Rejecting Her Wealthy Ex-Husband

Rejecting Her Wealthy Ex-Husband

last updateHuling Na-update : 2025-09-19
By:  Miss MaanIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
0views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Kailan nga ba naging mali ang magmahal? Ito ang paulit-ulit na tinatanong ni Cassandra sa sarili mula nang minahal niya si Renzell Lee.  Mali nga ba ang magmahal?  O, Mali lang siya ng minahal?  “After 3 years of marriage… you are free.”  Mapakla ngumiti si Cassandra habang pinagmamasdan ang hawak na divorce paper.  Yes, she's free from the paper, but her heart still beats for him. 

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

TATLONG taon na mula nang maging mag-asawa sina cassandra at Renzell ng sikreto. Sa loob ng tatlong taon na ‘yon ay never silang nagsama sa iisang kwarto maliban na lamang sa dalawang araw kung saan nila tinutupad ang obligasyon bilang tunay na mag-asawa. 

Malamyos ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Cassandra. Tinatangay ang nakalugay niyang buhok na hanggang baywang. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakatingala. 

Isa na naman ang araw na ito kung saan ay muli niya mararamdaman ang init ng katawan ng asawa. Isa sa mga araw kung saan umaasa siya na balang araw ay matututunan din siyang mahalin nito. Isa sa mga araw kung saan nag-iisa ang kanilang mga katawan at sana maging ang kanilang mga puso. 

And tonight is the last time that they will be one. Dahil, ilang araw mula ngayon ay tuluyan na matatapos ang sinimulan nilang pagsasama. 

Huminga si Cassandra ng malalim saka iminulat ang mga mata. Ang madilim na kalangitan ang sumalubong sa kanyang paningin. Napakadilim nito at halatang may paparating na bagyo. 

Ang buong hardin na puno ng mga tanim na iba’t ibang kulay ng rosas ay isa sa mga nagbibigay ng kaligayahan at kapayapaan sa kanya sa lugar na ‘yon. Sa lugar kung saan tila siyang naging bilanggo.

Nagsimula na si Cassandra na humakbang papasok sa loob ng bahay at dumiretso sa silid kung saan naghihintay ang tanging lalaking minahal. Hinawakan niya ang doorknob saka pinihit. Sumalubong agad ang malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na aircon. 

Tuluyan na pumasok si Cassandra saka isinara ang pinto. Pagkaharap niya ay sakto naman kalalabas lang ng asawa mula sa banyo. Nagsalubong ang kanilang mga mata. At sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila ay hindi nagbago ang tingin nito sa kanya. Napakalamig at ramdam niya ang galit doon. Galit na kailanman ay hindi niya maintindihan.

Hindi maiwasan ni Cassandra na pagmasdan ang hubad na katawan ng asawa. Ang medyo basa pa nitong buhok, ang malalapad na balikat at ang mga matitigas na abs nito na muli niya mahahawakan sa gabing ‘yon. Napalunok siya nang dumako ang kanyang mga mata sa gitnang bahagi ng katawan ng asawa. Kitang-kita niya ang pagbukol ng itinatago nitong kaibigan. 

Napailing na lang si Renzell nang makita kung paano siya pagmasdan ng asawa at ang pagtigil nito sa gitnang bahagi ng katawan niya kaya naman walang sabi-sabi niyang inalis ang tuwalyang tanging nagtatakip doon. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng asawa.

Nagulat na lang si Cassandra ng hilahin siya ng asawa at inihiga sa kama. Ganito naman talaga ito. Parang laging sabik na maangkin siya pero alam niya ang totoo kung bakit. Her husband is taking some drûgs at isang malaking sampal ‘yon sa kanyang pagkababaé. Na para bang hindi siya nito kayang angkinin kung hindi ito iinom ng ganoon.

Hindi napigilan ni Cassandra na mapaungol nang simulan palakbayin ng asawa ang mga kamay nito sa kanyang katawan saka siya sinunggaban ng halik. Kusang yumakap ang kanyang mga braso sa leeg nito at sinuklian ang halik nito sa kaparehong intensidad. 

Mapusok ang bawat halik na kanilang pinagsasaluhan. Hanggang sa unti-unti nagbago ang temperatura sa loob ng silid. Mas uminit ang bawat eksena hanggang sa napuno ng ungol ang apat na sulok ng silid. 

NAGISING si Cassandra dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Iminulat niya ang mga mata, bumaling agad sa katabi pero mapait siyang napangiti nang wala na siyang makitang bakas ng asawa. 

