Share

KABANATA WALO: First Date

KABANATA WALO: First Date

YEAR 2020

KARRIE’S POV

“Teka ba’t ang dilim?” Kinakabahan ako at nag-aalala. Marami naming guards sa hacienda pero kahit saan ako tumingin walang katao-tao… Pagkatapos akong iwan ng driver kasama ang maid ko sa harap ng pinto, hindi ko maiwasan matakot… Ipapa-assassinate na ba ako?

Kakabalik ko lang ah!

Napakagat labi ako at humawak sa bag ko ng mahigpit para madali kong ibalibag ang bag sa kung sino mang gustong kakaladkad sa’kin this time! Lumakad na ako sa pinto at dahang-dahang binuksan ito.

Sa takot, sumilip muna ako pero wala akong Makita kaya kinuha ko ang cellphone ko para sa flashlight… Walang tao… 

Hinahanap ko ang switch pero nang pindutin ko ito, sa gulat ko, imbes na sa itaas ang ilaw, napunta na sa baba! 

Imbes na maliwanag na puting ilaw ay mga kulay pulang mga bulaklakin ang style na nakahilera na para bang daanan. Two lines with spaces that looks especially for me to walked by, leading to somewhere far. 

Napatulala ako saglit, hindi ko alam ang sasabihin pero may idea na ako para saan ‘toh… Kaya pala iniwan ako basta-basta kasi may idea ang lahat ng tao dito sa mangyayari. 

Napahinga ako ng malalim at hinawakan nang maayos ang bag ko bago sinundan ang mga ilaw na nakahilera. Inayos ko ng bahagya ang buhok ko habang naglalakad at napaisip. Ganito ba ka-desperado si Aljur para lang hindi ako makipaghiwalay sa kanya? 

Well, saying naman efforts niya kaya sundin ko na lang muna, malay mo may nilutong masarap ito, sana seafood~

Patuloy pa rin ako sa paglalakad at dumaan na rin ako sa dining area at corridor pero wala pa ring katapusan ang haba ng mga ilaw. Saan kaya napulot ni Aljur ang mga ideas na ganito? Sa pagkakaalala ko, ni minsan hindi naging ganito ka romantiko ito. 

Kumakain kami ng sabay oo, minsan nilalabas ako sa mga mamahaling restaurants pero hindi ko ramdam ang effort at madalas ay hindi pa ito nakakasipot dahil sa trabaho kaya madalas kong makasabayan kumain ay ang katulong ko… hangang sa nawala na sa’kin ang lahat.

Napahinto ako bigla nang umabot ako sa glass door, hanggang doon na lang ang mga bulaklaking ilaw. Pero wala akong masyadong makita sa labas nito at pati ilaw ng buwan ay hindi nakisama. 

Kaya binuksan ko na lang ito at sa laking gulat ko ay biglang may nagbagsakan na petals sa harap ko at umilaw ang lahat ng nasa garden! Mga statues at styled bushes na nilagyan ng mga makukulay na lights, dalawang hilera ulit na mga bulaklaking ilaw papunta sa dulo kung saan may lalaking nakatayo na may hawak ng bouquet of flowers! 

Sa paglakad ko papalapit sa lalaking napagwapo sa harap ko 'di kalayuan, napansin ko na napapalibutan din pala ng bulaklaking ilaw ang paligid nito pero nakahugis puso at sa likod nito ay isang malaking lamesa kung saan unti-unti ko nang naaamoy ang mga mababangong ulam! 

I licked my lips from hunger, hindi kasi ako kumain doon kina papa, nakakawalang gana. Kaya nang maamoy ko ang pagkain na niluto siguro ni Aljur, nabalin ang atensyon ko dito imbes na sa gwap

pong mukha nito. 

Siguro dahil sa gutom ay dumiretcho ako sa upuan at nakatitig sa ulam! Kaya hindi ako nagtaka kung si Aljur ay naputalala saglit at bigla akong tinawanan nito! “Pft, hahaha!”

Natauhan ako sa tawa nito at bigla akong napatayo pero pinigilan niya ako habang ngumingisi, “It’s okay, sit down, it seems my wife has been through for a day it makes you hungry.” 

Nilapag ni Aljur ang mga bulaklak sa gilid ng lamesa at pinaghainan ako. “I told you, I’m gonna cook for you tonight, but I don’t know what you like so I hope I surprise you with my specialty,”

"And with what I found on the internet," he added.

Tumatango-tango ako kahit na ang tingin ko ay nasa pagkain na inihanda nito. Ang nagsisilbing ilaw lamang namin ay ang mga ilaw sa statues kaya nakikita ko naman kung may langaw o wala. May pritong blue salmon at sawsawan na toyo-mansi sa gilid. Tinanggalan ito ni Aljur ng tinik bago inilagay sa plato ko. 

