Share

Chapter 3

Author: ElizaMarie
last update Huling Na-update: 2023-10-31 04:48:37

Siksikan kami ngayon ng mga kaklase ko. Nasa harapan namin ang bulletin board kung saan nakapaskel ang mga kumpanya na pag-ojt-han namin, kasama ang mga pangalan ng sino ang nakapasa sa kumpanya na iyon. Ang kaba ko ay abot langit na  dahil nakikita ko ang mga mukha ng iba kung kaklase na parang pinagsakluban ng langit dahil hindi nasama mga pangalan nila. Ibig sabihin ay bagsak sila sa exam or interview. Kapag mangyari yon ay  choice kondi dito sa school mag-render ng oras  para lang ma-cover ang required hours. 

"Kinabahan na ako," bulong sa akin ni Jhy.

"Ako din. Paano na lang kapag mangyari yon, saan tayo pulutin," sabi ko din sa kanya. 

"Mabuti sana kung may sarili kumpanya or may kapit tayo sa mga malalaking kumpanya. Wala sana tayong problema," sabi pa ni Jhy. 

"Kaya nga," segunda ko sa kanya. 

Totoo ang sinabi ni Jhy.  Kung may sarili lang sana kaming kumpanya o may malakas na kapit katulad ng ibang kaklase ay hindi na sana kami mahihirapan. Sandamakmak na curriculum vitae at application letters ang ginawa namin para lang makapag pasa sa iba't-ibang kumpanya.  Liban pa doon, kabi-kabila ang mga hinaharap naming interviews mula sa mga in-apply-an naming kumpanya. Mga katanungan na kahit pinaghandaan na namin ay nagka-utal-utal pa rin sa pagsagot.

Sabi nga ng OJT coordinator namin, ngayon pa lang ay masanay na kami sa ganyan dahil sooner or later ganyan din ang naranasan namin kapag  naghahanap na talaga kami ng trabaho. Pwera nalang daw kung magugustuhan ng employer namin ang performance namin at i-absorb kami sa trabaho. Panalangin ko nga ay sana mangyari sa akin ang ganon nang sa gayon ay hindi na ako mahihirapan pa. Alam ko ang pakiramdam na hirap na hirap sa paghahanap ng trabaho. Pati ang hirap ng walang tumanggap sayo kahit qualified ka naman sa ina-apply-an mong position.

Nang nasa harap na kami ng bulletin board ay agad naming hinahanap ang pangalan namin.  Sobrang kaba ko dahil nakailang page na ako ay wala akong nakita na pangalan ko. Napatingin ako kay Jhy na seryusong  inisa-isa ang mga  pangalan gamit ang hintuturo niya. Napailing siya ng makitang nakatingin ako sa kanya. Napabuntong hininga ako na pinagpatuloy ang paghahanap ng pangalan namin, hanggang sa nasa hulihang page na ako.

Halos mawalan na ako ng pag-asa nang makita ko ang pangalan ni Jhy kasunod ng pangalan ko. Nanlaki ang mata kong napatingin ako kay Jhy na lupaypay na ang balikat na parang natalo sa lotto. Agad ko siyang  niyugyog-yugyog. Para man siyang naguguluhan sa ginawa ko. Itinuro ko ang kahuli-hulihang papel sa bulletin board, kaya napatingin din siya doon. 

"Ahhhhh!" sigaw namin pareho napatalon-talon pa. 

"Grabe! Kim, oh my gosh! Totoo ba to?" tanong niya sa akin. "As in? Sa McKinney Corporation tayo mag-o-OJT?"

"Malamang. Nakapaskil dyan ang mga pangalan natin. Grabe kinakabahan ako. Akala ko, wala tayong pag-OJT-han. Thank you, Lord. Dininig mo ang dasal ko."

"Oo nga. Grabe, di ko expect to," tuwang-tuwa na sabi ni Jhy sa akin halos maluha pa siya ng sabihin yon. Ganun din ang nararamdaman ko. 

Sa sobrang tuwa ni Jhy ay nag-aya siyang mag-jollibee daw kami since wala na rin kaming mga klase pa. Dahil wala na rin naman akong  gagawin at sobrang saya ng nararamdaman ko dahil nangyari ay pumayag ako. Plano kong bumili ng bucket meal mamaya para sa bahay bilang celebration  ko kasama ang mga kapatid ko. Hindi rin biro ang pinagdadaanan namin para lang makapasok sa kumpanya na yon. Ang dami namin na  sumubok para lang  makapasok doon.

Pagdating namin sa Jollibee kung saan ako nagtatrabaho ay agad na pumila kaming dalawa ni Jhy. Nagtaka pa ang mga kasamahan ko, akala nila ay papasok ako kahit late na. Nakita kong si Jess ang nasa counter ngayon. Kumaway siya sa akin at kinawayan ko siya pabalik. Nang kami na ang nasa counter ay tinanong ako ni Jhy.

“Ang gusto mo?” tanong niya s akin.

“Bahala  kana, ikaw naman ang manglibre.” 

“Mas alam mo ang mga kung anong maganda dito dahil dito ka  naman nagtatrabaho, kaya ikaw na pumili,” sabi niya sa  akin.

“Sige nga basta ikaw magbayad,” sabi ko sa kanya. Nang tumango siya ay ako na ang humarap kay Jess. “Jess, dalawang jolly spaghetti with fries, dalawang cheesy burger with coke float.”

“On it. Anong meron? May celebration ba?” tanong niya sa akin. 

Ngumiti lang ako sa kanya sa bumulong. “Nakapasa kami sa McKinney Corporation. Doon na  kami pumasok kapag officially enrolled na kami sa 2nd semester.”

“Talaga? Congrats sa inyo,” masayang wika ni Jess amin.

“Salamat,” sabay na sabi namin ni Jhy. 

Matapos maibigay ang order namin ay naghahanap kami ni Jhy ng upuan. Mabuti na lang at wala masyadong tao kaya hindi kami nahihirapan na  maghanap at nakapwesto kami sa isang sulok na wala masyadong nakakita sa amin. 

“Bili tayo ng  mga damit natin pang office,” sabi ni Jhy. Napaisip naman ako kung may extra  pa ba ako para doon ngunit wala dahil kailangan kung bayaran ang tuition fee ni Karylle para sa second sem.

“Sorry, wala akong budget eh. Kailangan kong bayaran ang tuition ni Karylle,” sabi ko sa kanya.

“Libre na lang kita,” sabi niya.

“Nako, wag na. Nakakahiya sayo, nilibre mo na nga ako dito, pati ba naman yan ilibre mo rin.Thank you na lang,” sabi ko sa kanya.

“Samahan mo na lang ako mamili, Kim,” sabi niya sa akin.

“Sorry, mukhang hindi na kita masasamahan kasi may trabaho pa ako mamaya,” tanggi ko sa kanya.

“Ano ka ba, okay lang. Alam ko naman na  busy ka. No worries, Naintindihan ko,” sabi niya sa akin.

“Salamat, Jhy,” wika ko sa kanya.

“Walang anuman,” wika niya sa akin. Congrats sa atin, cheers.” 

“Cheers,” sabi ko at tinungki ang coke float ko sa coke float niya. 

Matapos naming kumain ay nagpaalam na si Jhy na mauna  ang umalis  dahil may dadaanan pa daw siya.  Ako naman ay muling pumila sa counter upang  bumili ng bucket meal. Saktong nasa counter si madam Tanya kaya nag-aalangan ako. ngunit nakita na niya ako kaya tumuloy na  lang  ako. Akmang sasabihin ko kay Jess nang magsalita si madam Tanya.

“Balita ko nakapasa ka daw sa isang  malaking kumpanya,” sabi niya sa akin.

“Opo,” tanging sagot ko na lang sa kanya.

“Ibig sabihin niyan ay aalis kana dito?” tanong niya sa akin.

“Opo, kailangan eh, need kung maabot ang required hours,” sabi ko sa kanya.

“Mabuti naman ng mabawasan ang sakit ng  ulo ko,” sabi niya sabay alis sa counter at pumasok sa back door. 

Napansin ko pa ang pag akmang batuin ni Jess ng ballpen si madam. Kaya natatawa na lang ko. Mabuti na lang at wala nang kasunod sa akin kaya may  oras pa  makipag-usap sa kanya habang  hinintay ang take out ko.

“Kailangan mo ba talagang  tumigil na dito para dyan sa ojt mo?” tanong niya sa akin.

“Kailangan eh, 9 hours ang duty ko per day,” sagot ko sa  kanya.

“Awh, ang sad. Mabawasan ng maganda dito,” sabi niya sa akin.

“Mabawasan kamo ang stress si madam Tanya,” biro ko.

“Isa din yan,” segunda  niya sa akin at sinabayan ng tawa. Natatawa na rin ako sa sinabi niya.  “Basta friend, wag mo akong kalimutan kung matagumpay ka na, huh? Babatukan talaga kita kapag mangdedma ka.”

“Oo naman, ikaw ang  pinakauna kong babalikan kapag mangyari yon.”

“Sure yan, ah?” tanong pa niya sa akin.

“Oo nga, kapag hindi kita mababalikan, ibig sabihin hindi ako naging matagumpay,” biro ko sa kanya.

Naputol ang usapan namin nang may dumating na bagong customer. Saktong dumating din ang takeout kong bucket meals. Nagpaalam na akong umalis kay Jess na tango lang ang isinagot niya dahil may mga nakapila na  ulit na mga customers. Dumiretso na ako ng uwi. Plano kung mag-absent  na lang muna sa trabaho upang makakasama ko ang mga kapatid ko sa pag-celebrate dahil may kumpanya na ako na papasukan para sa OJT ko. Pagdating sa bahay, saktong nandoon na ang lahat ng kapatid ko, takang-taka sila kung bakit may pa-bucket meals ako.

“Anong meron te, at may pa-bucket meal ka?” tanong ni Karillo.

“Hulaan nyo kung anong meron,” sabi ko sa kanila.

“Nanalo ka ng lotto, te?” tanong ni Kyla.

“May jowa kana, ate?” si Karillo ulit ang nagtanong. Natawa na lang ko sa sinabi  niya.

“Sira. Wala akong jowa. Mas lalong di ako nanalo ng lotto,” sabi ko sa kanila.

“Eh, ano pala te?” tanong ni Karylle.

“Natanggap ako sa McKinney bilang isa sa mga intern na mag-ojt sa kumpanya nila,” sabai ko sa kanila.

“Ahhhh!” sabay na sigaw nila Kyla at Karylle habang nakangiti naman si Karillo. Nagtalon talon pa silang tatlo buhat ng marinig ang balita mula sa akin.

“Congrats, ate, deserved mo yan,” sabi ni Karylle sa akin.

“Salamat sa inyo,” masayang wika ko sa kanila. “At dahil dyan, mag-celebrate tayo.”

“Yehey!” sabay na sigaw nilang tatlo.

Masayang pinagsaluhan namin ang dala kong bucket meal. Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi niya ako pinapabayaan sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan ko namin ng mga kapatid ko ay lagi siyang nandyan upang gabayan kami. Hindi Niya kami hinahayaan na magutom kami. Hindi Niya tinatanggihan ang mga hiling ko sa kanya. Ang lahat ng ito ay dahil sa Kanya at paulit ulit ko siyang pasasalamatan sa lahat ng biyaya na natanggap ko mula sa Kanya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
jennylyn legaspi
swerte mo talaga kim dahil mabait kang ate at kapatid..
goodnovel comment avatar
Clara Bongulto
masipag at matyaga c kim
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Epilogue

    Jonathan McKinney"Dahan-dahan sa paglalakad," sabi ko sa asawa kong si Kimberly Ann. “Saan ba kasi ang punta natin at kailangan pang piringan ako?” reklamo niya ngunit tinawanan ko lang at hindi nakikinig sa pakiusap niya na hayaan siyang maglakad mag-isa.Nakapiring ang mga mata nito. Kaya hindi niya kita ang dinadaanan namin ngayon. Kaya tudo alalay ako baka biglang madapa ito. Simula pa lang sa kumpanya ay nakapiring na siya. Hindi na alam kong saan ang punta namin. Sumakay kami ng helicopter na pag-aari ng kaibigan kung si Lucifer. Hanggang sa lumapag ang sinasakyan namin malapit sa lugar kung saan ko siya dadalhin.Two months after our wedding masasabi kung super blessed ako na siya ang naging asawa ko. Super maalaga, hands on sa aming mag-ama. Kahit busy siya sa trabaho ay bumabawi siya pagdating ng bahay. Kaya ngayon ay gusto kong i-surprise siya. I want her to be the first one who sees this place. I know this place is one of the most memorable places for her. So, I brought h

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 65- LAST CHAPTER

    Kimberly Ann MartinezLumipas ang mga buwan at masasabi kong marami ang nabago sa aming magkapatid. Tuloy ang pagiging CEO ko sa kumpanya namin. Samantalang ang mga kapatid ko ay ipinagpatuloy ang pag-aaral nila sa isang pribadong University. Si Karylle ay isa ng abogado matapos isang makapasa sa bar exam last month. Masaya ako para sa kanila dahil unti-unting nagbago ang buhay namin. Mas naging malapit sila sa tatay at lolo namin. For the first time ay wala akong mga kapatid na kasama ngayon sa bahay kung saan ako nakatira kasama si Jonathan. Mas pinili nilang manirahan kasama ang tatay namin. Gusto ko ding kasama sila ngunit ayaw naman akong payagan ni Jonathan. Naiintindihan ko naman dahil may anak kami. And Maybe, this is the time na sarili ko naman ang iisipin ko kasama ang mag-ama ko. Ito din ang gustong mangyari ng mga kapatid ko, ang isipin ang sarili ko.As for Mildred and Mara. Napag-alaman kong lumipad silang mag-ina patungong London. Doon na daw sila maninirahan for good