‘Hindi ka pa ba sanay, Cass?’ Aniya sa sarili. 

Wala naman bago roon. Pagkatapos siyang angkinin ng paulit-ulit ng asawa ay bigla na lang ito mawawala. Kahit tinatamad pa ay bumangon siya saka dumiretso para maligo. 

Nang makababa si Cassandra ay sinalubong kaagad siya ni Nanay Perla. Sa halos tatlong taon pagsasama nila ng asawa ay napamahal na rin siya sa matanda dahil mula noon ay ito na ang kasama nila. Kinuha talaga ito ng asawa sa mansyon ng mga Lee para sa kanila manilbihan. Ito kasi ang halos nagpalaki sa asawa kaya ganoon na lang ang pagpapahalaga ng lalaki rito. Siya kaya? Kailan magiging mahalaga rito?

“Mabuti naman at gising ka na, Iha. Halika at mag-almusal ka na. Inihabilin ni Renzell na huwag kang hayaan hindi kumain. Nag-order pa siya ng paborito mong kape,” masiglang salubong ni Perla sa asawa ng alaga. Sinamahan niya ito hanggang sa hapag-kainan at inutusan ang ibang katulong na ihanda na ang almusal ng kanilang senyorita. 

Tatlo lang silang naninilbihan at kinausap ng alaga na hindi dapat makakalabas kung ano man ang relasyon ng mga ito. Mahigpit na mahigpit nito sinabi sa kanila ‘yon at walang sino man ang kakalaban sa pamilya ng mga Lee dahil isa ang mga ‘to sa pinakamayamang tao sa buong bansa. 

“Kumain ka na, iha. Kung may kailangan ka pa ay tumawag ka lang. Nasa kusina lang ako,” nakangiting wika ni Perla.

Matamis na ngumiti si Cassandra kay Manang Perla. “Maraming salamat po.”

Nang makaalis na si Nanay Perla ay napatitig si Cassandra sa kape na galing pa sa paborito niyang cafe. Never naman pumalya ang asawa na bilhan siya nito. Dahil binibilhan lang naman siya ng asawa matapos siya nito angkinin. Hindi niya alam kung para saan ba at ginagawa nito ‘yon. Ngunit, kung ano man ang dahilan ng asawa ay wala na siyang pakialam. At least kahit minsan, nagagawa nitong asikasuhin siya. 

Nagsimula na kumain si Cassandra at in-enjoy ang paboritong kape. Kinuha niya ang cellphone para tingnan kung may mga message ba siya. Napakunot ang noo niya nang makita may naka-tag sa asawa. Oo, naka-stalk siya sa social media ng asawa. 

Kaagad gumalaw ang index finger ni Cassandra upang tingnan kung sino ang nag-tag dito. Madalang lang kasi at iilan lang ang nakakaalam ng account ng asawa dahil pribado ito at isa siya sa mga taong binigyan nito ng pagkakataon na makita 'yon.

Nakagat ni Cassandra ang straw na kasalukuyan nasa bibig niya nang makita ang mga larawan na naka-tag sa asawa. Nanikip bigla ang dibdib niya at para siya pangangapusan ng hininga.

She read the caption of the post. It was a birthday party. Mas lalo sumikip ang dibdib niya nang makita kagabi lamang ‘yon. So, after he took her, nagawa nitong iwan siya para mag-attend sa birthday party…

Nanlaki ang mga mata ni Cassandra nang bumungad sa kanya ang sunod-sunod na larawan ng asawa habang may katabi itong isang magandang babae. Dahan-dahan niya inilapag ang hawak na kape na halos paubos na saka pinakatitigan ang mukha ng asawa.

Akala niya ay talagang tahimik at suplado lang ang asawa na hindi marunong ngumiti. Pero ngayon ay makikita niya itong nakangiti habang katabi ang ibang babae. 

‘Happy birthday Joyce.’ 

Joyce? Napakurap-kurap siya nang mabasa ang pangalan ng babae na marahil ay katabi nito.

“Joyce… Joyce…” mahinang sambit ni Cassandra at mas doble ang sakit na naramdaman niya nang ma-realize na ang babae ang unang pag-ibig ng asawa. Paano nga ba niya makakalimutan ‘yon. Pero hindi niya akalain na babalik na ito kung kailan nakatakda na matapos ang kanilang pagsasamang mag-asawa. Coincidence nga ba? O, nakaplano na talaga? 

“She's back. It's really the end of our marriage.”

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status