LOGINLaking pasasalamat ni Kevin dahil kahit papaano ay nakumbinsi niya si Elisse. Hindi man sigurado sa kung ano ang mangyayari sa binitawang pangako sa kanyang hipag, saka na lang siguro ito haharapin ni Kevin kapag nasa sitwasyon na sila.
Bago bumalik sa condo, dumaan muna sila Kevin sa isang malapit na restaurant na hindi naman kalayuan sa condo niya. Sinigurado muna niyang makakain ng maayos si Elise at mapreskohan na rin. Nakita niyang medyo walang gana si Elise, kaya tinanong niya ito. "Ayos ka lang ba Elise? masama ba ang pakiramdam mo,? Medyo tumango ng konti si Elise at nagsalita, "Medyo nahihilo ako, okay lang ba kung hindi ko na matapos yung pagkain? Gusto ko na lang umalis. Gusto ko na lang magpahinga." Sabi ni Elise. "Okay sige sige, okay lang. Halika na. Ibabalik na kita para makapagpahinga ka." Sabi ni Kevin.Nang hawakan ni Kevin ang kamay ni Elise para sana akayin ito palabas ng restaurant at pabalik sa kanilang sasakyan, napatingin si Elise sa binata. Ang tingin na iyon ay tila ba ng pagtatanong, isang paninigurado sa binitawang pangako. Parang naramdaman naman ni Kevin na iyon nga ang gustong itanong ni Elisse. Kaya't tinapik-tapik ng binata ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Don't worry, I said what I said, let's talk about it pagbalik natin sa condo. Planuhin na lang muna natin ito," sabi niya sa kanyang hipag.Hindi nagtagal ay naibalik na nga ni Kevin ang kanyang hipag sa silid nito at pinagpahinga na. Paglabas niya sa silid matapos isarado iyon, ay parang napakagaan ng pakiramdam ni Kevin. Pakiramdam niya ay nabunot ang tinik na nakabaun sa dibdib niya. Kung tutuusin, ito na ang pangalawang pagkakataon na nakaramdam siya ng sobrang takot. Ang una ay noong mawala si Elise sa bahay ng mga Madrigal, at ngayon ang ikalawa, nang muntikan na itong mawala sa tabi niya. "Ganito pala kapangit ang pakiramdam , ganito pala ang tindi ng takot kapag mawala ka" bulong ni Kevin. Hindi na bumalik sa opisina si Kevin nang araw na iyon. Para bang may trauma pa siya at may takot na baka umalis ulit si Elise. Binilinan niya ang katulong na si Pipay na siguraduhing naka-lock ang gate pag umaalis ito sa umaga, ganun din ay i-lock ang gate ng maaga sa gabi. At itago ang susi at hindi ipaalam kaninuman. Iyon ay para maiwasang muling maisipan ni Elise ang umalis. Hindi naman siya gusto niyang ikulong ang hipag, kundi ayaw niya lamang itong makaisip na lumayo at baka hindi niya na makita. Hindi na niya kaya ang takot kapag naulit pa. Si Elise naman ay ilang beses nagpaikot ikot sa kama ng matpaos makapaglinis ng katawan, mabigat sa loob niya nang makita niya ang takot sa mga mata ni Kevin, kanina. Sa isipan ni Elise, gustong gusto na lang sana niyang umalis pero hindi malaman ni Elise kung bakit sobrang tuwa niya ng malamang hinanap siya ng binata. Mahinang katok ang pumukaw sa pagmumuni-muni ni Elise. Dakong hapon na. "Tuloy ka," sabi niya sa mahinahon na boses. Maya-maya ay pumihit pabukas ang pinto at nakita niyang sumilip si Kevin. Bagamat ang ngiti nito sa kanya ay parang nag-aalangan, parang naninimbang ito kung na nasa mood na si siya. Pero makikita niya sa mga mata ni Kevin ang galak. "Kamusta ka na, nakapagpahinga ka na ba? Pwede ba akong pumasok?" magkasunod na tanong ni Kevin. "Oo. Medyo mahaba-haba na rin yung tulog ko. Halika, pumasok ka," sagot ni Elise. Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama at naupo sa isang single sofa. Doon na rin dumiretso si Kevin matapos pumasok sa silid at naupo sa tabi ng kanyang hipag. " Elise, pwede na ba tayong mag-usap?" Tumitig lamang si Elise sa kanya, parang naninimbang ito kung ano ang kanilang pag-uusapan. "Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko, Kevin. Papayag akong bumalik dun, basta kung ano man yung mga sinabi ko, yun ang gusto kong mangyari," sabi ni Elise. Sandaling natahimik si Kevin. Pinagmasdan niya ang kinukutkot niyang mga kuko. Parang pinag-iisipan niyang mabuti kung tama ba ang sasabihin at pinakikiramdaman niyang mabuti kung gusto niya rin ba ang gagawin. Maya-maya ay nagsalita si Kevin. "Elise, sigurado ka bang ito talaga ang gusto mong mangyari? Kasi, magiging komplikado ito, Elise. Bukod sa kahihiyan mo, kahihiyan ko, kahihiyan ng pamilya mo din. Marami ang madadamay at magiging magulo. Yan ba talaga ang gusto mo?" Napayuko si Elise dahil hindi naman talaga niya gusto ang malaking kahihiyang iyon. Meron siyang gustong marinig, meron siyang gustong mangyari, pero nahihiya siyang sabihin ng direkta kay Kevin. Yun talaga ang gusto niya. Pero dahil hindi binubuksan ni Kevin ang paksang iyon, walang choice si Elise kung hindi daanin sa ibang paraan. "Elise, galit ka ba sa akin? Hanggang ngayon galit ka pa rin kaya ito yung parusa mo? Sige, tatanggapin ko kung ito ang parusa mo sa akin dahil sa mga nagawa ko dahil sa kaduwagan ko. Dahil sa may mga bagay akong hindi pa magawa sa ngayon. Sige, tatanggapin ko," sabi ni Kevin. "Kasi, naiintindihan ko ang inis mo. Naiintindihan ko. Gusto ko lang sabihin sa'yo na kung ito talaga ang gusto mo, kailangan tayong maging matatag. Kailangan nating panghawakan kung ano man ang gagawin natin na 'to, at kailangan mo silang harapin, ipin sa ipin, mata sa mata. Aalis tayo dito ng magkahawak kamay at magkakampi." Napatingin si Elise kay Kevin at nagkatitigan silang dalawa. Para bang nag-uusap ang kanilang mga mata at sinasabing, "Kakayanin ko ito, kung kahawak kamay kita." "Kailan mo ba gustong bumalik? Ngayon na ba?" tanong ni Elise. Ang tanong na iyon ay direkta kay Kevin, pero mas direkta sa sarili niya. "Elise, gusto kong linawin ang magiging sitwasyon. Pag bumalik ka doon, kailangan mong aminin ang kalagayan mo. Kailangan mong sabihin kay Kenzo na dala-dala mo ang anak niya. Sabihin mo na ang dinadala mo ay isang Madrigal. "Huwag kang mag-alala, Elise, dahil kapag nalaman ng board na nagdadalang tao ka, hindi kailanman manganganib ang buhay mo. Dahil kailangan protektahan ni Kenzo ang bata. Hindi man niya gusto, pero alam niya na didikdikin siya ng mga tao sa paligid niya kung hindi niya gagawin iyon", paalala sa kanya ng binata. "Susundin ko ang hiling mo na dun ka sa silid ko. Tutuloy, susundin ko ang hiling mo na kapag nasa loob tayo ng mansyon ay hindi ka asawa ni Kenzo. Pero may isang