Share

01

"Help me," the lady begged helplessly. I opened my mouth to speak, but no sound came out. All I could do was watch as she continued to cry and beg for help.

I tried approaching her running figure, but my legs wouldn't budge. Once again, I could do nothing but watch as she tried to get away. From where I stood, I couldn't see what or who she was running from.

Gusto ko siyang tulungan ngunit wala akong magawa. Patuloy ko na lamang siyang sinundan ng tingin habang paulit-ulit na sumisigaw sa isip na sana ay makaligtas siya.

Nang mapatakbo siya sa gawi ko, unti-unti ko nang naaninagan ang kanyang mukha. Nanlaki ang aking mga mata nang tuluyang makilala kung sino siya. A girl who looked exactly like me! Her cheeks were wet with tears and her body was covered with blood.

Nang makalapit siya sa akin, sunod kong namukhaan ang taong humahabol sa kanya. Sa pigura nito ay nalaman kong isa itong lalaki na may hawak na baril. Nakaangat ang kamay niyang may bitbit na baril at nakatutok ito sa akin.

Sa akin talaga! Akala ko sa babae na kamukha ko na hinahabol niya kanina. Tila isa akong kaluluwa na nakatayo sa gitna ng daan dahil tumagos lamang sa'kin 'yong babae. Wala akong naramdaman na kahit ano nang tumagos siya sa'kin.

Nakita ko ring tumigil sa kahahabol 'yong lalaking walang mukha. Iyong babaeng kamukha ko kasi ay naglaho na lang bigla pagkatagos sa akin.

Huminto ang lalaki sa harapan ko. Napasinghap ako nang makita itong kumasa at muling itinutok sa akin ang baril.

Nakita kong bahagya niyang kinalabit ang gatilyo. Kasabay noon ay halos mabingi ako sa lakas ng putok ng baril na nanggaling dito. Alam kong ako talaga iyong gusto niyang patamaan kaya mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Ilang segundo na ang nakalipas pero wala pa ring tumatama sa akin at wala rin akong naramdamang sakit. However, I still felt an impact which caused me to stumble and fall.

Mabilis akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Isang bangungot lang pala ang lahat na agad kong pinagpasalamatan.

Subalit mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dala ng takot at kaba. Pinunasan ko ang pawisan kong mukha at pinakiramdaman ang basang likod ko. Habol ko ang aking hininga at tila pasan ko ang mundo sa bigat ng katawan ko.

Hindi pa rin ako kumakalma sa mga nasaksihan ko sa panaginip. Tila totoo rin iyong putok ng baril dahil sa matining na tunog sa tenga ko.

Maya-maya ay nagsimula na akong huminahon. Napansin ko na ang kanina ko pang naririnig na ingay ay galing pala sa alarm clock ko na nasa side table.

Ramdam ko ang pagod sa buong katawan ko. Parang ilang milya ang tinakbo ko gayong natulog lang naman ako. Mabilis kong pinunasan 'yong pawis na unti-unting tumulo sa may sentido ko.

Pagkatapos ay tuluyan na akong bumangon at nag-stretching ng konti. Para naman mawala 'yong pamamanhid ng katawan ko. Mali ata ang higa ko kagabi. Akala mo kasi ay gymnast ako sa sobrang likot ko sa kama tuwing natutulog. At para na rin mawala na sa isip ko iyong mga pangyayari sa panaginip ko.

Pagkatapos kong mag-stretching ay inayos ko naman ang kama ko. Pagkuwan ay pumasok na ako ng banyo para makapaghanda na. Ramdam ko na rin kasi ang panlalagkit ng buong katawan ko. Tagaktak ba naman ako ng pawis pagkagising.

Binuksan ko na 'yong shower at ni-check kung tama lang ba ang temperatura ng tubig. Pagkatapos ay mabilis akong naghubad at tumayo sa ilalim ng shower.

I finally started to relax. The water slowly washed away the tension from my body.