Kinuhanan niya rin ako ng maliit na bowl para sa sabaw ata na may langka? Naamoy ko ang langka pero mas naamoy ko ang toyo, but oh well, food is food. Marami pang binigay sa’kin si Aljur na hindi kakayanin ng plato kung kaya maraming mga platito at maliliit na bowl sa tabi. 

Hindi naman ako patay-gutom at kada platito at bowl ay kaonti lang naman ang nilagay ni Aljur, alam niyang makakabusog kapag sobrang dami. “Sigurado ka ba lahat ‘toh specialty mo?”

“There’s more but I was so excited that I realized late we couldn’t finish it all.” Inayos ni Aljur ang table napkin at inilalayan ako bago ito umupo. “I hope it suits your taste,”

“Thank you,” Ipinikit ko ang mga mata ko habang hinawakan ko ang dalawang kamay ko sa may lap ko bago ngumiti at nagdasal sa isip. “Amen,”

Pagkatapos ko magdasal ay idinilat ko ang mga mata ko pero sa gulat nang nakita na sobrang lapit na ng mukha ni Aljur sa’kin, napatili ako! “Nyah~!”

Muntik nang matumba ang upuan ko sa gulat kung hindi lang ibinalik agad sa tamang ayos ni Aljur at saluin ako! “Haa, haa,” hingal na sambit ko.

“I-I’m sorry,” Tumayo ng tuwid si Aljur , “Cough,” at bumalik na sa harap ko kung saan ito dapat nakaupo. “I-I thought you’re asking for a—a kiss—so I didn’t want to left you hanging…” Napakamot ito ng ulo sa hiya.

“Pft,” Napatawa ako sa ginawa nito at pinahid ko ang mga teardrops sa mga mata ko kakatawa, “I’m sorry too, I didn’t ask, I thought you’re an atheist so…”

“How’d you know?” Inayos ni Aljur ang table napkin nito at pinilit ibahin ang usapan.

“All over the magazine, wolfie~” Kinuha ko na ang kutsara at tinidor at sinabayan ako ni Aljur na kumain. Naalala ko, unang beses na kumain kami ay ipinilit ko na mag-pray kami ng sabay at ginawa niya iyon, huli na ng nalaman ko atheist ito at nag-sorry ako. Pero okay lang naman sa kanya kaso naguilty ako.

Hindi naman ako maka-diyos ng sobra pero naniniwala ako, mas lalo na at nangyari sa’kin ang himalang bumalik ulit ako sa past. Pero kahit walang himala, nasanay akong nagdadasal at sa huli ay parehas naming nirespeto ang isa’t-isa at mag-isa akong nagdadasal habang siya ay inaantay ako bago sabay kakain.

Napangiti ito, “Why are you calling me wolfe?”

“Why are you calling me kitten then?” Kinuha ko ang pakpak ng broiled chicken sa gitna namin at inilagay ito sa plato ni Aljur.

“I don’t like honey.” Sagot ni Aljur.

I shrugged, “I don’t like sweetie.”

Ngumiti ito at kumain. Nagkwekwentuhan kami tungkol sa isa’t-isa kagaya ng nagkakamustahan sa isang araw na hindi kami nagsama. 

Mga simpleng usapang ay napaka-nostalgic na sa’kin. Naalala ko ang mga panahon na maayos pa kami ni Aljur noon, kahit papano ay nakaramdam din ako ng saya sa piling niya kahit saglit lang… bago nasira ang buhay ko sa kamay ng pamilya namin. 

Pagkatapos ng mealtime ay dessert naman! Una kong kinuha ay ang bowl na unang ibinigay sa’kin ni Aljur. Amoy pa lang masarap na! Alam ko kung ano ‘toh pero hindi ko maalala kung ano… pero sobrang na-miss ko na ‘toh. 

Pagtikim ko, nasarapan na ako agad… ginataan! Kinakain ko ‘toh dati nung bata pa ako at bihira lang ako kumain nito at dapat mag-isa… wait, bakit nga ba?

I shrugged, masyadong masarap ang pagkain kaya inubos ko na ang isang maliit na bowl. “Thank you so much Aljur! I’m so full!”

Kumuha agad ako ng napkin at ipinahid ko kaagad sa labi ko nang mapansin ang hawak ng napkin nito… mukhang bibigay niya sana… oops, nasira ko ‘yung romantic chance niya. 

Oh well, it’s the first night after going back to the past na tahimik ang gabi ko. Wala akong takot na nararamdaman at nag-eenjoy sa gabing inihanda ni Aljur… Sobrang saya ko at hindi maiwasang mapangiti… It’s been a long time since I smiled…

“I’m glad you like this dinner date I had prepared with our maids and butler, they helped me prepared the dishes.” Tumayo si Aljur sa tabi ko. “Would you like to come with me to watch the stars tonight? Just a little walk para matunawan tayo.” Yaya nito. 

