Share

SAMARA 5

Nabulabog ang tulog ni Sianna sa isang katok mula sa kanyang pinto. Napabalikwas siya ng bangon,naipikit ang isang mata dahil sa silaw ng sikat ng araw mula sa binta sa terasa. Marahas siyang napabuntong hinga at bumangon. Mabibigat ang lakad na tinungo niya ang pinto. Hindi na siya nag abala na tingnan sa pep hole kung sino ang nasa labas at basta niya na lang ‘yon binuksan sa pagkainis .

“ What—”

Naputol ang pagtatanong niya dito ng akmang kakatok ulit si Stanley,naiwan sa ere ang kamao nitong ikakatok sana sa pinto. Mabilis na naibaba ni Stanley ang kamay at itinago sa likod. Nakangiti itong bumungad sa kanya,nakita pa niya itong napalunok nang makita siya.

“Magandang umaga binibini.”

Napangiwi siyang natakpan ang mukha ng marealize ang ayos niya sa harap nito.Sabog ang buhok niya,at baka may muta pa sa mukha niya. Mabilis siyang tumalikod dito at mabilis na hinaplos ang mata. Inayos ang mukha bago humarap ulit kay Stanley na nagtataka pa ng humarap na siya dito.

“Magandang umga din,may kailangan ka?”

Napakunot ang noo ni Stanley sa kanya,napakurap siya . Nanlalaki ang mata ng may maalala.

“ Shit I’m gonna be late!”

Mabilis niyang tinalikuran si Stanley,narinig niya pa itong natawa .

“ Hinatayin kita sa baba!”

“ Sige,I’ll be quick!”

Balik sigaw niya at dumeretso na sa banyo.Mabilis ang naging kilos niya,hindi na niya inayos ang hinigaan sa pagmamadali.

“ Why do I have to wake up late!?”

Frustrated niyang tanong sa sarili habang nagsusuklay. Mabuti nalang at naihanda na niya ang bag niya kagabi pa kaya kinuha na niya lang ‘yon at deretso ng lumabas.

Lakad takbo ang ginawa niya pababa,naabutan niya doon si Stanley na may kausap. Nang makita siya ay mabilis naman itong nagpaalam at umalis.

“ Tara?”

Yaya nito sa kanya ng makalapit siya sa harap nito,tumango siya dito. Napaatras pa siya ng kunin ni Stanley ang dala niyang bag.

“ O-okay lang naman,kaya ko.”

Umiling ito ,kinuha ang bag niya at nauna ng maglakad. Mabilis siyang naglakad at humabol dito.Nakangiti si Stanley na nilingon siya, napangiwi naman siya. Naalala niya kasi kung bakit late na siyang nagising,at ngayon nga ay tinatanong siya ni Stanley kung bakit siya tinanghali ng gising.

“ Ah,napasarap kasi ang tulog ko.”

Sagot niya dito,pinakatitigan siya nito. Napaiwas siya ng tingin dito at itinuon ang tingin sa daan. Napahinto siya ng magsalita ulit si Stanley,nakarating na din sila sa sakayan.

“ Hindi mo dapat ‘yan ginagawa”

“ Ha?”

Nagtatakang tanong niya,sinundan niya ang tingin nito sa kanya. Sa kanyang labi,hindi niya namalayan na kinagat-kagat niya na pala ‘yon.Mabilis niyang tinikom ang labi,bumaling ang tingin ni Stanley sa mata niya.Ngumiti lang ito,at ang ngiting ‘yon ay naging ngisi.

“ Nagtataka lang ako,simula kasi ng dumating ka. Ngayon ka lang ‘ata tinanghali ng gising,bago ako umalis papuntang trabaho naririnig na kitang gising eh. O siguro excited ka lang sa trabaho mo.”

Napatango nalang siya at hindi na sumagot,itataas na niya sana ang kamay para pumara ng taxi pero nabitin ang kamay niya sa ere ng magsalita ito.

“ O baka naman,napanaginipan mo talaga ako kagabi?”

Nanlaki ang matang binalingan niya ito,nakangisi si Stanley .Nag init ang pisngi niya kaya mabilis niyang iniwas ang tingin. Napahinga siya ng malalim ng saktong may humintong taxi sa harapan nila at may bumaba. Mabilis niyang kinuha ang bag kay Stanley .

“ Hindi ‘no,excited lang talaga ako sa bagong trabaho.”

Kaila niya na ikinatawa lang ni Stanley, tinalikuran na niya ito at sumakay . Malalim siyang nagbuntong hinga ng makaupo sa loob. Napahawak pa siya sa dibdib ,nang lingunin niya si Stanley sa labas bago umandar ang taxi. Nakangisi pa rin itong kumaway.Tinapik tapik niya ang magkabilang pisngi,at umiling ng maraming beses.

Guilty siya,totoo naman kasi ang sinabi nito. Hindi siya mapakali matapos ang naging tagpo sa labas ng kanyang terasa. Imbes na nandoon siya para magpa-antok,uminom ng tsaa niya bago matulog.Hindi nangyari dahil sa ginawa ni Stanley,at hindi niya man aminin.Kinilig siya,she now knows what it feels to have a butterfly in the stomach. Hindi niya lang pinahalata kagabi,pero deep inside her is in chaos because of what Stanley did.And she search what it called, Harana. And she can’t believe ,she just experienced it.

And that kiss,napahawak siya sa labi niya. It’s the second time they kiss,and she likes it.Very much,that she close her eyes.

Naitakip niya sa mukha ang dalawang palad at palihim na tumili.Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili.

Nang makarating sa company mabilis siyang bumaba matapos magbayad. Pumasok siya at hinanap si Jemma. Nakangiti naman itong bumumgad sa kanya ng magkasalubong sila sa elevator. Dinala siya ni Jemma sa magiging office niya. Sa labas mismo ng president office ,mayr’on doon mesang naghihintay sa kanya.

Ibinigay na din sa kanya ang ID niya,itinuro kung ano’ng dapat niyang gawin. Mabuti nalang mabilis siyang matuto at magaling din na magturo si Jemma.

Jemma is patient with with her ,while she is showing her what to do.

Matapos ang itinuro ni Jemma sa kanya na gagawin niya, kumilos kaagad siya.

“ Nakakatuwa ka namang turuan ,ang bilis mong matuto. Pero kapag may hindi ka naintindihan at kung may tanong ka. Magsabi ka lang,doon lang naman ang desk ko.”

Itinuro pa nito ang may ‘di kalayuan na desk,tambak ang mga papel sa mesa nito.Tumango siya dito at nagpasalamat.

Naging busy siya sa ginagawa ng may kamay na kumatok sa mesa niya,napaangat ang tingin niya dito. Ang nakangiting mukha ng boss niya ang bumungad sa kanya. Bigla siyang napatayo,na ikinatawa lang nito.

“ Relax ,I’m not going to eat you.”

Naiiling nitong sabi,napaayos lang siya ng tayo.

“ Do you need anything sir?”

Doon niya nakita ang hawak nitong folder,iniabot nito ‘yon sa kanya.

“ Here,give this to HR head manager. After that you can have your lunch,I’ll be eating outside.”

Sabi nitong tiningnan pa ang suot na relo bago tumalikod.Dahil hindi niya pa kabisado ang pasikot sikot sa company ,nagpasama siya kay Jemma kung nasaan ang HR manager.Pagkatapos maihatid ang iniutos sa kanya,sabay na silang nananghalian ni Jemma sa canteen. Sakto naman na nagutom siya,lalo na at hindi siya nakapag almusal kanina.

After their lunch break,they go back to work .Schedules after schedules,reading reports bago ibigay sa preisdente at mapirmahan. She quickly pick up the work,and she nailed it. It’s her first day,she’s glad that she did not jinx it.

Mabuti nalang kahit late siyang nakarating,late din na dumating ang boss nila . Kaya hindi nito nalaman na late siyang dumating,sinabihan na lang siya ni Jemma na ‘wag ng uulitin.Ayaw daw ng boss nila na nauuna pa ito kaysa sa secretary niya. And she take note of that. Baka mas nakakatakot pa ito sa ama niya kung magalit .

Napabuntong hinga siya ng maalala ang ama,na miss niya ito. Inaalala kung ano ang naging reaksyon nito sa pagkawala niya bigla.Hindi pa siya nakikibalita kay Maria kaya hindi niya alam. Siguro ay tatawagan niya nalang mamaya si Maria pagkauwi niya. With that thought in mind ,she continue working.

Matapos makapag paalam kay Jemma at sa boss niya na nauna ng umuwi ,lumabas na siya ng gusali. Nakangiti niyang binati ang guard ng pagbuksan siya nito ng pinto at nagpasalamat.

Naglalakad na siya ng may mapansin,nakatalikod ito sa kanya pero pamilyar sa kanya ang bulto ng lalaki. Malapad ang likod nito na parang kay sarap yakapin. Napailing siya sa naisip,baka nagkakamali lang siya. Nilagpasan niya ito at deretsong naglakad ng may tumawag sa pangalan niya.

“ Sianna!”

Mabilis niyang nilingon ang pamilyar na boses ng isang lalaki at hindi nga siya nagkamali.

“ Stanley?”

Hindi niya mapigilan ang mapangiti dito.

“ Hi!”

Nakangiti itong lumapit sa kanya at inabot ang hawak nitong ilang tangkay ng rosas.

Nakangiti niya itong tinanggap,at tiningnan ang hawak na bulaklak. Red roses.

“ Salamat,is this part of your panliligaw?”

Nakangti niyang tanong dito,mabilis naman na tumango si Stanley at kinuha ang dala niyang bag .Nagpaubaya na lang siya at ibinigay dito ang bag niya. Naglakad silang magkapanabay,ng may maalala ay tinanong niya ito.

“Ano nga pala ang ginagawa mo dito,at pa’no mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?”

Nakita niyang napahinto at natigilan si Stanley sa tanong niya. Kaya napahinto na din siya at hinintay ang sagot nito.

“ Ah,sinabi mo sa ‘kin ‘di ba?Tama,nasabi mo sa ‘kin kagabi.”

Napakunot ang noo niya dito,wala siyang maalalang nasabi niya kung saan siya nagtatrabaho.

“ I did?”

Hindi makapaniwalang tanong niya dito,tumango naman si Stanley at naglakad na. Ikiniling niya ang ulong sumunod na lang dito. Napabuntong hinga siya,baka nga nabanggit niya at hindi niya lang maalala . She bite her lips,still thinking when she feel someonge grab her arm and hug her. Napamulagat siya sa nangyari,inilayo siya sa yakap ni Stanley at tinanong.

“ A-ayos ka lang?Hoy tumingin ka nga sa dinadaanan mo,at side walk ‘to hindi bike lane!”

Napatingin siya sa sinigawan nito,napakamot sa ulo ang lalaking nakasakay sa bike at humingi ng pasensya. Muntik na pala siyang masagasaan ng bike kung hindi siya nahila ni Stanley.

“ Thanks.”

Wala sa sariling sabi niya,napalayo siya dito at napaatras. Bigla kasing kumabog ang puso niya,kapag hindi siya lumayo baka marinig na nito sa sobrang lakas ng kabog.

“ Ayos lang ako,salamat.”

Nauna na siyang maglakad,sumunod na lang din si Stanley sa kanya.Napansin niyang patingin tingin ito sa kanya habang naglalakad sila kay hinarap niya ito.

Napakurap si Stanley sa ginawa niyang pagharap dito.

“ May sasabihin ka?”

“ Ah,uhm.. wala. Pasensya na kung nayakap kita,nag alala lang kasi ako. Huwag ka ng magalit.”

Napakurap siya sa sinabi nito,’yon ba ang akala nito sa pananahimik niya?

“ Wala ‘yon,saka mabuti nga at niyakap mo ako . Hindi ako nasagasaan,at pasensya na kung naging tahimik ako. I-ahm,umuwi na lang tayo.”

Hindi na niya naituloy ang sasabihin,matiim kasi itong nakatingin sa kanya at sa labi niya.

Bago umuwi,kumain muna sila sa nadaanang kainan . At si Stanley ang nagbayad,nagpa take out pa ng aalmusalin niya bukas at baka late na naman siyang magising at hindi siya makakain ng almusal.Katulad ng nangyari kanina.Napangiti siya dito at nagpasalamat.

Nasa tapat na sila ng bahay at nagpapaalam na. Inabot sa kanya ni Stanley ang bag niya.

“ Good night,ihahatid ulit kita bukas ha?”

Nakangiti siyang tumango.

“ Promise ,aagahan ko ng gumising.”

Natawa si Stanley sa sinabi niya. Lumapit ito sa kanya kaya napapikit siya,ang akala niyang halik sa labi ay sa noo niya naramdaman. Napamulat siya bigla ,nakangisi si Stanley ng bungaran niya.

“ Pumasok ka na ,baka hindi lang halik sa noo ang magawa ko.”

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito kaya mabilis niyang binuksan ang pinto at pumasok. Narinig niyang natawa si Stanley kaya sumilip ang ulo niya sa pinto. Sinamaan niya ito ng tingin,napaatras ang ulo niya ng yumuko si Stanley at inabot ang labi niya ng labi nito. Pagkatapos ay nakangiting nagpaalam at pumasok sa sariling apartment nito.

Napakurap siya at wala sa sariling isinara ang pinto habang hawak ang sariling labi.

“ Gosh,why can’t I get used to it?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status