LOGINUmawang ang bibig ni Joyce para salubungin ang halik ng lalaki at kasabay no’n ang pagpikit ng kanyang mga mata. Kay tagal niya inaasam na matikman ang mga labi na ‘yon. Kay tagal niyang inaasam na makulong sa mga bisig nito at higit sa lahat ay ang mag-isa ang kanilang mga katawan. At sisiguraduhin niya na makikita lahat ‘yon ni Cassandra dahil sa inilagay niyang camera. Subalit ang inaasahan ni Joyce na halik ay hindi nangyari dahil kinuha lang ni Renzell ang kutsilyo saka walang pagdadalawang-isip na sinugatan ang braso nito. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Joyce saka siya tumalikod. Napadilat at napaigtad si Joyce nang marinig ang malakas na pagbagsak ng isang bagay. Ganoon na lang ang ngitngit niya nang makita na naglalakad na palabas si Renzell at napatingin pa siya sa braso nito na may tumutulong dugo. “Did he hurt himself?” mahina niyang tanong habang nakatitig sa kutsilyo na nasa sahig na may bakas pa ng dugo. Gusto man niya itong habulin ay alam niya na wala
“I will make her pay.”“Mr.Lee, are you sure? That's your saviour?” Nakangiwing wika ni Kirby. Ngunit sa kanyang kaloob-looban ay sumisigaw ang ‘tama ‘yan, madam needs justice.’ Sinasabi na nga ba niya na masama talaga ugali ng babae na ‘yon. Madam is the one perfect for his Boss. “It doesn’t matter. What she did is not right. Follow me,” maawtoridad na utos nito saka siya naglakad pabalik sa private room kung nasaan si Joyce. Nang bumukas ang pinto ay matamis ang pagkakangiti ni Joyce at nang makita na si Renzell ‘yon ay tumayo siya para salubungin ito.“Did I get the female lead role?” Nagniningning ang kanyang mga mata. Ang ideya na hindi na niya kailangan magpakahirap pa para makuha ang lahat ng gusto ay talaga naman ibang kasiyahan ang dala. Tama talaga na binalikan niya si Renzell at ipamukha rito kung paano niya ito iniligtas ng ilang ulit. Ngunit ang ningning ng mga mata niya ay unti-unti nawala nang makita kung gaano kadilim ang awra ng lalaki. Natigilan din siya sa paghak
Hindi tuluyan lumabas ng Royal Palace sina Renzell at Joyce bagkus ay bumaba lamang sila at nagtungo sa isa sa mga nakakonektang restaurant . Taas ang noo ni Joyce nang mapansin na nasa kanila ang tingin ng mga tao. Sa totoo lang ay hindi pa siya lumalabas matapos lumabas ang balita na kasal na si Renzell. Ngayon lang siya naglakas ng loob dahil sa official statement na inilabas nito. Mas tumapang siya na ipagsigawan na siya ang nag-iisang Mrs.Lee.Hindi rin nagkaligtas sa kanya ang ilan komento ng mga ito, “Infairness, they are fit to each other.” “She is really Mr.Lee apple of the eyes.” “I'm pretty sure that their wedding is a blast.” Iilan lamang iyon sa mga narinig na komento ni Joyce na mas lalong nagpalawak sa kanyang ngiti. Who would have thought that after that scandal, she is now reborn with more powers in her hands.“We are at the restaurant for lunch,” wika ni Renzell kay Kirby na tinawagan niya para ipaalam dito na hindi na muna sila babalik sa Manor. “Should I come
“Renzell, nandito ka lang pala.” Ubod ng tamis ang pagkakangiti ni Joyce habang papalapit sa lalaking ilang araw na rin niyang hindi nakikita. Mabuti na lang at tama ang sinabi ng kanyang mommy na dapat niyang sundan si Mrs.Lee dahil baka magkita ang mga ito. At hindi nga siya nagkakamali. Kung ano man ang dahilan ng pagkikita ng mga ito ay wala naman siyang pakialam. Kahit nga kasama nito ang kaibigan ni Cassandra ay wala rin ‘yon sa kanya. Ang mahalaga ay makita ito at makausap.Mabilis na ipinulupot ni Joyce ang mga kamay sa braso ni Renzell na napabuntung-hininga na lang saka sinenyasan ang kaibigan na iwanan na sila. Marami pa siya gusto malaman ngunit sa ibang araw na lang. “Hello, Miss Stewart, you look great,” pagbati ni Radel ngunit may bahid na sarkasmo na mukhang hindi naman napansin ni Joyce.“Thank you, Radel. I should be especially now that Renzell and I will be officially—” Isang malakas na pagtikhim ang nagpatigil sa pagsasalita ni Joyce kaya naman nilingon nya kung
“Then, let’s prove it.” Lahat ng pares ng mga mata ay dumako kay Ava at lumipat ‘yon sa hawak nito. Namilog naman ang mga mata ni Mrs.Lee dahil sa nakita. Hindi maaari 'yon. Paano niya pa maililipat ang sisi kung may ebidensiya ang mga ito.“You look tense, Madam?” pang-uuyam na wika ni Ava at walang pagdadalawang-isip na pinindot ang play sa inirekord niya. Mabuti na lang at naisip niya ‘yon.Ang lahat ng tao sa loob ng silid na iyon ay natahimik. Rinig na rinig sa buong silid ang boses ni Radel at Ava. ....‘Isang tanong, isang sagot lang naman ang lalaruin natin. Madali lang naman ‘yon. Sasagot ka lang, madali ‘diba?”‘O-opo.’'Very good. Isa lang naman ang tanong ko. Sino ang nag-utos sa inyo na kidnapin si Miss Coleman?’‘Kailangan ko ba ulitin ang tanong ko.’‘Hi-hindi ko po kilala.’Kasunod ng sagot ng lalaki ay ang malakas na sigaw nito at ang sumunod ang nagpatahimik sa buong mundo. ‘Uulitin ko ang tanong—’‘Na-narinig ko na si Madam Anabelle ang nag-utos sa amin na kidnap
“Where is my son?” tanong kaagad ni Mrs.Lee pagkapasok niya sa isang VIP na room sa Royal Palace kung saan siya pinapunta ni Radel Garcia—isa sa kaibigan ng anak at tumawag sa kanya kanina para kumpirmahin kung siya ba ang nagpakidnap sa asawa nito. Gusto niyang isigaw na hindi ngunit hindi pwede. “Auntie,” bati ni Radel at humalik sa pisngi ng ginang. Habang si Ava naman ay nakatingin lang sa bagong dating. Wala siyang galang kung wala. Dahil para sa kanya ay hindi naman ito kagalang-galang. Alam niya na ayaw nito kay Cassy ngunit hindi dahilan iyon para gawin iyon dito.Napalingon si Mrs.Lee sa babaeng nakaupo sa pahabang sofa at aaminin niya na nagulat siyang makita ang tagapagmana ng mga Alvarez doon. Humakbang siya palapit dito. “Miss Alvarez, what are you doing here?” she asked while her one eyebrow raised. Wala siyang problema sa mga Alvarez dahil malapit nila itong mga kaibigan. Ngunit sa mga oras na 'yon ay hindi niya gusto ang presensya nito.Hindi naman nagpatalo si Ava. T







