"Are you dumb?" nauubusan ng pasensya niyang tanong.
Ako pa talaga 'yong dumb. Siya nga 'yong walang kwentang kausap dahil hindi nagsasalita nang maayos."Hindi. Ikaw nga diyan. Walang kwenta na ngang kausap, manyak pa," mahina kong ani.Tila tuluyan na siyang hindi nakapagtimpi. Biglang may hinigit na lamang siya sa likod niya na agad na nagpanginig ng buong katawan ko.Agad kong itinaas ang dalawang mga kamay ko. Ramdam ko 'yong tumulong pawis sa noo ko kahit malakas naman ang air-conditioning dito."Now tell me if you don't want to live anymore. I'll grant your wish," malamig at nagbabanta niyang ani habang nakatutok pa rin sa akin ang baril.Sa loob ng takot at panginginig ay nakaramdam ako na tila hindi ito ang unang beses na tinutukan niya ako ng baril."No, I'm just kidding. And put that gun down, please. I didn't mean to offend you. I'm just really confused. Why am I here? I'm supposed to be in the hospital. And where's Mary? The driver? Are they still alive?" sunod-sunod kong tanong kahit pinipilit ko lang na h'wag mautal."I don't know," maikli niya uling sagot. Pagkatapos ay nilagok na niya 'yong natitirang whiskey na nasa rock glass na hawak niya.Sana pati 'yong rock glass ay nilagok niya na rin.At oh, 'di ba? Ang sarap niyang kausap. Mabuti na nga lang ay ibinaba na niya 'yong baril niya."Where are my things?" hindi matigil kong tanong dahil hindi niya rin naman ako sinasagot nang maayos. Unti-unti na rin akong nauubusan ng pasensya.Nakita kong kinuha niya 'yong cellphone niya at may tinipa. Hindi rin naman nagtagal dahil agad niya rin tinapat sa may tainga niya ang phone. May tinatawagan pala.Tahimik lang ako na pinapanood siya. Baka magbago ang isip niya at barilin na lang ako bigla."She's awake," walang emosyon niyang sabi. Pagkatapos ay mabilis niya ring ibinaba 'yong cellphone at pinatay ang tawag.Wala man lang hello at bye. At isa pa, hindi ba siya marunong mag-Tagalog? Kanina ko pa napapansin na puro English siya. Sumasakit na 'yong ulo ko at malapit nang dumugo itong ilong ko.Napabaling ang atensyon ko sa mga taong pumasok ng kwarto. May limang naka-black suit na mala-men in black at may bitbit pa na malalaking baril. May kasama rin sila na isang may katandaan na lalaking doctor. Siya siguro 'yong narinig ko kanina.Mariin na nakatikom ang bibig ko sa takot habang papalapit 'yong dalawang men in black sa gawi ko. Ngunit tumayo lang ito sa may tabi ng lalaking walang emosyon na nakatingin sa'kin. Habang 'yong tatlo naman ay nasa may pintuan upang magbantay na parang tatakas ako.Makatakas pa ba ako sa lagay na 'to?"Check her again. She might have some infection in her brain. She's so dumb." Pagsasalita ulit ng lalaking ito kaya inis ko siyang tiningnan.Marunong akong ma-offend, okay? Mas mabuting h'wag na talaga siyang magsalita kung walang kwenta naman ang lalabas sa bibig niya."Excuse me, ma'am," sabi ng doctor nang makalapit na sa gawi ko.Tinanong niya lang ako kung ano ang nararamdaman ko. Tapos syempre, sagot ko lang na maayos lang. Kahit sumasakit pa rin 'yong ulo ko dahil sa wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari at kung nasaan ako."By the way, why am I here?" hindi ko na napigilan pa 'yong sarili ko na magtanong ulit."According to the bodyguards, they found you passed out in the middle of the road. You were all bruised up and bloody when they brought you here," malumanay na sagot niya.Huh? Nasa daan? Hindi ba dapat nasa sasakyan ako?"What do you mean? The last thing I remember is that I was caught in a car accident. Where's Mary? How's the driver? How are they? I need to talk to Mary. Are there any news about me or about the incident?" sunod-sunod at naguguluhan ko pang tanong.Bakas sa mukha ng doctor na tila gulat ito sa mga naririnig galing sa'kin."But you were alone when they found you, ma'am. And you were a victim of a hit-and-run," mahinahon nitong sagot.Mas lalong sumakit ang ulo ko sa narinig."Anong