Share

47

Author: Dieny
last update Last Updated: 2025-06-07 18:12:54

Ngunit sa sumunod na segundo, mas matapang at kapansin-pansing hakbang pa ang ginawa ni Nathalie. Kinuha niya ang gunting sa mesa—at walang pag-aalinlangan niyang ginupit ang laylayan ng bestida ni Jillian.

Mula sa dating mahaba at elegante, ang palda ay naging lampas-tuhod lamang sa isang iglap.

"Ha? Miss Cristobal... sigurado po ba kayo sa ginagawa n'yo?" Halos mapabulong si Narina, habang hindi maitatago ang kaba sa kanyang mukha. "Ang ganda na ng design nung gown. Baka masira lang 'yan."

Tumigil saglit si Nathalie at tumingin kay Narina na may malumanay ngunit kumpiyansang ngiti.

"Okay lang. Ang original design ng gown na 'to ay simple at elegante—pero nabago na 'yon nang masabuyan ng pintura." Tiningnan niya ang tela sa pagitan ng kanyang mga daliri, saka muling ngumiti. "Ngayon, iba na ang konsepto. Dapat sumunod ang cut sa bagong personality ng damit."

Kalmado ang bawat galaw niya habang patuloy sa paggupit. Walang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata, tila ba kabisado na ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Runaway from My Jerk Husband   49

    “Nathalie, ayan na si Mr. Mendoza, siya na ang maghatid sa’yo pabalik. Mahirap kumuha ng taxi dito, at hindi rin ako mapapanatag kung ikaw lang mag-isa,” sabi ni Jillian habang hinahatak si Nathalie papunta sa sasakyan ni Calix.Hindi na ito naghintay ng sagot, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at ngumiti kay Calix. “Mr. Mendoza, hindi ko inakala na pupuntahan n’yo si Nathalie. Kanina lang, iniisip ko pa kung paano siya makakauwi.”“Perfect timing, talaga,” dagdag pa ni Jillian, na ngayon ay masayang-masaya na parang may nairaos na mission. Pagkatapos, halos isiksik niya si Nathalie sa tabi ni Calix, bago pa ito makapagsalita.“Oy—” nabigla si Nathalie pero hindi na natuloy ang sasabihin niya nang makitang mabilis na lumalayo sina Jillian at Narina.Napabuntong-hininga siya at napapadyak ng marahan, sabay irap kay Calix. Wala na siyang nagawa kundi tumingin sa lalaki at ngumiti ng pilit.Napatingin din si Calix sa kanya, may bahid ng ngisi sa kanyang mga labi. Bahagyang umang

  • Runaway from My Jerk Husband   48

    Masayang bumalik si Mr. Usman upang kunin ang kontrata habang magalang namang inihatid ng mga natitirang assistant ang iba pang mga artistang sumali sa audition. Wala man silang nakuha, bakas pa rin sa kanilang mga mukha ang paghanga, at walang kahit kaunting inggit o tampo sa kanilang puso.Sa totoo lang, pagkatapos nilang masaksihan ang naging performance ni Jillian, naging malinaw sa lahat kung bakit siya agad pinili ni Mr. Usman. Walang duda sa galing ng ipinakita ni Jillian—kahit sila ay nadala rin sa kanyang pagganap. Kaya naman wala ni isa sa kanila ang nagtangkang kwestyunin ang naging desisyon.“Salamat,” paalam ng ilang artist habang palabas na ng lounge, dala ang respeto at pagtanggap.Naiwan sa loob si Jessica kasama ang dalawa niyang assistant. Tahimik siyang nakaupo ngunit halatang pigil na pigil ang galit—napakadiin ng pagkakakagat niya sa kanyang mga labi, parang halos ginigiling na ng mga ngipin ang kanyang galit. Hindi niya inakalang ganito kagaling si Jillian.Kahit

