Gusto mo ba ng palaban na bida? SPG? Age gap? Read my book HER POSSESSIVE SUGAR NINONG! Malupit bumayo si ninong at palaban ang bida!
Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang mahuli si Eduardo at mabulok sa kulungan. Ang mga araw na dati’y puno ng takot ay napalitan ng kapayapaan at tahimik na pamumuhay. Umaga iyon, maagang nagising si Stella. Nakasuot siya ng simpleng daster, hawak ang tasa ng kape habang nakatanaw sa labas ng bintana. Nakangiti siya habang pinapanood si River na abala sa pag-aayos ng malawak nilang taniman ng gulay. Naka-sando lang si River at pawisan na. Pero bakas sa mukha nito ang kasiyahan. “Baka maubusan ka ng lakas diyan, ha,” biro ni Stella. Napalingon si River at ngumiti. “Okay lang. Para sa future misis ko, hindi nakakapagod.” Napailing si Stella pero hindi naitago ang pamumula ng pisngi. “Naku, bola na naman. Hindi ka pa rin nagbabago.” “Hindi pambobola iyon, totoo ‘yon,” sagot ni River sabay lapit at halik sa pisngi niya. Sa loob ng bahay ay lumabas si Susie, sabay bitbit ng walis tambo. “Ate, kuya River, grabe kayo. Aga-aga, PDA na agad!” tukso nito pero masaya rin sa
STELLAMahigpit ang yakap ni Stella sa kanyang kapatid at halos hindi pa rin siya makapaniwala na ligtas na itong nakauwi. Tumutulo ang luha niya. Paulit-ulit ang hikbi na para bang gusto niyang ilabas lahat ng sakit at takot na tinago niya simula nang mawala si Susie.“Salamat sa Diyos… salamat sa Diyos at nakabalik ka, Susie!” nanginginig ang boses ni Stella habang hinahaplos ang buhok ng kapatid. “Akala ko… akala ko hindi na kita makikita.”Si Susie naman kahit pagod at nanghihina ay pilit na ngumiti. Pero agad ding napaiyak. “Ate… sobra akong natakot. Sobrang takot. Akala ko… doon na ako mabubulok. Akala ko papatayin na ako ni Eduardo doon."Mas hinigpitan ni Stella ang yakap na para bang gusto niyang iparamdam sa kapatid na ligtas na ito at hindi na muling mawawala. “Hindi na mauulit ‘yon. Hindi na. Hindi ko na hahayaang may mangyaring masama pa sa iyo."Sa gilid ay nakatayo si River at Dan. Tahimik lang si River na binabantayan ang paligid. Samantalang si Dan naman ay nakayuk
EDUARDO Tahimik ang gabi pero sa loob ng isang mamahaling kotse na nakaparada sa 'di kalayuang kalye ay nakaupo si Eduardo. Nakapikit ang mga mata at mahigpit ang kapit sa manibela. Dama ang galit na parang apoy na hindi mapatay-patay. Sa isip niya paulit-ulit ang iisang baga. : Kung paano niya ipaparamdam kay Stella ang sakit ng pagtatraydor at ang kaparusang dapat nitong maranasan.Hindi siya makapapayag na basta na lang siyang ipagtabuyan ng sariling asawa. Mas lalo na ngayon.... may ebidensya na hawak nina Stella at River. At balak pa siyang ipahiya sa korte. Hindi siya papayag. Hindi siya puwedeng bumagsak..“Kung ayaw mong bumalik sa akin nang maayos, Stella… gagamitin ko ang pinakamahalaga sa iyo,” malamig na bulong ni Eduardo habang nagngingitngit ang panga.Ang pinakamahalaga kay Stella? Walang iba kun'di si Susie. Ang nakababatang kapatid na walang malay sa totoong panganib na darating."Akin ka, Stella. Tandaan mo iyan. Sa akin ka lang. Hindi ka sa lalaking iyon. Putangina
STELLA Pagbalik nila mula sa presinto, akala ni Stella tapos na ang lahat. Kahit nanginginig pa rin ang katawan niya at kahit hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat sa katawan at galos sa mukha ay may bahagyang kagaanan siyang naramdaman. Hawak-hawak niya ang kamay ni River habang pauwi sila. “River… sana makalaya na talaga ako sa lalaking iyon. Sana tuluyan na siyang mabura sa buhay ko..,” mahina niyang sabi na halos pabulong. “Makakalaya ka, Stella,” mariing sagot ni River. “Wala na siyang puwang sa buhay mo. Hindi na siya makakabalik sa bahay mo. Basta huwag kang panghinaan ng loob. Kailangan mong ipakita na matapang ka," dagdag pang sabi ni River.Matamis na ngumiti si Stella. "Salamat, River. Maraming salamat. Kung wala ka sa tabi ko ngayon, baka nakakulong pa rin ako sa impiyernong buhay ko kasama si Eduardo." Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na si Stella sa paghahanda ng almusal para kay Susie at River. Hindi pa rin siya mapalagay. Habang pinipisil ang tiyan niya a
KINABUKASAN, maaga pa lang ay abala na si Stella sa kusina. Kahit nanginginig pa rin ang katawan at nanlalambot ang tuhod dahil sa mga sinapit kahapon pero pinilit niyang bumangon. Alam kasi niyang mas lalong magwawala si Eduardo kapag hindi niya ito inasikaso. Ayaw na ni Stella na makatikim pa ng pananakit mula kay Eduardo. Niluto niya ang ulam na adobong manok. Umaasang kahit papaano ay maging maayos ang timpla. Tahimik siyang kumilos habang nanginginig ang kamay sa bawat halo. “Diyos ko…” bulong niya na halos pabulong habang nakatingin sa kumukulong kawali. “Sana magustuhan niya. Ayokong masaktan ulit…” Ilang minuto pa ay lumabas na si Eduardo mula sa kuwarto. Suot pa nito ang manipis na sando at shorts. Hawak ang cellphone at kitang-kita agad ang iritasyon sa mukha. “Stella!” sigaw nito. “Nasaan na ang pagkain ko?” Mabilis siyang lumapit at inihain ang adobong niluto niya. Ngumiti siya ng pilit. “Ito na, Eduardo. Mainit pa," sambit ni Stella. Umupo ang asawa niya at sini
Hindi niya alam kung bakit napadaan siya ro’n. Ang totoo, wala naman siyang planong pumunta kina Stella nang umagang iyon. Gusto lang sana niyang dumaan para kumustahin ang dalawa bago siya tumuloy sa palengke. Pero habang papalapit siya sa bahay ay napansin niya agad ang kakaibang tahimik.Tahimik na hindi normal.At ilang sandali lang ang lumipas ay narinig niya ang malalakas na sigaw.“Niloloko mo ba ako, Stella?!” sigaw ng isang baritonong boses na hindi pamilyar kay River pero halatang puno ng galit.Napahinto siya. Kumabog nang malakas ang dibdib niya.“Eduardo,” bulong niya sa sarili.Mabilis siyang lumapit. Doon, bago pa man siya makalapit sa mismong pinto ay narinig niya na ang iyak ni Stella, Mahina pero dumadagundong sa tainga niya.“Wala akong ginagawang mali…” paulit-ulit ang tinig nito habang humihikbi.Parang piniga ang puso ni River. Hindi na siya nag-isip pa. Dumiretso siya sa pinto. mabilis na pinihit ang seradura at nagulat siya na bukas pala ito.Pagkabukas niya a