Isang pagkakamali ang magagawa ni Hunter at iyon ang pag-abandona niya sa kanyang asawang si Claudine. Matagal niyang hiniling na maglaho sa kanyang buhay ang asawang si Claudine ngunit huli na nang malaman niyang may halaga pa sa kanya ang asawa. May pag-asa pa kayang mapatawad siya ni Claudine gayong labis niyang dinudurog ang puso nito?
View MoreCLAUDINE
"Umiiyak ka na naman. Walang araw na hindi ka umiyak tuwing dumadalaw ako dito sa bahay ninyo," wika ng kaibigan niyang si Sarah. Pinahid ni Claudine ang kanyang mga luha. Umiiyak siya dahil tinapon ng asawa niyang si Hunter ang almusal na niluto niya. "Pasensya ka na, ha? Napakatanga ng kaibigan mo. Napakaiyakin. Mahinang nilalang," nakayuko niyang sabi. "Hanggang kailan ka ba kasi magpapakatanga sa asawa mong gagó? Wala ka ng magagawa pa, Claudine! Hindi ikaw ang mahal niya. At alam mo naman ang isang lalaki kapag nagmahal talaga iyan ng totoo, 'di ba? Kahit anong gawin mo, hindi mo maaalis sa puso niya si Stella! Please lang, Claudine! Gumising ka na! Iuumpog ko na sa pader iyang ylo mo para mautahan ka na! Tatlong taon! Tatlong taon ka ng lumuluha at nasasaktan sa piling ng asawa mo! Hiwalayan mo na siya! Iwan mo na siya!" gigil na sigaw sa kanya ng kaibigang si Sarah. Muling bumuhos ang masaganang luha ni Claudine. Hindi naman talaga siya mahal ni Hunter at alam niya iyon. Siya lang ang nagmamahal kay Hunter. Magkaibigan na matalik ang ama nila. Iniligtas ng daddy niya ang daddy ni Hunter kung kaya naman para mas lalong mapatibay pa ang pagkakaibigan ng dalawa, ipinakasal silang dalawa. Sobrang saya ni Claudine noong araw na iyon. Simula kasi nang magdalaga siya, gustong-gusto na niya si Hunter. Noong highschool pa nga lang sila, palagi niyang sinusulyapan mula sa malayo si Hunter. At alam niyang si Stella ang first love ni Hunter. Pero hindi naman siya gusto ni Stella. "Huwag mong hintaying mamatay ka na lang kaiiyak diyan. Sa totoo lang, parang ayoko na ngang maging kaibigan ka pa. Ang tanga-tanga mo kasi. Sobrang tanga mo talaga, Claudine! Kahit na maging perfect wife ka pa sa kanya, wala iyang epekto sa kanya!" dagdag pang sabi ni Sarah. Huminga ng malalim si Claudine at saka pinahid ang kanyang mga luha. "Oo... alam kong darating din ako sa puntong iyan. Hihintayin ko lang na maubos ako. Hihintayin ko lang na mapagod ang puso ko." Marahas na kumamot sa kanyang ulo si Sarah. "Ewan ko sa iyo. Ang sarap mong bigwasan." Humugot na lamang ng malalim na paghinga si Claudine at saka hinawakan ang kanyang dibdib. Sa tatlong taon nilang nagsama ni Hunter, isang beses lang may nangyari sa kanila. Iyon ay ang araw ng kanilang honeymoon kung saan inalay niya ang kanyang sarili sa asawa. Pero pagkatapos no'n, wala na. Hindi na nasundan pa. Magkaiba sila ng kuwarto. Simula nang tumira sa iisang bahay, ni minsan hindi siya tinabihan ni Hunter sa pagtulog. Nandidiri sa kanya si Hunter. At galit ito palagi sa kanya. Kung anu-anong masasakit na salita ang palagi niyang natatanggap kay Hunter pero ayos lang sa kanya iyon. Ganoon niya kamahal si Hunter. Pagkaalis ng kanyang kaibigan, mayamaya pa ay nagsaing na siya. Sa araw-araw na lumilipas, sa araw-araw na pinaghahandaan niya ng almusal, tanghalian at hapunan ang kanyang asawa, ni minsan hindi tinikman ni