bagay lang na hindi matutupad sa mga nais mong mangyari" bakas ang pagaalala sa mga mata ni Kevin. "A-Ano yun?" malumbay na tnaing ni Elise. "Hindi tayo pwedeng magkunwari na may relasyon, dahil yun ang gagamitin ni Kenzo para labanan ka. Sisirain ni Kenzo ang imahe mo."Pero nagtaka si Kevin dahil ng sumunod na gabi nagsimula ulit umungol at bangungutin si Elise katulad noong unang mga buwan na akala nito patay ang kanyang anak.Madalas ay umuongol uto at umiiyak hanang nananaginip at tinatawag ang pangalan ng anak. Ngunit isang gabi ay malakas ang ungol ni Elise at ibang pangalan ang tinatawag kaya nangalala na siya. "Elise... Elise, wake up you're having a nightmare again," tapik ni Kevin sa pisnge nito. Nagising naman at napabalikwas si Elise na pawisan. Pagdilat ng mga mata niya ay umiyak ng umiyak si Elise at yumakap sa kanya ng mahigpit. "Kevin tulungan mo ako, maawa ka sakin Kevin, tulungan mo ko. Alam ko nararamdaman ko, Anak ko si Khalix. Anak ko ang batang yun." "Elise, here we are again, ano bang sinasabi mo? Please forget everything," naaawang sabi ni Kevin. "Sige na, nakikiusap ako paimbestigahan mo, ipa-DNA mo ang bata para mo ng awa. Alam ko.... Alam ko Kevin nararamdaman ko anak ko si Khalix," umiiyak na sabi niya. "Relax Elise
Sa paglipas ng mga sumunod pang araw, si Elise ang lihim na nagasikaso kay Khalix. Maging ang second birthday ng bata ay inasikaso ng palihim ni Elise. Nalungkot kase siya ng sabihin ni Soffie na kumain lang daw ang mga ito sa labas as ceberation ng b-day daw ni Khalix. Samantalang siya, kahit wala ang anak niya ay may handa ang hapag kaina. at tulad ng nakagawian may lobo at cake sa gitna ng lamesa. "Happy 2nd Birthday Kenneth" iyon ang nakasulat. Alam ng mga katulong na happy Death Anniversary iyon Hanggang ngayon kase ay hindi pa nila sinasabi ang katotohanan. Ayon kay Kevin saka na daw kapag tamang tiyempo na. Ang tungkol sa anak niya ay hinayaan niyang ang plano ni Kevin ang masunod, wala namang kaso sa kanya iyon, si Kevin ang punong abala sa paghahanap sa anak niya kaya alam nuang alam ni Kevin ang makabubuti. Ang tungkol lang sa separation ang magisa niyang hinarap dahil ang posisyun ni Kevin ang nakataya kung salaking magkabulilyaso at madamay ito. Inabutan sila nina K
Nag isip si Kevin at saka bumalik sa alaala niya ang paalala ng kanyang lola.Ngayon lamang din niya naisip ang tungkol donn kung hindi pa binanggit ni Tommy. "Kevin Apo, huwag kang masyadong mabait, pero hindi rin dapat madamot. Kadalasan may mga taong hindi kayang tanggapin ng katotohanan at gnay mga toang kapag salapi na ang usapan nagiging gahaman." iyon ang sabi ng lola niya noon na hindi niya agad naintindihan. Akala niya ay tungkol iyon sa project niya noon. Hindi na niya pa napagtuunan pa ang lahat dahil pagkatapos noon ay naging abala siya dahil sa graduation na sila noon sa college. Then a year later, nabalitaan na lamang niya, may sakit ang lola niya at pinapauwi na siya ng pilipinas. Doon niya nakita kung paano parang biglang ang madrasta na niya ang nasusunod sa mansion. Hanggang sa lumaal ang lola niya, inabot sa kanya ang isang kasulatan na ayon sa lola niya ay buksan niya kapag wala na siya. Nang buksan niya ang sulat ay tungkol lang ito sa pagpapakasal ni Kenzo sa
Ayon sa napagkasunduan, dahan dahang inasikaso ni Elise at attorney Neri na maibalik ang ilang ari-arian kay Kenzo base na din sa napagusapan. Bagamat may pinirmahang kasunduan sa piskal, may mga ari-arian na hindi kasama sa corjugal property na maaring ilipat ni Elise sa pangalan ni Kenzo. Mula rin sa pakiusap ni Kenzo, pansamantala ay sa mansion pa rin maninirahan si Kenzo at Soffie dahil sa kalagayan ng kanilang anak na may sakit. Bagamat legal ng maaring lumabas si Elise na may kasamang ibang lalaki o magkaroon ng relasyun, hindi nga lamang pwedeng ikasal. Nakiusap pa rin siya kay Kevin na mag laylow pa rin sila kapag nasa labas sila ng bahay. "Kevin, sana maunawaan mo, lahat ng ito ya para sayo. Ayokong madungisan ang pangalan mo at lalong ayokong pagusapan ka ng mga tao." sabi pa niya. "Nunawaan naman kita Elise," sabi ni Kevin. "Pero hindi ba parang parang humahaba naman ata ang paghihintay ko. Elise, ipapaalal ko lang sayo na si Kenxo ay kapatid ko, ngayon , bukas o kahut lu
Mahimbing na natutulog si Soffie nang bumangon si Gabriel, alas-kwatro iyon ng madaling araw. Pasimple siyang lumabas sa Lotus Motel, kung saan ang tagpuan nila. Sa sandaling pinagsaluhan nila, ipinangako ni Gabriel sa kanyang sarili na iyon na ang magiging huling pakikipag-ugnayan niya sa babae. Hindi niya kayang pumatay, iyon ang isang bagay na hindi niya kayang gawin. Nagagawa niyang magkasala sa kanyang asawa dahil sa pakikipag-ugnayan kay Soffie pero iyon ay dahil nagbabayad lamang siya ng malaking pagkakautang para na rin mabuhay sila nang matuwid noon. Mahirap ang maging mahirap, lalo pa ngang tinatamasa mo ang pagiging unfair ng realidad. Natatandaan pa niya ang sinabi sa kanya ng lalaki na anuman ang mangyari, gaano man ka-unfair ang mundo, piliin niyang maging mabuting tao. kesa ang magdusa. Noong una, hindi pa siya natatauhan, pero nang banggitin ni Soffie na ang Kenzo na ipinagpalit nito sa kanya ay isang Madrigal, at ang babaeng nais nitong ipapatay ay babaeng mahala
"Boss, Sir, Amo, pasensya na po, pagod at puyat po kase ako sa trabaho, hindi ko po napansin na masyado na akong malapit sa likuran mo kaya ng huminto ka nawalan ako ng buelo Sir, Pasensya na boss." sabi niya sa lalaki. Totoo ang sinabi ni Gabriel, pagid talaga siya at walang tulog dahil sa trabaho niya. Nagduty siya ng dalawang araw straight sa pinapasukang pabrika. "Pagod at puyat pero tila lasing ka,amoy alak ka." sabi ng lalaki na may mapag-utos na tono ng boses, "Pasensya na po talaga, sir. Opo, inaamin ko po na medyo nakainom po ako. Heartbroken din po kasi ako, at may mga problema sir, mag-iisang linggo na. Pasensya na po talaga, sir. Parusahan niyo na lang po ako, sir, sa ibang paraan at sa ibang bagay, kasi sir, sa totoo lang, sir, wala po akong ibabayad sa damage sa sasakyan niyo. Huwag mo sana akong ipakulong, sir, hinihintay po ako ng pamilya ko. May dalawa akong kapatid, sir, at may magulang na may sakit na naghihintay sa akin kaya rin jo ako nangmamadali," sabi ni Ga







