Share

SAMARA 10

Maagang nagising si Stanley,nilingon niya ang asawa na natutulog pa sa kama. Napagkasunduan nilang dito sa apartment ni Sianna sila matulog kagabi. Naupo siya sa kama,hinaplos ang ulo ng asawa at hindi mawala ang ngiti sa labi.Hindi siya makapaniwala na asawa na niya ito ngayon.

Walang ibang dumalo sa kasal nila kun ‘di ang mga kaibigan lang. Ang sabi ni Sianna ay nasa ibang bansa daw ang pamilya nito at nag iisa lang dito sa bansa. Nang tanungin niya naman kung alam ng mga ito ang tungkol sa kanila,ang sabi nito ay ayos lang naman sa mga ito. Pero gusto niya sana na makausap ang mga magulang nito,pero walang nababanggit si Sianna sa kanya.

Napaisip siya saglit,maging siya pala ay hindi sinasabi kay Sianna ang tunay na pagkatao at ang tungkol sa pamilya niya. Pero nangako siyang sasabihin niya din,pero hindi pa ngayon. Kailangan niya pa ng lakas ng loob,hindi niya kakayanin na mawala ang asawa.

Hinalikan niya sa ulo ang asawa bago nagpasyang tumayo at dumeretso sa kusina. Nagluto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status