hit-and-run? I was in a car crash, not hit-and-run. Where am I? Where's my bag? Have you seen my phone? I need to call my family. Baka nag-aalala na sila sa'kin dahil sa nakita nilang balita," may bahid na inis na ani ko.His expression showed me how clueless he was."I think she's gone mad. We need to take her to the mental hospital," bulong ng isang men in black na rinig ko naman.Matalim ko itong tiningnan.Siya kaya ang ipasok ko sa mental hospital? Akala ba nila, nakaka-cool 'yong pagiging men in black nila?"May I know your full name, ma'am? We can't find any information about you. You didn't have anything when we found you. Not even an ID that can help identify you," malumanay na ani ng doctor.Na-hold up ba ako para walang gamit na matira sa akin?Kahit naguguluhan ay sumagot ako nang maayos."I am Faustina Villacorta, a full-time actress. Austina Villacorta is my screen name. At hindi sa pagmamayabang pero sikat ako at kilala ng lahat. Kahit 'yong mga walang television pa nga ay kilala ako. Austina, ring any bells?" halos gumaralgal ang boses ko sa kaba.I saw the man in black shake his head. Tila ipinapahiwatig na wala itong nakuhang impormasyon.Nakita kong may suot itong itim na earpiece. Lahat pala ng tauhan ng lalaking nasa harapan ko ay may suot nito."I never meant to offend you. I'm sorry, ma'am, but no one really knows you. We can't find any information about you. The results also show that no one's using Villacorta as a surname. Can you tell me the things that you remember before the accident?"I really have a bad feeling about this. At pa'no nila nalaman na walang gumagamit na Villacorta na surname? May gamit ba silang napaka-high technology para isahang search lang ay makikita agad kung sino o ilan 'yong mayro'ng Villacorta na surname?Nagmumukhang alien na ba ako dito?"Paulit-ulit? What the heck? Where am I? Where's Mary?" sapo ko na ang ulo ko nang maramdaman ang bumabalik na sakit. Liyong-liyo rin ako dahil wala na akong maintindihan.Sigurado akong may mahahanap silang Villacorta sa buong mundo. Hindi naman ako alien para magkaroon ng apelyidong ako lang ang gumagamit.And I know for sure that I am not dreaming because I can feel pain.Kung prank lang ito, sana tigilan na nila ito dahil hindi na nakakatuwa.Where am I?Who am I?I'm starting to get a panic attack, and I'm having difficulty breathing."Ma'am, please calm down," tarantang ani ng Doctor. Mayroon itong kinuha na isang syringe at maliit na bottle sa side table. Bahagya pa itong nagulat nang makitang hindi na nakasabit sa'kin 'yong swero.Sabunot ko ang buhok ko sa sobrang kaguluhan. Hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari.Pagkatapos ay naramdaman ko na lamang na mayro'ng humawak sa dalawang mga kamay ko at inalis sa kakasabunot sa sariling buhok.I was screaming 'no' and 'don't touch me' hanggang sa maramdaman ko ang pagtusok ng karayom sa'kin. Ilang sandali ay unti-unti nang umayos ang pintig ng puso ko. Kumakalma na rin ako at naramdaman ko ang pamimigat ng mga talukap ng mata ko.Bago ako mawalan ng malay ay naramdaman kong marahan akong pinahiga nang maayos sa kama. Nakita ko ang anino ng isang lalaki.Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumilipas mula nang makatulog ako. Kita ko mula sa malaking wall glass ay papalubog na ang araw.Nakatingin lang ako sa labas at medyo magulo pa ang isipan.Napansin ko ang pagpasok ng doctor. Ayon dito ay pampakalma 'yong binigay niya sa'kin. Nakita ko rin na may swero na ulit na nakakabit sa kaliwang kamay ko. Pinakiusapan ako nitong huwag alisin ang swero dahil dito ako kumukuha ng nutrients habang hindi pa ako makakain."We're really sorry, ma'am. We just really needed you to calm down."I could sense how guilty he was from his tone.Blangko ko siyang tiningnan. Gusto ko sanang magsalita pero ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Napansin siguro ng doctor kaya naglagay siya ng maligamgam na tubig