Hunter ang luto niya. "Manang, pakihiwa na nga po nito. Magluluto na po ako ng ulam natin ngayong gabi," utos niya sa kasambahay. Nagtungo siya sa kanyang kuwarto upang magpalit ng damit. Pagkatapos, pinagmasdan niya ang wedding picture nila. Sa picture nilang iyon, nakasimangot si Hunter. Sapilitan pang kinuhaan silang dalawa nga araw na iyon dahil nga sa ayaw ni Hunter na magkaroon sila ng wedding picture. Pagkabalik niya sa kusina, nagsimula na siyang magluto. Kumanta-kanta pa siya habang nagluluto. Masarap magluto si Claudine. Namana niya iyon mula sa yumao niyang ina. Mayamaya pa, tapos na siyang magluto. "Good evening, honey. Kumain ka na. Nakapagluto na ako ng ulam," malambing niyang sabi nang dumating si Hunter. Matalim siyang tinitigan ni Hunter. "Ilang beses ko bang uulitin sa iyo na wala akong balak kainin iyang mga niluluto mo, ha? Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba nagsasawa? Hindi ka ba nasasaktan sa mga pinagsasabi ko sa iyong tangina ka? Bobo ka, 'no? At tanga-tanga pa. Ilang beses ko na bang tinapon iyang mga niluto mo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Hindi kita mahal! Hindi! Hindi kita mahal! Tangina mo hindi kita mahal! Ano? Uulitin ko pa ba? Hindi ka pa ba nagsasawa sa tatlong taon nating mag-asawa na iyan palagi ang sinasabi ko sa iyo?" nanginginig sa galit na sigaw sa kanya ni Hunter. Umagos ang masaganang luha ni Claudine sa kanyang mga mata. Sa tatlong taon niyang pagtitiis sa asawa at pagiging manhid, hindi pa rin niya mapigilang masaktan sa mga salitang iyon. Sobrang sakit. Parang daang-daang patalim iyon na tumarak sa kanyang puso. "Hunter... bakit ba hindi mo ako subukang mahalin? Handa akong gawin ang lahat-lahat. Kahit anong iutos mo sa akin, gagawin ko. Lahat. Handa akong magpakaalipin sa iyo," lumuluha niyang sabi sa asawa. Naaasar na tumawa si Hunter. "Wala akong pakialam! Hindi ko kailanman gagawin iyan. Hindi kita kayang mahalin! Alam mo iyan sa sarili mo! Si Stella lang ang mahal ko! Siya lang at wala ng iba pa! Mamamatay akong si Stella lang ang mahal ko! At ikaw, isa kang basura! Isa kang malas sa buhay ko! Bakit kasi hindi ka na lang mamatay!" Padabog na lumakad patungo sa kanyang kuwarto si Hunter. Nanghihinang napaluhod na lamang si Claudine. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Labis iyong naninikip at hindi siya makahinga. Ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon bago tumayo. Nagtungo siya sa mesa at saka kumain habang lumuluha. 'Tama si Sarah... wala na nga talaga akong magagawa pa. Hindi ko mababago ang nararamdaman niya kay Stella kahit na gawin ko pa ang lahat. Siguro ito na ang tamang oras para pahalagahan ko naman ang sarili ko. Kailangan ko na siyang bitawan pa. Pagod na pagod na akong mahalin siya,' lumuluhang sabi niya sa isipan. Humugot siya ng malalim na paghinga bago inubos ang kanyang pagkain. Nagtungo na siya sa kanyang kuwarto at saka tiningnan ang buong paligid nito. Kumuha siya ng malaking bag at saka maleta. Naghakot na siya ng kanyang mga gamit. At habang ginagawa niya iyon, umaagos ang kanyang mga luha. Maingat siyang naglakad palabas ng malaking bahay na iyon at saka inilagay sa kanyang sasakyan ang kanyang mga gamit. Ilang minuto niyang tiningnan ang kanilang bahay bago mapait na ngumiti. "Paalam asawa ko. Sana maging masaya ka na. Pinapalaya na kita. Hinding-hindi na ako magpapakita pa sa iyo, kahit kailan," bulong niya sa kanyang sarili. Humugot siya ng malalim na paghinga bago binuksan ang makina ng kanyang sasakyan. Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan habang lumuluha. Sa pagkakataong iyon, paninindigan na niya ang kanyang paglayas. At hinding-hindi na siya babalik pa sa bahay nilang iyon. Tuluyan na niyang pinalaya ang asawa niyang si Hunter.Sumunod na araw, tahimik na nakaupo sina River at Stella sa mahabang bangko sa ilalim ng punong mangga. Ang ihip ng hangin ay malamig at tanging huni ng mga ibon ang naririnig. Sandaling naghari ang katahimikan bago muling nagsalita si Stella. “Ang laki ng pinagbago mo, River,” mahina niyang sabi, nakatitig sa mga kalyo sa kamay nito. “Mas lalo kang gumuwapo at mas naging matikas. Pero alam mo, sa kabila ng lahat ng ‘yon, ikaw pa rin ‘yong simpleng River na nakilala ko.” Napangiti si River, pilit pero totoo. “At ikaw… ang dami mong pinagdaanan. Kita ko sa mata mo, Stella. Hindi ka na ‘yong babaeng dati mayabang, palaban, matigas ang ulo. Para kang mas mahina ngayon.” Napayuko si Stella, bahagyang natawa pero halata ang pait sa tinig. “Mahina? Siguro nga. Pero alam mo, River, kahit ilang taon ang lumipas… hindi nagbago ‘yong nararamdaman ko.” Natigilan si River. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na baso ng tubig at tumingin kay Stella. “Stella…” Tumulo ang luha ni Stella bago
Mag-isa lamang si Stella sa loob ng kanyang malaking silid. Mataas ang kisame, mamahalin ang mga gamit, at bawat sulok ay kumikinang sa luho.Pero sa kabila nito, pakiramdam niya ay isa pa rin siyang bilanggo. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ang ilaw mula sa mga poste sa kalsada ay parang malamig na mga matang nakatitig sa kanya. Bumuntong-hininga siya at mapait na ngumiti. "Akala ko noon, ito ang sagot sa lahat ng pangarap ko… pero bakit pakiramdam ko, mas lalo akong lumubog?" bulong niya sa sarili. Unti-unti siyang binalikan ng alaala… FLASHBACK: Tatlong Taon na ang Nakalipas Isang maliit na silid sa abroad ang naging tahanan ni Stella noon. Domestic helper siya roon. Mahirap ang trabaho. maagang gumigising, halos walang pahinga, at madalas pang sigawan ng kanyang amo. Ngunit tiniis niya iyon alang-alang kay Susie, ang kapatid niyang naiwan sa Pilipinas. Isang araw, sa gitna ng kanyang paglalaba, dumating ang isang matandang lalaki. Nak
Tatlong taon ang lumipas mula nang lisanin ni Stella ang Pilipinas. Ang dating babaeng kilala sa pagiging mapagmataas at palaaway, ngayo’y bumalik na muli. Hindi bilang dating Stella, kundi isang babaeng nakasuot ng mamahaling damit, may mamahaling bag at sapatos na nakasakay sa itim na sasakyan na may driver. Ngunit sa likod ng magarang anyo, bitbit pa rin niya ang bigat at sugat na iniwan ng kanyang naging buhay sa ibang bansa. Hindi naging madali para kay Stella. Sa simula, nagsimula siya bilang domestic helper, nagsasakripisyo para kay Susie at para mabuhay nang maayos. Hanggang sa isang araw, nakilala niya si Eduardo Vergara. Isang matandang negosyanteng ubod ng yaman. Sa una, inakala ni Stella na siya na ang sagot sa lahat ng pangarap niya. Marangyang bahay, kotse, alahas, at seguridad para sa kanilang magkapatid. Tinanggap niya ang alok ng kasal ni Eduardo, iniisip na iyon ang pinakamadaling paraan para makaahon. Ngunit hindi niya akalain na sa likod ng marangyang buh
Maagang gumising si Claudine. Hindi niya maipaliwanag ang kaba at saya habang nakaupo siya sa harap ng salamin, inaayusan ng make-up artist. Nakatingin siya sa repleksyon niya. Isang simpleng babae noon pero ngayong araw… ikakasal na siya ulit kay Hunter. Sa pagkakataong ito, mahal na nila ang isa't isa.“Ready ka na ba?” tanong ni Sarah na abala rin sa pagtulong sa kanya.Napangiti si Claudine at bahagyang napaiyak. “Hindi ko akalain na mangyayari ‘to. Dati pinapangarap ko lang si Hunter, ngayon ikakasal na kami ulit na mahal ang isa't isa."Tinapik ni Sarah ang balikat niya. “Deserve mo ‘to, Claudine. At isa pa, nakita ko kung gaano ka niya kamahal. Walang makakapalit n’on.”Samantala sa kabilang bahagi ng venue, nakasuot ng itim at eleganteng suit si Hunter. Abala si Ryan at ang iba pang groomsmen sa pagsasaayos sa kanya, pero halata ang kaba ni Hunter.“Bro, relax ka nga,” biro ni Ryan habang inaayos ang tie niya. “Para kang hindi milyonaryong sanay sa board meeting. Kasal lang
Mula pa kagabi, hindi na mapakali si Stella. Sa isang sulok ng maliit nilang bahay, tahimik siyang nag-iimpake ng gamit. Simpleng maleta lang ang dala niya, pero bawat damit na isinasalansan niya ay parang may kasamang bigat ng puso. Tahimik lang siyang nakatingin sa kapatid niyang si Susie na tulog pa sa kama. Napahawak siya sa dibdib niya, pinipigilan ang luha. “Kaya mo ‘to, Stella… gagawin mo ‘to para kay Susie," sabi ni Stella sa sarili. Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na sila. Habang nakaupo si Susie sa gilid ng kama, tulala lang ito habang pinapanood ang ate niyang abala sa pag-ayos ng huling gamit. “Ate…” mahinang tawag ni Susie. Napalingon si Stella at saka pinilit ngumiti. “Hmm?” “Bakit kailangan mo talagang umalis? Hindi ba puwedeng dito ka na lang? Matutulungan naman kita, magtatrabaho rin ako.” Nanginginig ang labi ni Stella habang pinipilit ipaliwanag. “Susie, alam mo namang mahirap ang buhay natin. Kahit anong trabaho ang pasukin ko dito, kulang pa rin. Pero
Sa loob ng isang linggo, abala si Hunter sa mga papeles at usapan tungkol sa pagbebenta ng kumpanya niya sa Maynila. Matagal na niya iyong pinaghirapan, pero para kay Claudine, handa siyang iwan lahat at magsimula ng bago. Isang hapon, pag-uwi niya galing sa meeting ay nadatnan niya si Claudine sa sala na nagbabasa ng magazine habang hawak ang isang tasa ng gatas. Dahan-dahan siyang lumapit at saka umupo sa tabi nito. “Claudine… asawa ko..” mahina niyang tawag. Napalingon si Claudine at ngumiti. “Oh, tapos na ba ang meeting ninyo?” Tumango si Hunter. “Oo. Kanina lang. Nabitawan ko na rin ang kumpanya.” Natigilan si Claudine at nanlaki ang mga mata sa gulat. “Ha? As in… tuluyan na?” Ngumiti si Hunter sabay hawak sa kamay ng asawa. “Oo. Wala na akong hawak na kumpanya sa Maynila. Pero hindi ako nagsisisi. Ang importante, makakasama kita nang buo. Wala na akong iisipin na malalayong meetings o puyat sa opisina. Ikaw at ang anak natin ang bagong priority ko.” Napasinghap s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments