Share

Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!
Rebirth Marriage Trilogy: Save My Husband!
Author: Leafy

KABANATA ISA: Halik Sa Harap Ng Altar!

KABANATA ISA: Halik Sa Harap Ng Altar!

FIRST LIFE, SEPT. 25, 2025

“Balot! Balot!” Sigaw ng lalaking naglalako ng balot at itlog sa umuulang daan.

Maraming dumadaan sa Aguinaldo Hi-Way ngunit ni isa ay walang may paki sa lalaking naglalako sa ulan, bitbit lamang ang kanyang food cart at ang tanging bubong nito ay abot lamang sa kanyang mga itlog na paninda kung kaya’t siya ay nababasa.

Pero hindi siya nag-iisang naliligo sa ulan…

Sa daang madilim, may babaeng nanginginig na naglalakad na kasabayan ng lalaking naglalako. Walang buhay ang mga mata, madungis ang damit at ang kanyang mga paa’y walang suot na tsinelas o kahit ano man lang magpro-protekta sa matutulis na maliliit na bato.

Lumapit ang lalaki na may halong pag-aalala, “Miss, may masisilungan sa may 7/11, malapit lang ‘yun, gusto mo bang samahan na kita?”

Napahinto sa paglalakad ang babae at tumitig sa kanya nang matagal na para bang wala ito sa wisyo. Maya-maya ay nagpatuloy ito sa paglalakad at iniwan ang lalaki nang biglang tumunog ang tiyan nito at napahinto ito bigla sa gulat.

Huminga ng malalim ang lalaki at kumuha ng balot na kulay ginto, “Miss, kumain ka muna. Malay mo, lahat ng nawala sayo, maari mo pang balikan.”

Hindi na nahiya pa ang babae at tinanggap ang balot at sabay na binasag ito sa karitong bitbit ng lalaki. Sa gutom, kinain niya ang gintong balot na may kasamang maalat na luha kasabay ng ulan. Habang kumakain ito, marami na ang nabanggit ang lalaking naglalako tungkol sa gintong balot na kinakain niya ngunit ang isip ng babae ay nababalot ng kalungkutan at nawawalang pag-asa kung kaya’t hindi na niya narinig ang mga sinasabi nito.

Pagkatapos kumain, pinahiran niya ang sariling bibig gamit ang kamay kahit na walang kwenta iyon sa buhos ng ulan. Iniwan ng babae ang lalaking nakatulala na lamang sa kanya at nagpatuloy maglakad nang biglang may humintong itim na kotse sa harap niya.

Biglang hinablot ang babae papasok sa loob ng kotse at sa bilis ng pangyayari, hindi na naka-react pa ang babae hanggang sa dinala ito sa malaking bahay sa eksklusibong subdibisiyon at tinapon siya sa sahig sa harap ng lalaking naka-wheel chair.

Nang makita ng babae ang lalaki, bigla itong humagulgol ng iyak, “A-aljur—I—I swear, hindi ako ang pumatay kay Lolo Don! Please! Maawa ka naman sa’kin, naging asawa mo rin ako…”

Nagmakaawang lumuhod ang babae sa asawa niya ngunit walang kibo si Aljur at walang buhay na tinitigan na lamang siya.

Nang makitang walang kibo ang lalaking nasa harap niya, pinahiran na lamang ng babae ang mga luha niya nang biglang may dumating na isa pang kotse. Bumaba ang babaeng napakaganda at suportado ng mga bodyguard nito bawat paglapit nito kay Aljur.

“Liliana…” Gigil na tumitig ng masama ang babaeng nasa sahig.

Mula sa likuran ng lalaki, niyakap ni Liliana si Aljur, “Babe~ Bakit mo pa binalik ‘yang babae na ‘yan? Sino na naman ba ang lalasunin niyan? Alam mo naming mamamatay tao ‘yang si Karrie!”

Hindi ulit kumibo si Aljur at tumitig lamang kay Karrie habang ito ay humihikbi habang nakaluhod sa sahig.

Dahil hindi umimik si Aljur, umirap si Liliana at inutusan ang mga tauhan niya, "Dalhin na 'yang babae na 'yan sa basement! Baka sino pang lasunin ulit niyan."

Tumitig ng matalim kay Liliana si Karrie habang pumapatak ang mga luha niya nang siya'y hinablot ng mga lalaki palayo sa asawa niya. Wala itong magawa kundi magpakaladkad na lang nang hindi na niya kaya pang tumayo sa sakit na nararamdaman niya.

Alam niyang pahihirapan lang ulit siya sa basement kagaya ng ginawa sa kanya ng biyenan niya sa dahilanang kasalanang hindi naman niya ginawa...

"Hanggang kailan pa ba nila patatagalin buhay ko?" Napangisi si Karrie na pinagtataka ng mga nagkaladkad sa kanya, "Tatay ko nga iniwan na ako... Ngayon naman asawa ko... Pft!" Bumalahakhak ng tawa bigla si Karrie at umiling na lamang ang mga lalaki.

"Nababaliw ka na," Ani ng isang bodyguard. 

Umangat ang ulo ni Karrie at bigla siyang binitawan ng mga ito na siyang pinagtaka niya.

Tumayo lang ng tuwid ang mga lalaki at tumitig sa kanya. Nagsalita ang isa, "Regalo ng tatay mo sa’yo, tumakbo ka na."

Biglang natauhan si Karrie at naging maaliwalas ang kanyang itsura nang marinig niya ang sinabi nila. "Si papa?”

‘Akala ko pinabayaan na ako ni papa…’ Ngumiti si Karrie at pinahiran ang kanyang mga luha at agad na tumayo ito palayo sa mga bodyguard habang ang isip niya’y puno ng saya.