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 64

    Kimberly Ann MartinezHinihipan ko ang mainit na arroz caldo. masyado pa kasing mainit kaya kailangan kong hipan para hindi para hindi mapaso si Don Rolando kapag sinubuan ko. Nasa ospital ako ngayon binisita si Don Rolando dahil wala man lang nagbabantay sa kanya dito. Nagdala ako ng pwedeng makakain niya kasi sabi ng doctor mga soft food lang daw muna ang pwedeng kainin nito since kagagaling sa pagka-mild stroke. I realize, life it too short. Kaya hindi pwedeng mas pairalin ang galit sa dibdib baka pagsisihan mo sa huli. Kaya ito ako ngayon, kusang nagpapababa ng loob. Hindi ko na iniisip kung galit pa rin sila sa akin basta, ginawa ko na ang alam kung tama sa paningin ko. “Ah,” sabi ko kay Don Rolando at iniumag ang kutsara sa baba niya. Naka-sandal siya ngayon sa headboard ng ospital bed niya. Parang batang masunurin naman ito at ibinuka ang bibig. Nakangiting sinubo ko sa kanya ang arroz caldo. Ang buong akala ko ay tatanggi pa siya, kaya nagulat na lang ako tinanggap niya ang

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 63

    Kimerly Ann MartinezNagtataka ako kung bakit may isang sasakyan ang naka-park sa garahe ng nakarating kami mula sa opisina. Napalingon ako kay Jonathan baka sa kanya lang ito at hindi niya sinasabbi sa akin. “May bago kang sasakyan?” tanong ko sa kanya.“No. Hindi ko alam kung kanino to,” sagot niya sa akin.Nagkibit balikat na lang ako at bumaba na sa sasakyan. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong naglalakad papasok ng bahay dahil hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba. Wala naman ito kanina habang papauwi kami. Ngayon lang nang makita ko ang sasakyan na hindi familiar sa akin. Rinig ko kaagad ang ingay ni Kj habang papasok. Tela, masaya itong nag-kwento sa mga bagay-bagay at tela may kausap ito. Kaya naman na curious ako kung sino ang kausap nito. Ramdam ko ang pagsunod ni Jonathan sa akin hanggang sa makarating kami sa sala. Kita ko ang mga kapatid ko na nakatingin lang sa gitna ng sala na tela hindi rin makapaniwala sa kung sino ang bisita

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 62

    Kimberly Ann MartinezTumayo ako at nagpahila na lang sa kanya palabas ng conference room. Dinala niya ako sa top floor ng gusali na ito. Manghang-mangha ako sa pagdating doon. Katulad ng opisina ni Jonathan sa McKinney Corporation, mapakalawak din ang buong silid. Wala akong masabi sa interior design dahil sobrang ganda ng pagkaka-design at sobrang kumportable ng paligid. Hindi masakit sa mata ang mga design. Napangiti na lang ako dahil talagang nag-effort si Jonathan para dito."Is this my office?" tanong ko sa kanya kahit na obvious na obvious na sa akin talaga dahil sa labas ng pinto may nakasulat na office of the CEO. "Yes." sagot niya. "Pero sure ka talaga gawin mo akong CEO dito?" hindi pa rin ako makapaniwala na may sarili akong position dito."Yes, because you deserved it," sagot naman niya. "You like it?""Yes. Thank you," sabi ko."You're welcome, babe," sagot niya at yumakap sa likod ko. Ang hilig nitong mangyakap mula sa likod. Nakarinig kami ng katok mula sa labas

  • Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO   Chapter 61

    Kimberly Ann MartinezKinakabahan na naglalakad ako kasama si Jonathan sa hallway ng Martinez Corporation. Ayaw ko sanang sumama dahil sigurado akong nandoon ang lahat ng kapamilya ng tatay ko. Ayaw kung mag-cause ng komusyon dito sa kumpanya nila. Isa pa, ayaw kung mahusgahan. But Jonathan insisted that I should be there. Kailangan daw niya ng taga-take down notes since absent si Joville. Ngunit ang pinagtataka ko ay kung bakit kailangang pormal na pormal ang mga suot namin. Kung simpleng meeting lang ito ay pwede naman casual lang.“Come on, babe. Smile,” pampalakas ni Jonathan s akin habang pinipisil ang ilong ko. Nakabusangot kasi ako dahil kinakabahan ako.“Bakit naman kasi ako ang isinama mo dito. Pwede namang isa kina Gerald at Paolo na lang,” reklamo ko sa kanya. “Nakakasawa na kasing makita ang pagmumukha nilang dalawa,” pabirong wika ni Jonathan sa akin. Irap lang ang sinagot ko sa kanya. Agad pomormal ang mukha ni Jonathan ng makarating kami sa tapat ng pinto. Ako naman a

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status