Share

Runaway Heiress
Runaway Heiress
Author: Virgorian10

Prologue

10 years ago...

Yuma...

Yuma...

Yumma, min fadlik 'iibqaa. (Please stay) la tadhhab (don't go)... Don't leave me here Mama.

"I'm sorry my Yanna always remember that mama loves you." Puno ng luha na turan ng kanyang ina.

"Mama take me with you, please. I want to come with you." Humahagulgol na ani ng sampung taong gulang na batang babae habang ang mga kamay ay mahigpit na nakayapos sa hita ng kanyang ina.

"No my Yanna. Your life is better if you stay with your Baba (papa) so please, behave okay. Listen to him. I promise I will take you when I can find a stable job okay. Be good anak." at niyakap na niya ako bago tuluyang lumabas ng aming mansyon. Wala akong nagawa kundi mag-iiyak at tanawin nalang ang kanyang likod papalayo. Naaawa naman ang aking yaya pero tulad ko ay wala din siyang magawa. Sa musmos kong isipan ay nagtanim ako ng galit sa aking ama.

Ako si Yanna Al Saud. Half Arabo-Filipina. Ang nag-iisang heredera ni Don Ahmad. Isa ang ama ko sa tinitingala sa bansang Saudi Arabia. Pero siya din ang kinatatakutan ng lahat dahil hindi mo pwedeng balewalain ang bawat bigkasin niya.

Ang aking ina ay isang hamak na mahirap lamang. Siya si Jane Torres. Nanilbihan bilang katulong sa pamilya ni daddy. Dahil sa taglay na kabaitan ni mommy ay nagkadelevopan silang dalawa na agad naming tinutulan nang aking grandparents. Ang sabi nila ay mababait ang magulang ni daddy ngunit nagbago angvlahat nang iyon noong magkaroon silan ng relasyon. Isang hampas lupa, gold digger at kung ano-ano pa ang tingin nila sa kanyang. Dapat uuwi na daw sana ang mama noon ngunit hindi pumayag ang Donya na ipanganak ako sa Pilipinas kaya nanatili siya sa poder nila hanggang maisilang niya ako. Gusto nang umuwi ni mama noon pero hindi niya ako maiwan-iwan kaya noong binigyan siya ng kondisyon ng aking lolo ay agad naman niyang sinunggaban ito.

"You are not allowed to stay here anymore. You will just ruin my son's life." Don Ahmad

"Please Don Ahmad, I want to be with my daughter. I want to see her growing." 

"Okay, if you really want to stay here. Stay! But you are not allowed to tell anyone that you are the mother. I will give you enough money. I will pay you just to take care of her as much as you want but you will just remain as her nanny. ONLY A NANNY! Understand!" sunod-sunod siyang napatango.

Namalagi siya doon na kahit isa sa mga mahahalagang dokumento niya ay wala siyang hawak. Duon na umikot ang mundo niya kasama ko. Lumaki akong yaya ang tingin ko sa kanya. Hindi na din naman nag-asawa si papa dahil sabi niya mahal niya ang mama. Sadyang hindi lang daw sila pwedeng magsama dahil mahigpit ang lolo at isang hamak na mahirap lamang daw ito.

6 years old na ako noong namatay ang aking abuelo, sumunod din naman agad si lola sa kanya. Lahat ng yaman nila ay ipinamana kay Daddy. Simula noon naging busy na siya sa negosyong iniwan sa kanya ng mga magulang niya.

After one year nang pagkawala ng grandparents ko ay nagdesisyon na din si Daddy at Mommy na magsama. Nagpakasal din naman ngunit nawalan din siya ng panahon sa amin dahil mas priority niya ang kanyang negosyo. Ibinuhos niya lahat ng attention niya duon para mapalago pa ito lalo.

Mas kinilala nga naman siya sa larangan ng industriya pero isang araw nagbago nalang bigla ito. Parang nabuhay sa kanya ang katauhan ni lolo. Madalas na sila mag-away ng aking ina.

"Gabiya (stupid) , don't you know how to iron my clothes?" narinig kong sigaw niya kay mama. Umabot pa sa puntong nakikita kong sinasaktan siya. May pasa, putok ang labi at lagging mugto ang mga mata. Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari noon pero alam ko nasasaktan si mama. Lagi nalang siyang umiiyak. Bihira na din umuwi si Papa sa mansyon kaya kaming dalawa nalang ang naiiwan kasama ang mga katulong.

Pinalagyan din ng aking ama ng mga security guard ang bawat labasan ng bahay. Hindi kami pwedeng lumabas na wala siyang pahintulot. Ganun lang umikot ang buhay namin. Daig pa ang preso.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
alanasyifa11
i've read this with MTL and this seems interesting! will u upload translated ver. of this? do you have social media?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status