Reincarnation of a Soldier to a Mafia Daughter

Reincarnation of a Soldier to a Mafia Daughter

last updateÚltima atualização : 2026-09-24
Por:  HydeeAtualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel12goodnovel
Classificações insuficientes
6Capítulos
10visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

General Bleaen Esquira died in betrayal and blood. But fate gave her another life as Aine Xavirae "Xave" Montesserri, the only daughter of a powerful mafia family. In a world ruled by secrets and danger, she must uncover the truth behind her rebirth with her system Mic. As her past and present lives slowly become one, Xave realizes that not all things that seem good are real, and not all that seem bad are truly evil. "If life is like this, who's left for me to trust?" Xave

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 1: Awakening in a Strangers Body

Chapter 1: Awakening in a Strangers Body

Sumalubong sa akin ang malakas na pagsabog sa norteng bahagi namin. Hindi masyadong makita ang paligid dahil sa usok na nanggagaling sa pinaghalong pagsabog, sunog, at gamit militar. Sigawan at halos hindi marinig na pagtangis ang maririnig, amoy pulbura at bakal ang nagpapabagsak sa mga kasamahan ko, siguro dahil na rin sa hilo, uhaw, at gutom.

Ilang araw na kaming ganito ang sitwasyon, ni hindi na matawagan ang headquarters dahil nakakapagtakang ni isa na walkie talkie wala kaming mahagilap. Alam ko na kung anong nangyayari, hindi naman ako tanga, bukas lang ako at hindi marunong magduda. Mukhang ako pa ata ang magiging dahilan ng kapahamakan nila.

"General Bleaen, umatras na tayo! Delikado na 'to!" Nabalik ako sa reyalidad ng bigla akong tinapik sa balikat. Nabaling ang tingin ko sa sundalong lumapit sa 'kin. Hindi ko agad nagawang magsalita, naisip ko kasi pag umatras kami alam kong masusundan at delikado para sa mga tao 'yon, kailangang matapos ang misyon na 'to.

Biglang pumasok sa isip ko ang ginagawa kong Bomb Project. Tiningnan ko siya dahil don. "You have to evacuate all units immediately. I will initiate the new ordinance. The blast radius is wide. Proceed to the designated rally point  and await for further orders."

"P-pero Bleaen-"

"That's an order." Wala ng nagawa ang pinakamalapit sa aking sundalo at kunot-noong nag salute tsaka dali-daling umalis.

Walang pagdadalawang isip akong naglakad papunta sa Research Lab, pumasok ako ng di inaalintana ang eye and face scanning pagkatapos kong idiin ang aking fingerprint. 

[System Activation: Forbidden Device- Project Arcane]

Umilaw ang buong loob nito, nagpapahiwatig na umupo ako sa gitna ng rocket launcher. Ilang segundo palang ng manginig ang buong building hudyat na gumagalaw ang inuupuan ko. Mapayapa kong tinitingnan sa screen monitor ang pwesto ng mga kasamahan kong nagtitipon sa maayos na lugar.

"Sana naman hindi to masakit."

'Yon ang naging huling dasal ko bago lumabo ang lahat.

........

Musika ng gabi ang una kong narinig, naaaninag ng mata ko ang liwanag sa kung saan kasunod non ang lambot ng likod ko na hindi ko naramdaman kailanman. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at bumungad sa akin ang kisameng puti at gintong may ukit.

Sunod kong napansin ang marangyang chandelier sa gitna. Hindi agad ako makakilos sa hindi maipaliwanag na paraan pero sigurado akong hindi ako nasa hospital, hindi rin ito yong barracks, kasi mismong matinong higaan wala kami non.

Lumingon ako sa kaliwa ng magalaw ko na ang ulo ko pero ramdam ko pa rin ang panghihina ng buong katawan ko. Sobrang taas na mamahaling kurtina ang sumalubong sa paningin ko. Napansin ko rin ang pulang carpet na papunta sa p***o ng makaupo na 'ko.

"What the hell is happening?" Mahinang bulong ko sa sarili. 

Hahawakan ko na sana ang dibdib ko sa kaba ng mapansin ang mala-porselana kong kamay. Wala man lang itong peklat o kalyo. Hindi tulad sa kamay kong puro sugat at hiwa. Malayo ito sa kamay ng isang sundalo.

Napahawak ako sa mukha at napansing mas maliit iyon kumpara sa nakasanayan kong laki, mas lalo pang kumunot ang nuo ko ng mapansing mas makinis iyon. Doon ko na napagtantong  lahat ng parte ko sa katawan, mas maliit sa normal na alam ko.

A sudden urge of nervousness came to me pero pinigilan ko agad yon at huminga ng malalim. Dahan-dahan akong tumayo at wala sa kontrol na naglakad patungo sa nakita kong salamin, mas malapad ito kaysa sa karaniwang nakikita ko kaya madaling makita ang kabuuan ng kwarto lalo na ang katawan na meron ako.

Napataas ako ng kilay ng maramdamang mabalahibo ang naaapakan ko. Bumaba ang tingin ko at tama nga't parang cashmere ang mat na meron dito, lukop ang buong sahig non maliban sa red carpet. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, hinihingal akong umupo at inayos ang sarili.

"What kind of body is this? Gumagalaw pa ba 'to?" 

Walang pagdadalawang isip akong tumingin sa salamin at halos malaglag na ang panga ko sa mangha. Sobrang puti at kinis niya na nakikita ko lang sa TV, hanggang puwet ang kulot niyang buhok, at maganda rin ang matalas niyang mga mata. 

Nababaliw na ata ako.

