(Flashback)Nang magtagpo ang tingin nina Lovi at Easton, saktong tumunog din ang cellphone ni Easton.Sabay rin silang napatingin sa cellphone ni Easton. Isang unknown na numero ang tumatawag ngayon kay Easton.Hinintay ni Lovi na kunin nito ang kanyang cellphone, ngunit hindi iyon nangyari kaya napatingin si Lovi kay Easton.“Hindi mo ba sasagutin?” tanong niya rito.“I’m lazy… please answer it for me.” sabi nito sa kanya.“Ohh… okay.” Masiglang tumayo si Lovi at lumipat siya sa tabi ni Easton bago niya kinuha ang cellphone nito na patuloy pa rin sa pagri-ring.Umurong ng kaunti si Easton upang bigyan ng espasyo si Lovi, at silang dalawa ay nagsiksikan sa iisang sofa na hindi ganoon ka haba. Para silang magkasintahan na bagong lipat ng bahay.Sinagot ni Lovi ang tawag, at akmang ibibigay na sana niya kay Easton ang cellphone nito nang bigla itong umiling, kaya siya na lamang ang humawak sa cellphone nito.“Easton,” boses ng isang babae ang bumungad kay Lovi mula sa kabilang linya, a
Pagkapasok nila sa kanilang kuwarto sa hotel, agad na iniabot ni Easton sa kanya ang bulaklak na ibinigay niya kanina. Pagkatapos, bumaba si Easton at lumuhod upang tanggalin ang kanyang suot na sapatos, saka nito pinasuot sa kanya ang isang pares ng polka dots na pambahay na tsinelas.Napangiti naman si Lovi sa ginawa ni Easton. “Nakita mo ba iyong lalaking naghatid sa akin kanina? Anak siya ng propesor ko sa kolehiyo, at nag-aral kami sa iisang iskuwelahan hanggang highschool. Maalaga at mabait siya sa akin—that’s why I always call him “Kuya Blake”, and… I don’t have a feelings for him.” pagpapaliwanag niya kahit hindi naman siya tinatanong ni Easton tungkol kay Blake.Nakita ni Lovi na tumango si Easton pagkatapos nitong maisuot ang isang pares ng itim na pambahay na tsinelas.“You’re not mad? Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong niya rito, at tuluyan na silang pumasok sa loob.“I’m not mad… thank you for telling me the truth. Huwag lang nilang subukan na akitin ka, dahil hindi ako
Napahawak si Easton kanyang noo at ibinaba niya ang dokumentong hawak niya, at saka niya tinawagan ang kanyang asawa.Nagulat naman si Lovi nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang maliit na bag at tiningnan niya muna kung sino ang tumatawag sa kanya.Nakagat naman ni Lovi ang kanyang ibabang labi nang makita niya ang salitang “Husband” sa screen ng kanyang cellphone.“Wife?” bungad ni Easton mula sa kabilang linya nang sagutin ni Lovi ang kanyang tawag.Napakurap-kurap naman si Lovi. Hindi siya makapaniwalang tinawag siyang “wife” ni Easton.“Hello? Wife, are you still there?” kalmadong tanong nito sa kanya.Napalunok muna ng kanyang laway si Lovi bago siya sumagot kay Easton: “W-what’s wrong?” nauutal niyang tanong.Napatingin pa si Lovi kay Blake na nagmamaneho at umaasa siyang hindi nakikinig ngayon si Blake sa kanya, dahil nakapokus naman ang buong atensyon nito sa daan.“I miss you.” rinig niyang sabi ni Easton mula sa kabilan
TANGING sina Lovi at Director Diaz lamang ang dumalo sa ikalawang araw ng fashion week show.Nakaupo na sila at naghihintay na lamang sila na magsimula ang event.“Assistant Ren and his team had a multinational meeting last night, kaya alas tres na ata sila ng umaga nakatulog.” Mukhang hindi rin nakatulog si Director Diaz nang maayos kagabi dahil humihikab pa ito ngayon habang nagsasalita. “Kaya hindi rin ako nakatulog nang maayos.” dagdag pa nito.“Talaga?” tanong ni Lovi rito kahit alam naman talaga niyang alas tres na natulog si Easton dahil nagising siya para magbanyo.“Want to hear some gossip?” nakangiting tanong nito sa kanya.Ayaw sana niyang makinig, ngunit si Director Diaz na mismo ang lumapit at bumulong sa kanya: “Last night, during Assistant Ren’s meeting… may narinig akong boses ng isang babae, at galing iyon sa kuwarto ni Mr. President. Ang ganda ng boses ng babae at mukhang mahinhin.” sabi nito sa kanya at umayos na ito ng kanyang upo.Napa-smirk na lamang si Lovi. Mar
Napailing na lamang si Assistant Ren. “Tara na pumasok na tayo sa loob, baka lamigin ka pa rito at malalagot talaga ako kay boss nito.”Sinamahan siya ni Assistant Ren papasok sa loob hanggang sa tapat ng hotel room nilang dalawa ni Easton.“Pumasok ka na sa loob.” sabi nito sa kanya bago ito bumalik sa dinaanan nila kanina.Hindi sinunod ni Lovi ang sinabi ni Assistant Ren at umupo muna siya sa may tapat ng pinto.Unti-unti nang pumipikit ang mga mata ni Lovi, at maya-maya lang ay may biglang lumitaw na isang pamilyar na pigura ng isang lalaki.He was wearing a black coat with a neat suit underneath—It was Easton.Nilapitan niya si Lovi at itinukod nito ang kanyang isang binti sa sahig, at maingat niyang hinawakan ang panga ni Lovi upang itingala ang ulo nito ng kaunti para makita niya ang maamong mukha ni Lovi. “Why are you still here? You’re waiting for me?” tanong nito sa kanya. Umiling naman kaagad si Lovi. “Teka… uminom ka ba kanina?” nagtatakang tanong ni Easton habang pinagmam
Nakita ni Lovi na ang mga nakahandang pagkain sa mesa lahat ay paborito ni Easton. Hindi pa rin nakakalimutan ni Jenna na mahilig sa mga maanghang na pagkain si Easton.Nagdagdag din ng vegetarian dish si Easton pagkaupo nilang lahat.“I thought you were just joking earlier, pero dumating ka nga. I’m happy that you’re here.” biglang sabi ni Jenna at nakangiti itong tumingin kay Easton.Hindi sumagot si Easton sa sinabi ni Jenna, tiningnan lang nito ang reaksyon ng kanyang mga kasamahan bago tumigil ang kanyang tingin kay Lovi na nakatitig lang kay Jenna. Nang makita ni Lovi na nakatingin sa kanya si Easton, iniwas niya kaagad ang kanyang tingin at gusto na lamang niyang ubusin ang kanyang pagkain para makaalis na siya sa lugar na iyon, dahil hindi siya komportable sa paligid.Sandaling tumahimik ang buong paligid bago muling nagsalita si Jenna, kaya nakatuon na ang lahat ng atensyon sa kanya.“Baka lang nagtataka kayong lahat, your boss and I are… good friends, right, Easton?” nakangi