"Elisse? its her! its her! Oh my God, si Elise yun!" bulalas niya. halos sumigaw sa tuwa si Kevin. Hindi na siya nag-isip pa. Tumawid siya ng kalsada, kahit halos mabunggo na siya ng ilang sasakyan. Kahit nagmura pa ang mga driver, wala siyang pakialam. Mabilis siyang lumapit kay Elisse.
"Elise! Oh may God Ikaw nga!" sabi niya at niyakap ng mahigpit ang kanyang hipag. "Elise, oh my god. Oh my god. Salamat sa Diyos, I found you. Thank God!" Matagal ang naging yakap na iyon. Hindi halos malaman ni Kevin kung paano magpapasalamat dahil nakita at naabutan niya si Elise. Pero nanatiling tuod si Elise, at ni hindi ito nagpakita ng emosyon kay Kevin. Naramdaman naman ni Kevin ang paninigas ng hipag niya, kaya't bumitaw siya ng yakap at hinarap ito. Nakayuko si Elise at halos hindi magawang tumingin kay Kevin, nangangatal sng labi niya sa pagpipigil ng emosyun.Napakalayo ng nilakad niya, wala siyang pera at walang kahit sinong kakilala. Hindi pa man nakakalayo ay parang gustong ng sumuko ni Elise, ang kaso lang ay naaalala niya ang hinanakit niya sa binatang bayaw. "Kung hindi siya kayang pagbigyan nito at kung hinid nito kayang panindigan ang sinasabi ng puso nito, walang dahilan para lumaban pa siya," sabi ni Elise. "Elise, anong ginagawa mo dito? Bakit ka umalis? Please, please answer me. Galit ka ba sa akin? Kaya ka ba umalis kasi galit ka sa akin?" Malamyos ang naging tono ni Kevin. Hindi kumikibo si Elise, nanantiling nakayuko lamang. "Please, don't do this. Mapapahamak ka, Saan ka pupunta? Wala kang pupuntahan sabi mo diba? Saka ang kalagayan mo, masama sa'yo ang mapagod Elise, masama sa'yo ang magutom at mas stress. Please, tara na. Let's go home. Uuuwi na kita, Elisse, ha?" Malambing na pakiusap sa kanya ni Kevin. "No! Ayoko, Ayokong bumalik sa mansyon na yun at ayoko na ding bumalik sa bahay mo kung ipipilit mong bumalik ako doon. Mas nanaisin ko na lang ang mam*tay sa gutom at magpasagasa sa pison kesa ang pakisamahan ulit ang halimaw mong kapatid." sabi ni Elise na noon ay nag angat na ng tingin, halos mabilaukan ito sa sariling laway hinanakit kay Kevin. "Elisse, huwag mong gawin ito," pakiusap ni Kevin, ang boses ay puno ng pag-aalala. "Naiintindihan ko, kung galit ka sa akin, wala akong magagawa. Pero hindi ka pwedeng manatili rito sa kalsada. Saan ka pupunta? Babalik ka ba sa inyo? Kung babalik ka, payag ako.Atleast safe ka doon. Sabihin mo lang," aniya. "Bakit ako babalik sa bahay na tulad ng bahay nyo ay impiyerno din para sa akin, ang mga tao roon ay mga tahaman din tulad ng kapatid mo kaya bakit ako babalik doon?" galit na sabi ni Elise. Pagkatapos sabihin iyon ay nagpumilit si Elise na makawala sa yakap hawak ni Kevin. Sinikap niyang matanggal ang mga bisig nito ngunit naging mas mahigpit ang hawak ni Kevin sa kay Elise at hindi siya hinayaang makawala. "Bitawan mo ako, Kevin.Tama na, para saan ba 'to? Kung gusto mo lang akong ibalik sa mansyon, para sa mga kontrata niyo, hindi ako babalik. Hindi ako babalik sa bahay na iyon para lamang masarap ang tulog nyo.Pare parehas kayo, lahat kayo makasarili iisang dugo nga kayo!" galit na sabi ni Elise. "Mali ako na pinagkatiwalaan kita, mali ako na umasa at naniwala ako sayo, maling-mali ako na hinayaan kong maging dependent at sentro ka ng pangarap ko," sumbat ni Elise. "Elise.....!" nanunuyo ang lalaminan ni Kevin. "Katulad nila, wala ka rin sarilng b*yag. Kaya huwag mo na akong pigilan pa, huwag mo na akong pakialam pa" "Elisse, pakinggan mo naman ako. Mag-usap tayo. Sumakay na tayo sa kotse, mainit dito. Kumain ka na ba? May masakit ba sa'yo?" Ang pag-aalala ay naririnig ko sa kanyang tinig, ngunit wala na itong epekto sa akin."Ano? usap na naman? T***s ano? sa bandang dulo, pakikiusapan mo pa rin akong bumalik diba? Tama na Kevin, huwag mo na akong tulungan. Wala namang silbi ang pag-aalala mo. Hindi ko ba kailangan," matigas na sabi ni Elise. Nasasaktan man at naiinsulto sng pagkalalaki ay inunawa ni Kevin ang kanyang hipag.
