Share

K20

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-07-31 14:58:48
CLAUDINE

DALAWANG ARAW ang lumipas matapos nilang magkausap, inis na inis si Claudine sa kanyang sarili lalo pa't nagawang guluhin ni Hunter ang kanyang isipin.

'Kurimaw talaga ang lalaking iyon! Bakit iba ang sinasabi niya sa pinakikita niya? May saltik na yata ang lalaking iyon! Masaya na nga akong hiwalay na kami at doon na siya kay Stella eh! Pero papansin naman siya ngayon sa akin!' sigaw ni Claudine sa kanyang isipan.

"Sarah, halika na. Magpunta na tayo sa mall. Tayo muna ang crew doon," wika niya sa kaibigan.

"Ako na lang. Maiwan ka na lang dito. Mas okay na mag-isa lang ako doon. Aasikasuhin mo pa iyong kulungan ng mga baboy, 'di ba? Mukhang madumi na iyon. Nakaraan ka pa naglinis," sabi ni Sarah.

Namilog ang mata ni Claudine. "Oo nga pala! Nakalimutan ko na. I-che-check ko rin iyong baka na bibilhin sa akin. Sige, ikaw na ang bahala sa store doon."

"Yes, madam!" saad ni Sarah sabay kindat.

Nagtungo na si Claudine sa farm upang maglinis ng kulungan ng baboy. Nang
LonelyPen

Kanino kayang mata iyon?!

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
Sana Miss A magtuloy tuloy na sila River at Claudine sila na sa ending
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
malamang ky Hunter un
goodnovel comment avatar
Honaka Yahagi
walang update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K40

    Madaling-araw pa lamang ngunit gising na si Stella. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone habang pinagmamasdan ang naglalagablab na notifications ng mga text mula sa lalaking naniningil ng utang ng kanyang ama. Mabigat ang bawat linya—puro pagbabanta, puro panggigipit. “Kung hindi niyo mababayaran ngayong linggo, Stella,” saad ng pinakahuling mensahe, “maghanda ka. Hindi na lang pera ang babawiin namin.” Napapikit siya, pinisil ang tulay ng ilong, at mariing huminga. Wala na siyang ibang takbuhan. At kung dati ay iniisip niyang lumapit kay Hunter para sa tulong, ngayon, mas malinaw na sa isip niya ang mas tusong paraan: gagamitin niya si Hunter. Gagawin niyang paraan ang pagmamahal nitong muling nabuhay para kay Claudine. “Kung hindi kita kayang ibalik sa akiin, Hunter,” bulong niya sa kawalan, malamig ang tinig, “sisiguraduhin kong masisira ang lahat ng mahal mo.” Sa isip niya, unti-unti nang nabubuo ang plano. Hindi ito dapat biglaan; kailangan dahan-dah

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K39

    Ang katahimikan ng gabi ay tila mas mabigat kaysa karaniwang pag-ikot ng oras. Sa isang gilid ng lungsod, nakaupo si Stella sa loob ng kanyang kotse, walang direksyong nakatitig sa kalsadang tinatanglawan ng iilang poste ng ilaw. Namumugto ang kanyang mga mata, hindi lamang sa pag-iyak kundi sa puyat at walang tigil na pag-iisip kung paano siya makakaahon sa kumunoy ng pagkakautang ng kanyang pamilya. Muling bumalik sa kanyang alaala ang panghaharang sa kanya ng dalawang lalaking matagal nang sumisingil ng utang ng kanyang ama. “Stella,” mariing wika ng isa, sabay pisil sa kanyang braso. “Hindi na pwedeng puro pangako. Kung wala ka pa ring maibibigay, baka ibang paraan na lang ang kunin namin.” Nalaglag ang kanyang tiyan sa kaba. Naramdaman niyang hindi iyon biro. At ngayong gabi, lalo siyang naipit. Napapikit siya, pinilit itulak ang luha pabalik. Hindi ako pwedeng sumuko. Kailangan kong mag-isip ng paraan. At may isang tao lang na may sapat na pera para iligtas ako—si Hunt