  • Runaway from My Jerk Husband   47

    Ngunit sa sumunod na segundo, mas matapang at kapansin-pansing hakbang pa ang ginawa ni Nathalie. Kinuha niya ang gunting sa mesa—at walang pag-aalinlangan niyang ginupit ang laylayan ng bestida ni Jillian.Mula sa dating mahaba at elegante, ang palda ay naging lampas-tuhod lamang sa isang iglap."Ha? Miss Cristobal... sigurado po ba kayo sa ginagawa n'yo?" Halos mapabulong si Narina, habang hindi maitatago ang kaba sa kanyang mukha. "Ang ganda na ng design nung gown. Baka masira lang 'yan."Tumigil saglit si Nathalie at tumingin kay Narina na may malumanay ngunit kumpiyansang ngiti."Okay lang. Ang original design ng gown na 'to ay simple at elegante—pero nabago na 'yon nang masabuyan ng pintura." Tiningnan niya ang tela sa pagitan ng kanyang mga daliri, saka muling ngumiti. "Ngayon, iba na ang konsepto. Dapat sumunod ang cut sa bagong personality ng damit."Kalmado ang bawat galaw niya habang patuloy sa paggupit. Walang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata, tila ba kabisado na ni

  • Runaway from My Jerk Husband   46

    Galit na galit si Narina nang bumalik ito sa loob ng silid. Halos hindi nito makontrol ang inis, at diretsong itinuro ang mga fans ni Jessica na nasa labas pa ng pintuan."Hindi talaga makatao ‘yang babaeng ‘yan! Hindi na nga siya ang endorser, binuhos pa niya ang galit niya kay Jillian. Gusto pa niyang walang mapili sa ibang artista. Grabe ang kasamaan niya!" galit na sigaw ni Narina, na sinadyang lakasan ang boses para marinig ni Jessica sa labas.Hindi man niya pinangalanan, malinaw kung sino ang pinatutungkulan niya."Sige na, Narina, huwag ka na masyadong magalit," saad ni Jillian habang pinipilit maging kalmado. "Ang mahalaga ngayon, makaisip tayo agad ng paraan. Kung hindi, mauubusan tayo ng oras, at baka ako pa ang huling matawag sa audition. Wala pa tayong ayos na bihis!"Alam ni Jillian na mahalaga kay Mr. Usman ang unang impresyon. Malaki ang epekto ng itsura at bihis sa mga artista sa paningin ng mga executive."Maganda man ang postura ko, pero kung hindi maayos ang kasuot

  • Runaway from My Jerk Husband   45

    Pagkapasok na pagkapasok ni Jessica sa lugar, agad siyang pinalibutan ng mga assistant niya, tila ba natatakot silang may mangyaring masama sa kaniya. Ang kilos nila ay parang may bantang paparating, kahit wala naman talagang kaguluhan.Napalingon naman ang ibang mga artista na naroroon, ngunit agad ding iniwas ang mga mata sa kanya. May tahimik na kasunduan sa pagitan nila na huwag pansinin si Jessica, parang wala siyang presensya roon.Maya-maya, lumapit si Mr. Usman kay Jessica matapos kausapin ang kanyang sekretarya. Wala siyang masyadong emosyon sa mukha, ngunit halatang hindi siya komportable sa sitwasyon.“If Miss Jessica wants to know about the process that badly, then just sit there and observe quietly,” malamig niyang sabi habang tinuturo ang isang gilid ng kwarto.“Pasensya na, Miss Jessica, pero medyo busy kami ngayon. We might not be able to accommodate you properly,” dagdag niya, bago tuluyang iniwan si Jessica at inakay ang ibang mga artista patungo sa common lounge.Sa

  • Runaway from My Jerk Husband   44

    Nasa unahan si Narina, ang agent ni Jillian, habang nasa likurang upuan sina Nathalie at Jillian. Tahimik ang biyahe, ngunit punong-puno ng kaba ang hangin habang pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa gaganaping interview. Hindi ito iyong typical na panayam na puno ng tanong at sagot—mas para itong paunang shooting o testing para makita kung sino sa mga artista ang babagay sa imahe ng produkto.Sa pagkakataong ito, ang taong in-charge sa produkto mismo ang magpapasya kung sino ang karapat-dapat piliin.“Ang ganda mo ngayon,” nakangiting sabi ni Nathalie habang sinisipat si Jillian. “Bagay sa’yo 'yang white dress. Simple lang ang accessories pero ang fresh mo tignan—natural at classy. Sakto sa brand image na hinahanap ngayon.”Napangiti si Jillian. Bagama’t may kaba sa dibdib, somehow, ang papuri ni Nathalie ay tila nagbigay ng kaunting ginhawa.“Kapag nakita ka ni Mr. Usman, I’m sure he’ll really like you for this endorsement. Hindi na magiging mahirap ‘to.”Habang nasa loob ng sasak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status