sa isang clear glass.Marahan akong bumangon sa kama at inabot 'yong baso ng tubig. Agad ko itong naubos at pagkatapos ay inilapag sa may side table ng kama.Sa wakas ay nakapagsalita na ako nang maayos."Where am I?" kalmado kong tanong.Sasagot na sana 'yong doctor nang biglang bumukas 'yong pintuan ng silid. Katulad nang nakita ko kanina, pumasok ulit ang limang men in black at 'yong boss nila.Tumikhim ng isang beses 'yong doctor. "You're currently in the mansion of Mr. De Vistal."Tugon ng doktor kaso hindi na sa kaniya nakatuon ang atensyon ko. Nakita ko 'yong delikadong lalaki na alam kong boss. Umupo ulit ito sa may harapan na bahagi ng kama at katabi nito ay isang coffee table.Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya nang makita kong walang emosyon itong nakatingin rin sa'kin.Pagkaalis ng atensyon ko sa kaniya ay biglang may sumagi sa isipan ko. Tama ba ang narinig ko?Ramdam ko ang kaba at takot. Mahirap man paniwalaan pero parang may ideya na ako ngayon.Kahit kinakabahan ay naglakas-loob pa rin akong tanungin ulit 'yong Doctor."W-what do you mean?" nauutal kong tanong."You're in the mansion of Mr. Maetel De Vistal," walang pagdadalawang-isip niyang sagot.I was dumbfounded.Akala ko ba ay walang ganito sa totoong buhay? Ibig niya bang sabihin ay nasa loob ako ng libro na binabasa ko ngayon?Dahil iisang Maetel De Vistal lang ang alam at kilala ko. Siya ang male lead ng isang R-18 fantasy novel.Ang huling libro na binasa at nahawakan ko bago ang aksidente.Pero baka naman panaginip lang ang lahat ng ito dahil mahirap paniwalaan na nag-eexist ang mahika.Bahagya kong kinurot ang pisngi ko. Agad kong naramdaman ang hapdi na dulot nito.Halos mawalan ako ng malay dahil hindi kinakaya ng isip ko ang mga nalalaman."Enough with all that nonsense," malamig na sabi ni Mr. De Vistal. Bahagya niyang tinanguan 'yong isa sa men in black na katabi niya.Gulat pa rin na nakatingin ako sa kaniya at hindi makapaniwala dahil totoong nakikita at kasama ko ngayon ang lalaking binabasa ko lamang sa libro.May bitbit ang bodyguard na isang brown envelope at maingat niya iyong binigay sa'kin.Kunot-noo ko silang tiningnan. Hindi pa nga nagpo-process nang maayos sa isip ko 'yong natuklasan ko tapos bibigyan pa ako ng isang brown envelope."Please open it, ma'am," walang emosyon na sabi ng man in black sa'kin.Dahil wala akong magawa at nakaramdam ako ng takot sa kaniya dahil sa dala-dalang malaking armas nito ay agad ko rin ginawa 'yong sinabi niya.Nanginginig ang kamay ko nang binuksan ko 'yong brown envelope. Nakita ko ang isang papel na may nakasulat sa ibabaw na confidential contract."Para sa'n ito?" naguguluhan kong tanong."You should read it yourself," wala pa ring emosyon niyang sagot.Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kamay ng boss niya na tila pinatitigil ito."I'll go straight to the point. I'll pay you a million. In exchange, you need to be my substitute wife for a year. After that, you're free," malamig nitong ani."Why would I? I'm not broke. Why do I need your money for?" kunot-noo kong tanong.Do I look like I'm poor to him? If he only know just how much is in my bank account, I bet he'd be embarrased.“They got your looks, babe. Ang daya, ako 'yong nagdala sakanila ng nine months tapos wala man lang silang nakuha galing sa'kin,” bagnot ang mukha kong sabi. Dahil kamukhang-kamukha talaga ni Maetel ang dalawa. Kahit kulay man lang ng buhok ko o kahit kakapalan na lamang ng buhok ay hindi man lang namana sa'kin sa kambal. Nakakatampo lang rin lalo na't nagsisimula ng nagpapakita ng favoritism 'yong dalawa. Masyadong napaghahalataan na mas malapit pa ang loob nila kay Maetel kaysa sa'kin. "No, I think they got your gorgeous look," nakangiti naman niyang sagot.Agad kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan na mapangiti."'sus! Nambola pa talaga. E' halata naman na kamukhang-kamukha ka nila," nagkukunwaring mataray na ani ko at bahagya siyang inirapan.Mahina na napatawa naman siya.Austel and Maetina was such a daddy's girl and daddy's boy. Lumalapit lang ang dalawa kapag nagugutom at kailangan kong i-breast feed silang dal
