"Now let us humbly invoke God's blessing upon this bride and groom, that in His kindness He may favor with His help those on whom He has bestowed the Sacrament of Matrimony," the priest started his speech.
How did I end up in this situation?Hindi ko maiwasang mapatunganga dahil sa bilis ng mga pangyayari. Wala ako sa sarili sa loob ng seremony.Pagkatapos ibigay sa'kin 'yong papel ay napansin ko na lang na nasa isang shotgun wedding na ako."You need to sign here to officially make this contract confidential. If you fail to keep this secret, you will have to pay with your life," walang emosyon habang may pagbabanta niyang sabi kahapon.Nalilito at nangangapa pa nga lang ako ng pwedeng isagot tapos sinabi niya na agad 'yong plano at may halong pagbabanta pa. Akala niya siguro na tatanggapin ko 'yong offer niya."What do you think you're doing? When did I agree to this bullshit agreement?"Sa sobrang kalituhan ay napamura tuloy ako. Stressed na stressed 'yong brain cells ko sa mga nangyayari.Ni hindi pa nga nila ako pinapakain at tanging tubig lang ang nagpapawi sa gutom na nararamdaman ko kagabi pa.It's a basic thing to do pa naman na bigyan ako ng pagkain."Watch your words," may pagbabanta na sabi sa'kin ng isa sa mga tauhan ng Mr. De Vistal na ito at sabay-sabay din nilang tinutok ang mga baril nila sa gawi ko.Mabilis kong itinaas ang dalawang kamay ko at napasinok pa sa gulat."Enough." Isang salita lang galing sa boss nila at agad silang sumunod.Sa isang iglap ay mabilis na ibinaba ng mga tauhan niya ang kanilang armas."We need your cooperation. I promise that you will get home safe and sound."A gasp escaped from my mouth. Pati yata ang mga nakarinig sa sinabi niya ay bahagyang nagulat.Sa pagkakaalala ko ay hindi gumagamit ng salitang "pangako" 'yong Maetel De Vistal na kilala ko mula sa libro dahil para sa kaniya ay sacred word ito.Tutol parin talaga ako sa deal na ibinigay niya dahil kung totoo man talagang nandito ako at patay na ay malabo na talagang makauwi pa ako.I don't have a reason to accept his deal pero mabilis na napaisip ako. Kung gusto kong mabuhay at maka-survive dito, kinakailangan ko talaga ng malaking pera lalo na't walang-wala ako dito sa mundong ito.I lost my family, friends, and my career.Bumuntong-hininga ako, and then I chose the latter.I can take his deal for my advantages kaya wala na akong oras pang sinayang.Pero bakit kailangan ko pang magpanggap as a substitute kay Rendyl? Did she run away? Pero ang alam ko ay matagal na itong may gusto kay Maetel kaya imposible na tumakbo ito palayo sa kaniya.Sa libro ay isa silang perpektong couple. They were made for each other pa nga sabi ng mga tao.Sa sobrang daming katanungan na gumugulo sa isip ko ay naglakas-loob akong isatinig iyon. I asked him about that night before the wedding.Pansin ko ang pagiging alerto ng mga tauhan niya. Humigpit ang pagkakahawak nila sa mga bitbit nilang baril. Nakahanda agad na sa isang maling salita ko lang ay buhay ko na agad ang kapalit."Where's your real bride and why do I need to act as your wife?" buong tapang kong tanong."Six foot in the ground," he casually answered.Bahagya akong nagulat nang maintindihan ko agad ang sinabi niya. Lumaki ang dalawang mga mata ko at napamaang dahil hindi ako makapaniwala sa sagot niya."Tama ba ang nasa isip ko?" paninigurado ko. Dahil kahit hindi ko natapos 'yong libro ay alam kong buhay si Rendyl."Are you that