‘Akala ko hindi naniniwala sa’kin si papa!’

‘Sa dami nang nag-alipusta sa’kin, at sa mga taong hindi naniwala sa’kin…’

‘Kahit si papa na lang…’

‘Kahit siya na lang matira… hindi ko pagsisisihan ang lahat…’

‘Kakayanin kong mabuhay basta alam kong may kaunting pagmamahal sa’kin si papa!’

“Papa…” Bulong na patakbong banggit ni Karrie nang makalayo na ito. Habang nasisilawan na niya ang gate, biglang may paputok siyang narinig sa malapitan.

Napakunot-noo ito nang bumagal ang kanyang pagtakbo at bigla na lang siyang sumuka ng dugo!

Lumaki ang kanyang mata at tumingin sa kanyang dibdib at nakitang damit nya’y onti-onting nababalutan ng pulang likido…  

“Eh?” Huminto siya sa pagtakbo at hiniwakan ito ng pagtataka. Lumingon siya sa likod at nakitang nakatutok sa kanya ang baril na hawak ng bodyguard na bumitaw sa kanya.

“Mensahe ng papa mo, ‘wala akong nakakahiyang anak’.” Sambit ng bodyguard bago ito nagpaputok ulit at tumama sa kabilang dibdib ng babae.

Sa gulat, napatumba si Karrie na may halo halong nararamdaman. Nawawalang pag-asa, pagtataka at puot!

‘Huh… Binenta na ako ni papa, pinapapatay pa…’

Habang bumabagsak sa sahig si Karrie, nakita niya sa hindi malayuang bintana ang mga ngiti ni Liliana at titig ni Aljur sa kanya.

‘Ah… Masaya ka na Liliana? Ikaw na ang bagong asawa matapos mong sirain ang buhay ko…’ Sa kanyang pagbagsak, mga salitang hindi niya masabi ay binanggit na niya sa kanyang isip.

‘Sabagay... hindi naman talaga ako ang perpektong manugang para sa kanila…’ Sa bawat pagpatak ng ulan sa kanyang mukha, muling lumabas ang kanyang mga luha at hindi man lang niya ito mapahiran sa sakit na nararamdaman niya.

Hindi niya alam kung anong mas masakit… sakit mula sa balang tumama sa kanya at siya’y naliligo sa ulan kasama ng dugo niya? O sakit mula sa nararamdaman niya mula sa paghihirap niya ng limang taon sa pagiging asawa niya?

‘Lord… gano’n na lang ba galit mo sa’kin at naging gan’to buhay ko?’ Nanginginig niyang sambit sa isip niya habang onti-onting nawawalan siya ng paningin.

‘Gusto ko lang naman na mahalin ako ni papa kahit kapiranggot lang…’

‘Nagpakasal ako sa taong gusto nila at nagbakasakaling bigyan ako ng atensiyon ni papa…’

‘Pero bakit naman gan’on?’

‘Inaapi na nga ako sa bahay, inaapi pa rin ako nung ikinasal ako…’

‘Tapos ang malanding himpaparot na Liliana na ‘yon, drinoga na nga ako, gumawa pa ng eksena na ngaliwa ako?’ Tumawa na lamang si Karrie habang onti-onting nawawalan na siya nang mulat.

‘Ngayon naman, pinagbintangan pa ako na pumutay kay Lolo Don… Grabe ka, Lord!’

‘Sige, kunin mo na ako Lord… Baka sa tabi mo, maging mapayapa naman ako…’

‘Pero pa’nu kung sa impyerno pa ako mapunta?’ Biglang ngumisi  si Karrie, “Magkita-kita na lang tayo sa impyerno mga demonyo…” Bulong ni Karrie bago mawalan ito ng malay.

Sa kanyang pagpikit, maya-maya’y nakaramdam ng kakaiba si Karrie sa kanyang labi… Pati ang malamig na kanyang naramdaman ay nabahiran ng init…

Nagtaka si Karrie at bigla siyang natauhan nang may narinig siya ng malakas na hiyawan at palakpakan!

Napamulat bigla ito at nakita ang itsura ng kanyang asawa na siya’y nakalapat ang bibig nito sa kanya!

Pagkatapos siyang halikan nito, lumayo ang mukha ni Aljur sa kanya at napansing nakatayo ito habang suot-suot ang tuxedong pamilyar sa kanya!

Habang ang isip niya’y litong-lito, biglang may nagsalita sa tabi nila, “You are now husband and wife!”

“H-huh?” Lumingon bigla si Karrie sa nagsalita at nakitang niyang pari ito! Sa sinabi nito, bigla siyang napatingin sa hawak niyang bouqet! Nanginig bigla si Karrie at lumingon sa mga taong naghihiyawan…

Naalala niya ang iba sa kanila…

Muli niyang nakita ang mga taong nagpahirap sa kanya ng limang taon!

Biglang napaiyak si Karrie nang hawakan ng asawa niyang si Aljur ang kanyang nanginginig na kamay…

“Are you all right…?” Pagtatakang tanong nito.

Sa malaking pagtataka, napaisip bigla si Karrie, ‘Mas gugustuhin ko pang makita ang mga demonyo sa impyerno kaysa sa mga demonyo sa lupa!’

_______

KircheLeaf

UNANG LIBRO

_______

~ KATAPUSAN ng KABANATA UNO ~

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Neeliya
Not in English
goodnovel comment avatar
Marpi Bagra
yah please translate in English
goodnovel comment avatar
Farhana Mohamed
Why isn't it in english
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status