Share

K-80

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-10-17 21:51:56

Maaga pa lang ay gising na si Dan. Hindi siya sanay na may ibang tao sa bahay lalo na si Aireen pa ito. Ang babaeng minsan niyang minahal pero siya ring nag-iwan ng sugat sa kanya.

Tahimik niyang pinagmamasdan mula sa sala ang direksyong papunta sa guest room. Naroon pa rin si Aireen, marahil ay tulog pa. Naka-init na siya ng tubig sa kettle at naglagay ng dalawang tasa ng kape sa mesa.

Pero kahit amoy na amoy ang aroma ng kape, hindi siya makaramdam ng ginhawa. Iba ‘yung bigat sa dibdib ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
glenn mongaya
Ala rn pla pangit Ala n update ang tagal n
goodnovel comment avatar
Mila Roda Crisostomo
paki update nman po
goodnovel comment avatar
Jenny M. Dela Cruz
pakidagdagan namn po ung update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   83

    SUSIE Kinabukasan, maaga muling nagbukas ang coffee shop. May kakaibang gaan sa kilos ni Susie habang pinupunasan niya ang mga mesa. Nakangiti siya kahit wala namang kausap at paminsan-minsan ay napapahinto para huminga nang malalim na parang may iniisip. Hindi niya namamalayan na ilang beses na niyang napunasan ang iisang mesa. Hindi niya rin napansin na may tunog na ang kampana sa pinto. Paglingon niya, agad niyang nakita si Dan na papasok, bitbit ang pamilyar na ngiti na matagal na niyang hindi nakita nang ganoon ka-buo. Napahinto siya sa ginagawa at mabilis na pinigil ang ngiti sa labi. Inilapag niya ang basahan sa gilid ng mesa at kunwaring abala. “Good morning,” bati ni Dan na diretso ang tingin sa kanya. Tumikhim si Susie bago sumagot. “Oo. Umaga nga.” Napangiti si Dan. Lumapit ito sa counter at tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa na parang may sinusuri. “Ang aga mong masungit ah. Akala ko ba masaya ka kapag umaga?” “Tigilan mo nga ako,” sagot niya agad. “Kung wala

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   82

    SUSIE ILANG ARAW ANG LUMIPAS, maagang nagbukas ang coffee shop. Tahimik ang umaga, wala pa ang dagsa ng mga customer at si Susie mismo ang nag-aayos ng loob. Pinupunasan niya ang mga mesa, inaayos ang mga upuan at paulit-ulit na tinitingnan ang orasan sa dingding kahit wala naman siyang hinihintay. Alam niyang wala. Pero hindi niya mapigilang mapansin ang bawat tunog ng pinto. Hindi siya sanay sa katahimikan nitong mga nakaraang araw. Sanay siya na may isang taong bigla na lang papasok, magbibiro, mang-aasar at magpapanggap na wala lang ang lahat. Sanay siya kay Dan na parang laging may sasabihin kahit wala namang saysay. At ngayon, wala iyon. "Hay naku! Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit parang gusto kong makita ang lalaking iyon? Imbes na maging masaya ako ngayong wala siya, pero bakit parang mas gusto kong nandito siya sa tabi ko?" takang sabi ni Susie sa sarili. Nang tumunog ang kampana sa pinto, hindi niya agad nilingon. Akala niya customer lang. Pero nang marinig niy

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K81

    SUSIE Makalipas ang ilang araw, ilang araw na ring hindi dumadalaw si Dan sa café na iyon. Abala si Susie sa pag-aasikaso ng mga kustomer, pero kahit ganoon dama niyang may kulang. Hindi niya lang inaamin sa sarili niya o baka ayaw niya lang aminin. “Susie, ilang araw ka ng tuliro,” puna ni Joy na isa sa mga staff. “Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako naririnig.” Napakurap ng maraming beses si Susie. “Ha? Talaga? Pasensya na,” sagot niya habang nakatingin sa listahan ng mga order. “Si Dan ba iniisip mo?” tukso ng katrabaho niya. Agad na nangasim ang mukha ni Susie. “Ay naku! Hindi no! Ang kulit mo talaga. At bakit ko naman iisipin ang lalaking iyon? Wala naman akong pakialam sa lalaking iyon," mabilis niyang tanggi pero napansin ni Joy na namumula ang tainga niya. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi ni Joy. “Ahh, sure,” sabi ni Joy sabay kindat. “Hindi mo nga napansin, oh! Pumasok na pala siya.” Halos tumigil ang mundo ni Susie nang marinig ang tunog ng kampana sa pint