"Elisse, pakiusap., makinig ka muna mamguspa tayo , halil doon natong paguspaan sa kotse ang lahat" pakiusap pa rin ni Kevin. Nagsisimula ng matakot si Kevin dahil baka may makakita kay Elise. Ayaw niyang makauwi ng mansion si Elise ng hindi sila nagkakapagusap ng mga dapat gawin. "Kevin, Alam kong napipilitan ka lang. Alam kong mahirap sa'yo ang sundin ang lola mo. Gusto kitang tulungan. Pero sana maintindihan mo kung gaano kahirap ang bumalik sa impyernong bahay na iyon. Tapos gusto mo pang bumalik ako roon at maging asawa ng kapatid mo ulit? Bakit hindi na lang nyo ako pat*yin? Pat*yin nyo na lang kaming mag-ina kung ibabalik mo rin lang naman ako roon." Ang mga luha ay hindi na napigilan ni Elise. Nahihirapan siya sa sitwasyun at sa pagpapaliwanag sa mga takot na bumabalot sa kanya. "Elise, please dont cry, huwag ka namang magisip ng ganyan, Naiintindihan kita. Kung ako ang masusunod, hindi kita ibabalik doon. Pero kailangan nating bumalik. Kailangan kong bumalik"malumabay na pakiusap muli ni Kevin. "Madali naman akong kausap. Hindi kita gusto pahirapan. Babalik ako doon kung gagawin mo ang mga kondisyon ko" matikas na sabi no Elise. "Elise, sana alam mo ang laki ng bagay na gusto mong mangyari.Hinsi laro sng nasi mo Elise.Haliak pagusapan natong sa sasakyan"pero ni isang hakbang ay hindi kumilos si Elise. "Okay.....Okay, pumapayag na ako pero paguusapan muna natin ang mga detalye. Pag-usapan natin 'tong mabuti. May mga bagay na pwedeng gawin at meron ang hindi. Pero mas mabuting pag-usapan natin 'to ng maayos. Planuhin natin eto Elise." pagsuko ni Kevin. Ang kanyang mga salita ay parang hangin na dumadaan sa tenga ni Elise na nagdulot sa kanya ng kakaibang siguridad. Ang kanyang mga takot kahit papaano ay nabawasan. "Dahil ang pagbabalik na gusto mong mangyari Elise, hindi 'yung pagbabalik bilang asawa ni Kenzo Madrigal. Kundi pagbabalik bilabg kalaguyo ng kapatid ni Kenzo Madrigal.Yun ang gudto mong gawin ko.Iyong sng parusa sa akin sa lahat ng ito"sabi ni Kevin. "Panalo ka na Elise, ito ang nakatakda, ito ang aking parusa. Sana lang maintindihan mo ang bigat ng gusto mong mangyari. Pero naiintindihan kita. Alam ko na ako lang ang pwede mong gamitin para labanan si Kenzo, At alam ko rin na ako lang ang pwede mong gamitin para protektahan ang oyong sarili at ang anak mo. Tama ba, Elise?" Hindi nakakibo si Elise,ngunit tumingin ng malalim kay Kevin na parang humihingi ng pangunawa. "Sige, pagbibigyan kita ng gusto mo. Babalik tayo doon. At kung babalik ka doon, gawin mo ang gusto mo. Gawin mo ang plano mo. Maaasahan mo ang tulong at suporta ko. Basta pangako mo lang sa akin na kahit anong mangyari, mananatili ka doon. Mananatili ka sa mansyon." Tumango-tango si Elise. "Halika na, sumakay na tayo sa kotse. Masyado ka nang nakabilad sa init ng araw. Baka lalo ka mahilo. Kumain ka na ba? Mabuti pa, kumain muna tayo. Mukhang hindi ka pa nakakapag-almusal." Sabi ni Kevin habang inaakay ang dalaga patungo sa kotse. Tahimik na sumakay si Elise sa sasakyan. Lingid sa dalawa isang itim na kotse ang