LOGINPara mailigtas ang nalulugmok na kumpanya ng pamilya Perez, Elena has no choice but to agree, to a deal na inilatag ni Sebastian Montlaire. The contract in exchange for her. Isang kundisyon na imposibleng tanggihan, lalo na't ang pamilya ni Elena ay wala namang pakialam sakaniya. Ngunit sa bawat gabi na nagkakasama si Elena at Sebastian dahil sa kasunduan, mas lumalalim ang obsession ni Sebastian, at mas nagiging komplikado ang puso ni Elena. Is it just a ruthless deal for desire, o hahantong ito sa isang mas malalim pang ugnayan? Kapag kapangyarihan, pagnanasa, at puso ang nagbanggaan... alin kaya ang mananalo?
View MoreELENA’S POV
--- May kakaibang sigla sa opisina ngayong araw. Hindi ito yung tipong masayang energy, kundi yung uri ng kaba na halos kumakain ng buong floor. Kahit saan ako tumingin, lahat ng tao abala. Nag-aayos ng mesa, nagpipilit na maging presentable, at nagbubulungan na parang may paparating na hari. "Narinig mo ba? Si Mr. Montlaire daw, pupunta rito mismo," bulong ng isa kong officemate na babae, halos nanginginig ang boses habang kausap ang seatmate niya. Montlaire. Of course, narinig ko na ang pangalan na ‘yon. Sino ba namang hindi? Sebastian Montlaire, ang bilyonaryo na kilalang kilala sa mundo ng business. Hindi siya basta negosyante, isa siyang alamat. At hindi magandang alamat dahil sa galing nito sa lahat ng bagay, At sa edad na 34 ay successful na talaga ito kung maituturing. Pero sakin, mas bagay sa kanya ang bansag na halimaw, kasi halos lahat ng kumpanya na dumaaan sa kamay niya… nababago, natitibag, o kaya naman ay napapaluhod. Lahat nang gustuhin niya ay makukuha niya ng walang kahirap hirap. Kung gusto ka niyang pahirapan? paniguradong wala kang palag. “Oh God! paano kung mapansin niya tayo?” sagot naman ng seatmate niya, habol-habol ang hininga habang nag-aayos ng buhok. “Wag kang tatanga-tanga. Sabi nila, kahit maliit na pagkakamali, napapansin niya.” Napailing na lang ako. Ang dami nilang alam. Hindi ko naman sila masisisi. Para sa kanila, malaking bagay ang pagbisita ng Sebastian Montlaire dito sa Perez Innovations. Isa siyang banta at isang pangarap sa parehong oras. Kapag nakipag-deal siya, ibig sabihin may tsansang mabuhay ulit ang kumpanyang halos nalunod na sa utang. Pero para sa akin? Wala. Isa lang siyang pangalan. Isa lang siyang lalaking mataas ang tingin sa sarili, at siguradong hindi niya mapapansin ang mga bagay na alam niyang wala namang pakinabang. Nakanguso akong tumingin sa laptop screen sa harap ko. HR forms. Payroll lists. Mga numbers na wala nang katapusang kailangang i-input. Ganito na lang lagi ang araw ko. At sa totoo lang, mas gusto ko ng ganito. Tahimik. Walang istorbo.. Sa pamilya ko, para akong multo, hindi nakikita, walang may pake-alam pero sanay na rin naman ako. Kahit siguro saan ako mapadpad, mas okay na ako na walang pumapansin sakin dahil sanay namana ako. "Elena, narinig mo ba?!" biglang tanong ng isa kong officemate, halos mabali leeg sa paglingon sa akin. "Si Sebastian Montlaire! Pupunta rito! Ngayon!" Napakurap ako, nagulat dahil parang inaasahan niyang sasali ako sa kilig o kaba nila. “Uh… oo. Narinig ko," mahina kong sagot, saka muling bumalik sa pagta-type. “Grabe ka, parang wala lang sayo?” dagdag niya, halatang hindi makapaniwala. “Kung ako, baka mahimatay ako ‘pag dumating siya.” Ngumiti lang ako ng tipid. “Ikaw ‘yan e, ano naman kung dumating ang taong ‘yun dito? as if naman papansinin ka agad?” Tumawa sila, pero ramdam ko na peke ang mga tawang iyon, iniisip nila na hindi ko kayang makipagsabayan sa pagiging excited nila. Kahit naman sampung Sebastian Montlaire pa ang dumating dito, hindi pa rin magbabago ang katotohanan, lugmok na sa utang ang Perez Innovation at kaming pamilya lang ang nakakaalam, or should i say? pamilyang Perez lang pero hindi ako kasali, kasi hindi naman ako itinuturing na parte sa pamilya nila. Habang patuloy ang bulungan sa paligid, sumagi bigla sa isip ko si Veronica. Ang ate kong laging perpekto sa paningin ng lahat. Kung naririto siya ngayon, siguradong siya ang bida. Siya ang papakiligin ng mga empleyado, siya