Share

KABANATA DALAWA: Ang Malaking Screen

KABANATA DALAWA: Ang Malaking Screen

SECOND LIFE, June 12, 2020

CURRENT KARRIE’S POV

Tumititig ako sa aking magandang self sa harap ng salamin at satisfied sa hairstyles ko. Suot-suot ko ang puting wedding dress ng pumanaw kong mama. Huminga ako ng malalim ng maalala ko na naman siya. Sobrang miss ko na si mama…

Bihira lang ako mag make-up pero para sa araw na ‘toh, kailangan eh.

Araw ng kasal ko ngayon… At sa taong hindi ko na nga mahal, hindi ko pa kilala. Pero okay lang, may tiwala naman ako sa godfather ni mama, alam kong pinalaki niya ng maayos ang apo niyang ikakasal sa’kin.

Atsaka… ngayon ko lang naramdaman na may paki si papa sa’kin… Sana, sa pagpayag ko na ikasal sa taong gusto niyang ipakasal sa’kin, mamahalin na ako ng lubusan ni papa.

“Karrie?” Sa pagtitig ko sa salamin, narinig ko ang boses ni papa at pumasok ito sa dressing room ko pagkatapos kumatok… Kaso, may dalawang hipong kasama si papa. “Pa!”

Lumapit sa’kin si papa na may malawak na ngiti! First time kong makitang sobrang tuwa ni papa sa’kin! Ang sarap sa pakiramdam! Napangiti ako ng lubusan nang hawakan ni papa ang mga balikat ko na may abot tengang ngiti.

“Kamukha mo talaga ang nanay mo, kasing-ganda mo pa!” Sambit ni papa habang nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin.

Sobrang tuwa ko nang makita ko iyon… Kaso nakita ko ‘yung mag-inang epal! Maganda lang ang mga mukha, walang kwenta naman ang mga ulo. Mga hipon!

“Honey, ‘wag mo masyadong hawakan dress ni Karrie, baka magusot.” Sabi ni Tita Sharon, ang pangalawang asawa ni papa na palaging nang-iinsulto sa’kin mula nung bata pa ako hanggang ngayon! Walang araw na hindi ko narinig ang maduming bibig niyang nagsasalita!

Ang masaklap, nagpapanggap na caring mother pa sa harap ni papa! Kaya hindi naniwala sa’kin si papa, kasi ang demonyitang ‘yan binubulungan si papa nang kung ano-ano! Eh, kesa dalhin pa ako sa ibang bahay, tiniis ko nalang at pinagwalang bahala.

“Yeah, daddy~ We don’t want sister Karrie to look mahirap sa altar~” Ani naman ng anak ni Tita Sharon, si Shaina, ang bruhang half-sister ko. Napakabruha talaga niyan, mas lalo na kapag nasa school kami, siya ang leader ng mga bullies ko. Take note, mas bata lang sa’kin ng dalawang taon, dalawang grade!

Pagtago ng lunch bag ko, pagbasa ng mga notebook ko, at higit sa lahat, ako na nga gumagawa ng assignment niya, sinisira niya pa madalas ‘yung akin! Nasanay ako kaya lahat ng gamit ko nung high-school, tagong-tago, at gumagawa ako ng mga schoolworks ko sa harap ng teachers namin para diretchong pasa agad!

Kaso, may mga times na kapag hindi nakukuha ni Shaina gusto niya, sa’kin niya binubuhos at patago niya akong binugbugbog… Wala naman akong magagawa… Kapag nagsumbong ako, baka sabihin ni Tita Sharon, sinasadya ko kesyo teenager daw kako ako! At kapag lumaban ako, sasabihin na naman na ako yung nambubogbog!

Si papa pa naman, mahilig makinig sa kanila… Kaya uhaw na uhaw ako sa pagmamahal ni papa… Kahit si papa na lang magmahal sa’kin… Siya lang talaga meron ako…

Buti na lang, nang grumaduate ako, sa gabi ako umuuwi at bihira ko sila nakakasalamuha. Kaya nababawasan ‘yung oras ng pagmamaltrato nila sa’kin.