Hi! This will be the last chapter of RATSWOAMB's main story. Thanks for reaching this far with me ~-At first marriage will never my thing, but if it's her. I will do everything for her. I will not let her go without carrying my last name, unless she wish that she don't want to change her surname for me. I will respect her own preference.I can feel the anticipation that starting building up inside of me while I was waiting her inside of the church where will be held our solemn wedding. I was sweating colds. Natatakot na baka magbago ang isip niya at makapagdesisyon na hindi na siya tutuloy.She was almost on her 3rd trimester right now, at hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kalagayan niya. Gusto ko g i-postpone at pagkatapos na lamang niyang manganak. However, she wished to be wedded with me while pregnant with our children. Her belly were starting to expanded more for our twins who's getting grow.I remember how she cried when she
“The enemy is on the move, Boss.” Ron said, one of my men who's occupying the passenger seat.I was clenching my jaw to suppressing the anger. This is starting to getting to my nerves.“You know already what to do,” malamig kong ani.Prente akong naka-upo sa backseat ng sasakyan habang may hawak sa kamay na mga papeles. Mabilis ko itong itinapon sa tabi ng mabasa na puro walang kwenta iyong prino-propose.Damn this all piece of shits! All they want is only to fill and make it more fat their pockets.Bahagya kong minamasahe ang noo ko ng maramdaman ko ang pagsakit nito.Tinignan ko agad ang labas at napansin na wala na masyadong tao ang dinadaanan ng sasakyan.I let a deep sigh.These flies who've been following me intently. They deserve to be mourned today.After we reached from a remote road, the driver stop midway. Later on I heard from Ron that some of my men did a great job from blocking the flies.
"Don't sleep yet! You're not allowed to sleep! Come on, love. Smile for me. Please don't leave me." basag ang tinig na ani Maetel ng magkaroon ako ng malay.Nakita ko ang puting kisame at maging nakakasilaw na ilaw na nadadaanan namin sa hallway ng Hospital. Nakahiga ako ngayon sa isang stretcher. Nararamdaman ko ang panglalamig sa kamay ni Maetel kaya bahagya ko siyang nginitian para pagaanin ang loob niya kahit nahihirapan parin akong panatilihin nakabukas ang mga mata ko. Ramdam ko ang pamimigat ng mga talukap ng mga mata ko-hanggang sa tuloyan akong kainin ulit ng antok. Ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay may ibinilin ako kay Maetel."If t-there's a time that y-you need to chose between me and the baby. P-please chose me. I'm sorry," nanghihina at naluluha kong bulong sakaniya. "Pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para pareho kaming makaligtas at makabalik sa mga bisig mo," desidido kong pagdudugtong. -"The veteran actress' Faustina Vill
WARNING! : This chapter may contains of strong language and uncomfortable scenes.—“HIJA, I cooked some sopas that's good for you after the morning sickness.” Bungad sa'kin ng Ina ni Maetel ng makalabas ako sa banyo pagkatapos kong sumuka.“Thank you, Tita,” nanghihina kong ani.“'lika na, kumain kana habang mainit pa ito,” nakangiti niyang sabi at inakay ako papalapit sa kama. Sa side table nito ay may nakalapag na isang tray na may laman na sopas na niluto niya.Nang maka-upo ako sa kama ay hindi ko mapigilan ang sarili na mapatingin ulit sa oras. Dahil hanggang ngayon ay hindi parin kasi nakakabalik si Maetel.“Careful, medyo mainit pa.”Ngumiti lang ako at tinikman iyong sopas. Hinihipan ko rin ito bago isinubo. Bahagya pa akong napapatango dahil sa nagustohan ko ang pagkaluto nito. Pagkatapos kong kumain ay ininom ko na agad iyong mga vitamins na pinapa-inom ng doctor sa'kin. Napagpasyahan rin namin ng Ina ni
