INOSERBAHAN ko ng mabuti ang bangkay ni Mister Caline mula ulo hanggang paa. Walang kakaiba sa kaniyang katawan at maging sa kaniyang balat. Pinagmasdan ko ito ng maigi at pinakatitigang mabuti. Wala nang ibang kapansin-pansin maliban sa nangingitim na nitong balat dahil sa epekto ng lason sa katawan nito.
Humakbang ako papalapit sa aking atache case at binuksan ito ng may buong pag-iingat. Mahirap nang mapansin ako ng aking mga kasamahan. Walang ibang ini-utos sa amin si Lolo, maliban lamang sa oobserbahan lamang namin ang bangkay. At ang pina-plano kong gawin ngayon ay taliwas sa utos niyang 'yon.
Sorry but not sorry, Lolo Borge Hedalgo.
Kinuha ko ang dala kong reserbang syringe sa aking atache case at itinurok ko agad sa malamig nang katawan ni Mister Caline. Umangat ang sulok ng mga labi ko nang may makitang dugo sa loob ng hawak kong syringe.
Agad kong inayos ang aking kagamitan nang mapatin
"KUMAIN KA NA ANAK, ito na siguro ang kapalaran na ibinigay sa atin ng Diyos. Marapat lang nating tanggapin ng buong puso at ipagpasalamat sa kaniya.."Nasa hapag-kainan sila ngayong tatlo at nakaharap sa pagkaing nakahain sa kanilang mesa. Alas sais (6:00) na ng gabi. At masasabi ni Oddyseus sa sarili na ito ang kakaibang gabi para sa kaniya.Wala siyang maramdamang kakaiba sa kaniyang sarili kahit kabilugan ng buwan. Gaya nang dati na sumasakit ang kuba sa kaniyang likod sa t'wing ganitong oras at kabilugan ng buwan. Mag-iisang oras na rin at hindi parin nagpapakita sa kaniya ang diwata. Tulad ng sinabi nito sa kaniya kanina bago ito naglaho na parang bula sa kaniyang harapan.Napatingin siya sa kaniyang Amang si Romulos nang magsimula itong magsalita. Humihikbi na ito ng iyak tulad ng Inang Victoria niya."'Nay? 'Tay? Bakit kayo umiiyak?"Tumayo ang Ama niya saka lumapit sa kaniya. Bigl
PUMUNTA si Oddyseus sa kagubatan. Gusto niyang makausap ang diwatang sumumpa sa kaniya. At alam niyang oras na ng kabilugan ng buwan ngayon. Ang huling kabilugan ng buwan para sa kaniya na isinumpa.Ang huling araw kung saan ang pag-asang mawala sa kaniya ang sumpa. Pero malas niya dahil walang babaeng umibig sa kaniya kahit ni isa.Hanggang ngayon hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang sinabi noong isang araw sa kaniya ni Olcea. Ang mga katagang 'mahal na yata kita'. Pagkatapos na sabihin sa kaniya niyon ni Olcea agad itong kumawala sa kaniya at nanakbo papalayo na walang paalam.Naiwan siyang tulala at takang-taka. Kahapon at ngayon ay patuloy parin siyang iniiwasan ni Olcea. Parang may nasabi itong mali kung kaya't hindi siya nito pinapansin ng buong maghapon sa loob ng kampus.Siyang ikinatuwa niya naman, dahil hindi narin siya nahihirapang iwasan pa si Olcea. Nakakatawa na napakasaki
HANGGANG NGAYON lutang na lutang parin si Oddyseus sa mga sinabi ni Olcea sa kaniya. Hindi niya alam kung nasa langit naba siya ngayon o andito parin ba siya sa lupa.Kasama niya ngayon si Olcea at hindi niya alam kung saan silang dalawa pupunta. Tapos narin ang klase nilang dalawa kung kaya't inaya siya nito na lumabas. Ayaw pa sana niya kaso nga lang nagpumilit ito kung kaya't wala na siyang nagawa pa, kundi ang sumama na lamang rito. Hindi niya rin kasi matiis ang babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso.Maraming mga bata sa lansangan ang kanilang nakakasalubong panay ang iwas ng mga ito sa kaniya sa tuwing siya ay dadaan. Napatingin siya kay Olcea at kahit anong emosyon wala siyang mabasa rito. Nakangiti ito ng malawak at hindi alintana ang mga mapang-usig na tingin ng mga tao sa kanilang dalawa.Parang sinasabi ni Olcea sa buong taong kanilang nakakasalubong na hindi siya nito ikinakahiya. Hindi niya alam pero napangiti