slow, or are you just acting dumb?" nauubusan ng pasensya agad niyang sagot.Kahit nakasalalay ang buhay ko ay hindi ko pa rin maiwasan na taliman siya ng tingin. Sinisimulan na naman ako."I accidentally killed her," sagot niya na tila wala lang sa kaniya.Hello? May murder nang nagaganap pero ang kalmado niya pa rin.Pero kung sabagay, hindi na nakapagtataka na tila wala lang 'yon sa kaniya dahil ang Maetel De Vistal na kilala ko ay isang walang puso na mafia boss. Halimaw ito sa pakikipaglaban pero under pa rin sa parents niya. Medyo takot pa sa ina niya.Nataguriang mafia boss pero pagdating sa parents niya o mas lalo na kay Rendyl ay tiklop ito.Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Malayong-malayo sa libro ang nangyayari ngayon.Ba't napatay niya ang bride-to-be niya kung maayos naman ang relasyon nila simula't sapul?May nakaligtaan ba ako?Kailan ba nagbago ang ikot ng story sa libro na ito? Simula ba nang mapadpad ako rito?Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagtikhim ng pari na nagkakasal sa amin. Nasa harapan pala namin ito ngayon.Nakalimutan ko pa na kinakasal pala ako ngayon sa lalim nang iniisip ko na nangyari kagabi."Do you take Maetel De Vistal as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"Naramdaman ko ang pagtapat ng bibig ng katabi ko sa may tainga ko."Your answer? Make it fast or you'll meet my bullets," bulong niya na may halo na namang pagbabanta.Naramdaman ko ang pagsitaasan ng mga balahibo ko.Nasa Catholic Church kami. Isang traditional na kasal 'yong nagaganap pero kahit nasa harap ng pari at altar, 'yong mga lumalabas sa bibig niya ay pangdemonyo pa rin.Bahagya akong nanigas lalo na't alam kong hindi lang pagbabanta ang sinabi niya. Kanina ay pasimple kong tiningnan ang mga tauhan niya. Napansin ko na may patagong binibitbit itong mga armas."I-I do." Hindi ko maiwasan na mautal dahil sa pagkataranta.Narinig ko ang tawanan ng mga tao na naging saksi ngayon sa pag-iisang dibdib namin ni Mr. De Vistal.Akala ata nila, natataranta ako dahil overwhelmed ako. Ang hindi nila alam ay may pressure na nakapukol sa'kin.Ibinaling rin ng priest ang tanong kay Maetel. Hindi pa nga ito natatapos sa sinasabi ay mabilis niya itong pinutol at sabay sabi ng 'I do'.We recited our vows na scripted while exchanging wedding rings.Kumuha pa talaga si Maetel ng tauhan para gumawa ng wedding vows.Mabuti na nga lang ay sanay na akong mag-memorize ng mahahabang script kahit maliit na oras lang 'yong ibinigay.Hindi ito ang unang beses na may wedding scene ako. Kaya alam ko na agad kung paano i-deliver ng tama 'yong mga lines ko.Magaling rin sa pagpapanggap si Maetel na halos 'yong mga nakasaksi ay mangha-mangha sa kaniya.Tumatagos talaga sa puso kahit na ang totoo ay labas sa ilong 'yong mga salitang binibitawan namin para sa isa't isa."In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss!" Nakangiting sabi ng priest sa'min. Kaya hinarap ko tuloy itong paladesisyon sa buhay ko na lalaking ito.Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi naman ito bago sa'kin. May kissing scenes din sa trabaho ko pero kinakabahan pa rin ako. Dahil alam kong pagkatapos nito ay tuluyan na talagang magbabago ang buhay ko.Nakatitig lamang ako sa kaniya habang abala naman siya sa marahan na pag-alis ng belo na suot ko.Halos malagutan ako ng hininga nang hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pagkatapos ay unti-unting siyang lumapit.Mariin akong napapikit nang tuluyan kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.Ang naririnig ko lang sa mga oras na 'to ay ang malakas na kabog ng puso ko. Hindi ko na masyadong narinig pa ang sigawan ng mga tao na animo'y tuwang-tuwa sa nasaksihan.Segundo lang ata ang lumipas bago niya pinutol ang halik namin.Mahina akong humihinga habang tinitingnan siya.He was looking at me intently. Pagkatapos ay hinarap na niya ang mga witnesses sa kasal namin.Napabaling rin ang atensyon ko sa kanila at namumulang ngumiti. Katulad ng nasa plano ay naglakad na kami ni Maetel sa aisle habang sinasabuyan ng white petals galing sa puting rosas.Puno kami ng congratulations at best wishes galing sa mga tao.Hanggang nakalabas kami sa simbahan ay wala pa ring tigil ang pag-ulan ng mga rose petals.Nakita kong papalapit sa'min ang mga parents namin ni Maetel.I gave my all to give my best smile para maging perpekto ang pagpapanggap naming dalawa. We also took some pictures together with our family.Hindi pa rin ako makapaniwala dahil 'yong kilala ko lang sa isang libro na binabasa ko noon ay asawa ko na ngayon. N*******n ko pa at nahawakan. Pero ayon nga lang, ang kapalit ay makukulong ako ng isang taon sa buhay niya.Ramdam ko na tila may nakalimutan akong importante.Mabilis na lumaki ang mga mata ko nang maalala ko ito at agad na kinabahan.Don't tell me na ang mga mangyayari kasama ang female lead ay mangyayari rin sa'kin?Kung may kasal, edi may honeymoon?I got goosebumps pagkatapos maisip iyon."Congratulations to the both of you, my princess," pag-congratulate sa'kin ng totoong ama ni Rendyl."Thank you, daddy," mahinhin kong ani bago ito ginawaran ng halik sa pisngi at bahagyang niyakap.The real Rendyl Revamonte was a sweet daddy's girl.Kaya grabe 'yong pagpapanggap ko kahit na sa kaloob-looban ko ay halos mamula na ako ng sobra dahil sa hiya. Hindi pa talaga kasi ako sanay na tawagin siya sa nakasanayan na tawag ng totoong Rendyl sa kanya.Ginagawa ko rin nang maayos ang pagpapanggap ko kung hindi ay buhay ko ang kapalit.Alam ko na kahit gaano ka-sweet pa ito sa unica hija niya ay may tinatago itong ugali na hindi magdadalawang-isip na kumitil ng buhay.Halos pinagpapasalamat ko pa nga dahil maliban sa ugali, pananalita at kung paano manamit ay wala na akong dapat pang baguhin pa sa sarili ko.Nakapagtataka lang dahil walang pinagbago 'yong itsura ko.Pwede ba 'yong ma-reincarnate ang buong katawan? Akala ko kasi 'yong soul lang. But don't tell me na magkamukha talaga kami ng totoong Rendyl Revamonte?Malamang! Bibigyan pa kaya ako ng pansin ng isang Maetel De Vistal kung wala akong paggagamitan?"You're always welcome, my only princess. I'll miss you. I can't believe it. Ang araw na kinatatakutan ko ay nangyari na. Iiwan mo na ang tabi ng dad."I could feel the genuine sadness in his voice. After the death of the love of his life, he treasured Rendyl so much, especially because she was the only family he has left.Medyo kinakain ako ng konsensya ko at nasasaktan para sa kaniya tuwing iniisip na darating ang araw na malalaman niya ang totoo. Tuluyan na siyang nawalan ng pamilya. Ang kaisa-isang anak niya ay matagal nang wala at huwad lang ang kasama niya.I can't imagine the pain and grief he will go through after losing his only daughter.I bit my lower lip to stop the urge to apologize to him."I will always be your princess, Papa. And don't worry, I will visit you often. Don't be sad, okay?" Kahit nagpapanggap lang ako ay ramdam ko ang pagmamahal niya para sa anak niya.Lalo na't noong hinatid niya ako papuntang altar ay napansin ko pang napapaluha siya. He was hesitant abo
