Nakatingin lang sa labas ng bintana si Al habang pinagmamasdan ang mga bituin na kumikinang sa kalangitan.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya maintindihan ang nangyayari. Nagising na lang siya na may nagsasalita na sa kaniyang isipan. Akala niya ay nababaliw na siya. Akala niya ay nawala na siya sa sarili. Pero hindi. Hindi ito imahinasyon. Totoo ngang may kumakausap sa kaniya habang wala siyang malay. Subalit hindi niya matukoy kung ano iyon noong una. Children? Protagonist? Wala siyang kaalam-alam. Nasa libro ba siya? Ano namang libro? Sino si Cyll Dreiz Reiger? Siya ba ito? Ito ba ang pangalan na gagamitin niya sa mundo na ito? Totoo rin ba na magkakaanak siya? Hindi ba ito halusinasyon lamang? O haka-haka lamang? At sino ang ama? Kaso ipinagsawalang bahala niya iyon lahat. Lumipas ang isang linggo na nasa loob pa rin siya ng mansyon. Kahit na gusto niyang lumabas at tingnan ang kabuuan ng mundong napuntahan niya, hindi niya magawa dahil patuloy na nagsasalita ang nasa isipan niya. Kailangan niyang tapusin ang storyline bago siya tuluyang makalaya. Pero anim na taon? Anim na taon siyang nakapirmi rito? Walang tao, walang kahit anong katulong, tanging mag-isa lang siya. Walang kahit anong gadgets, WiFi, o T.V. ang nakapagpapasaya sa kaniya. Si-nu-suportahan ang sarili sa bawat araw na nagdadaan. Sakto rin na nakakaramdam na siya ng kakaiba sa kaniyang sarili. Animo'y nararanasan na rin niya ang paghihirap ng mga nagdadalang-tao. Pero paano niya malalagpasan ito? Sino ang tutulong sa kaniya? Sobrang daming mga katanungan at bumabagabag sa isipan ni Al. Kung noon nanalangin siya na sana magkaroon sila ng anak ni Red, pero ngayon parang ayaw na lang niya. Sa bawat araw na lumilipas, linggo at maging mga buwan. Hindi na nakakayanan pa ni Al ang mga nangyayari. Pilit niyang pi-na-patay ang kaniyang sarili upang hindi maghirap ang mga bata sa paglaki. Ayaw niyang mabuhay ang mga ito sa lugar na parang nasa loob sila ng isang laro na kung walang gagalaw sa screen, hindi rin sila mabubuhay. Kaso kahit anong gawin niya patuloy siyang bigo. Hindi siya nilalagutan ng hininga kahit ilang beses man niyang saktan ang sarili. Kaya sa huli inisip na lang ni Al na mabuhay na lang at ipanganak ang mga bata sa hindi niya kilala na ama. Sino bang ama nila? Tanong niya sa kaniyang isipan bago mapalingon sa isang lumang cellphone na hindi niya tinitingnan simula ng magising siya. De-keyboard ito hindi tulad sa mundo niya na puro touch screen na. Nawawalan na kasi siya ng pag-asa sa lahat. Pero nang buklatin niya ang contacts. Dalawang numero lang ng tao ang nandito. Si Jin Linran at Jin Weilan. Hindi niya maintindihan kung ano ang koneksyon niya sa dalawa na ito. O ano bang koneksyon nila sa mga batang nasa loob ng kaniyang sinapupunan. Sila ba ang isa sa ama? Ngunit ipinagsawalang bahala na naman ni Al ang mga naiisip. Nagsimula na rin siyang mag-te-text sa mga ito ng mga kung anu-ano. Ginawa niyang isang diary ang mga numero sa contacts niya kahit pa-paano ay nababawasan ang pagkaalalahanin niya sa bawat araw. Kahit hindi sila mag-reply sa kaniya, ang mahalaga may pinagkakaabalahan siya. Pero sumasagi rin sa kabilang utak niya na sana may isa ang sumagot sa kaniya. *** [Notice! The babies wanted to get out! Time for labor.] [System: Labor's Processing...] Nang sumapit ang kaniyang kabuwanan, tanging ang system niya ang tumulong sa kaniya na ilabas ang dalawang bata. Hindi niya makita kung ano ang ginagawa nito. Nakataas ang kaniyang ulo habang ang bibig ay may sakmal-sakmal na damit. Nakahawak din ang kaniyang dalawang mga kamay sa lamesa sa kaniyang ulunan. Papikit-pikit habang patuloy na nakikipag-operasyon sa system. Parang may kung anong naramdaman siya sa kaniyang tiyan at medyo liwanag na nagiging sanhi ng pananakit ng kaniyang mga mata kaya pinipikit-pikit niya na lang. Kahit na gusto niyang makita kung ano bang nangyayari at wala man lang siyang nararamdaman na sakit, hindi niya magawa. Pilit na pi-na-panatag ni Al ang kaniyang sarili. Gusto niyang ilabas ang dalawang bata nang walang kahit anong aberya. Tanging sa system na lang siya umaasa. 'Please...please save my babies...' mumunting pakiusap niya habang nakapikit. Nagsibagsakan na rin ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mas masakit pa ang nangyayari ngayon kaysa ang nakasama ang minamahal sa dalawang taon. Dahil sila ang naging inspirasyon niya upang mabuhay sa mundo na hindi niya alam kung belong ba siya o isa lamang bisita. Ayaw niya na isa rito ay mawala. [System: Labor's Completed.] Dinig niyang saad na naman ng boses sa isipan niya. Pero nanghihina na siya. Sumasakit na rin ang kaniyang ulo sa hindi niya malaman na dahilan. Wala ngang sakit sa tiyan, pero sa ulo matindi. Gusto niyang matulog, gusto ng tuluyan na matulog ni Al. Pero naiisip niya pa rin ang mga anak niya. Paano kung bumalik siya sa mundo niya? Paano kung tapos na ang misyon niya rito? How about his twins? Sino ang mag-aalaga sa kanila? Kahit na nahihirapan na sa paghinga si Al. Pilit niyang inaabot ang kaniyang mga anak. Pero wala siyang makapa. 'Nasa'n ang mga baby ko?' nag-aalala niyang wika. Humihiling na sana ay may kahit isa sa kanila ang umiyak para mawala ang bigat sa puso niya. "Please ..." Nanghihina niyang pakiusap habang patuloy pa rin ang pagkapa. Hindi siya makabangon, hindi siya makalingon sa iba't ibang direksyon. His body become stiffed and can't move even in a little bit. "Wahhh!" "Wahh! Wahh! Wahh!" Nang mapakinggan na ni Al ang biglaang pag-iyak ng mga bata na animo'y narinig siya, ang tinik na bumaon sa kaniyang dibdib ay unti-unti na ring nawawala. Ngumiti siya nang malawak subalit ang mga luha ay patuloy pa rin sa pagbagsak. Masaya siya, Maligaya siya na narinig ang hiyaw ng mga anak niya, Pero sino ang mag-aalaga sa kanila? 'H-hindi...' [Alert! Alert! Severe Blood Loss. Sleep Mode Activating... Sleep Mode Activated.] [Turning on Babies' Nanny... Activated] [Activating Security Procedure. Activated] [System: Character Cyll Dreiz Reiger sleep mode on. You can sleep in 7 days prior.] Salitang mga naririnig niya sa kaniyang isipan. Dahil sa sobrang dami, hindi na niya maintindihan. Ang tanging naiisip niya lang ay ang mga anak niya. "Please let my babies alive. Help me..." Mahinang tugon niya sa kawalan bago tuluyang makaramdam ng matinding antok at unti-unti na ngang ipinikit ang kaniyang mga mata pero hanggang ngayon ay nasa utak niya pa rin ang mga bata. 'Ang mga anak ko...' **** [7 days of Sleep Mode Completed. Character Cyll Dreiz Reiger has been awakened] "Hmm..." Dahan-dahan na iminulat ni Al ang kaniyang mga mata. Unang tumambad sa kaniya ay ang kisame na walang kahit anong tinta. Marahan din niyang ibinaling ang kaniyang ulo sa kaliwa, nakita niya ro'n ang dalawang sanggol na nakatabon lang ang carpet sa kanilang sarili. Walang kahit anong saplot. Kahit na nahihirapan ang kaniyang sarili sa panganganak, marahang tumayo sa pagkakahiga si Al upang puntahan ang dalawang sanggol. Unang tingin pa lang niya sa mga ito ay parang may kung anong humaplos sa durog niyang puso. Kamukhang-kamukha niya ang dalawa. Ni isa ay wala silang nakuha sa ama nila. Para bang ang lahat ng pahirap na dinanas niya sa mga buwan na iyon ay bigla na lamang nawala. Now, he has two angels. Two angels will become his strength and he'll do everything to make their life happy. Kahit na siya lang ang mag-ta-taguyod sa kanila. Ayos lang. Pero hindi siya tumigil sa pag-te-text sa dalawang numero. [ It's worth it. After 9 months of being pregnant, I can finally see my two angels. ] [ Hindi mawawala ang pagdadalawang-isip kung kaya ko bang palakihin sila. Pero kakayanin ko. Sila na lang