"ODDY, ANAK. Ano ang nangyayari sa'yo at ilang araw at gabi ka na lamang na naglulugmok diyan sa silid mo. May problema ka ba? Ikwento mo naman sa akin, baka matulungan kita, anak," pukaw sa kaniya ng Ina.Nakalugmok nga siya ngayon sa kaniyang silid at nakatanaw lamang sa kawalan. Inaalala niya ang itsura ni Olcea noong isang araw nang iwan niya ito.Puno ng pagtataka ang mukha nito at pagkalungkot. Gusto niya itong puntahan ngayon pero pinipigilan rin siya ng kaniyang kabilang isip. Kung gagawin niya iyon baka pagalitan na naman si Olcea ng ama nitong galit na galit sa kaniya.Sa halip na sagutin ang Inang Victoria niya hindi niya ito sinagot. Nagtalukbong na lamang siya ng kumot."Hindi ho ulit ako papasok ngayon, Ina. Masama parin ho ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya rito.Rinig niya ang malalim na paghinga nito. Ramdam niyang unti-unti itong lumakad patungo sa kaniyang kama. Ibinaba nito ang kumot na nakatalukbong sa kaniya
"BAKIT NGAYON ka lang, Olcea? Saan ka galing?" Bungad agad sa kaniya ng kaniyang Ama nang makarating siya sa kanilang bahay.Pagod na pagod siyang binalingan ito ng atensyon. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito o maiinis. Ganito na lamang ba parati ang tanong na sasalubong sa kaniya? Hindi na niya makayanan pa."Ama, dumaan lang po kami ni Adeva sa isang kainan doon sa bayan kanina. Huwag po kayong mag-alala. Wala po sa aming nangyaring masama."Dumiretso siya sa kusina saka kumuha ng isang basong tubig mula sa refrigerator. Nilagok niya iyon ng sunod-sunod at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ng kaniyang Ama."Alam kong nagsisinungaling ka, Olcea. Nagkita kami ni Connor kanina at sinabi niya sa akin ang patuloy na paglapit sa'yo ni Oddyseus, totoo ba iyon?"Inilapag niya sa mesa ang basong kaniyang ininuman saka tinitigan ang kaniyang ama na parang pagod na pagod. Pagod na pagod na talaga siya sa pagpapaintindi rito n
NANLALATA SI OLCEA habang pinagmamasdan ang likod ni Oddyseus na papalayo sa kaniya. Agad naman siyang inalalayan ng kaniyang kaibigang si Adeva nang bigla na lamang siyang nanghina.Hindi niya alam pero parang sinaksak ang kaniyang puso ng isang napakatalim na kutsilyo na siyang sumugat ng malalim sa kaniyang puso. Hindi narin niya namalayan ang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.Agad naman siyang nilapitan ng kaniyang pinsan na si Adeva. Takang-taka ito habang nakatitig sa kaniya at pinapatahan siya sa pag-iyak."Oh? Bakit ka umiiyak diyan? Huwag mong sabihin na naa-apektuhan ka sa sinabi ng kubang 'yon, este ni Oddy?"Tinapunan niya ito ng masamang tingin nang marinig niya ang sinabi nitong Kuba. Ilang beses niya bang sabihin sa pinsan na Oddy ang itawag nito sa lalaki? Iyong hindi na panlalait ang lumalabas nito sa bibig."W-wala," wala sa mood niyang sagot rito habang pinipigalan na niyang hindi mapa-iyak.