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K-80

    Maaga pa lang ay gising na si Dan. Hindi siya sanay na may ibang tao sa bahay lalo na si Aireen pa ito. Ang babaeng minsan niyang minahal pero siya ring nag-iwan ng sugat sa kanya. Tahimik niyang pinagmamasdan mula sa sala ang direksyong papunta sa guest room. Naroon pa rin si Aireen, marahil ay tulog pa. Naka-init na siya ng tubig sa kettle at naglagay ng dalawang tasa ng kape sa mesa. Pero kahit amoy na amoy ang aroma ng kape, hindi siya makaramdam ng ginhawa. Iba ‘yung bigat sa dibdib niya ngayon. Hindi galit o hindi rin awa lang. Parang gusto niyang matapos agad ang araw na iyon. Parang gusto na niyang umalis si Aireen sa bahay niya. Ilang sandali pa, narinig niya ang marahang pagbukas ng pinto. Lumabas si Aireen, suot pa rin ang lumang jacket na suot niya kagabi. Payat ito, maputla at may bahagyang pasa pa sa leeg. “Dan…” mahinahon nitong tawag. Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa tasa ng kape at marahang tumango. "Umupo ka. May tinimpla akong kape diyan.”

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K-79

    Halos hindi nakatulog si Dan buong gabi. Kahit anong pihit niya sa kama, bumabalik pa rin sa isip niya ang text na natanggap kagabi. 'Hi, Dan. Ako si Aireen. Nabalitaan kong nandiyan ka pa rin sa Ilocos… pwede ba kitang puntahan?' Binasa niya ‘yon ng paulit-ulit na parang hindi makapaniwala na matapos ang ilang taon, bigla na lang babalik sa buhay niya ang babaeng halos wasakin siya. Kinuha niya ang cellphone sa mesa at saka tinitigan ulit ang mensahe. Wala na namang sumunod. Walang “seen,” walang “typing.” Pero sa bawat segundo, parang lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa bintana. Sumisikat na ang araw. Ibig sabihin, isa na namang araw ng pagtatrabaho sa farm. Pero kahit pa anong subok niyang ibalik ang focus niya, wala. Laging bumabalik si Aireen sa isip niya. Pagdating ni Hiro sa farm, agad nitong napansin ang hitsura ng kaibigan. Kumunot ang noo ni Hiro. “Boss, parang zombie ka ah. Hindi ka ba natulog?” biro ni Hiro kay Dan. Napah

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K78

    Maaga pa lang ay abala na ang buong farm ni Dan. Tahimik ang paligid maliban sa tilaok ng mga manok at mga baboy na tila nag-aagawan sa pagkain. May mga trabahador siyang naglilinis ng kulungan at ang iba naman ay nag-aalaga ng mga sisiw. Nakatayo si Dan sa may harapan ng kulungan ng manok. Suot ang simpleng t-shirt at shorts. Bitbit ang kape at tinapay. “Boss Dan, maganda ang ani natin ngayon,” sabi ni Hiro, ang matagal na niyang tauhan at matalik na kaibigan. “Kung magtutuloy-tuloy ‘to, baka makabili ka na ulit ng bagong delivery van.” Ngumiti si Dan. Pero halatang may ibang iniisip. “Ayos ‘yan. Pero hindi van ang iniisip ko ngayon.” Napakunot ang noo ni Hiro. “Eh ano? ‘Yong manager sa café?” Natigilan si Dan sabay tawa. “Grabe ka talaga, Hiro. Mabilis ka pa sa wifi.” “Eh kasi naman, boss, halata! Araw-araw ka na lang sa café na ‘yon. Hindi ko alam kung negosyo pa o ligawan na.” Umupo si Dan sa may sako ng darak at tumawa pa ng mahina. “Hindi ko nga rin alam. Per

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status