Share

Chapter 4

Author: Secret Writer
last update Last Updated: 2023-06-10 06:44:48

Kasalukuyan nasa canteen sina Leina at Sarah dahil Lunch Break na nila

"Ano nang kwento? Paano mo nasabi na break na sina Matt at Ria?" ani ni Sarah kay Leina pagkaupo nila

"Kasi nung weekend, nagbar kami ng mga pinsan ko, nakita ko si Matt na lasing na lasing, as in, ayun hinatid ko sa kanila at dun niya naikwento na wala na nga sila ni Ria"

"Teka, parang merong mas interesting kesa sa break up nila" ngingiti ngiting ani ni Sarah

"Ha?"

"Sabi mo lasing na lasing si Matt, at inihatid mo siya sa kanila, umamin ka sa akin Leina, siguro nirape mo si Matt noh?"

"Gago mo, ako talaga ang mangrerape? Hindi ba pwedeng siya?"

Nanlaki ang mga mata ni Sarah "May nangyari sa inyo?"

"Ang tungek mo, wala noh"

"Eh bakit sabi mo hindi ba pwedeng siya ang nangrape? Sus umamin ka na, sige na"

"Tse! Sabi mo kasi nirape ko si Matt"

Tawang tawa naman si Sarah "Joke lang, pulang pula ka na o"

Hinawakan ni Leina ang magkabilang pisngi "Tarantado ka kasi"

"Hindi nga, seryoso na, break na sila?"

"Oo nga"

"Eh bakit daw?"

"Hindi ko alam, walang sinabi si Matt, pero parang si Ria ang nakipagbreak, kasi ang dami niyang tanong, kung panget raw ba siya, mabaho ba siya o bad breath, mga ganun"

"Malamang nga, kasi hindi naman siguro magtatanong si Matt ng ganun diba? Sayang naman sila, mukhang mahal na mahal pa naman ni Matt si Ria"

"Oo nga"

"Uy baka sumama ang loob mo sa akin, pero tanggap mo naman diba? Yung tungkol kay Matt at Ria"

"Oo naman, wala naman ako sa kalingkingan ni Ria"

"Ay sobra siya, hindi noh, nagkataon lang na siya ang mahal ni Matt"

"Oo, mahal na mahal ni Matt yun, ramdam ko yun nung nag-uusap kami"

"Yaan mo na, makakahanap ka rin ng para sayo"

"Hindi naman ako nagmamadali noh"

Sa isang coffee shop naman nagpunta sina Aldrin at Matt, dun sila nag-usap

"So, talagang nakipagbreak si Ria sayo? At wala raw third party?" ani ni Matt

"Sabi niya wala raw, parang hindi na raw siya masaya"

"Hayaan mo na muna siya, malay mo makapag isip isip siya, at marealize niya na hindi pala niya kayang mabuhay ng wala ka"

"Sana nga"

"Wag kang mag-alala... sabi mo nga pala hinatid ka ni Leina sa condo?"

"Oo, nakita niya ako sa bar na lasing na lasing"

"Alam mo para kayong pinagtatagpo ng tadhana"

"Siraulo ka" nangingiting ani ni Matt

"Hindi nga... what if ligawan mo si Leina, malay mo mabilis mo makalimutan si Ria"

"Mahal na mahal ko si Ria, hindi ko siya kayang kalimutan"

"Malay mo naman, kung hindi magwork eh di magbreak kayo, eh paano kung magwork di ba? Sexy kaya ni Leina, balita ko nga parang pinupuntirya ni Sir Carlo yun, at saka maganda kaya siya at komedyante, nakakatawa nga siya minsan kasi para siyang siraulo" natatawang ani ni Aldrin

"Eh di ikaw manligaw"

"Ikaw type nun, alam mo naman yun diba?"

"Ewan ko Aldrin"

"Try mo lang, baka masyado ka lang kasing focus rin kay Ria kaya hindi mo na napapansin ang ibang babae, malay mas magclick kayo ni Leina"

"Hindi ba ako magiging unfair nun?"

"Hmmm, in some way siguro, pero tingnan mo na lang yung positive side"

"May positive side nga ba? Baka masaktan ko lang yung tao, baka magkasakitan lang kaming dalawa"

"Tingin mo ba hindi pa nasasaktan yun? Gusto ka niya pero ikaw may mahal na iba, sasaya pa yun pag niligawan mo kasi magkakachance na siya sayo" ani ni Aldrin, hindi naman na nakakibo si Matt

Oras nanaman ng uwian, nag-aabang ng masasakyan sina Sarah at Leina nang madaanan sila ni Matt at Aldrin, binaba ni Aldrin ang bintana sa side niya

"Leina, Sarah, lika na" ani nito

"Sure kayo?" ani ni Leina, siya namang silip rin ni Matt

"Sakay na, sabay na namin kayo" ani ni Matt, sumakay naman ang dalawang babae sa backseat ng kotse

"Hirap sumakay ngayon" ani ni Aldrin

"Oo nga eh" ani ni Leina

"Buti hindi niyo naiisipan na magbook ng motor"

"Ayoko sa motor, takot ako"

"Ikaw Sarah?"

"Ayoko rin, nakakatakot"

"Sabagay nga pero mas mabilis yun, di bale, buti nadaanan namin kayo ni Matt, gusto niyo kain muna tayo tapos ihahatid na lang namin kayo" napatingin naman si Matt kay Aldrin, hindi niya alam na magyayaya ito, napatingin si Leina kay Matt kasi halata niyang mukhang nagulat ito sa suggestion ni Aldrin

"H-Hindi na, thank you na lang Aldrin, kasi baka lalo tayong matagalan" ani ni Leina, napatingin naman si Matt kay Leina sa may salamin

"Okay lang, sige na kain na tayo, para naman tayong hindi magkakaopisina niyan, at saka kami nang bahala maghatid sa inyo" ani ni Matt

Nagkatinginan naman sina Sarah at Leina "Ano?" halos pabulong na ani ni Leina kay Sarah

"Ikaw, okay lang sa akin"

"Narinig ko yun" ani ni Aldrin "Matt sa mall tayo" ani pa nito

"Wow, driver mo ako?" natatawang ani ni Matt, napangiti naman sina Sarah at Leina

"Okay lang ba? Hahaha"

"Baliw ka"

Nakarating sila sa mall at kumain sila sa isang fastfood chain na kilala sa mga burgers

"Ahm, Leina si Matt o" ani ni Aldrin

"Ha?" namumulang tanong ni Leina

"Wag mong intindihin yan Leina" ani ni Matt "Baliw yan eh" ngumiti naman si Leina at nilaro ulit ang daliring may band aid "Anong nangyari dyan?"

"Eto? nagupit ko kanina"

"Mag-iingat ka kasi" ani ni Matt sabay kuha sa kamay nito na may band aid, nanlaki naman ang mata ni Leina, napangiti naman si Aldrin

"Masyado akong nasisikipan dito" ani ni Aldrin "Lika Sarah lipat tayo sa kabilang table"

"Sige lipat tayo" ani rin ni Sarah sabay tumayo ang dalawa at lumipat sa kabilang mesa

"Mga baliw talaga" ani ni Leina

"Wag mo na ngang intindihin ang mga yun" ani ni Matt "Next time mag-iingat ka"

"Oo"

"Hatid kita mamaya, unahin ko na ihatid yung dalawa, gusto kong bumawi sayo, parang hindi pa ako nakakabawi sa tulong mo sa akin"

"Wala yun, alangang pabayaan kita sa bar"

"Kahit na, hindi mo naman kailangang gawin yun"

"Anong hindi? Friends naman tayo"

"Oo nga naman" ani ni Matt "Basta ihahatid kita sa inyo mamaya"

"Sige ikaw ang bahala"

Maya maya ay dumating na ang order nila, kwentuhan sila habang kumakain, iniiwasan naman ni Leina na mabanggit ang pangalan ni Ria, maya maya ay nagdesisyon na rin sila na umalis na.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Rebound Love   Last Chapter

    Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, mula nang bumalik sila galing sa Pangasinan ay hindi na nagkita pa sina Aldrin at Sarah, muli silang magkikita ngayong araw ng kasal ni Leina at Matt, nasa simbahan na si Aldrin at Matt"Pre, kinakabahan ka noh?" ani ni Aldrin"Oo, okay lang ba itsura ko?""Oo, papayag ako na mas gwapo ka sa akin ngayon, pero ngayon lang""Wow ah" natatawang ani ni Matt, siya namang hinto ng van, bumaba ang mga magulang nila, ang mga bata, si Nene at si Sarah, napatingin si Aldrin kay Sarah, at ramdam niya sa puso niya na talagang namiss niya ang babaita niya"Kids, behave lang, walang tatakbo, anong sabi ni Ninang Sarah?" ani ni Sarah sa mga bata"Act like a lady" ani ng tatlo"Okay very good""Ninang Sarah, ang ganda mo po" ani ni Tintin, ninang na rin ang tawag nito sa kanya at okay lang din naman ito kay Sarah"Siyempre, lahat tayo maganda, pero pag dumating na si Mommy, sigurado ako siya ang pinaka pretty""Sarah" tawag ni Matt sa kanya, napatingin naman

  • Rebound Love   Chapter 70

    Nilapitan ni Leina ang kaibigan habang nakalubog ito sa tubig"Mardz" ani ni Leina sabay yakap dito "May problema ba?"Biglang tumulo ang luha ni Sarah "May mahal na siyang iba Mardz, sinabi niya sa akin kanina" ani ni Sarah"Si Aldrin?""Oo, wala talaga, I think kailangan ko na rin magmove on sa kanya, wala namang ibang tutulong sa akin kundi sarili ko""Yaan mo na Mardz, makikita mo rin yun lalaking totoong magmamahal sayo""Sana nga Mardz, gusto ko na rin ng baby eh, naiinggit na nga ako sayo""Ano ka ba? Dont worry darating din yun, malay mo andyan lang yan sa tabi tabi, hindi mo lang napapansin kasi lagi kayong magkasama ni Aldrin""Kaya nga, pagbalik natin sa Manila hindi na ako masyadong sasama sa kanya, iiwasan ko na siya"Hindi naman na nakakibo si Leina at niyakap na lang ulit si Sarah, maya maya ay lumapit na rin sina Aldrin at Matt, hindi nga pinansin ni Sarah si Aldrin, hindi rin ito pinansin ni Aldrin dahil sa pag-aakalang napikon lang ito sa pambubuska niya kanina sa ma

  • Rebound Love   Chapter 69

    Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, six months na si Baby Jayr at malapit na rin ang birthday ni Leina, isang araw, habang nananghalian silang pamilya ay napag-usapan nila ang celebration na gagawin para sa birthday ni Leina"Mahal hindi na kailangan" ani naman ni Leina"Hindi, kailangan nating icelebrate yun" ani ni Matt"Yung mga bata na lang ang tanungin natin kung anong gusto nila"O kids, anong gusto niyo para sa birthday ng mommy niyo" ani ni Matt sa mga anak"Daddy swimming" ani ni Chabelita"Opo Swimming" ani naman ni Cruzita"Ako rin po swimming" ani naman ni Tintin"O paano Mahal? Swimming daw" ani ni Matt"Okay swimming" nakangiting ani ni Leina"Invite natin sina Aldrin at Sarah tapos sa bandang north tayo pumunta, stay tayo dun kahit mga three days""Ikaw ang bahala, wala naman akong pera""Anong walang pera" natatawang ani ni Matt "Yung sweldo ko sa business natin binibigay ko sayo""Pera mo yun""Pera natin yun, para sa atin yun, ang mabuti pa Mahal maghanap na ta

  • Rebound Love   Chapter 68

    Lumipas pa ang mga araw, naglelabor na si Leina, dinala na siya sa ospital ni Matt kasama si Aling Linda at Nene, sina Ferdie naman at Minda ang naiwan sa tatlong bata sa condo"Mahal, ang sakit na ng tiyan ko talaga" ani ni Leina"Relax ka lang Mahal ko""Parang dalawa rin ilalabas ko Mahal" nang biglang pumutok ang panubigan nito, tumawag na ng nurse si Aling Linda at dinala na sa delivery room si Leina, pagkatapos ng ilang oras ay nakaraos na rin si Leina, pumunta si Matt sa nursery para silipin ang anak niya, naluha siya sa tuwa nang makita si Baby Jayr, maya maya ay bumalik na siya sa kwarto ng asawa, andun na rin sina Ferdie at Minda kasama ang tatlong bata"Daddy!" nagtakbuhan ang tatlong bata sa kanya at isa isang humalik"Daddy si Baby Jayr po?" ani ni Tintin"Mamaya Ate dadalhin siya dito""Makikita na natin kapatid natin""Oo nga Tintin, basta ako magpapakain sa kanya ah" ani ni Cruzita"Pwede na siya kumain ng Jollibee?""Naku mga apo" ani ni Ferdie "Kayo pwedeng magJollib

  • Rebound Love   Chapter 67

    Unti unti nang nag-uuwian ang mga bisita, nag aayos na rin sila nang mga regalo nang makaramdam si Tintin ng pag-ihi"Mommy naiihi po ako" ani ni Tintin kay Leina"Ahh teka lang anak" hinanap ng mata niya si Nene at nang makita ay kinawayan ito, lumapit naman si Nene "Ne, pakisamahan muna si Tintin sa CR please""Sige po ate" ani nito "Lika baby" at sinamahan na nito sa CR ang bata, ilang saglit lang ay lumabas na sila nang may biglang humawak kay Tintin"Anak, lika na uuwi na tayo""Kuya, bitawan mo siya" ani ni Nene"Anak ko to""Tulong!" sigaw ni Nene, lumapit naman ang guard sa kanila"Ano yun?""Kuya kinukuha niya ang pamangkin ko""Anak ko to" ani ni Joel, umiiyak naman si Tintin"Joel!" ani ni Aldrin kasama nito si Sarah at Kendra, napatakbo ang tatlo sa kanila, kinwelyuhan ni Aldrin si Joel "Ayaw mo talagang tumigil noh?" ani ni Aldrin, kinuha naman ni Kendra si Tintin at binuhat, nagkagulo na sa venue at nagpatawag na rin ng pulis ang manager, siya ring labas nina Leina at Ma

  • Rebound Love   Chapter 66

    Nakauwi na sila sa condo, dinala agad ng mag-asawa si Tintin sa kwarto, malungkot pa rin ito pero hindi naman umiiyak"Baby, pag may gusto ka o gusto mo ng kausap andito lang kami, pwede mo kaming kausapin" ani ni Leina"Nak, wag kang mahihiya okay? Magsabi ka lang ng kahit ano, kung may kailangan ka" ani naman ni Matt"Daddy sino po yung mama kanina? Sabi niya siya ang Daddy ko" ani ni Tintin, nagkatinginan naman ang mag-asawa"Anak, pwede kang magrest muna, masyado kang pagod alam namin yun" ani ni Matt"Sleep ka muna, kayo nila kambal" ani naman ni Leina"Okay po""Bihisan muna kita tapos magsleep ka muna" ani ni Leina, kinuhanan niya ng damit si Tintin at binihisan ito, si Matt naman ay pinuntahan muna ang kambal sa sala, pinahiga na ni Leina si Tintin at hinalikan ito sa pisngi "Sleep ka muna baby" ani muli ni Leina, pumikit naman na si Tintin, maya maya ay pumasok sa kwarto ang kambal, binihisan rin ito ni Leina at pinatulog muna, nang makasigurado na tulog na ang tatlo ay lumab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status