After I got the news from Lessia, I can't get her out of my mind. Hindi na ako lumalabas ng silid namin ni Maetel, at mabuti nalang talaga ay laging nasa tabi ko si Maetel para i-comfort ako. But today was different, nagpaalam siya na may urgent na gagawin siya sa kompanya kaya isang maid ang naghahatid ng pagkain.I can't help to always overthinking, the fear were consuming me and didn't realize that I was over stressing myself that makes me end up from fainting.The maid saw me laying from the cold tiles on my bathroom when she can't find me from the bedroom. Sabi niya ay hinintay niya akong lumabas ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala siyang nakukuhang sagot mula sa'kin at hindi pa ako lumalabas ay doon siya naglakas loob na pumasok para tignan ang kalagayan ko. Kaya mabilis nilang tinawag ang family doctor ni Maetel, maging iyong doctor sa hospital ay pinatawag rin ni Maetel. Nang magising ako ay labis nalang na pangamba ang nararamdaman ko para sa
Bored na bored akong nakatanaw sa malawak na karagatan. Malamig ang simoy ng hangin at nililipad 'yong buhok ko kaya bahagya ko itong sinakop at inilagay sa kabilang balikat.Linggo na rin ang nakalipas pagkatapos tuloyan na akong makapag-discharged sa hospital.Nakabalik na ulit ako sa Mansion ni Maetel na akala ko'y kahit kailan ay hindi na ako makaka-apak pang muli dito. Gustohin ko man sa condo ko titira ako pero hindi ko magawa lalo na't sa tuwing iniisip ko na doon ako titira ay biglang babalik sa ala-ala ko ang mga nangyari at bumabaliktad ang sikmura ko.Marahan kong tinapik-tapik ang bahagyang dibdib ko para pigilan ang nararamdaman na masuka.Inayos ko na rin yinakap sa sarili ko ang suot kong jacket. Maaga akong nagising and as usual, binungad agad ng morning sickness. Kahit inaantok pa ay nawalan ako ng gana para matulog ulit.Minamasdan ko ang magandang sunrise sa hindi kalayuan. It has a breathtaking beauty. Bahagya akong na
“Eat more,” he said with his usual cold tone, pero ramdam ko parin ang pagiging malambot nito hindi katulad sa dati na malamig na nga, sumisigaw pa ng ubod ng kaseryosohan.Umismid ako ng hindi magustohan ang pinipilit niya. Busog na busog na busog na ako, tapos isali pa 'yong hindi ako sanay sa pananalita niya at pagsusubo pa sa'kin ng pagkain. May kamay naman ako kaya medyo hindi pa 'ata ako matutunawan sa pinanggagawa niya.“I'm already full, Maetel. H'wag mo nga akong pilitin,” puno ng iritasyon kong ani.Binababa naman niya 'yong disposable spoon na may laman na sopas. Nakikita ko lang ito at naiisip 'yong lasa ay parang bumabaliktad na ang sikmura ko sa sobrang umay na nararamdaman.Medyo hindi parin ako sanay na maraming nakain dahil napag-alaman kong maga-anim na linggo rin ako sa laging matigas na tinapay lang ang kinakain ko sa loob na basement na iyon.“Nga pala, anong nangyari don sa lugar na iyon bago ako mawalan ng malay? Ho
I was feeling empty and dead inside. Wala na 'ata akong mailu-luha pa sa lagay na ito. Namamanhid rin ang buong katawan ko.Sa madilim na basement na ito, gusto ko nalang maglaho na tila isang bula. I feel so hopeless right now.Walang buhay na ang mga mata ko, mugtong-mugto ito sa kakaiyak at humahapdi na rin. Hindi ko alam kung hanggang saan nalang ang makakaya ko. Dahil lumipas ang oras at maging araw ay hindi ko na kaya.“Arck!” I wipe my mouth using the back of my hand. I can't take this unbearable feeling. I always feel queasy and nauseated. Hindi nakakatulong sa'kin ang pagsusuka at halos nawawalan pa ako ng malay dahil sa sobrang pagkahilo.Pinagpapasalamat ko nalang siguro ngayon dahil ilang araw na ang nakalipas yung huling punta ni Lessia dito. Tanging si Shelley lang rin ang pabalik-balik dito para hatidan ako ng pagkain, iyon ngalang ay ilang oras na ang nakakalipas matapos hatiran niya ako ng pangtanghalian ay hindi na siya nakakabal