ang natitira sa piling ko. ] [ Kung sino man kayo, p'wede bang kahit isang 'congratulations' lang? Kahit pa-paano may tao pa rin pala ang nakikinig sa akin. ] .... Pero ni isa walang sumagot. Wala man lang nag-congrats sa kaniya dahil sa tagumpay na natamo niya. Subalit hindi naging hadlang iyon. Patuloy na nagsusumikap si Al na palakihin ang dalawang sanggol. Mahirap sa una dahil wala siyang alam sa pagpapalaki. Wala rin naman siyang mga magulang na nagtuturo sa kaniya kung paano ba mag-alaga ng bata dahil laki siya sa ampunan. Ngayon ay nasa anim na buwan na ang mga sanggol. Habang lumalaki sila, mas lalong nagiging kamukha niya. Kahit na itakas niya ito at hindi ibigay sa tunay na ama nila, walang magiging problema. Anak niya ang mga ito. Siya ang nagpakahirap, bakit niya ibibigay sa wala man lang paramdam na lalaki? Ipaglalaban niya ang karapatan niya. Kahit na sa kamatayan pa. "Babies, don't leave your daddy okay? Don't leave me like they did to me. I can't bear it..." Nagsusumamo niyang turan sa dalawang sanggol na nakatingin sa kaniya nang nagtataka. Mga nakahiga sa kama pero gan'on na lang ang gulat niya nang sabay-sabay nilang hinawakan ang mahaba niyang buhok na saktong bumagsak sa harapan nila nang siya'y yumuko upang hindi nila makita ang nagbabadyang luha na gustong lumabas sa kaniyang mga mata. Narinig niya rin ang mga tawanan nila. Kahit na hindi pa nila siya naiintindihan sa kaniyang sinasabi. Animo'y sumasang-ayon na agad ito sa kaniya. Kaya napangiti rin siya sa nakita. Marahang niyakap ang dalawang sanggol na itinadhana sa kaniya. "I'll protect you, my babies." "So protect me too if they ever find or come here to get you."SANO'S POV: "Hey, Sano! Don’t you ever wonder about your younger brother?" Keith asked, his voice brimming with curiosity as he leaned against the wall, arms crossed. He was my childhood best friend and, as fate would have it, my doctor, too. I felt a familiar weight settle in my chest, a mix of nostalgia and sorrow. "Hmm… not this again. He’s been happy with his family," I replied, attempting to stave off the painful memories that threatened to surface. The image of my brother turning away from us—a door slamming shut—haunted me, lurking in the shadows of my mind. "Just for a moment? It’s hard to believe you didn’t even try for two decades. He’s still your brother, after all," Keith pressed, his brow furrowing as if he were unraveling a tangled knot of emotions in my head. "On paper, yes. But in reality, we’re like strangers," I admitted, bitterness beginning to seep into my tone. "And honestly, it’s our fault. If we hadn’t been so wrapped up in our business or made time to binge
AL CYRIEL’s POV:“The President of the Ying Group.” “Huh?” Sabay-sabay pa naming saad sa hindi inaasahang kataga na lalabas sa bibig ni Raize.Ako? Gustong makita ng President ng Ying Group? Para saan naman? Anong ginawa kong mali? Aalisin na ba nila ako sa village na ito kaya direkta na ako sa president talaga.Pero nawala lang ang pag-aalala ko nang marinig ang mahinang pagtawa ng kabilang linya.“Don’t overreact, we’re not a carnivorous people, so you don’t have to worry about your lives. We just wanted to talk with Al. Only him, so we hope everyone didn’t follow him. We already asked someone to pick him up. Oh! I think he’s in your door.” Mahabang salaysay ng lalaki na hindi mahahalataang matanda na ang boses.Parang ang tono ay pang-bata pa. Pero imposible rin naman. Sakto rin na pagkasabi niya noon ay may nag-doorbell na nga sa labas pintuan namin. Narinig ko pa ang pagsabi ng ‘I knew it’ ng tao sa kabilang linya bago magpaalam at hihintayin niya ako pagpunta ro’n.“I think I
AL CYRIEL's POV: "Al, what's happening? Who are they?!" bulalas ni Raize papasok sa kusina dala-dala ang laptop na kinuha niya sa akin. Nagluluto kami ngayon ni Sinian ng tanghalian namin. Samantalang ang dalawa namang Linran at Weilan, sila ang nakatoka sa pag-aalaga sa mga bata. Pinag-day off muna namin ang siya talagang nag-aalaga kina Zefhan at Kidlat. May magaganap na reunion sa pamilya nila kaya hinayaan na muna namin sila na mag-enjoy. Kaya na rin naman namin ito kasi hindi naman abusado ang mga sanggol. They were so behave and doesn't cry, if they do, it's time for their food. "About what?" Nagtatakang wika ko pero halata sa tono ng boses ko ang inis sa lalaki. "I'll continue this, go and find out," Sinian said, as he touched my waist. Napatango na lang ako sa sinabi nito at saka tuluyang pinuntahan si Raize na umupo sa lamesa sa loob ng kusina. Malapit lang sa lutuan. "These," Raize said before pointing out several comments from people who we didn't even know. But r
AL CYRIEL's POV: Sa loob nga ng isang linggo, may isang post na kumalat sa Social Media. Post kung saan binabatikos ako dahil sa ginawa kong paggamit sa mga bata para bumalik lang ako kay Red. At marami pang iba na may mga kasamang picture kasama ang tatlo. May edited version pa kung saan pumunta kaming hotel, nakita akong may hawak na sigarily* habang hawak si Zefhan, at kung anu-ano pa na bad images na mas lalong nagpasiklab sa galit ng mga netizens. Alam ko naman na iisa lang ang may alam sa kung saan ba ako nakatira. Maliban sa akin, sa manager ko, sa katulong, at sa tatlo. Si Red lang ang nakikitaan ko na may gawa nito. Alam kong nagbayad siya ng malaking pera para siraan ako sa publiko. Tama siya, maraming nagalit sa akin na mga dating fans ko. Kung anu-ano pang mga pangalan ang tinatawag nila sa akin. May mga ni-me-mention pa sila na mga public affairs para sa kaligtasan ng mga kabataan. Buong linggo na iyon patuloy pa rin ang pag-angat ng fake news sa Social Media. Per
AL CYRIEL'S POV: "Al," tawag ng taong kilalang-kilala ko ang boses, dahil sa aking narinig biglang napantig ang tenga ko. Agaran akong napatayo sa aking pagkakaupo. Nakita ko sa aking harapan ang lalaking may sumbrero. Naka-tshirt lang siya na puti at itim na pantalon. Ilang buwan ko na siyang hindi nakikita simula ng bumalik ako sa mundo na ito. Ngayon ko lang ulit napagmasdan ang kaniyang itsura. Matikas man ang kaniyang mukha, hindi pa rin maitatago ang pagkapayat niya. Hindi tulad noong nagsasama kami na palagi siyang malaman. Pero kung ano man ang pinagkakaabalahan niya noong wala na kami, wala na akong pakealam pa ro'n. I'm now content with my current life. Two kids and the right one for my life, Sinian, and their uncles, with whom I have become friends. Sakto na sa akin ang lahat. Wala na akong dapat pang isipin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano nalaman ni Red ang pamamahay ko? "What are you doing here?" Tanong ko rito nang may malamig sa aking tono ng bos
AL CYRIEL'S POV: "Al, are you there?" Tanong ng manager ko sa labas ng bahay ko. After I got discharged from the hospital, I also asked Raize to find me a house that is suitable for us, and for my future family. Ayoko ng manatili sa condo kung saan maraming memories kasama si Red. Napirmahan ko na rin ang divorced paper matapos kong magising. Isang buwan akong walang malay, pero sa mundong iyon humigit anim na taon na ang itinagal ko. Ibang-iba talaga. Umalis na rin ako sa Entertainment Industry dahil gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa mga anak ko. Marami man ang nadismaya sa pag-alis ko, alam kong naiintindihan din nila iyon. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tunay na dahilan ko, saka na kapag malalaki na ang mga anak ko. Pero kung may pagkakataon man, babalik ako. "Yes? Come in." Unti-unti namang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang payat pero may katangkaran na si Raize. May salamin siya na suot at sa kaniyang kaliwang kamay naman ay cellphone na nakabukas.