Kinabukasan, nang magising ay lumabas ng silid si Yuna dahil sa pagkauhaw, kasalukuyan siyang nagsasalin ng tubig ng maramdaman niyang parang may mali. May pakiramdam siyang parang may tao pa rin sa loob ng bahay niya. Nanlamig si Yuna dahil tila ang amoy ng pabango ni Felix kagabi ay naroon pa rin sa hangin ng bahay niya.Lumapit si Yuna sa sala at sumilip sa malapad na sofa, at nakita si Felix na nakakulot sa sofa na nakasuot pa ng coat and tie nito. Masyado siyang matangkad at hindi gaanong kalakihan ang sofa na matutulogan niya kaya nakayuko lang ang mga paa niya at niyakap ang sarili.Halatang tulog pa ito, kalmado at kaakit-akit ang mukha. Sumimangot si Yuna, lumapit siya kay Felix at ginising ito. "Bumangon ka nga dyan umaga na.."Bahagyang ibinuka ni Felix ang kanyang mga mata, at nakita ang maamo at magandang mukha ni Yuna. Akala niya nasa panaginip pa rin siya kaya hinawakan niya ang ulo nito at gusto sanang halikan.Nagbago ang mukha ni Yuna at itinaas niya ang kanyang k
"Hindi mo ba alam na marunong akong magluto?" Ngumiti si Felix."Hindi, hindi ka madalas sa bahay noon, palagi kang nasa biyahe at kung umuuwi naman ya palaging nasa library. Paano ko malalaman yan?" Tapat na sabi ni Yuna."Ganun ba? I'm sorry, pasensya na sa mga araw na yun." halos lumubog sa lungkot ang mukha ni Felix. Medyo naalarma naman si Yuna sa nakitang biglang pagbago ng mood ng dating asawa."Kainin na lang natin kung ano man ang meron akong stock dyan." sabi ni Yuna."Hindi, masama para sayo ang hindi bagong luto."giit ni Felix."Magluluto ka talaga?""Okay." Determinadong sagot ni Felix at itinupi na ang dulo ng kanyang long sleeve. "Magpahinga ka muna dito sa sala, papasok ako sa kusina para magluto." Sabi nito at tumayo na si Felix at pumasok.Binuksan niya ang refrigerator at nakita niyang walang gaanong sangkap sa bahay, kaya tumawag si Felix kay Marlon at nagpadala ng mga sangkap.Hindi niya alam kung kailan siya mas nahilig kumain sa bahay. Marahil dahil napakahira
"Nakita n'yo ba 'yun? Prinotektahan siya ng mga bodyguard! Kaninong bodyguard kaya 'yun?" bulungan ng dalawang sa mga naroon na nakasaksi sa nangyari."Hindi ko alam. Wala akong alam na may maimpluwensyang tao sa likod ng babaeng malanding iyon!" inis na sabi ng isa."Teka... si Robert kaya 'yun? Pati guard ni Robert iyon? Si Robert, yung fiance ni Rowena... hindi kaya pinoprotektahan niya talaga yung babaeng 'yun? Kaya hanggang sa mga ganitong bagay ay nakikialam siya?" "Sa totoo nga!" malakas ang boses na sabi pa ng isa.Nagkaroon ng mga kuro-kuro at haka-haka ang karamihan. Ang iba ay nagalit, at yung iba ay hindi mapigilan na ilabas ang kanilang saloobin. Ngunit walang sinuman ang may lakas-loob na sumunod at harapin si Yuna. Maaari naman nilang saktan si Yuna kanina, pero walang sinuman ang naglakas-loob.Nang makaalis si Yuna sa lugar na iyon nang walang kahirap-hirap sa tulong ng mga bodyguard, lalo lamang lumakas ang ugong at lalong naniwala ang grupo ng mga tagahanga ni Ro
Kung pagmamasdan ang kumpol ng mga grupong ito na tila ba galit at may masamang pakay, parang alam na ni Yuna kung ano ang kakalabasan ng eksenang ito.Saktong pag-apak nga ng paa ni Yuna sa labas ng kanyang pintuan ay may isang babaeng sumigaw,"Nakakasama! Nasa labas na ang babaeng si Yuna! Tingnan n'yo! Mukha siyang multo!" sigaw ng isang tao sa karamihan."Oo, tama! Siya nga! Siya nga yung babaeng ipinost sa social media! Siya nga ang kabit! Ang walang pusong babaeng kabit!" sigaw din ng isa.Pagkatapos ng sigaw na iyon ay sumugod ang lahat papunta kay Yuna at saka siya kinorner sa mismong pinto ng kanyang gusali."Hoy Yuna! Isa kang masamang babae! Napakawalang hiya mo! Talagang nang-aakit ka ng nobyo ng iba! Ang dapat sa'yo ay sinusunog ng buhay!" sigaw ng isa."Umalis ka na sa industriya ng pagdidisenyo! Wala kang karangalan! Makapal ang iyong mukha! Walang bibili ng mga damit mo! Ang papangit naman ng mga gawa mo! Mas magaganda ang gawa ni Rowena!" sigaw ng isa pang babae—mukh
"Nang mga sandaling iyon, katatapos lang ng meeting ni Felix. Paglabas niya ng conference room, nasalubong niya si Marlon na nagmamadali.Agad nitong kinuha ang hawak na iPad at ipinakita kay Felix. "Sir, tingnan n'yo ito. May masamang nangyayari." Kumunot ang noo ni Felix at biglang tumingin kay Marlon. Pagkatapos ay kinuha ang iPad at sinipat kung ano ang sinasabi ng kanyang kanang kamay. 'Sir, binobomba ng mga negatibong komento ang asawa ninyo sa isang post sa Facebook. Sabi sa mga komento, tinatawag nilang kabit ang asawa ninyo. At ang masakit pa, pinangalanan ang asawa ninyo, maging ang kanyang mga personal na impormasyon ay nalantad sa social media.' 'Sir, sinearch ko na po ang website ng shop ni Madam, at nakita kong pansamantalang nakasarado ito." Sabi ni Marlon.Domuble ang kunot sa noon ni Felix."Marami talagang pasaway at mga walang modo at mapanghusga sa platform na iyon. At ang nakakatakot, sir, marami doon ang nagbabanta na aatakihin si Madam," balita ni Marlon.Biglan
Sa kalagitnaan ng kanilang pagkain ay nagsalita si Felix. "Maaari bang huwag mo ng ituloy ang plano mo kay Robert?""Kay Robert? Bakit?""Nakita mo ang nangyari diba? Kung mananatili ka sa kanya, maituturing kang mistress, at mapapasabak ka lang sa gulo." Sabi ni Felix."Hindi mo ba narinig?" Tumingin sa kanya si Yuna, "Si Rowena at Robert at nanghiwalay na, naputol na ang kanilang ugnayan." Katwiran ni Yuna.Bahagyang dumilim ang mukha ni Felix ngunit nag-aatubili siyang magalit sa kay Yuna. Hinawakan niya ang balingkinitan nitong kamay at sinabing,"Ayoko lang na malagay ka sa panganib. Walang ibang babae sa paligid ko. Magiging ligtas ka sa piling ko." Giit ni Felix.Ngumiti si Yuna saka sumubo ng pagkain, "Saka na nating pagusapan yan, kapag naayos na ang tungkol kay Jessica." Saway ni Yuna.Kinaumagahan.Nakatanggap si Yuna ng kakaibang tawag sa studio. "Hoy Kabit! Umalis ka sa designer industry. Ang mga damit na idinisenyo mo ay isinusuot lamang ng mga mistress na tulad mo. W