nakahimpil sa di kalayuan at sng taos sa back seat ay nakuna na sila ng larawan habang madilim ang mapanganib nitong mga mata.Natahimik si Kevin. Inisip niya ang mga sinabi ni Elise at may punto ito. Pinagmasdan niya ang kasintahan at nakitang stress ito. Sa palagay nga ni Kevin ay apektado si Elise sa mga naririnig na tsismis. "Okay, I get the point. So, pag-usapan natin iyan sa bahay," sabi ni Kevin at nagtangkang lumapit. "No, Kevin. Akala ko ba naiintindihan mo na? Hindi mo pwedeng sunduin ang hindi mo asawa. Please call Kenzo, sabihin mo sunduin niya ako." "No, I can't do that! I will not! Fine, aalis na ako. Umuwi ka na, you're not looking good. Aalis ka sa opisina ng mag-isa. It's final!" Napabuntong-hininga na lamang si Elise. Seloso nga pala ang binata. Hindi naman niya ito masisisi at ayos lang naman sa kanya na ganoon ito, ang hindi lang siya sanay ay ang pag-tsismisan at apektado ang reputasyon ni Kevin dahil doon, iyon ang ayaw niya, bukod pa sa kapag nagdaramdam siya at nae-stress kasabay ng pagsakit ng ulo niya ay nanakit ang kanyang balakang at tiyan kaya gusto niyang iwasan ang ma-s
Pagdating ni Kevin sa kanyang kotse, agad niyang tinawagan ang nakababatang kapatid. Hindi niya ito naabutan sa opisina nito; nasa construction site ito. Para kay Kevin, hindi na ito nakakagulat pa. Sanay na siyang “easy-go-lucky” ang kapatid, at mas sanay na siyang maging taga-ayos ng mga problema nito. Matapos makausap ang mga trabahador, makipag-usap sa presidente ng unyon, at makapanukala ng maayos na solusyon, agad niyang tinawagan si Kenzo at hinanap ito. "Nasaan ka? Bakit hindi mo harapin ang problema ng kompanya mo?" sita ni Kevin. "Ano? Para makuyog ako diyan? Magwewelga sila tapos maghahanap sila ng usapan? Kung ayaw nila ng patakaran ko, eh di mag-resign sila. Sus! Ganoon kasimple!" sabi ni Kenzo. Medyo maingay ang kinaroroonan ni Kenzo kaya hindi masyadong marinig ang usapan nila. "Mag-usap tayo sa bahay. Umuwi ka nang maaga, hihintayin kita. Mag-usap tayo," sabi ni Kevin at ibinaba na ang telepono. Matapos ang abalang trabaho at makaikot sa dalawa pang kompanya pag-a
Matapos ang tawag na iyon, naging balisa si Soffie pagbalik niya sa silid nila at maging sa mga sumunod na araw. Binabagabag siya dahil dalawang buwan na lang ang natitira para makakuha ng batang pagpapanggapin niyang anak. Inaasahan niyang maputi ang unang kakausapin ng kanyang amain dahil mukhang maputi ang babae at taga-Zamboanga, kaya may pagka-tisay ito dahil Bisaya. Malamang maputi ang anak nito at kung makukuha ang dugo ng babae, tiyak na may pagka-tisay din ito at sakto iyon dahil Tisoy si Kenzo. Kung sakaling hindi pala maputi ang ama ng bata, magsisinungaling na lang si Soffie na kayumanggi talaga ang lahi nila. Nasa ikapito na kunwari ang tiyan niya at hindi pa siya nagpapa-ultrasound. Sinasadya niyang hindi ito binabanggit kay Kenzo at mukhang wala namang alam sa ganoon ang lalaki at palagi pa itong abala kaya pabor iyon kay Soffie. Hinanda na rin niya ang sasabihin kung sakaling magtanong ito. Ang sasabihin niya ay gusto niyang sorpresa ang gender ng bata. Sasabihin