“Ah! Tama! Tama,” Binitawan ako ni papa pero patuloy na nakangiti pa rin ito.

Gusto kong umirap dahil alam ko naman na gusto lang nilang ‘wag akong pansinin ni papa! Jusko, galawan nila. Ngumiti na lang ako at tumayo, “Aalis na ba tayo, pa?”

Tumango si papa at sinundan ko siya. Himala, hindi ako ginugulo ng mag-ina, huh! Ikakasal ako sa isa sa pinaka-mayamang tao sa bansa, ‘pag ako nakitaang may sugat, sinong pakikinggan ng asawa ko, ‘di ba ako?

Sumakay na kami sa kotse ni papa at pumunta na sa simbahan. Handa na ang lahat at maya-maya ay magsisimula na ang kasal. Nag-aabang na ang groom ko sa loob habang ako naman nakatayo sa labas, pinapanood silang makisalamuha sa isa’t-isa.

Yeah… Wala akong kakilala maliban sa pamilya ko at sa godfather ng mama ko na siyang lumapit sa’kin at bumati, “Aguy, hija! Thank you so much for accepting my grandson! I promise you, he will take care of you!”

Ngumiti ako at sumagot, “May tiwala po ako sa inyo, Lolo Don.”

Sa likuran ni Lolo Don, lumapit din sa’kin ang anak niyang si Tito Alfindo, at ang asawa niyang si Tita Maja, ang mga magiging future biyenan ko. “Hija, after this ceremony, you will be part of our family. I’m so excited!” Banggit ni Tito Alfindo habang si Tita Maja naman ay ngumiti lang sa’kin.

Hindi ko makakalimutan ang araw na ‘toh… And araw na sobrang natuwa na nga sa’kin si papa, na-appreciate pa ako ng ibang tao kagaya ng mga future families ko. Sana, maging masaya na ako pagkatapos nito. Siguro naman, hindi na ako aapihin nina Tita Sharon?

Kaya ko naman silang patawarin kung hihingi sila ng tawad kahit sapilitan pa… Ang gusto ko lang naman ay matiwasay na buhay kung saan masaya ako tuwing family gathering… Hindi naman ako mahirap kausap… Gusto ko lang sumaya…

Nagsimula ang seremonya at isa isa nang naglalakad ang mga tao… At ako ang panghuli maglalakad papuntang altar na hatid-hatid ni papa. Sa bawat pagtapak ko sa red carpet, hindi ko maiwasang kabahan habang natingin sa mga taong nasa paligid ko… Mga taong hindi ko kilala…

May parte sa’kin na takot… Takot sa pagbabago kapag kinasal ako…

Pero nang makita ko ang mga ngiti ni papa sa tabi ko, napalitan ang takot ko ng pag-asa. Pag-asa sa magandang buhay na nag-aabang sa’kin!

Imbes na sa bisita, tumingin ako sa lalaking nag-aantay sa’kin sa altar… Si Aljur Machito, ang mapapangasawa ko at ang taong magbabago ng buhay ko…

At ang lalaking ito ay ang heart throb ceo na gustong-gustong mapangasawa ng karamihan sa bansa! Kulang na nga lang anakan ni Aljur lahat eh. Kung gugustuhin niya lang, kahit walang pera na pag-usapan, malahian lang sila ng Machito blood, okay na okay na!

Pero siyempre, kahit ako ang mapapangasawa niya ngayon, isa ako sa mga taong chill lang~ Hindi uhaw sa atensiyon niya. Hindi ko naman siya kilala, nakikita ko lang siya sa magazine at news sa sobrang kasikatan nito. Pero infairness, gwapo~

Sa dami na ng nadaanan ng utak ko habang nahihiyang nakatitig kay Aljur, hindi ko namalayan kanina pa pala nagsasalita si Father! Buti na lang, natauhan ako nung tinanong ako kung gusto ko ba ikasal kay Aljur, like duh! Anong purpose ko dito? “Yes, Father!”

