Dahil sa hindi na niya nagugustuhan ang pakiramdam, bumangon ang binata at agad naligo, pagkatapos ay lumabas siya ng kanyang silid at nagtungo sa condominium na pag-aari niya kung saan pansamantalang nag-iistay si Elise.
Pagdating niya sa condominium, inaasahan na niya na wala ang maid. Nakatiwala siya sa lugar dahil madalas ay maaga itong namamalengke para makakuha ng sariwang karne at isda. Tahimik ang buong kabahayan at halos patay ang mga ilaw.Dahan-dahan, nagtungo si Kevin sa silid ng hipag niya. Matapos kasi ang tensyon sa kanila ni Elise ng gabing iyon, dalawang araw siyang hindi nagpakita dito. Bukod sa naging abala rin siya sa mga papel sa opisina,medyo sinadya rin ni Kevin na iwasan muna angmagpakita dahil hirap pa siyang sagutin ang mga tanong ni Elise sa kanya. Kailangan pa niyang bantayan ang kilos ni Kenzo.
Ang mga papeles na alam niyang hinahanap ng mag-ina ay inilagay na ni Kevin sa safety. Inutos niya sa isang abogado na siya mismo ang nag-hire na ilagay ito sa safe box sa isang bangko upang hindi na pag-interesan pa ng mag-ina. May mga plano kasi sa isip si Kevin at gusto sana niyang wala nang makakita pa ng last will and testament ng lola niya na kopya lamang niya.
Dahan-dahan binuksan ni Kevin ang pinto para lamang magulantang sa nakita. Wala si Elise doon. Bakante ang kama. Ipinagtaka ni Kevin kung bakit maagang nagising ang dalaga. Kaya dahan-dahan siyang pumasok at umupo sa sofa saka hinintay ang dalaga na iniisip niyang baka nasa banyo pa. Ngunit lumipas na ang halos kalahating oras ay walang Elisse na lumalabas sa banyo. Noon lamang napansin ni Kevin na patay ang ilaw ng banyo.
"Elise No...! hueag naman sana." dalangin ni Kevin. Biglang sinaklot ng takot ang dibdib ng binata. Agad siyang tumayo at mabilis na humakbang patungo sa banyo.
Pagbukas niya, tumambad sa kanya ang malamig at preskong hangin mula doon. Walang tao sa banyo at halata ring walang gumamit dahil tuyo pa ang tiles. Lalong lumakas ang dagundong ng dibdib ni Kevin kaya't napatakbo siya at napalabas ng silid. Inikot niya ang sala hanggang kusina, ngunit wala pa rin doon si Elise.
Kinuha niya agad ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ng katulong na kasama ni Elise sa bahay na iyon.
"Kasama mo ba ang Senyorita Elise mo?" tanong agad ni Kevin."Ay, siya Sir, wala ho. Maaga ho siyang natulog kagabi eh, hindi ho siya kumain. Maaga ho akong umalis Sir, ala-otso kailangan kong mahabol at gusto kong makabili ng sariwang alamang at alimasag. Bakit ho Sir? Eh wala ho ba siya?" tanong nito.
"Wala. Wala siya sa silid niya. Wala rin siya sa C.R. Hindi ba siya nagpaalam sa'yo kung may pupuntahan? O baka may bibilhin saglit?" usisa ni Kevin.
"Ay wala ho Sir, ayun naman ho ay hindi nag-aalis mula nung napunta riyan. Eh sige ho Sir, ako'y pabalik naman ah. Ay titingnan ko ho kung baka nandito sa mga convenience store at baka nga may binili," sagot ng katulong.
Ibinaba na ni Kevin ang telepono at naisip na imposible nga na bumabang mag-isa si Elisse. Unang-una, hindi gawain ng dalaga, hindi gawain ng hipag niya, ang gumala. Mula nga ng dumating ito sa condo niya ay hindi pa ito lumabas. Alam din kasi niya na umiiwas si Elisse na may makakita sa kanila. Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Kevin. Lalo niya nang naalala ang mga huling salita nito.
"Hindi kaya...? Tama kaya ang sumasagi sa isip niya kanina pa? Oh, No! No, Elise dont do this, sabi ni Kevin "Hindi kaya tuluyang umalis sa bahay ko si Elisse? Umalis ka nga ba Elise?" tanong ni Kevin habang kausap ang sarili.
Ang maasip ang mga iyon ay biglang parang binayo ang dibsib ng binata, agad na tumakbo si Kevin sa loob ng silid ni Elisse saka binuksan ang closet. At doon napagtanto ng binata na tama ang huling hula niya. Wala na nga ang ilang pirasong damit doon ni Elise, Tanging damit na bagong bili ang naiwan. Maging ang bag nito na pinaglagyan ng damit noong umalis ito sa bahay ng mga Madrigal ay wala na rin doon.
Sinaklot ng takot si Kevin, at hindi na nag-aksaya pa ng oras, tumakbo na palabas ng kanyang condominium at sumakay sa kanyang sasakyan. Habang hindi tinitigilan i-dial ang telepono ni Elise, ngunit nagri-ring lamang ang telepono ng kanyang hipag. Halos nag-triple ang kaba ni Kevin. Na-gi guilty siya dahil baka kaya umalis si Elise ay dahil hindi siya pumapayag sa kondisyon nito.Naipit si Kevin sa napakahirap na sitwasyon. Kapag kasi pinagbigyan niya ang kahilingan ng dalaga, ay mas malaking iskandalo ang kalalabasan nito at lalong mahihirapan ang lahat. Pero sa puso naman ni Kevin, ay hindi niya kayang mawala ang kanyang hipag.
Naisip ni Kevin, kung nakita pa ng kanyang katiwala si Elise na maagang natulog kagabi, ang ibig sabihin nito, kung saka-sakali ngang umalis si Elise sa bahay na iyon ay ginawa ito ng hipag niya kaninang umaga. Alam ni Kevin na inilock ang gate sa hatinggabi kaya malamang talaga pumuslit si Elise pag-alis ng katulong at kung ganun nga ang mangyari, malamang ay hindi pa nakakalayo ang hipag. Tiningnan ni Kevin ang kanyang relo, saka paharurot na nagmaneho. Binaybay ni Kevin ang kahabaan ng street na iyon. Ang kanyang condominium ay nasa gitna ng isang commercial area kung kaya't mahaba tiyak ang lalakarin ni Elise bago ito makarating sa pinaka main road. Walang source of transportation sa loob kundi ang magtaxi at kung meron kang sariling sasakyan. Ang pagkakaalam ni Kevin ay walang laman ang ATM ni Elisse at mula rin naman ang kinupkop niyang hipag ay hindi rin naman ito humingi ng kahit na ano sa kanya. Kaya ang alam ni Kevin, walang-wala si Elisse ng mga sandaling iyon. Mabagal lang ang naging pagmamaneho na ni Kevin upang walang spot na lumagpas sa paningin niya. Bawat tindahan, restaurant o coffee shop ay tinitingnan niya. Maging ang mga sulok-sulok o mga eskinita, pati na nga ang mga building ay tinitingnan na rin niya kung may lumabas o may pumasok na kahit kamukha man lamang ng hipag niya.Nakakapagod, nakakahingal, lalo na at kailangan ni Kevin bumaba ng sasakyan kapag may nakikitang babaeng mahaba ang buhok, balingkinitan ng katawan, at mabagal maglakad. Tumatakbo si Kevin para sundan ito, ngunit nadidismaya lamang ang binata dahil pag humarap ay hindi ito si Elisse.
"Elise, oh my god, nasaan ka? where did you go? Please come back. Please don't do this. Please magpakita ka sakin Elisse," dasal ni Kevin. Para bang biglang nawalan ng lakas si Kevin. Parang nanghina ang mga tuhod niya at gusto na lang niyang bumalik sa kotse.Pero hindi pa siya nakakalayo, may nakita siyang babae sa kabilang kalsada. Nakaputi ito at nakayuko, tila may sakit. Mabagal ang lakad nito at parang hirap na hirap. Hindi niya makita ang mukha dahil may nakasuklob na malaking panyo sa ulo nito. Pero nagsimula nang kaba ang dibdib niya. Parang may kakaiba siyang nararamdaman. Lalo na nang makita niya ang buhok ng babae. Kasing haba at kasing kulay ng buhok ni Elise.
