Share

Chapter 5

Ari

Nakatingin ako ngayon sa computer screen tapos nagunat ako. Nagpasa na kasi ako ng resignation letter ko sa pinapasukan ko. Nagtatrabaho ako sa kompanya nila Anton at ayoko na sanang bumalik pa doon dahil alam ko naman na gagawing dahilan iyon ni ate Arielle para pahirapan ako sa kompanya lalo na't wala na kaming dalawa ni Anton at siya na ang pumalit sakin. Also, wala din naman akong mga kaibigan doon. Anton doesn't want me to be friends with anyone kasi daw mahahati daw ang atensyon at gusto niya sa kaniya lang. Bigla akong nakaramdaman ng inis, talagang bulag ako sa pagibig noong mga panahong iyon dahil pumayag ako. Napabuntong hininga ako.

Binuksan ko ang isang folder sa computer ko at puro iyon pictures ko at ng mga dati kong mga kaibigan. Si Wenwen, Erxi at Arise. Iniwan ko sila para kay Anton na talaga namang mali. Napabuntong hininga ako. Kamusta na kaya iyong tatlo? Solid pa rin kaya sila?

"Tawagan ko kaya?" Hinanap ko ang mga contact number nila sa cellphone ko pero laking pagka dismaya ko nang makita na wala ang contact numbers ng mga kaibigan ko. Nakalimutan ko na pinatanggal ni Anton ang number nila. Napabuntong hininga ako. Wala tuloy akong kasama magparty! Napabuntong hininga ako at napahiga sa sofa ay napatingin sa ceiling. Dahil immediate ang resignation ko, ang kailangan ko na lang kunin ay 'yung mga naiwan kong gamit. Tinignan ko ang Cellphone ko at naghanap ng makakausap. Biglang napadaan ag number ni Geoffre. Napakurap ako at napaisip. Si Geoffre kaya pwede siya? Well, why not try and ask? Tinawagan ko ang number ni Geoffre at umupo ako ng maayos.

"Hello, Ari?" Napangiti ako. Hindi ko akalain na sasagutin niya ang tawag ko.

"Geoffre! Hindi ko akalain na sasagutin mo ang tawag ko," sabi ko at sinuklay ang buhok ko.

"It's a call from you, of course I will asn- Woah is that, Ari? Invite her Geofre!- Shut up, Greg! Hindi ko maririnig ang sasabihin ni Ari dahil sa ingay ng bunganga mo!- Sorry na." Napatawa na lang ako dahil naririnig ko rin sa kabilang linya ang boses ni Greg.

"Magkasama pala kayong dalawa ni Greg. Nakakaabala ba ako?" Narinig niyang nag-hum si Geoffre.

"No, of course not. Actually, Greg is now pestering me to ask you to come. Are you not busy?" Tumayo na ako sa inuupuan ko at nagmadaling nagpunta sa cabinet ko para maghanap ng damit.

"No, actually kaya nga ako tumawag dahil I want to ask you to come with me sa bar. Alam mo na, pampatanggal ng boredom."

"I see, nice timing dahil nasa bar din kami ngayon. And... I was thinking about you earlier," napatigil ako sa paghahanap ng damit dahil sa sinabi ni Geoffre.

"Um... really?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Yeah... Naisip ko na imbitahan ka para naman pampatanggal ng stress," sabi niya sabay tawa. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang paghahanap ng damit. Should I go for a dress?

"Then, I'll come. Magbibihis lang ako then pupunta ako d'yan. Text me the address."

"Do you want me to come and pick you up?"

"No, I can manage. I'll ride a taxi na lang. Thanks for the offer."

"Okay, take care." Agad kong ibinaba ang tawag at kumuha ng isang 2 inch above the knee orange dress and I partnered it with a brown stilettos. Gumamit din ako ng maliit na bag na kasya ang phone ko at wallet ko. Naglagay lang din ako ng simpleng make-up at sinuklang ang wavy kong buhok at umalis na rin ako.

After half an hour, nakarating na rin ako kung nasaan si Geoffre. This is a high-end bar na iilang tao lang ang nakakapunta at nakakapasok. Well, Geoffre is a big shot so it's not surprising. Nakakapunta rin ako sa mga high-end bars pero kasama ko si Anton pero hindi ko masyado nae-enjoy dahil may mine-maintain akong image at ang image na iyon ay 'Gentle Woman'. Pag naiisip ko iyon ay naiirita lang ako dahil hindi ko magawa ang gusto ko. Hindi naman ako party girl pero syempre gusto ko rin naman maranasan na maging malaya kasama ang mga kaibigan ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagpunta sa Entrance pero hinarang ako ng bouncer.

"VIP pass, miss." Napakagat labi ako. I completelt forgot! Wala pala akong pass sa ganito place. Magsasalita sana ako ng biglang may magsalita sa likod ko.

"She's with me, Gerald. Let her in." Napalingon ako at nakita ko si Geoffre. Napatingin siya sakin at ngumiti. "At last you came."

"Geoffre! Thank goodness!" Napatawa siya. Pinapasok na kami ng bouncer sa loob and I was surprised, hindi siya masyado maingay kumpara sa inaasahan ko. "Buti na lang talaga at nandoon ka."

"Yeah, I was waiting for you kasi hindi ka makakapasok without a VIP pass," sabi niya. Napatango na lang ako. "Buti hindi ka busy."

"Hindi na ako busy becaus I quit on my Job." Napatingin siya sakin na nanlalaki ang mata.

"Woah, really? Why?" Nagkibit balikat ako at napatingin sa lapag habang naglalakad.

"Maybe because I am a coward?" sabi ko na parang nagjo-joke ako pero nakita ko ang seryosong mukha ni Geoffre.

"I don't think so." Napabuntong hininga ako at tumingin sa ibang direksyon.

"It's just that, I know that my sister will take that advantage to make my life miserable. Now that our parents know that they have relationship and I don't want gossips about me. My sister and I don't have a good relationship with each other." Huminga ng malalim si Geoffre.

"Well, maybe it's too late for that. Alam mo bang iyong scene natin sa fuction building nung nakaraan, nasa internet na." Napapailing na sabi niya. Nanlaki ang mata ko.

"Hindi nga?" Tumango siya.

"I tried to erase it by using our Public Relations department but it still apprearing on the internet." Napasuklay na lang siya ng kaniyang buhok. Napabuntong hininga siya.

"I made a trouble for you. I am sorry," malungkot na sabi ko pero nagulat ako ng bigla siyang tumawa and he pats my head.

"It's actually not a trouble. Also, instead of... Bad rumours- it has good rumours instead. You can check it out if you want. I will let you see it when we arrive to out table." Tumango ako. Medyo naintriga ako. Maya-maya pa ay nakarating na kami at nagulat ako.

Why? Because parang may prayer meeting dahil sa sobrang katahimikan sa table.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status