Natagpuan niya ang sariling nag e scroll sa kanya cellphone at nabuksan niya ang kanyan mga account na kasalukuyang walang tigil ang notification at trending na ang issue ng tungkol sa kanya.Sa ilalim ng kanyang ipinost noon na video ay halos bumaha ng mga komento at halos nagkakagulo ang mga netizen at isinusumpa siya."Anong klaseng basura kang babae ka ka? Wow napakakapal ng mukha mo. Nahulog ka sa lupa at sinisi mo ang iba at sinabi mo pang itinulak ka niya. Ang kapal ng mukha mo." Sabi ng isang post naka capslock pa."Matindi ka rin, inuto mo kami at sinabi mo sa publiko na gusto kang patayin ni Miss Yuna, na kesyo hindi ligtas ang iyong buhay, para saan ka hindi ligtas para sa sarili mong multo? Masaya ka bang dayain ang lahat ng tao?" Galit na sabi ng isa pa."Napakasinungaling mo. Hindi ka nagsasabi ng totoo. Sa tingin ko tama lang na umayaw na si Robert sayo, hindi ka matinong babae, isa kang kahihiyan, isa kang desperada." Dagdag post ng isa pa."Sino ba naman ang maglala
Nang lumala na ang social media, hiniling ni Yuna kay Melisa na tulungan siyang suriin ang impormasyon tungkol sa isang tao naang pangalan nga ay Xia, sinabi ni Yuna na ito ang account na nag leak ng personal impormasyun niya kaya malakas ang kutob niyang tauhan ito ni Rowena at agad namang pumayag si Melisa at naghanap ng imbestigador.Nagsanib-puwersa sila para gamitin ang panlilinlang na ito ni Rowena at nahuli si Rowena sa pinaka hindi inaasahan sitwastun. Pinikit ni Felix ang kanyang mga mata, hindi makapaniwala sa mga narinig niya. "Bakit hindi mo ako tinawagan?" May himig pagtatampo sa tinig niya."Sinabi ko na sayo dati, hindi ko kailangan ng tulong mo." Bahagyang lumaya ang boses ni Yuna, ipinatong ang kanyang mga daliri sa mga balikat, ni Felix at bahagyang itinulak ito palayo,"Sa pagitan ko at ni Rowena, hindi mangyayaring maging patas ka. Kaya hangga't hindi ka tumatabi sa kanya ng garapalan, ayos lang kaya ko ito kahit wala ang tulong mo."Bumagsak ang mga mata ni Fe
Ang sender ay nagtatago sa pusang profile na iyon ang naglantad ng impormasyon ni Yuna sa comment section noong panahong iyon. Siya ang paulit-ulit na nagsasabi na si Yuna ay isang mang aagaw at kabit at nagpadala ng impormasyon ni Yuna, na naging dahilan upang si Yuna ay ma-cyberbullied.Sa mga oras na nagpipiyesta na ang mga tao sa naipost ni Yuna.Yun din ang oras na may tumawag kay Yuna ang caller ay walang iba kundi, ang babaeng may profile ay pusa na may pangalang Xia."Ms.Yuna, inilantad ko na sa iyo ang lahat ng mga bagay na iniutos sa akin ni Rowena na gawin ko sa Internet. Okay na ba yun?" Sabi ng nang babae.Noong mga araw na nilalamutak si Yuna sa comment section ng post ni Rowena. Umagaw ng pansin kay Yuna ang isang profile na pusa at may pangalang Xia. Agad iyong iniscreen shot ni Yuna at pagkatapos ay umupa ng sa isang tao para hanapin ang mayari ng profile na iyon.Sa kabutihang palad ng magandang kapalaran. Nakuka nila ang personal ang informartion ng account na
"Nasaan si Yuna? Bakit hindi siya inaresto?" Agad na salubong ng isang naroon sa building habang hawak ang nakabukas na camera para makunan sana ang mga pangyayari. Ang mga tao ay hindi natuwa na hindi bitbit ng mga pulis si Yuna paglabas kaya sumugod ang mga tao at pinalibutan ang mga pulis, "Sir Chief, hindi ba pinagbantaan ni Yuna ang buhay ni Miss Rowena? Bakit hindi niya siya arestuhin?" Usosa ng isa."Tama, oo nga, delikado si Yuna, bukod sa may dati na itog kaso at dating bilanggo.Isang delikadong babae si Yuna.Dapat sa kanya ay ikulong muli. Anong kalseng mga pulis kayo" sigaw ng isa at sunod sunod ng nagsigawan angvmga toa at inuutos sa mga pulis na hulihin si Yuna."Sandali lamang ho, kumalma sana kayo. Ang lahat ho ay isang hindi pagkakaunawaan lamang" sani ng isang pulis. Ang pulisya ay hindi masyadong nagsiwalat ng impormasyun sa totoong nagyari. Sinabi lamang na sila ay magbibigay ng sagot sa lahat mamaya sa isang pangkalawakang panayam.Ang lahat ay hindi natuwa at
Magsasalita na sana si Felix at sasabihin, “Ito nga ang bahay niya.” Ngunit nagulat si Felix nang biglang sumulpot si Yuna sa kanyang likuran niya. Si Yuna ang sumagot sa tanong ng pulis.“Oo, ito ang bahay ko. At ako nga ang hinahanap ninyo."matapanf na hinarap ni Yuna ang mga pulis."Magandang hapon, Miss Parson. Galing kami sa istasyon ng pulis, at naparito kami para anyayahan kayo sa presinto. Mayroon kaso inereklamo sa inyo,kailangan namin kayong imbestigahan para sa pagsisiyasat.” Ipinakita ng pulis ang ID ni Yuna. Nag-cross arms si Yuna, bahagyang tumaas ang kilay, pero ngumiti pa rin at sinabing, “Sa tingin ko’y hindi ako dapat sumama sa inyo para sa isang imbestigasyon.” Tahasang tumanggi si Yuna na makipagtulungan sa imbestigasyon ng mga pulis. Natigilan ang mga pulis saglit bago muling nagsalita,“Miss Yuna, seryoso ang bagay na ito. Kung hindi po kayo makikipag-cooperate sa amin, makakadagdag lamang iyon sa inyong kaso. Kakasuhan namin kayo ng paglabag sa batas.” “Nai
Nagkagulo ang mga reporter, at mga taong nakapaligid. ay nangkaroon ng kanya kanyang opinion, pero ang lahat ay biglang nagpukol ng matinding galit kay Yuna. Ipinagpatuloy ni Rowena ang pagdadrama."Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. Tiniis ko ang lahat para sa kapakanan ng kapatid ko, pero kalahating taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya nasisiyahan at hindi pa rin niya ako tinatantanan. Inagaw pa niya ang lalaking mahal ko para lang makapaghiganti. Nanatili akong mapagpakumbaba at patuloy na nakikiusap sa kanya." Mahinahong paliwanag ni Rowena."Pagkatapos ng lahat ng pananahimik at pagtitiis ko, ganito pa rin ang gagawin niya?Pagkatapos niyang makulong, nagtanim siya ng poot at galit sa akin. Kinasusuklaman niya ako. Pinagbabantaan niya ako at ilang ulit na sinubukang patayin, hanggang sa umabot kami sa nangyari ngayong umaga," madamdaming sabi ni Rowena.Kinakabahang nagsalita si Rowena, "Hindi ko alam kung kaya ko pang protektahan ang sarili ko.Nata