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay nito bago tumayo. I hope this night won’t be over… I hope this peace will last even though I knew it won’t… But I’m happy tonight. Nothing can ruin this wonderful night we have…

But I spoke too soon. Isang hakbang palang nagagawa ko nang kumulo ang tiyan ko! Sh*t! I forgot! 

Napalunok agad ako at nang maramdaman na may hanging gustong kumawala sa likuran ko, at alam kong wala nang oras para tumakbo ay tinakpan ko kaagad ang tainga ni Aljur! 

Prrrt

Nagulat si Aljur sa inasta ko pero dahil hindi ganoon kalakasan ang utot ko, ay mukhang hindi naman niya narinig iyon! 

Bago pa niya maamoy ‘toh, pinatalikod ko na agad ito at itinulak sa malayo, “I had a great night, thank you so much!” Nang maka-alis na kami sa table ay iniwan ko na siya sa garden at patakbong bumalik sa loob ng hacienda ng nakatakip ang mukha gamit ang mga kamay ko!

Hindi na ako lumingon at baka makita ko pa ang kahihiyan ko sa reaksiyon nito kapag hinangin ang utot ko at maamoy niya!

Binilisan kong umakyat pero sa hagdan pa lang ay may malakas na hanging sumaboy sa puwet ko! Buti na lang wala masyadong ilaw at wala rin ang mga tauhan namin! Mukha namang hindi ako sinundan ni Aljur! 

Thank goodness! 

Sobrang nakakahiya! Ba’t kasi kumain ako ng ginataan! Sa dami-dami ba naming dessert na available ‘yon pa! At bakit naman ang shunga-shunga ko at hindi ko naalala na lactose intolerant ako! Buang jud ko! 

[Note: Buang means crazy; translation= I’m so crazy!]

Sabagay, mula nung ikinasal ako, iniwasan ko na talagang kumain o uminom ng may gatas at cheese sa takot, mas lalo na sa gata! I’m so allergic to it! Pero eto ako ang shunga-shunga!

Pagpasok ko sa banyo ay inilabas na ng tiyan ko ang sama ng loob nito. Oo! Magalit ka sa’kin tiyan! Loka-loka ang brain natin! 

Napa-facepalm na lang ako. Nasira na ang gabi namin ni Aljur, nasira pa ang tiyan ko, hasyt!

Buti na lang hindi ako nagpapantal o naghihinalo sa allergies like Aljur, pero nag-aalburuto lang ang tiyan ko at maglalabas ng mga kinain, at kapag wala nang laman maghahanap ng laman, parang naka stock lang?

Ang malala nga lang… manghihina ako…

Sana naman hindi umabot ang panghihina ko hanggang bukas…

Kaso nagsalita na naman ako ng maaga… 

Hindi ako makatayo sa higaan kinabukasan at kinansela ni Aljur ang lakad naming dalawa! 

Nalungkot ako kasi miss ko na gumala habang wala pa ang bruha na sisira ng relasyon namin ni Aljur, pero wala eh, gata ‘yon eh! 

Ahh! Kainis! Bakit kasi hindi nag-ba background check ‘tong si Aljur! Kahit dati pa! Kung hindi ako maingat noon, siguro ganito rin ang sinapit ko!

Ngayon naalala ko na bakit kumakain ako ng bawal mag-isa… Kasi nakakahiya!

“You should rest for today,” hinimas ni Aljur ang ulo ko, “I’m sorry, I didn’t know you’re allergic to milk or coconut milk…” Nalungkot ang itsura nito at hinawakan ko nalang ang kamay nito, “Not your fault, nakalimutan ko rin sa gutom.”

“I wanted to make it up to you but…” Parang tuta kung umasta ito pero alam ko na tinawagan ito ng nanay niya… Ayaw talaga kaming pagsamahin ni Tita Maja.

“It’s okay, I’m not alone and I just need some rest and sleep today, I’ll be back to normal tomorrow...”

I hope!

Tumango na lang si Aljur at nagpaalam. Hindi ko na hinintay na lumabas ito ng kwartoi bago ako bumalik sa tulog sa pagod… pagod umiri ng dumi buong gabi.

Pag gising ko, ubos na pala ang tubig ko sa gilid, dahil sa uhaw, tumayo ako at bumaba sa kusina. Pagkatapos ko uminom ay umakyat na ako pabalik ng kwarto nang makarinig ako ng ingay sa hindi kalayuan…

Paglingon ko, nakita ko, one of the door rooms… if I remember correctly, may daan papuntang basement doon… 

I was gonna check ng pigilan ako ng head butler, “Madam, master ordered us to make sure you have good rest today. Should I call maids to help you? It seems you need more water?”

 ~

KL •Unang Libro• RMT:SMH

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status