Love's Desire

Love's Desire

last updateLast Updated : 2025-11-24
By:  ashixxluUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Anastasia Celeste Montano — a secretive, manipulative, and ambitious wife of the number one business tycoon in the country — Frederick Maxwell Dominguez. Dahil sa kagustuhang umangat at makaahon sa kahirapan ay nagawang akitin ni Anastasia ang nag-iisang tagapagmana ng KeyStone Legacy Builder — isang kumpanya na siyang nangunguna sa bansa pagdating sa construction supplies. Ngunit lingid sa kaalaman ni Anastasia ay hindi lamang pala siya ang nagmamanipula sa mga nangyayari. Dahil sa kagustuhan ni Frederick na magustuhan ng ama at maipamana sa kanya nang tuluyan ang kumpanya ay pumayag siyang maikasal kay Anastasia kahit hindi niya naman talaga mahal ito, sa kadahilanang ang angkin nitong talino at galing sa lahat ng bagay ay lubos na makakatulong sa kanyang sariling pag-angat. Samantala, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob nina Frederick at Anastasia sa isa’t isa sa kabila ng lahat ng pagpapanggap at lihim na kanilang itinatago sa bawat isa. Ngunit walang kasinungalingan ang hindi nabubunyag. Nalaman ni Frederick at ng kanyang pamilya na si Anastasia ay hindi pala nagmula sa mayamang pamilya dahilan upang kamuhian siya ng mga ito dahil sa kanyang ginawang panloloko, lalo na ng ina ni Fred na isang matapobre. At hindi rin nakaligtas ang pagbunyag ng isang sikretong tuluyang nakasira sa kanila. Nalaman ni Anastasia na ang nakababatang kapatid ni Frederick ay anak pala nito sa unang kasintahan. Naging sanhi ito ng kanilang paghihiwalay. Ngunit dahil sa tagal nilang naging magkasama ay napalapit na pala ang loob ng ina ni Fred kay Anastasia kung kaya’t siya mismo ang nagpumilit na makipagbalikan ang kanyang anak sa asawa nito. Maaari pa kayang maibalik ang relasyong nasira? O tuluyan na itong mawawala?

View More

Chapter 1

Prologue

“Did you ever love me, Fred?” 

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Anastasia habang nakaharap siya at nagmamakaawa sa kaniyang asawa na si Frederick. Alam niyang darating ang araw kung saan mabubunyag ang kaniyang sekreto, ngunit hindi niya inasahan na ganito kabilis at kadaling malalaman ni Frederick ang ginawa niyang panloloko at pagpapanggap.

Ngunit para kay Anastasia ay hindi naman ganoon katindi ang pagsisinungaling na kaniyang ginawa sa asawa at sa pamilya nito upang kamuhian siya ng matindi. She can't even understand the hatred of her husband, because for her, her lies weren't that hard to forgive. Kaya hindi niya lubos maisip kung saan nang-ga-galing ang galit na ipinapakita sa kaniya ni Frederick.

“The moment I found out that you were a fraud, I stopped loving you.”

Malamig ang pag-ka-kasambit sa bawat salitang tinuran ni Frederick. Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin siya sa mga mata ni Anastasia na para bang ipinapahiwatig niya na hindi niya pagsisisihan ang mga salitang kaniyang binitiwan.

“So your love for me was part of your lies?” tanong niya. Hindi halos makapaniwala sa sariling sinabi. 

Anastasia stopped breathing after asking that. Natatakot siya sa maaaring isagot ng kaniyang asawa na si Frederick. Dahil hindi man niya aminin ay alam niyang totoo ang nararamdaman niyang pagmamahal sa asawa, sa kabila ng nagawa niyang pagkakamali at pagpapanggap. 

Frederick then sighed and smirked.

“Of course, what do you expect me to do?” puno ng pait at sarkasamo ang tono ni Fred habang walang kurap niya itong sinasambit sa harapan ng kaniyang asawa na si Anastasia. “That I will love you genuinely despite what you did?”

Parang tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ni Anastasia dahil sa mga rebelasyong narinig niya sa kaniyang sariling asawa. Nasasaktan siya sa katotohanan na ang lahat ng masasayang ala-ala na kanilang pinagsaluhan noon ay parte lang pala ng pagpapanggap at tila ang lahat ay walang katotohanan.

“Sure, I lied to you and your family. But I loved you truly, Fred, and it wasn't a lie at all!”

Sigaw ni Anastasia habang sunod-sunod ang paghikbi. Frederick on the other hand didn't even flinch at all. Seryoso at malamig lamang siyang nakatitig kay Anastasia. 

“Then, pity on you for loving me.”

Hindi na alam ni Anastasia kung paanong patitigilin ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso ngayon. Wasak na wasak na ito at hindi niya alam kung makakayanan pa ba niyang buoin ito sa kabila ng mga salitang parang patalim na tumatama direkta sa kaniyang dibdib.

Umatras ng isang hakbang si Anastasia. Humigpit ang kaniyang pagka-kahawak sa kaniyang pouch habang patuloy sa paghikbi. Tigmak ng luha ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kaniyang asawa na ngayon ay halos hindi na niya makilala.

“I will never regret loving you, Fred. But I think, being separated will make our lives more peaceful and fine.” 

Frederick only smirked like he didn't even care of what Anastasia just said. It was just a lie, of course. Gusto lang namang malaman ni Anastasia kung may natitira pa bang pagmamahal si Frederick para sa kaniya.

“You're right and I planned it already. We're getting our divorce this week.”

Biglang nanghina si Anastasia matapos niyang marinig ang sinabi ng kaniyang asawa na si Frederick. Hindi niya lubos maisip na ang kabayaran ng panloloko at pagsisinungaling niya ay ganito kasakit at katindi.

“There's no divorce in the Philippines,” saad niya. Pilit pinapalakas ang loob na hindi mangyayari ang gusto ng asawa.

Kahit hindi aminin ni Anastasia ay hinihiling niya pa rin na bawiin ni Fred ang lahat ng mga tinuran nito. Ngunit sa tindi ng galit at poot na nababasa niya sa mga mata ng lalaki ay unti-unti na lamang niyang tinanggap na maaaring ito na nga ang huling pag-uusap nila sa loob ng kanilang itinuring na tahanan ng halos isang taon.

“And who told you that we're getting divorce here? Of course, we're doing it in another country!”

“Why are you even pushing this hard, Fred?! Hindi mo man lang ba ako minahal talaga, ha?!” sigaw ni Anastasia.

Wala nang pakialam si Anastasia kung magmukha man siyang desperada sa harap ng kaniyang asawa. She wanted to fix it, she wanted to clear things up but not in this kind of manner!

“I told you, I will never love a fraud like you!”

Napaluhod sa panghihina si Anastasia. That was her last straw.

“Then, I’m done. Let's get divorce.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status