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K38

    Sa pagitan ng galit, pagmamahal, at pagnanasa, may mga pusong muling mababasag.Lumakad si Claudine kay River. Tila naguhuluhan kung saang panig siya pupunta. “Claudine!” malakas ang tinig ni Hunter, halos dumadagundong ang bawat hakbang niya patungo sa kay Claudine.Nakatayo si River sa gilid ni Claudine, tila nakabantay na parang isang sundalo na handang ipagtanggol ang reyna niya. “Umalis ka na, Hunter,” mariing wika ni Claudine, pilit na pinipirmi ang sarili kahit ramdam niya ang panginginig ng dibdib. “Wala na tayong dapat pag-usapan.” Ngumisi si Hunter, mapait. “Wala na? Eh bakit hanggang ngayon, nakikita ko sa mga mata mo na ako pa rin ang hinahanap mo?” “Ano ba, Hunter?” singit ni River, napakapit sa balikat ni Claudine. “Tigilan mo na siya. Hindi ka na welcome sa buhay niya.” Humalakhak si Hunter, mapanukso. “Welcome? Sino ba nagsabing kailangan kong maging welcome? Kung gugustuhin kong pumasok sa buhay niya, gagawa ako ng paraan. At ikaw, River… hindi mo ako kayang

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   37

    Ang malamlam na sikat ng araw ang unang gumising kay Claudine. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan ni Hunter, nakahilig sa balikat nito. Ramdam niya ang bigat ng paligid—tila ang bawat paghinga ay may kasamang pagsisisi at kaba. Napakabilis ng mga pangyayari kagabi. Ang mga halik, ang yakap, ang pagputok ng matagal na pinipigilang damdamin. At ngayong mag-uumaga na, hindi niya alam kung paano haharapin ang katotohanang muli siyang bumigay sa lalaking siya ring nagwasak ng kanyang puso. Marahang iminulat niya ang mga mata, saka siya kumalas mula sa pagkakahilig. Agad naman itong napansin ni Hunter. “Gising ka na,” mahinang sabi niya, at pilit na ngumiti. “Maayos ka lang ba?” Napatingin si Claudine, malamig ang tinig. “Maayos? Hunter, sa tingin mo ba maayos ako pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi?” Napangiwi si Claudine dahil masakit ang pagitan ng kanyang hita. Sa isip niya, masyadong malaki si Hunter. Nawasak ang kanyang perlas. Umigting ang panga ni Hunter. . “Kung ang i

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K36

    Malalim na ang gabi. Sa bawat liko ng kalsadang tinatahak ng kotse ni Hunter, lalo lamang kumakabog ang dibdib ni Claudine. Hindi siya makapaniwala na nasa loob siya ng sasakyan nito—muli, nakulong sa presensyang matagal na niyang pinipilit iwasan. “Hunter, pakawalan mo ako,” mariin niyang sambit, halos maputol ang boses. “Hindi mo puwedeng gawin ‘to. Hindi mo ako puwedeng basta dalhin kung saan mo gusto.” Mariin ang titig ng binata sa kalsada, hindi lumilingon. “Kung pakakawalan kita, babalik lang tayo sa parehong paikot-ikot. Hindi na ako makapapayag, Clau. Kailangan kong marinig lahat mula sa iyo—wala nang pag-iwas, wala nang pagtatago.” Napakuyom ng palad si Claudine. “Hindi ako laruan, Hunter. Hindi mo ako pagmamay-ari.” Sa wakas, lumingon ito. Namumula ang mga mata, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang sakit sa ilalim ng matigas nitong anyo. “Alam kong hindi. Pero paano ko bibitawan ang isang taong minahal ko nang higit sa buhay ko? Kahit ilang buwan na ang lumipas,

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K35

    MULING magharap sina Hunter at River. Hindi sinasadya—o marahil sinadya ng tadhana—na magtagpo sila sa labas mismo ng opisina ni Claudine. Kakaalis lang ng dalaga, pero naiwan sa parehong lugar ang dalawang lalaking matagal nang nagbabanggaan sa kanyang mundo. “Hindi ka ba talaga marunong mahiya?” bungad ni River, mariing nakatitig kay Hunter. “Paulit-ulit kang sumusunod kay Claudine. Hindi ba’t malinaw naman na ayaw ka na niya?”Galit na si River. Hindi na siya natutuwa kay Hunter dahil ginugulo na nito ang buhay ni Claudine. Kaya hindi kaagad makapag-move on si Claudine at hindi siya makaporma ng ayos. Bahagyang ngumisi si Hunter, nakasandal pa sa poste na tila ba walang mabigat sa kanya. “Ayaw niya? O ikaw lang ang may gustong paniwalaan ‘yon?” Sumiklab ang mata ni River. “Huwag mong gawing laro ang damdamin niya. Nasaktan mo na siya noon, hindi ba’t sapat na ‘yon?” Lumapit si Hunter, halos magkadikit na ang kanilang mukha. “Kung sapat na, bakit sa bawat sulyap niya, ako pa ri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status