ang hihintayin ng mga tingin ng lahat, siya ang ipagmamalaki ng magulang ko. Ako? Ako ang tipo ng anak na hindi man lang pinakikilala bilang anak. Madalas kong tanungin ang sarili, may mali ba sakin? may talent naman ako? matalino at masasabi kong maganda ako, pero bakit.. Bakit parang basura lang ako? -- Lumipas ang ilang oras, Napansin ko ang pag-iingay ng mga kasamahan ko, ang iba naman ay nag-si-tayuan. “Siya na ba ‘yun?” may nagbulong sa likod ko. “Wala pa raw, pero andyan na ang mga tao niya, yung mga bodyguard. Grabe, ang titindi! Body guard palang ulam na, pano pa si Mr. Montlaire?!” tili ng kasama nito. Napabuntong-hininga ako. Ang OA. Para bang may paparating na hari ng bansa. Well, sa isang banda, mas malala pa siya sa hari. Ang mga hari, hindi mo naman makakasalamuha araw-araw. Pero si Sebastian Montlaire? Kapag nadale ka ng negosyo niya, parang wala ka nang ligtas kahit saan ka magtago. Ang dami ko nang nabasang articles tungkol sa kanya. Ruthless. Merciless. A predator hiding behind an elegant suit. Kung ibang tao, baka matakot. Pero ako, wala akong paki. Kasi hindi naman ako parte ng board, hindi ako shareholder, hindi ako lalapit sa kanya para makiusap o makipag-deal. Isa lang akong maliit na empleyado sa ilalim ng isang kumpanyang nalulunod. “Perez, ikaw na muna ang sumalo ng incoming calls.” nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Ma’am Reyes, isa sa supervisors namin. Halatang kinakabahan din siya habang bitbit ang isang makapal na folder. “Pupunta ako sa boardroom. Kailangan doon ang lahat ng managers.” Tumango lang ako at mabilis na kinuha ang headset. Hindi naman bago sa akin na ako ang nauutusan kapag may mas importanteng bagay. At least, sanay na ako. Habang nagta-type, naririnig ko pa rin ang masiglang usapan sa paligid. “Grabe, ang gwapo daw niya. Sa TV pa lang, para siyang Greek god.” “Eh sabi ng pinsan ko, na-meet niya once sa isang event, halos hindi daw makapagsalita sa harap niya.” “Pero delikado siya. Isang tingin pa lang, parang malalaman na niya kung anong klase kang tao.” Napangiti ako ng mapait. Seryoso ba sila? Nababaliw yata sila sa isang lalaki na kahit kailan, hinding-hindi titingin sa direksyon namin. Kung titignan man niya kami, baka para lang i-check kung may dumi sa sahig. --- Nang bumukas ang double doors sa dulo ng floor, halos mabingi ako sa sabay-sabay na pagbuntong-hininga ng mga tao. Parang bumagal ang oras. May dumaan na dalawang lalaking naka-itim na suit, mukhang bodyguards. Tahimik, pero intimidating. Sunod-sunod silang naglakad, parang nag-aalis ng hangin sa paligid. At sa likod nila… Ang lalaking kanina pang dahilan ng ingay ng mga kababaihan rito. Sebastian Montlaire. Unang beses ko siyang makita sa totoong buhay. Hindi ko alam kung dahil sa hype ng mga kasama ko, o talagang may kakaiba sa presensiya niya, pero ramdam ko agad ang bigat ng aura niya. Para siyang isang bagyong dahan-dahang lumalapit. Tahimik pero delikado. Matangkad. Malapad ang balikat. Nakasuot ng dark tailored suit na parang hinulma para lang sa kanya. Ang tingin niya? Diretso. Matalim. Walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan. Nakatingin siya sa unahan, hindi tumitingin sa kaliwa o kanan. At sa bawat hakbang niya, halos lahat ng tao’y humihinto sa ginagawa nila, para lang sundan siya ng tingin. Pero ako? Binalik ko ang tingin ko sa screen ng laptop. Wala akong balak makisama sa kanila. Hindi ako tulad nila na mahuhulog ang panga sa lupa. Sebastian Montlaire? Fine. Gwapo siya. Pero so what? wala akong pake. Habang nag titipa sa keyboard ay nakaramdam ako bigla na parang may presensyang huminto saglit sa likuran ko, pakiramdam na may nakatingin. Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung guni-guni lang ba. Baka kasi dala ng lahat ng hype at bulungan sa paligid. Pero ang bigat ng tingin na para bang tumagos sa batok ko. Mabagal kong iniangat ang ulo ko, lumingon at nagulat ako ng magtama ang mata naming dalawa. Sebastian Montlaire. Diretsyo at nagtagal ang tingin na iyi tila wala nang ibang tao sa paligid, at doon ko na realize sa loob ng isang segundo, nakalimutan kong huminga dahil sa tindi ng titig niya.Tahimik ang buong kwarto maliban sa steady beep ng monitor ni Elias.Madaling araw na. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong gising, basta ang alam ko lang… ayokong lumayo kahit isang segundo.Si Sebastian, nandun sa isang sulok, nakaupo sa couch na parang hindi rin mapakali. Hindi siya makatulog—halata sa bawat paghinga niya. Ilang beses ko siyang nakikitang tumatayo para tingnan si Elias, tapos babalik ulit, parang hindi niya alam kung saan lulugar.Ako naman, hindi bumibitaw sa kamay ng anak ko.Pinagmamasdan ko lang si Elias. Ang liit ng katawan niya sa malaking hospital bed…Ang oxygen line sa ilong…Ang wires sa dibdib…At bawat beep ng machine parang suntok sa dibdib ko.I would trade places with him in a heartbeat.Kahit ngayon. Kahit agad-agad.Pero pilit kong pinapatatag ang loob ko.Maya-maya, narinig kong umungol si Elias. Mahina, parang may hinihintay… o may hinahanap, kaya agad akong yumuko.“Baby? I’m here… mama’s here,” bulong ko agad, kinakabahan kung ano na naman
Ang saya ng umaga.Rinig ko ang tawa ni Elias sa bakuran, sabay halakhak ni Sebastian habang hinahabol nila ang bola. Si Sarmiento naman, nakatambay sa gilid, nakangiti habang nanonood.Nakaupo ako sa may terasa, may hawak na tasa ng kape, pinagmamasdan lang silang tatlo, “Papa! catch!” tili ni Elias habang iniitsa ang bola.Pero ilang segundo lang, parang biglang bumagal ang lahat.Nakita kong huminto si Elias sa gitna ng damuhan, nakatingin lang sa bola, nakangiti pero bigla nalang bumagsak ang katawan niya.“E-Elias?!” sigaw ko, nabitawan ko ang tasa at agad na tumakbo papalapit sa anak ko. Namilog ang mga mata ni Sebastian at agad siyang lumuhod dahilan para masapo niya agad si Elias.“Elias! Hey, hey, anak, look at Papa…open your eyes—” nanginginig na tawag ni Sebastian kay Elias habang marahan niyang tinatapik ang pisngi nito, at doon ko lang napansin… nangingisay na si Elias.“Sebastian! A-anong nangyayari?!” halos pasigaw kong tanong, hawak ko na agad ang braso ng anak ko na
NAGISING ako sa amoy ng parang ginigisa kaya napatayo agad ako, ng makalabas ako ng kuwarto namin ni Elias ay bumungad sakin si Sarmiento na naghihiwa ng karne“Goodmorning Ma’am Elena” bati nito sakin kaya ilang kong nginitian ito. “Goodmorning, Elena” Si Sebastian, pagtingin ko ay nasa harap siya ng kalan at nag gigisa ng bawang at sibuyas.“Okay lang ba na nandito si Sarmiento?” biglang tanong ni Sebastian, hindi ako agad nakasagot, pero tumango nalang ako at umupo.Pagka-upo ko ay nakita kong sumenyas si Sebastian kay Sarmiento, bigla bigla nalang binitawan ni Sarmiento ang hinihiwa niya at mabilis na lumapit kay Sebastian at kinuha ang hawak nitong sandok, habang si Sebastian naman ay kumuha ng tasa at nagtimpla ng kape.“Magkape ka na muna habang nagluluto ako—k-kami, kami ni Sarmiento” saad nito at inabo sakin ang tasa. Hindi ko alam kung bakit tila hindi ako makapagsalita ngayon, para bang hindi ako makapaniwala sa ginagawa nila.“H-hindi naman kaila—” “No, i-i want to learn
Matapos ang yakapan naming tatlo ay nagsimula na kaming mag almusal ng ayain na kami ni Jophine. Napatingin ako kay Jophine na tahimik lang, hindi ako sanay na tahimik siya kaya naman tinapik ko ang kamay niya ng bahagya.“Ang tahimik mo.” mahina kong sabi…“E kasi ate…” huminto siya at tumingin kay Sebastian habang si Sebastian naman ay nagtatakang napatingin sakin. “Kasi?” tanong ko kay Jophine. “Pwedeng ibulong ko na lang? nakakahiya kasi baka marinig ng papa ni Elias.” nahihiya nitong sabi kaya napakunot ako ng noo.“Ayos lang yan, ano ba kasi yun?” pangungulit ko pa sakaniya. “Nakakahiya kasi… pero… ang guwapo po pala ng papa ni Elias ate!” tili nito, kaya taas kilay akong napatingin kay Sebastian na abot tenga ang ngiti.“Nahiya ka pa sa lagay na yan ah?” biro ko kay Jophine na nakatakip ang bibig ngayon ng kamay niya.“Pogi ako tita e, syempre pogi rin si Papa” nakabungis ngis namang sabi ni Elias kaya natawa nalang kami, habang si Sebastian ay marahang hinaplos sa ulo si Elia












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews