Share

SAMARA 4

Matapos masabi sa kanya ni Jemma ang gagawin at sa pagpirma ng contract ,umuwi na siya. Nagtaxi na lang din siya pauwi.Nagtataka pa siya ng makita ang kontrata na binigay sa kanya,wala kasing nakalagay kung ilang taon o buwan manlang. Na magtatrabaho siya doon bahala na daw siya,kaya ang nilagay na lang niya ay isang taon. Hindi niya din naman alam kung hanggang kailan siya mananatili sa pilipinas.

Wala din sinabi si Jemma ng tanungin niya,bukod doon wala na namang problema.At magsisimula na siya bukas,kaya nagpasya siyang mag grocery. Bumaba siya mismo sa tapat ng grocery,nang makapasok hinanap niya agad ang mga kakailanganin niya. Baka matagalan ulit bago siya makapag grocery,kaya dinamihan na niya.

Puno ang magkabila niyang kamay sa apat na plastic na bitbit,nasa balikat pa niya ang bag niya. Naglakad na siya pauwi sa bahay ng mapadaan siya sa isang constraction site. Napahinto siya ng biglang may tumawag sa kanya. Nilingap niya ang paligid,napakunot ang noo ng walang makita.

Nagpatuloy ulit siyang maglakad ng may tumawag na naman sa kanya.

“ Sianna!“

Inis niyang nilingon ang taong tumatakbo palapit sa kanya,nawala lang ang inis niya ng makita niya na si Stanley pala ito.

Nakasuot ng helmet proteksyon sa ulo,basa ng pawis ang dibdib sa suot na gray t-shirt. Naka jeans,naka botas na blue at hiningal na lumapit sa kanya. Napabuntong hinga siya,kahit madumi ang ayos nito,napakaganda pa rin nitong tingnan. Parang sinadya lang na madumihan ang braso nito na may bakas din ng pawis.Ang leeg nitong tumulo pa ang pawis pababa sa dibdib. Napalunok siya ng tuluyan itong makalapit. Iniwas niya angtingin dito ,kinagat kagat niya ang labi.

“ Pauwi ka na ba?”

Hinihingal pa na tanong nito,nabaling ang tingin niya dito at tumango.

“ Tulungan na kita,pauwi na din ako.”

Napatingin siya dito,kinuha ni Stanley ang mga dala niyang plastic. Hindi na siya nakaangal pa ng mauna na itong maglakad sa kanya. Ipiniig niya ang ulo at sumunod na lang dito. Nang pumantay ang lakad nila,nakangiti itong nilingon siya. Napatikhim siya bigla,napakurap at idineretso ang tingin sa daan.

“ Ahm,tungkol nga pala kagabi,I’m sorry.”

Napahinto si Stanley sa sinabi niya,hinarap siya nito na nakakunot ang noo.

Nakagat niya na naman ang labi ,napalunok at nagsalita ulit .

“ Ah,’yong ano… ‘yong tanong mo kagabi. Hindi ko naman alam na ‘ligaw na sinasabi mo ay panliligaw. Akala ko ‘ligaw’ as in lost,ganoon.”

Natawa si Stanley at nailing,napasimangot siya.Tumikhim si Stanley at pinigilan ang matawa na naman.

“ Wala ‘yon,siguro ay nabigla lang kita kaya ‘yon ang nasagot mo.”

Nangingiti nitong sabi,nauna na ulit itong naglakad. Humabol siya ulit dito,humigpit ang yakap niya sa bag.Papasok na din sila sa mismong eskinita papasok sa apartment nila.

“ Ahm,ang sagot ko sa tanong mo kagabi…”

“ Hmm?”

Nilingon siya ni Stanley ng hindi humihinto sa paglalakad.

“ Y-yes. Ang ibig kong sabihin ,pwede kang manligaw sa ‘kin.Gusto ko rin maranasan kung pa’no maligawan,at gusto din naman kita.”

Nakangiti niyang sabi dito.Nakita niyang napahinto si Stanley,dahan dahan siya nitong hinarap.

“ Sigurado ka,baka napipilitan ka lang. At pa’no mo nalaman na gusto kita ,kaya kita liligawan?”

“ I,ahm ..tinanong ko si Mr. G****e kung bakit nanliligaw ang isang tao.”

Napamaang si Stanley sa sagot niya.

“ Nag search ka?”

“ Oo,nakakainis ka kasi tumawa ka sa sagot ko kagabi kaya kung ano anu na ang lumabas sa sinearch ko.”

Nakanguso niyang sagot dito,natawa naman si Stanley.

“ Sino ba ‘ng may sabi na gusto kita?”

Nanlaki ang mata niya dito,seryuso ang mukha ni Stanley. Bigla siyang kinabahan,baka nag assume lang siya at mali ang akala niya. Biglang ngumisi si Stanley na kinainis niya.

“ Stanley!”

Naiinis niyang tawag dito,mabilis na tumakbo si Stanley paakyat sa apartment nila. Mukhang iniinis lang siya nito,tumatawa itong mabilis ang takbo para hindi niya maabutan.

Nagdadabog na nilapitan niya ito,mabuti na lang at sila lang talaga ang nasa floor na ‘yon.Kaya walang nakakita sa ginawa nilang habulan,walang ding tao ngayon at nasa trabaho ang iba. Kung mayr’on man ,mangilan-ilan lang.

Hinampas niya ang braso nito ng makalapit dito.

“ Nakakainis ka!”

Natawa lang si Stanley sa ginawa niya.Tinalikuran niya ito,kinuha ang susi sa bag niya at binuksan na ang pinto. Sumunod naman agad si Stanley na pumasok ng makapasok siya. Isinara niya ang pinto at itinuro kay Stanley kung saan pwede ilagay ang mga grocery niya.

Hinubad niya ang suot na coat at ibinaba ang dala na bag. Nasa counter at sisimulan na sana na ayusin ang pinamili ng maramdaman ang yakap mula sa likod niya. Nahigit niya ang hininga,nanigas siya sa kinatatayuan. Nanindig ang balahibo niya ng magsalita ito sa batok niya .

“ Salamat sa pagpayag na ligawan kita,pangako gagawin ko ang lahat para hindi ka magsisi na pumayag .”

Hindi siya nakapagsalita,maski ang huminga ay nakalimutan niya na. Pinihit siya paharap ni Stanley,ang kamay nito ay nasa beywang niya.

“ Ayos ka lang?”

Hinaplos nito ang pisngi niya,napapitlag siya ng dumapo ang kamay nito sa balat niya.

“ A-ayos lang a-ako.”

“ Sigurado ka,bakit nauutal ka? May masakit ba sa’yo?”

Mabilis siyang umiling,naisandal niya ang noo sa dibdib nito. Ilang beses siyang humugot ng hininga,ang kamay naman ni Stanley ay hinahaplos ang ulo niya.

“ Parang alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan.”

Nakakunot ang noo na umangat ang tingin niya dito,nakangisi si Stanley.

“ Alam mo ang alin?”

“Ikaw,nagba-blush.Kinikilig ka ‘no?”

Nahampas niya ito sa dibdib.

“ Aray! Hindi ko alam na mapanakit ka pala,ang bigat pa ng kamay mo.”

“ Hoy sumusobra ka na!”

Pinaghahampas niya ito,umiilag naman si Stanley at tumatawa. Inis niyang susuntukin sana ito,nang hawakan ni Stanley ang magkabila niyang kamay. Hinihingal na napatingin siya dito,nawala na din ang mapaglarong ngiti ni Stanley.Pumungay ang mata nito, bumaba ang tingin ni Stanley sa labi niya.

Nakagat niya ang labi,manerism na niya ‘yon . Papalag sana siya ulit ng yumuko si Stanley at sinakop ng labi nito ang labi niya. Nanlaki ang mata niya,gumalaw ang labi ni Stanley sa labi niya pero hindi siya gumalaw. Dilat ang matang tiningnan niya ang mukha nito, nakapikit si Stanley.

Nang matuhan kung ano’ng ginawa nito sa kanya, binuka niya ang bibig at kinagat ang labi nito.

“ Aray!”

Lumayo itong hawak ang labi,nag aalala naman siyang lumapit dito. Mukhang napadiin ang kagat niya dito.

“ A-ayos ka lang,I’m sorry hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi,bigla ka na lang nanghahalik. First kiss ko pa naman ‘yon!”

Napatitig si Stanley sa kanya, lumapit siya dito at hinipan ang dumugong labi nito.

Nakita niyang napalunok si Stanley,umangat ang tingin niya dito. Doon niya lang napagtanto na kaunti nalang ay mahahalikan na niya ito sa sobrang lapit ng labi niya dahil sa hinihipan niya ang labi nito. Bigla siyang napalayo dito,pero mabilis na pumalibot ang kamay nit Stanley sa beywang niya. Naiharang niya ang dalawang kamay sa dibdib nito,lumapit ng bahagya ang mukha ni Stanley sa kanya.

“ Totoo na ako ang first kiss mo?”

Bigla siyang nahilo sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa.

“ Y-yeah?”

Napangisi si Stanley sa sagot niya,bumaba ang tingin niya sa labi nito na may sugat dahil sa kagat niya.Dahan dahan niyang itinaas ang kanang kamay at hinaplos ang labi nito. Napalunok siya,tiningala niya si Stanley na matiim na nakatingin sa kanya.

Ilalapit niya sana ang labi sa labi nito ng bigla ay inayos na nito ang tayo nilang dalawa. Binitawan na din siya nito,napaiwas siya ng tingin dito.Tumikhim si Stanley,nabaling ang tingin niya dito. Hindi din ito makatingin sa kanya ng maayos,napangiti siya.

Mukhang hindi lang pala siya ang naapektuhan,nakita niya kung paano nito tingnan ang labi niya kanina na parang gusto pa siyang halikan. Mukhang nagpipigil ito,nasa ligawan stage pa lang sila. Kaya mas mainam nga ‘yon ,kailangan niya din pigilan ang sarili. Baka masagot niya ito ng wala sa oras.

“ Alis na ako,babalik na lang ulit ako mamaya. Aakyat ako ng ligaw.”

Nakangisi na ito ngayon,bumalik na ang mapaglarong ngiti nito. Natawa na din siya,inihatid niya ito sa pinto. Kinindatan pa siya nito at kumaway bago pumasok sa sariling apartment.Nangingiting hinarap ni Sianna ang mga grocery at inayos ‘yon.

Stanley can’t help himself from grinning,napahawak siya labi at napa aray ng mahawakan niya ang sugat mula sa kagat ni Sianna sa labi niya.’It’s all worth it’ he thought.

Nalaman niya lang naman na siya ang first kiss nito,at pumayag na rin ito na ligawan niya. Ngayon determinado na siyang hindi ito iwasan.At gagawin niya ang lahat para makamit ang matamis nitong ‘oo’

Binalikan niya muna ang trabahong naiwan ,ang totoo hindi pa tapos ang trabaho niya kanina. Namataan niya kasi si Sianna na ang daming dala,hindi na siya nag atubiling iwan ang trabaho at takbuhin ang pagitan nila ng dalaga. Makita lang ito,lahat ay nakakalimutan na niya.

Nang makabalik siya sa trabaho,napagalitan pa siya. Kaya sa huli,pinag over time siya ng ilang oras na nawala siya. Nang matapos ang trabaho nagmamadali siyang umuwi,sinilip niya muna ang kapit bahay. Naririnig niya itong nagpapatugtog,napangiti siyang pumasok sa apartment niya.

Dumereto na siya sa banyo at naligo. Matapos makapag ayos,sakto naman na wala na din ang tugtog sa kabilang bahay.Nagluto lang siya ng noodles at ‘yon ang kinain na hapunan.Pagkatapos ay kinuha ang gitara sa ilalim ng kama niya,itinuno niya ‘yon bago tinungo ang terasa.

Alam niyang sa oras na ito ,lalabas na si Sianna at tatambay ito sa terasa .May hawak na libro,at umiinom ng tsaa. Sinilip niya muna ito at nang makita na nag aayos din ito ng pwesto napangiti siya.

Sinimulan niyang magpatugtog,nabaling naman kaagad ang tingin nito sa kanya. Nakasuot na ito ng pantulog na pajama at t-shirt. Nakangiti itong nakatingin sa kanya,sa hawak na gitara na pinapatugtog niya.

Ginantihan niya ito ng ngiti at naglakad palapit dito,hanggang sa dulo ng railing na naghihiwalay sa apartment nila.Naglakad na din palapit sa kanya si Sianna ,inilagay pa nito ang dalawang braso sa railing habang nakikinig sa tugtog niya.Matapos ay tiningnan niya ito,hindi naalis ang mga ngiti sa labi ni Sianna.

Naakit na naman siyang halikan ito,kaya yumukod siya at inabot ang pisngi nito. Sabay lapat sa kanilang mga labi,hindi tumutol si Sianna. Dumilat siya para tingnan ito,at nakita niyang nakapikit din dito.

Napangiti siya at itinuloy ang paghalik dito,gumalaaw ang labi niya na sinundan din ni Sianna.Hindi niya mapigilang makagat ang labi nito sa panggigil.Napahiwalay si Sianna at naputol ang halik nila. Nawala ang pagkabitin niya ng makita niyang masama ang tingin nito.

“ Gumaganti ka ba?”

Nakangusong tanong nito,ibinaba niya ang gitara at ekspertong tinalon ang pagitan ng teresa nila. Napamaang lang na nakatingin si Sianna sa kanya,nilapitan niya at at hinaplos ang labi na nakagat niya.

“ Sorry,hindi ko sinasadya. Nakakagigil kasi ang labi mo eh.”

Natatawang hinaplos niya ito,pinatakan niya ulit ito ng halik.

“ Is that a good thing?”

Hindi niya mapigilang hindi mamangha sa inosenteng tanong nito.Tumango siya at hinila ito palapit sa kanya para sa isang yakap.

Napangiti siya ng gumanti din ng yakap si Sianna.

“ Matulog na tayo,mahamog na rin dito sa labas.”

Tumango si Sianna sa sinabi niya,kagat nito ang labi.

“ Oo,kailangan ko na rin na matulog pala. May trabaho na ako ngayon,hindi ako pwedeng ma-late. Mukhang masungit pa naman ang boss ko.”

“ Ihahatid kita bukas.”

Mungkahi niya,tumango naman ito.

“ Sige good night ,bumalik ka na sa apartment mo.”

Itinulak pa siya nito paalis,nilingon niya ito mula sa balikat niya.

“ Pwede ba na dito na lang ako matulog?”

Napahinto sa pagtulak sa kanya si Sianna,nanlalaki ang mata nitong tiningala siya.

“ Joke!”

Sabi niyang hinarap ito at mabilis na pinatakan ng halik ang labi at mabilis na tinalon ang terasa pabalik sa apartment niya. Napasigaw pa si Sianna,kinindatan niya lang ito.

“ Good night,sana mapanaginipan mo ako!”

Naiiling na pumasok ito,nakangiti din siyang pumasok sa kwarto.

“ Kasi sigurado na mapapanaginipan kita.”

Nahiga na si Stanley,and truth to his word. He dreamed of Sianna,they were together. Kissing and hugging…and making love. Napabangon siya sa huling panaginip.

“ Fuck!”

Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Mabilis siyang pumailalim sa malamig na tubig para mahimamasan.

“ Am I that fucked up,to the point that I dreamed of her under me writing in pleasure?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status