Tinanong din ng pari si Aljur at sa unang pagkakataon, harapan kong narinig ang mala-hunk na anghel na boses nito! “Yes, Father,”

Natameme ako saglit nang marinig ang boses niya, ngayon alam ko na bakit maraming nagkaka-crush ditto!

“You are now husband and wife!” Anunsiyo ng pari, “You may kiss the bride!”

K-kiss…?

M-my f-first k-kiss…!

Hindi ako naka-react agad ng hawakan ni Aljur ang aking baba at nilapat niya ang labi niya sa’kin! Napalunok ako bigla!

Pumikit ako at hindi maiwasang mangarap na magtagal ang halik namin! Pero sa bigla ko, nakaramdam ako ng pagkahulog!

Napadilat ako bigla pero imbes na si Aljur ang nasa harap ko, isang malaking screen ang nasa harap at napapalibutan ito ng dilim! “Huh?” Napakunot-noo ako sa gulat at pagtataka. Lumingon ako sa likod ko at sa paligid ko, pati na rin sa ibaba ko! Pero wala! Lumulutang ako sa kadiliman!

Like, for real! Just darkness! Maliban dito sa big screen sa harap, wala nang iba pa!

Napatingin ako sa katawan ko at baka pati ako wala na rin pero sa kabutihang palad, nag-eexist pa ako at suot suot at wedding dress ko! “Ahm… the heck?”

Maya maya pa, ang malaking screen sa harap ko na static lang ang pinakita, ngayon may video na! “Ano ‘toh? Exclusive seat for cinematic movie? Sosyal ko naman,” bulong ko sa sarili.

Nakita ko kung paano ako kinasal ng sobrang saya, pati ang hot night namin ni Aljur! Napatakip ako ng mukha sa hiya! “Jusko! Ano ‘toh! Live p*rn?!” Buti na lang, mabilis ang movie na para bang nagmamadaling may lakad, ewan ko nga ba’t nasasabayan ko pa eh.\

Ang masayang araw ko daw at ang hot night ko… ay napalitan ng kahihiyan kinabukasan…

Bumisita ang mga in-laws ko at napahiya ako… doon na nagsimula ang panlalait sa’kin ng mother-in-law ko at wala man lang nagtanggol sa’kin maliban si Lolo Don! “Anong klaseng asawa ka, Aljur! Pangit mo kabonding!”

Sa susunod na scene, pinakita na hindi pa rin tumigil ang pangbubully sa’kin ng stepmom ko at half-sister ko. “Putik! Ano ‘toh? Hanggang libingan!?” Gigil na sambit ko habang galit na nakatitig sa screen.

Pagkatapos, pati ang crush ko sa coffee shop na nag-iisang taong kaibigan ko na tumulong sa’kin, pinagdiskitahan din! Nag-cheat daw ako kasama siya?! Pero bakit siya ‘yung nakulong? Eh hindi ko nga nahawakan kamay niyan eh!

Biglang tumaas ang mga balahibo ko dahil sa mga pinapanood ko. Hindi ko alam bakit nangyayari sa’kin ‘yan although movie lang naman ‘toh… Is this future telling? Kailangan screen talaga?

Pero naintindihan ko na kung bakit…

Dahil ang babaeng lumapit sa’kin para maging kaibigan ko… Ang artistang naging kaibigan ko, ay may malaking balak na agawin ang asawa ko… Suportado pa siya ng in-law ko at tinutulungan pa ng stepmom ko! “Ano ‘toh? Gang bang?” Napakagat labi ako sa inis, “Ta*nang ‘yan! Di’ ba uso sa kanila na tapunan ako ng pera para mag divorce?! Pwede naman ‘yun! Kung milyon, why not!”

“Mukha lang naman meron si Aljur eh!” Patuloy ko, “Tsaka… makisig na rin… tas’--- wala na! Maliban sa yaman niyang hindi ako nabiyayaan, iniwan lang naman ako at nagpakasal sa trabaho niya!”

Itinaas ko ang kamao ko at sumigaw, “Petisiyon sa divorce!’