Hinilot ko ang magkabilang noo at huminga ng malalim tsaka tumingin ulit sa salamin. "What happened to me?" Tanong ko sa kawalan.

[System Rebooting...Transferring Host Consciousness Complete.] 

Napatigil ako sa narinig, hindi iyon boses ng tao. Pamilyar ako sa ganitong boses kapag nasa research lab. It's an AI.

[Host: Aine Xavirae Montesserri. Age: 17. Status: Deceased Prior To Transfer.]

Napasandal ako sa upuan at bumuntong hininga. "So she died and dahil don nalipat ako sa katawan niya?" Hindi ko siguradong tanong.

[Affirmative. Soul Transfer Successful. Physical Vessel Stable.]

Napasapo ako sa noo at wala sa sariling inisa isa ang nangyayari. Lahat ata ng alam ko sa agham, militar, at reyalidad mababago ng kaunti. 

Bigla kong naramdaman ang malamig na hangin ng bumukas ang p***o. Isang babaeng nakaitim na uniporme ang pumasok, para siyang cosplayer dahil nakasuot siya ng unipormeng pangkatulong na makikita sa royalties.

"Miss Xave? Mabuti po at gising na kayo!" Bakas sa tinig niya ang pag aalala.

Hindi agad ako nakasagot pero sa pangatlong pagkakataon alam ko na ang nangyayari. Tumango ako ng dahan-dahan dahil hindi ako sigurado kung okay lang ba ang katawan na 'to. Lumapit siya at naklaro ko ang bakas ng pag aalala sa mukha niya. "Akala namin kung ano na nangyari sayo. Nakita ka naming nawalan ng malay kagabi, bigla ka nalang bumagsak."

"Ah..." Napalunok ako at bumaling sa kanya."Nasaan ako?"

Tumingin siya sa akin ng di sigurado. "Tahanan mo po ito Miss. Ang Montesserri Mansion."

Montesserri? Pamilyar ang apilyedong 'yon, pero hindi ko naman matandaan kung san ko narinig yon.

Nagmamadali siyang umalis kaya kinuha ko ang pagkakataon na yon para lumapit sa bintana. Napabuga ako ng hangin ng maisampa ko ang kamay sa baba ng window rail. Bumungad agad sa akin ang napakalawak na hardin sa labas ng mag angat ako ng tingin. 

Hindi ko mabilang ang mga nakahilerang iba't ibang klase ng sasakyan sa left side ng mansion, medyo malayo layo pa iyon sa kinaroroonan ko. Siguro buong barangay na ata ang layo niya mula sa kinatatayuan ko pero klaro pa rin iyon dahil sa dami.

Fountain sa gitna ang nagpatulala sa akin, hugis puno iyon na maraming pabagsak na tubig at eleganteng mga baging, para siyang willow tree na may tumutulong tubig pero alam kong yari sa di ko matukoy na mineral. 

Ang payapang tingnan, walang putok ng baril, walang amoy ng dugo at pulbura, wala iyong init ng apoy na parang tutunaw ng balat.

[Warning: Host body memory integration incomplete.] 

"What is it?"

[System 'Mic' online. Function: Support and Guidance For Host Adaptability. Origin: Arcane-Version 1.0]

"Arcane?" Pag uulit ko sa narinig. "That incomplete project?"

Napabuntong hininga ako tsaka bumalik sa kama't umupo. Habang pinipilit kong alalahanin ang mga huling minuto bago ang pagsabog, pumasok ulit yong cosplayer.

"Miss Xave, Tinatawag ka po ni Madam. Gusto ka niyang makausap."

"Madam?"

"Opo. Ang mama niyo po."

Mama. Salitang parang kutsilyo na tumatarak sa dibdib ko. I'm yearning for that, wala akong tinawag na mama buong buhay ko. Bahay ampunan ang kinalakihan ko, at mga kasamahan kong sundalo ang tinuring kong pamilya.

Lumabas sa p***o ang isang eleganteng babae, kung di ko alam na anak niya ko, iisipin kong isa siyang teenager palang, mukha siya may dugong royalty. Bawat hakbang niya kalkulado at mahinahon, ang nakakamangha pa don may aura siyang karespi-respito kahit walang ginagawa.

Napansin ko ang mga mata niyang may halong saya at pag aalala ng tingnan ko siya ng diretso. Naka business attire siya na lalong nagpatingkad ng aura niya. Kung 'di ko siya mama pagsisilbihan at luluhuran ko siya.

"Anak, salamat naman at gising kana," Nagmamadali siyang pumunta sa tabi at hinawakan ang kamay ko. 

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Hindi ako sanay sa ganitong init ng kamay. halos hablutin ko sa kanya ang kamay ko dahil ramdam na ramdam ko ang di pamilyar na emosyon at nakaka asiwa niyang tingin pero napigilan ko ang sarili.

Mahal niya ko at halatang di masukat yon.

Ngumiti ako ng di sigurado."Opo, M-mama."

Gusto kong mapangiwi ng marinig ang boses ko. Hindi ako to. Kailan pa lumambing ang boses ko na halos pati aso tumakbo pag narinig ako. Marami siyang sinabi at dahil tungkol yon sa araw-araw  na beauty care routine niya hindi na ko nakinig at tiningnan nalang siya. 

Umalis siya pagkatapos ng mahaba habang beauty tips niya.

Doon lang ako napasandal sa headboard ng kama.

[Mission Update: Adapt to Host Identity. Objective: Live.]

Napangiti ako't tumingala sa kisame.

"Bleaen, you are Xave now, Aine Xavirae Montesserri, this time please be good to yourself, okay?"

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sem comentários
6 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status