Hindi naman ako masyadong nagtagal sa pagligo dahil baka mahuli pa ako sa trabaho ko. Pinatay ko lang 'yong shower at pagkatapos ay lumapit sa may malaking salamin sa harap ng sink para mag-toothbrush.

Nakikita ko sa repleksyon ko mula sa salamin ang mga mata kong mayro'ng bitbit na bag. Medyo nagpuyat kasi ako kagabi tapos nadagdagan pa ng stress na dulot ng bangungot.

Matapos magsipilyo ay tumungo na ako sa aking walk-in closet para magbihis. Tamang-tama rin na paglabas ko ay nakita ko na ang ipinadalang mensahe ng personal assistant ko na si Mary.

'Good morning, Miss Tina. I'm on my way na po,' text niya sa'kin. Tanging 'okay' at 'ingat sa byahe' lang ang isinagot ko bago nagpatuloy sa paghahanda.

Nagsuot lang ako ng Korean style na black floral dress. Ang ipinares ko rito ay isang white stilettos. Bahagya kong kinulot 'yong ibaba ng buhok ko na lagpas dibdib ang haba.

Naglagay rin ako ng hugis laso na mga hair clips para sa side bangs ko. May disenyo itong mga maliliit na artificial diamond beads. I usually don't wear makeup kapag papunta pa lang ng set. Pero para hindi halatang puyat ako at para maitago ang pamumutla ko, naglagay ako ng konting kolorete sa mukha.

Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako ng kwarto. Dumating na rin si Mary. At dahil hindi naman ako sanay mag-agahan ay umalis na agad kami. Bitbit ko ang libro na kinuha ko kanina sa may side table ko. Nakasabit naman sa may braso ko 'yong black purse ko.

Sumakay na kami ng elevator at bumaba sa basement kung nasa'n 'yong parking lot.

Pagkarating namin ay nakita ko agad ang driver na maghahatid sa amin. Binati niya kami ni Mary nang mamataan niya kaming papalapit. Binati ko rin siya pabalik kasi hindi naman ako pinanganak na cold at ma-attitude na tao. Baka sumakit na naman 'yong singit ko kay Mama kapag nalaman niyang lumaki akong walang modo.

"Miss, here's your schedule for today. After po ng shooting ng dalawang scenes sa series mo, you have a contract meeting regarding your upcoming photoshoot sa brand ng isang sponsor. This afternoon po ang dental appointment mo. Lastly, may reunion gathering po kayo with your friends tonight," agad na paliwanag ng dedicated personal assistant ko pagkasakay namin ng kotse. Ni hindi pa nai-start ng driver ang kotse.

"Okay," maikling sagot ko bago nagsimulang magbasa ng libro. Ayaw kong ma-bored sa byahe kaya mahilig akong magbaon ng librong mababasa ko sa kotse.

Naiisip ko pa lang na hectic na naman ang araw na ito pagkatapos ng nightmare na 'yon ay ramdam ko na agad ang pagod. Pero dahil gusto ko rin naman ang ginagawa ko ay ayos lang.

I immediately busied myself by reading the book that I just bought, or should I say, that my PA bought for me from the National Book Store yesterday. Isa kasi ito sa mga best-selling books ngayong taon. Dahil gusto ko rin naman 'yong genre ay hindi na ako nagpahuli pa at bumili na rin ako bago pa maubusan ng copies.

Kagabi ko pa ito sinimulang basahin pagkatapos kong mag-practice ng mga script lines ko. At ngayon ko lang pinagpatuloy na basahin dahil kailangan kong maagang matulog kagabi. Inabot pa rin ako ng madaling araw dahil hook na hook talaga ako sa kwento

Kung hindi lang talaga masyadong hectic 'yong schedule ko ngayon at pwede akong magpuyat ay baka natapos ko na ito kagabi pa. Habang nagbabasa ako at sobrang aliw na aliw ay hindi ko na nagawang pansinin pa ang paligid ko.