Pero hindi pa tapos ang movie at patuloy napinakita ang mga paghihirap ng future self ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko pero wala man lang akong magawa kundi manood…

Maya-maya pa, nalason si Aljur at naging baldado… At ako ang pinagbintangan… Nakulong ako saglit pero sa loob ng kulungan, drinoga na nga ako, pinagtulungan pa ako ng mga preso…

Napasuka ako sa nakita ko at hindi ko namalayan ay patuloy na bumuhos ang mga luha ko at kahit anong pahid ko, hindi nababawasan ‘toh… “Sniff,” Hindi na ako nakapagsalita sa nakita ko at kahit anong pilit kong maging positive… hindi ko na kaya…

Hindi pa nagtatapos doon… Pinalaya nga ako pero wala nang buhay ang mga mata ko… At nilason din si Lolo Don at ako pinagbintangan…

Humagulhol ako ng iyak hindi dahil walang tigil ang paghihirap sa’kin kundi dahil ang taong tumutulong sa’kin na si Lolo Don… ay pumanaw sa kamay ng mga demonyong kamag-anak nito… Para ano? Mawalan na ako ng kakampi?

Tumakas ako pero sa huli… pinatay pa ako ng tatay ko… Ang rason kung bakit ako nagpakasal kay Aljur… Para makuha ko na rin ang konting pagmamhal ni papa… Pero kahit sa huli… Hindi pa rin niya binigay…

Napaluhod ako at patuloy na umiyak, “M-mahirap ba akong m-mahalin?”

Sa dilim na kahit kapiranggot ng hangin, wala dumadating, nanginginig ang buong katawan ko sa lamig, sa galit, sa takot, sa kalungkutan….

Maya maya pa, nagbago ang scene at bumalik sa kung kelan ikinakasal ako… At imbes na mabilis ang eksena, nagging normal ito na para bang nangyayari ‘toh sa kasalukuyan. Tumingin lang ako at dahil sa biglang pangyayari sa dami ng napanood ko about sa mangyayari sa’kin, hindi ko naintindihan… Bakit umiiyak ako nang halikan ni Aljur sa altar?

Natulala ang sarili habang pinapahiran niya ang mga luha niya… Naglakad sila ni Aljur palabas at sumakay ng ‘Just Get Maaried’ car!

“Huh? Teka… nandito pa ako…” Hindi ko alam anong nangyayari pero nang binuka ng Karrie na nasa screen ang bibig niya… nagkaroon ako ng idea…

“I want divorce,”

Nagulat si Aljur pati ako ng sabihin niya iyon! Kakakasal lang, divorce agad?

Lumaki ang mga mata ko at na-realize kong anong nangyari… “F-future self?!”

Ang napanood ko ay hindi tungkol sa mangyayari… kundi nangyari na! At ang Karrie na nasa kotse ngayon, ay ang future self ko! ‘Yung buong napanood ko ay tungkol sa kanya! At kababalik niya sa present ko!

Lumingon ako sa paligid, “Kaya ba nandito ako imbes na sa kasal?” Nabuksan ang aking mahiwagang brain at in-accept ang katotohanan. “Oh…”

Pinunasan ko ang mukha at chineer ko sarili ko sa labas ng screen, “Go, girl! Get that divorce!”

Maya maya pa ay sumagot na si Aljur, “Pinagsasabi mo? Kakasal mo lang sa’kin, divorce agad?”

Kumunot ang noon g future self ko, “Gusto ko nang divorce,”

“Tama ‘yan, girl! Be firm!” Komento ko kahit walang nakakarinig sa’kin.

Nagulat si Aljur sa nakitang determindaong mukha ni future self ko, pero hindi pa rin ito pumayag, “No! Why are you so keen to divorce?”

“Hmph!” I scoffed, “Masyadong niyong inalipusta future self ko! Tapos magtatanong kayo?” I flip my hair, “Pangit niyo ka-bonding ah!”

_______

KircheLeaf

UNANG LIBRO

_______

~ KATAPUSAN ng KABANATA DALAWA ~

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status