein nang itinapat ni Sammy ang kamay sa sumisirit na fountain. Mabilis niya itong hinila mula roon at hinampas sa balikat. Alam niyang probinsiyano ang lalaki pero alam niya rin na hindi naman ito ignorante sa mga ganoong bagay. Trip lang talaga nitong patawanin siya, kahit mapahiya pa ito sa harap ng maraming tao.

“Kapag nahuli tayo ng guard, paaalisin tayo sa mall.”

Ngumuso si Sammy at inayos ang bag sa balikat. “Aysus, ipabili mo ’to sa asawa mo. Mayaman naman ’yon, e.”

Napailing na lang si Zein at hinila si Sammy sa loob ng isang Japanese restaurant. Ini-order niya ang lahat ng klase ng pagkain. Natutuwa siyang makita ang curiosity sa mukha ni Sammy sa mga pagkaing bago sa mga mata nito.

Kumakain sila ng tanghalian pero nagsalubong ang mga kilay ni Zein nang makita ang isang lamesa malapit sa kanila. May grupo ng mga lalaki kasi doon at lahat naka-hoodie at naka-shades. Tinanaw niya ang isang lalaki dahil pamilyar sa kaniya ang porma ng katawan nito pero sabay-sabay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status