Plano ko talagang tapusin ito ngayong araw. Kung maaari ay bago ako makarating sa location ng set at magsimula ng shoot ay matapos ko na sana. Kapag natapos ko talaga 'to at nagustuhan ko 'yong ending, tiyak na mas gaganahan pa akong magtrabaho ngayon.

Bahagya akong napalunok ng laway nang maging intense na 'yong binabasa ko. Medyo nagulat pa ako dahil nakalimutan ko na R-18 'tong libro. Hindi ko inaasahan na may bed scene akong mababasa.

Naramdaman ko tuloy 'yong pamumula ng pisngi ko. Hula ko ay parang kamatis na naman ako sa pamumula.

"Ayos ka lang, Miss Tina?" may pag-alalang tanong ng PA ko nang mapansin niya ang biglaang pamumula ko.

"Oo. Medyo naiinitan lang," sagot ko habang pinipilit ang sariling tingnan siya nang diresto sa mata para maipakitang ayos lang talaga ako.

Mabilis niyang sinabihan 'yong driver na lakasan ang air-conditioning ng sasakyan.

Kahit kailan, napaka-attentive talaga palagi nitong si Mary.

Actually, Mary is my nanny's only daughter, and I'm just a year older than her. Close na kami noong bata palang kami hanggang napagpasyahan niya na samahan niya ako sa pagkamit ng mga pangarap ko. Iyong una ay pinipigilan ko talaga siya at gusto kong abutin niya ang sarili niyang mga pangarap. Pero sa sobrang katigasan ng ulo ay wala na akong nagawa pa.

Medyo naiilang pa ako kapag tinatawag niya akong 'miss' kaysa 'yong nakasanayan kong tawag niya sa'kin na 'ate'.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan 'yong nagbabadyang gustong kumawala na ngiti sa mga labi ko. Pilit ko ring kinokontrol ang ekspresyon ko lalo na't hindi lang ako mag-isa sa loob ng sasakyan. Napaka-observant pa naman ni Mary.

Sa sobrang aliw sa pagbabasa, huli ko nang napansin 'yong hindi inaasahang pangyayari na magiging dahilan kung ba't tuluyan ko nang hindi matatapos 'yong libro.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Sa isang iglap, naramdaman ko na lamang ang pamamanhid ng buong katawan ko. Liyong-liyo ako habang pinipilit na manatiling nakabukas ang mga mata ko.

Bahagya kong hinanap si Mary na siyang katabi ko kanina. Kahit nahihirapan, pilit kong pinanatiling bukas ang mga mata ko para hanapin si Mary at ang driver. Una kong nahanap si Mary. Nakita ko siyang nakapikit, duguan ang buong mukha, at wala nang malay. Hindi ko na makita 'yong driver sa sobrang pagkasira ng sasakyan.

Sinubukan kong abutin si Mary upang tulungan siya pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Tila may mabigat na nakadagan sa akin na umiipit sa mga kamay ko kaya bigo ko na lamang siyang tiningnan.

Hindi ko pa rin masyadong maintindihan ang mga nangyari. Pero kita ko ang mga basag na glass galing sa sasakyan na nagkalat. Mas lalo akong nag-alala nang maaninagan ang dugong unti-unting kumakalat.

Nang tuluyan nang pumasok sa isip ko ang nangyari ay napansin kong nakabaliktad kami. Hindi ko alam kung anong nangyari pero may mas malaking sasakyan atang nakabangga sa amin. Sa lakas ng impact ay tumilapon ang sinasakyan naming van.

Matapos maintindihan ang mga pangyayari ay nakaramdam ako bigla ng antok. Unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng mga mata ko.

Ramdam ko ang pamimigat sa puso ko at tila kinakapos na ako ng hininga.

Bago ako tuluyang mawalan ng malay, nakita ko pa ang libro na binabasa ko kanina lang. Ang mga pahina nito ngayon ay unti-unti nang nababahiran ng dugo at dumi.

Shit. I'm doomed!

Mas mauuna pa yatang matapos ang buhay ko kaysa sa binabasa ko!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status