"Ano bang sinasabi mo?"anong problema?" tanong ni Elise. "Eto? ano tong ginagawa mo Elise, bakit mo ito ginagawa. Hindi mo ba alam na mas lalo ka pang lumala. Noon tulala ka lang iyak ng iyak at halos hindi makakain, pero kahit papaqno hindi ka nangkakaganit na para ng nasisiraan ng bait." halos madurog ang puso ni Kevin na naging ganito na ang sitwasyun. "Pagkatapos ano, hahayaan kong makita kang bibili ng manika na lalaki ?ilalagay sa stroller at tatawagin mong anak. Elise, ayokong umabit ka sa pontong iyon, ako ang unang masasaktan. Kung pwedwle lang bigyang kita ng anak, kung pwede lang mag anak na tayo ngayon na, huwag ka lang magkaganyan." mataas na ang boses ni Kevin. "Elise, tanggapin mo ang lahat. Nandito ako, palaging naririto. Pakamamahalin kita, aalagaan at hinding hindi sasaktan, pwede bang kahit pansamantala ako na muna." Lumapit si Elise sa halos naghi- hysterical ng si Kevin, naaawa siya sa labis na pagaalala nito. Natatawa siyang naiisip nitong nababaliw na siya.
Umalis si Elise sa opisina matapos niyang makausap ang empleyadong katuwang niya sa plano. Dahil kunwari lang naman na nagpatawag siya ng meeting, inabala na lamang ni Elise ang sarili sa loob ng opisina. During lunch, nagpaalam na siya sa kanyang secretary na may kailangan lang siyang asikasuhin at nagbilin kay Becky na kapag nagawa na ang lahat ay tawagan siya. Tulad ng plano ni Elise para sa araw na ito, nagpunta siya ulit ng mall at namili ng ilang gamit ng batang lalaki at ilang laruan ulit, pagkatapos ay bili siya ng ilang character balloons at isang saka nagpunta sa isang bake shop at bumili ng cake, may pinalagay siya doon by request. Bitbit ang mga pinili ar ang box ng isang single layered cake. Masayang nagabang ng taxi si Elise. Saktong alas tress ng hapon ng makarating siya aa bahay. Nagtataka si Jovelyn cake ba dala ng amo ar ganun din sa ilang paper bag na ang ilan ay mula sa isang tindahan ng laruan. "Anong nangyayari?Anong meron? "Ah, magpapalt lang ako ng
Hindi nagtagl bumaba si Kevin na. ngkasuot lang ng casual at hindi naka office attire. Masayang kumain ng almusal ang dalawa. Habang hinihigop ang kape niya ay nagtanong si Elise. "Bakit ganyan lang ang suot mo. Bakit hindi ka naka Office attire?" Natawa si Kevin sa tanong na iyon ni Elise. Tinitigan niya ang kanyang magandang kasintahan. Naiintindihan niya kung bakit tila naguguluhan ito. Marahil dahil sa sabik itong makabalik sa dati at normal na gawain, ay nakalimutan nito ang ilang bagay. "Love, nakakalimutan mo bang kapag Sabado ay half day ako? Tanghali na ako pumapasok sa opisina tuwing Sabado, hindi ba? Kaya bakit ako magbibihis ng pang-opisina eh alas siyete pa lamang ng umaga?" natatawang sabi ni Kevin. Ayaw niyang ma-offend si Elise kaya idinaan niya iyon sa biro. "Naku!oo nga pala, alam ko yung petsa ngayon pero nakalimutan ko yung araw. Sabado nga pala. Sorry, sige tapusin mo na yung pagkain mo at ako naman ang kailangang magbihis at maligo. "Maligo? magbihis? B
Matapos ang mahabang katahimikan, doon lamang napagtanto ni Elise ang posibleng nais mangyari ni Kenzo. Ngayon, nawala na ang anak nila na ang akala ni Kenzo ay anak nila ni Kevin. Wala nang bala si Kenzo na gagamitin ito na matibay na ebidensya. Kapag nagsimula na nilang isagawa ang pormal na paghihiwalay. Nawalan na ng magagamit na matinding dahilan si Kenzo para palabasing siya ang masamang babae. Nawalan din si Kenzo ng bala para sirain ang reputasyon niya upang hindi maging tagapagmana ng mga Madrigal. Kaya naman marahil tumalikod na si Kenzo sa usapan nila ni Kevin. At kung inililihim ni Kenzo ang hakbang na ito at ipadadaan sa isang leak information, ibig sabihin hindi ipapaalam ni Kenzo na sa kanya nagmula ang lahat ng ito. Palalabasin ni Kenzo na hindi siya gumagawa at hindi siya tumalikod sa usapan. Nang sa ganoon ay hindi kumilos si Kevin laban kay Kenzo. Matamang nag-isip si Elise, "Demonyo ka talaga, Kenzo. Naging napakabuti ng kapatid mo sa'yo. Pati ang kalapasta
Ang bumulaga kay Elise ay larawan na tila ipinagala via facebook dahil mababa na ang resolution nito at dahil pina enlarge ay mas lalo itong nagfixilated at halos hindi na malinaw. Pero sa nakakakilala sa mga tao sa larawan, malinaw na makikilala pa rin ang mga ito" namutla si Elise, ang larawan ay isang pribadong larawan at mula ito sa condo unit noon kung saan siya tumuloy, may isa pang papel, print out ito ng ng isang record na nagsasabing si Kevin Madrigal ang may ari ng condominium. Isa pang larawan sa ikatlong papel ang nakita ni Elise naka printout na larawan !na kuha sa cctv. Si Kevin ang naroon papasok sa condo unit at nabibilugan ng pulang ballpen ang oras sa larawan at ala una ito ng madaling araw."Anong ibig sabihin ng mga ito? bakit may kopya ang lalaking ito ng mga pribadong larawan niya at ni Kevin. May balak na itong i black mail ang bayaw niya?Biglang napatingin si Elise sa lalaki at nanlilisik na tinitigan ang noon ay nagkukulay suka ng lalaki.Bigla itong tuma
"Elise, hindi mo alam kung gaano katagal kong hinintay na sabihin mo yan, Mahal kita mas mahal na mahal kita," sabi ni Kevin saka masuyong hinalikan muli si Elise. Ipinikit ni Elise ang kanyang mga mata, matagal na niyang alam iyon. Nararamdaman niya kung gaano siya kamahal ni Kevin. Ipinakita at pinatunayan ng binata kung gaano niya siya pinahahalagahan. Kulang na lang ay isugal ni Kevin ang lahat-lahat sa kanya para lamang siya mapasaya. Marami nang isinakripisyo si Kevin. Marami nang binangga, marami na ring tiniis. Nag sisi siya na naging mahina siya nitong mga nakaraang buwan. Sa halos isang taon na dinamdam niya ang pagkawala ng anak, alam niyang naghirap si Kevin. Hindi niya alam kung paano susuklian ang pagmamahal na ibinibigay ng binata sa kanya. Alam ni Elise na sa kaibuturan ng kanyang puso, mahal niya si Kevin. Pero noong mga unang taon, inaamin niya na hindi siya matapang na aminin iyon dahil baka nalilito lamang siya na baka kailangan lamang niya si Kevin. Pero sa p