Titig na titig si Soffie sa sariling reflection sa salamin saka napahawak sa kanyang tiyan at napamura nang makita niyang natutuklap ang gilid ng kanyang pekeng tiyan na gawa sa silicon. Tama, pekeng tiyan lamang ang meron siya dahil noon pa man ay hindi na siya buntis. Nang malaman ng kanyang stepfather na nagkaroon siya ng ectopic pregnancy, nagboluntaryo itong tulungan siya at humanap ng paraan, pansamantala lamang, para matuloy ang kanyang plano. “Talaga, Tito? Magagawa ninyo ng paraan para magmukhang buntis pa rin ako? Paano?” excited na tanong niya sa kanyang stepfather. “May kilala akong gumagawa ng mga prosthetic sa pelikula. Pwede ko siyang pakiusapan na gumawa para sa iyo ng pekeng tiyan, isang silicon na mukhang tunay na balat na ikakabit sa iyong tiyan.” “May ganoon ba? Pwede ba talaga iyon?” “Oo naman. Kung nanood ka na ng mga pelikula na may mga aswang o monster na hinihiwa ang tiyan o dinudukot ang bata, prosthetic lang iyon, silicon lang pero mukhang totoo, diba?
Samantala, sa kabilang silid, mahimbing nang natutulog si Kenzo matapos ang pagtatalo nila ni Soffie. Isa sa mga pangit na ugali ni Soffie ang pagiging paulit-ulit at matigas ang ulo. Mula kanina pa sa kusina hanggang sa pag-akyat nila sa silid ay hindi siya tumigil sa pagsusumbat at pag-aakusa kay Kenzo. Dahil sa inis ni Kenzo, iniwan niya ito at nagpunta sa bahay ng mga kaibigan at uminom, katulad ni Kevin na hanggang gabi ring umuwi, pero mas huli ng isang oras kay Kevin. Halos alas dos na siya nakauwi at tulad ng inaasahan, bunganga pa rin ni Soffie ang sumalubong sa kanya. Akala ni Kenzo ay tulog na ito pag-uwi niya, pero naghihintay pala ito at mas galit pa. Dahil sa kalasingan at sobrang pagkairita, nasaktan ni Kenzo si Soffie at dahil may alak sa sistema, hindi kontrolado ni Kenzo ang sarili. Matapos sampalin ang babae, kinaladkad pa niya ito sa sulok at muling sinampal. Ang mga bagay na ginagawa niya kay Elise noon ay ginagawa na rin niya kay Soffie ngayon. Nakatitig
"Bitawan mo na ako Kevin, naiintindihan ko kong galit ka. Ayokong makipagtalo sa lasing." Lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ni Kevin, hindi para pakawalan siya kundi para halikan siya sa mga labi. Hinayaan ni Elise na halikan siya nito, pero hindi na muna niya tinugon, hindi niya alam ang kahulugan ng halik na iyon, kung pamamaalam ba o parusa. Tinapos ni Kevin ang halik, pero sumubsob ulit ito sa leeg ni Elise at niyakap ito nang mas mahigpit. "Dont leave me....!" Pabulong na sabi nito. Nanuot ang kalungkutan ng boses nito at tumagos sa puso ni Elise. "Kevin..." "Dont leave me Elise, dont fall for him again." tila hirap na sabi ni Kevin. "Ano ba yang sinasabi mo, bakit mo naiisip yan?" "I'm sorry, I'm a very jelouse guy Elise, i can't take it. Hindi ko kaya, Para akong mababaliw. Hindi ko kayang makita ka sa tabi niya lalong hindi ko kayang tanggapin kung mahal mo pa rin siya. I'm sorry for acting cold, nasasaktan ako Elise. Ang sakit pala nang walang karapatan." Sabi ni Kevin na