Tahimik ko silang sinundan. Sa dami ng pinto na nadaanan namin ay ilang beses akong sumubok na hulaan kung alin ba ang tamang pinto sa magiging silid ko at iyon ngalang ay ilang beses din akong nagkamali. "Ano pala 'yong mga pangalan niyo?" pagbabasag ko ng katahimikan sa aming tatlo.Medyo nakakaramdam na kasi ako ng pagkabagot dahil hindi pa rin kami tumitigil sa isang silid.Natigilan sila sa paglalakad. Mabilis silang humarap sa'kin at yumuko."My apologies, madame. I am Shelley," mabilis na sagot ng short-haired na babae."And I am Jessa, madame," ani naman ng naka-pusod 'yong buhok."Matagal na kayo dito?" pagtatanong ko ulit.Bawal talaga akong binabagot dahil dumadaldal ako. Isali pa na medyo tipsy ako."Ilang taon na kayo?" halata kasi na mas bata sila sa'kin ng ilang taon."Bago lang po kami, madame. I'm 19. Jessa is 21." Si Shelley 'yong sumagot.Ang babata pa nga nila. Mas matanda
Kulay itim at abo na motif ang tumambad sa'kin pagkarating namin sa dining area.May kahabaan 'yong table at mamahalin 'yong nakahilera na mga gamit sa paligid. From the utensils to the equipments. Mamahalin at maganda rin ang pagkaukit ng disenyo sa mga upuan at mesa. Sumisigaw na mas mahal pa sa buhay ko.Sa haba ng table at maraming upuan, baka kasya pa 'yong buong baranggay.Mayro'ng mga maid na nakatayo sa paligid at nakayuko sa pagpasok namin.Nakita ko agad 'yong gitna ng mesa na may iba't ibang putahe. Hindi lang sumisigaw sa mamahalin 'yong gamit. Pati rin ang mga pagkain ay halatang isang legendary chef ang nagluto.Sinusubukan ko pa na manatiling nakatago ang emosyon ko kahit sobrang tuwa at halos maglaway ako sa mga pagkain na nasa harapan ko. Tiyak na masarap iyon lahat.Umupo sa pinakadulo o reign's chair sa mahabang mesa si Maetel. Habang umupo naman ako sa may right side and one seat apart from him.Ang m
Malakas na singhap na agad na pinigilan ang gumising sa akin. Hindi ko na ata mabilang kung ilang singhap pa ang maririnig ko.Maaga akong nakatulog kagabi kaya medyo sensitive ang tenga ko ngayon. Konting ingay lang ay nagigising agad ako.Napansin ko na umaga na dahil sa ilaw na nanggagaling sa malaking glass wall na hindi natakpan nang maayos ng kurtina. Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon at nakita ko si Shelley. Bakas sa mukha niya ang gulat. Gamit ang dalawa niyang mga kamay ay tinakpan niya ang kanyang bibig.I wasn't fully awake yet when I started to feel a chill on my forehead. It was damp from sweat, and it felt so sticky. Though what was more uncomfortable was the hot breath on the hollow of my neck.Wait, what?!A "hot breath on the hollow of my neck"? I was horrified as I slowly digested this realization. Naramdaman kong kumabog nang malakas ang puso ko. Nararamdaman ko na kasi ang init na dumad
Nagsimula na akong galawin ang mga pagkain na nakahanda. Wala pa ring imikan ang nagaganap sa aming dalawa.Wala rin naman akong maisip na pwedeng pag-usapan kaya mas inabala ko na lamang ang sarili sa mga pagkain.Habang kumakain ay nakikita ko sa may peripheral vision ko na hindi pa rin siya matigil sa katitingin ng mga papeles.Halos dumikit na ang pagmumukha niya sa mga papel.Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya. Kung hindi rin naman siya matigil sa kakatrabaho, edi sana hindi na siya kamo pumunta dito. Doon na lang siya sa opisina niya.Nakaka-distract pa naman siya ng taong kumakain. Nagmumukha kasi siyang yummy. Ang seryoso kasi ng pagmumukha niya. Tapos ang hunk pa niyang tingnan sa suot niyang kulay puti na long sleeves na nakatupi hanggang bandang siko niya. Mas nadedepina tuloy ang makisig niyang mga braso. May ilang butones ding hindi maayos ang pagkakalagay kaya may nakikita akong konting balat sa may dibdib
Unti-unti ay nasa ilalim na parte kami ng dagat. Malakas na naka-kapit ako sa braso niya habang pilit parin kumawala sa hawak niya."I swear. If you really put me down!" pagbabala ko sakaniya.Nakita kong tumaas ang sulok ng labi niya na tila ngumingiti ng nakakaloko."Don't you dare, Mr. De Vistal," bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay may diin.Tinatamad akong maligo ulit kaya sobrang pagka 'di gusto nalang talaga ang naramdaman ko sa kalokohan niya.Mabilis kong ipinalupot ang mga braso ko sa leeg niya ng maramdaman kong inaakto niya na akong itapon sa tubig.Sa sobrang likot ko habang bitbit niya ay bahagyang na-out balance siya kaya napatili na lamang ako ng natumba kami pareho sa tubig. Malakas akong napatili kaya agad na napasukan ng tubig alat ang bibig ko. Isali pa na nasa sa'kin ang may kabigatan kaya ako 'yong unang lumapat sa tubig.Ang alat!Mabilis niya akong hinila para maka-alis sa kakalunod.
Pagkatapos ng lahat na kahihiyan na naitamo ko sa harap ni Maetel ay mas pinili kong manatili o sabihing nagkulong sa kwarto.Gusto ko nalang talaga magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na natamo ko ngayong araw. Simula ng nandito ako ay halatang paborito akong paglaruan at gawin katuwaan ng kung sino man'g nagdala sa'kin dito.Malalim akong napabuntong hininga.Kasulukuyang tamad akong naka-upo sa isang single couch sa harap ng malaking wall glass. At katulad kahapon ay tinitignan ko lamang ang view na nasa labas. Pilit kong pinapakalma ang sarili pero hindi talaga maiwasan na mapapasigaw nalang talaga ako sa kalooban ko sa tuwing naalala ang nangyari kanina. Sa dami ba naman kasi mapanaginipan ay iyon pa talaga. Nakakahiya!Nakita kong mas tumitirik na 'yong sikat ng araw. Tinignan ko ang suot kong wristwatch at maga-alas dose na ng tanghali, kaya pala nakaramdam na ako ng gutom.Ilang oras na rin akong nasa ganitong position kaya sobr
Mahigpit kong hinawakan ang tali ng paperbag na nakalapag sa lap ko. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko habang abala parin makipag-debate sa sarili.Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko at sinisisi ang sarili kung bakit nagpatalo ako sa mga maid ni Maetel.Mas inabala ko na lamang na tumitingin sa labas, ito rin pala ang unang beses na nakalabas ako sa bahay. Matapos rin kasi ng maikasal ako ni Maetel, ay hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para makapasyal.Hindi lumalayo sa totoong mundo na pinanggalingan ko ang mundo na ito.Kung hindi ko lang talaga alam na nasa libro ako ay baka mas iisipin ko pa na nasa alternative universe lang ako. Ngunit sa pagkaalam ko rin kasi na iyong time, settings at ibang place ay hamak na gawa lamang sa imahenasyon ng Author. Isa na ang malaking kaibahan ay ang mundo na ito ay mas high technology pa kumpara sa nakasanayan ko. Mula sa gadgets, fashion hanggang sa pamamalakad dito.