Napasandal ang babae sa poste at hinawakan ang tiyan niya. Pagkatapos ay hinawi niya ang panyo sa ulo niya at pinunasan ang mukha niya. Nang makita ni Kevin ang mukha ng babae, halos tumigil ang mundo niya.Titig na titig si Soffie sa sariling reflection sa salamin saka napahawak sa kanyang tiyan at napamura nang makita niyang natutuklap ang gilid ng kanyang pekeng tiyan na gawa sa silicon. Tama, pekeng tiyan lamang ang meron siya dahil noon pa man ay hindi na siya buntis. Nang malaman ng kanyang stepfather na nagkaroon siya ng ectopic pregnancy, nagboluntaryo itong tulungan siya at humanap ng paraan, pansamantala lamang, para matuloy ang kanyang plano. “Talaga, Tito? Magagawa ninyo ng paraan para magmukhang buntis pa rin ako? Paano?” excited na tanong niya sa kanyang stepfather. “May kilala akong gumagawa ng mga prosthetic sa pelikula. Pwede ko siyang pakiusapan na gumawa para sa iyo ng pekeng tiyan, isang silicon na mukhang tunay na balat na ikakabit sa iyong tiyan.” “May ganoon ba? Pwede ba talaga iyon?” “Oo naman. Kung nanood ka na ng mga pelikula na may mga aswang o monster na hinihiwa ang tiyan o dinudukot ang bata, prosthetic lang iyon, silicon lang pero mukhang totoo, diba?
Samantala, sa kabilang silid, mahimbing nang natutulog si Kenzo matapos ang pagtatalo nila ni Soffie. Isa sa mga pangit na ugali ni Soffie ang pagiging paulit-ulit at matigas ang ulo. Mula kanina pa sa kusina hanggang sa pag-akyat nila sa silid ay hindi siya tumigil sa pagsusumbat at pag-aakusa kay Kenzo. Dahil sa inis ni Kenzo, iniwan niya ito at nagpunta sa bahay ng mga kaibigan at uminom, katulad ni Kevin na hanggang gabi ring umuwi, pero mas huli ng isang oras kay Kevin. Halos alas dos na siya nakauwi at tulad ng inaasahan, bunganga pa rin ni Soffie ang sumalubong sa kanya. Akala ni Kenzo ay tulog na ito pag-uwi niya, pero naghihintay pala ito at mas galit pa. Dahil sa kalasingan at sobrang pagkairita, nasaktan ni Kenzo si Soffie at dahil may alak sa sistema, hindi kontrolado ni Kenzo ang sarili. Matapos sampalin ang babae, kinaladkad pa niya ito sa sulok at muling sinampal. Ang mga bagay na ginagawa niya kay Elise noon ay ginagawa na rin niya kay Soffie ngayon. Nakatitig
"Bitawan mo na ako Kevin, naiintindihan ko kong galit ka. Ayokong makipagtalo sa lasing." Lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ni Kevin, hindi para pakawalan siya kundi para halikan siya sa mga labi. Hinayaan ni Elise na halikan siya nito, pero hindi na muna niya tinugon, hindi niya alam ang kahulugan ng halik na iyon, kung pamamaalam ba o parusa. Tinapos ni Kevin ang halik, pero sumubsob ulit ito sa leeg ni Elise at niyakap ito nang mas mahigpit. "Dont leave me....!" Pabulong na sabi nito. Nanuot ang kalungkutan ng boses nito at tumagos sa puso ni Elise. "Kevin..." "Dont leave me Elise, dont fall for him again." tila hirap na sabi ni Kevin. "Ano ba yang sinasabi mo, bakit mo naiisip yan?" "I'm sorry, I'm a very jelouse guy Elise, i can't take it. Hindi ko kaya, Para akong mababaliw. Hindi ko kayang makita ka sa tabi niya lalong hindi ko kayang tanggapin kung mahal mo pa rin siya. I'm sorry for acting cold, nasasaktan ako Elise. Ang sakit pala nang walang karapatan." Sabi ni Kevin na
Suminod agad si Elise pabalik sa silid nila, alam niyang may himig ng tampo ang boses na iyon ni Kevin. Pagpasok ni Elise sa silid nilang dalawa ni Kevin, nakita niya ang likod nito habang papasok sa banyo. Umupo si Elise sa kama at naghintay kay Kevin na lumabas. Pagkaraan ng halos kalahating oras, lumabas na ang binata, nakatuwalya lamang. Alam ni Elise na nakita siya ni Kevin na nakaupo sa kama, pero dumiretso lang ito sa closet, kumuha ng damit, at nagbihis nang walang imik. Humarap ito sa salamin at nagsuklay, pati ang pag-aayos ng kanyang kurbata—isang bagay na dati'y ginagawa niya para kay Kevin. Kinuha nito ang kanyang messenger bag sa ibabaw ng kanyang mesa at naglakad papunta sa pinto. Doon napagtanto ni Elise na hindi siya nito pinapansin. Bago pa mahawakan ni Kevin ang seradura ng pinto, pinigilan siya ni Elise. "Kevin! Uy, galit ka ba? Sorry kung ano man ang nagawa kong mali," pagmamakaawa niya. Napahinto si Kevin, lumingon, at nakita ang mga braso ni Elise na na
"Sh*t, Soffie, stop!" inis na sabi ni Kenzo at mabilis na hinablot si Soffie palayo saka tinulungan si Elise pero ng sandaling iyon nakaisip na naman ng paraan si Elise para makaganti kay Soffie sa ibang paraan. Sa paghablot sa kanya ni Kenzo para sana tulungan, sinadya ni Elise na alisin ang kamay sa kanto ng marmol pagkatapos ay idiniin kunwari ni Elise ang tiyan sa marmol na lamesa at nagkunwaring nasaktan. Sumigaw si Elise sa sobrang sakit kunwari. "Aaah, Kenzo, ang sakit ng tiyan ko, sinaktanako ng babae mo at pati ang anak ko ay gusto niyang saktan."sabi ni Elise. "What!? you f*ckling bitch! gumagawa ka pa talaga ng kuwento huh! sige magpakampi ka pa, oy diba tama ako nilalalandi mo nga si Kenzo, alam mo tama lang sayo yan, dapat lang yan dahil ang anak ko ang tagapagmana samantalang ang anak mo magiging anak sa labas, anak sa pagkakasala. "Ang kapal mong sabihin anak sa labas ang anak ko, eh ang anak mo, hindi ba mas anao sa labas, aaak, ouch ang sakit ng tiyan ko...!" th
“Ano?! Ano…? Bakit mo ako pinipigilan, Kenzo?! Sh*t! Huwag mong sabihin na interesado ka pa rin sa dati mong asawa?! Ano na ngayon?! Narealize mo na ba na mas may pakinabang ka sa kanya, ha…? Haaa! Sagutin mo ako!” galit na sigaw ni Soffie. Dinig na dinig ni Elise ang lahat, habang nangingiti siya dahil kahit papaano ay nakaganti siya sa masasakit na salitang ibinato nito sa kanya. Planado na ni Elise ang gagawin niyang diskarte sa laban na ito. Alam niyang magiging mahirap ang daan patungo sa tagumpay, pero gagawin niyang matatag ang kanyang mga paa upang hindi matisod at masaktan. Sabi nga ni Pipay sa Ipin, mata sa mata. “Tumahimik ka, Soffie. Asawa ko pa rin si Elise hanggang ngayon, kaya huwag mo na siyang saktan ulit,” babala ni Kenzo. “Oh wow! So ngayon concern ka na sa kanya, samantalang dati wala kang pakialam at ako ang lagi mong hinahanap? Hah! Ang kapal mo naman! Bakit? Dahil mas marami na siyang pera kesa sa iyo ngayon kaya lahat ng panguuto mo ginagawa mo ngayon, ha?”