Share

Chapter 6

Ngayon alam na alam na ni Kisses kung ano ang trabaho niya sa bahay ni Xander.

Malinaw na sa kanya ang lahat isa lamang siyang para-usan ng lalaking ito.

Masakit na ang tiyan niya sa gutom mag a-alas dos na ng hapon ngunit hindi parin siya kumakain ng agahan.

Hindi niya magawang lumabas dahil naririnig parin niya ang tawanan ng dalawang nilalang sa sala.

Humiga nalamang siya sa kama at dinaan sa tulog ang gutom na nararamdaman.

Halos madilim na ng magising siya kaya agad siyang tumingin sa orasan at hindi nga siya nagkakamali alas sais na ng hapon qt dahil masama nanaman ang panahon halos wala kanang makitang liwanag sa kalangitan. Nakiramdam siya at wala na siyang naririnig na ingay.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang silid at sumilip sa maliit na siwang niyon. Wala na siyang makita kaya naman nagdesisyon na siyang lumabas.

Napakaraming kalat ang bumungad sa kanyang mga mata kaya naman agad siyang naglinis at nagtungo sa kusina upang sana ay maghanap ng makakain.

"W
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sunsam Rhema Habagat
Pa unlock nmn po....nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status