The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)

The Governor's Hidden Wife (Barcelona Bastards 2)

last updateLast Updated : 2026-10-12
By:  Georgina LeeUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
5Chapters
18views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Natalie Aurelio is living a simple life, far away from the man who once shattered her heart. But when tragedy strikes, the past she desperately tried to escape becomes the only place she can turn to. Limang taong gulang pa lamang ang anak ni Natalie nang ma-diagnose ito ng isang malubhang sakit. Desperadong mailigtas ang buhay ng kanyang anak, napilitan siyang lumapit sa ama nito—si Governor Nyle Emmanuel Barcelona, ang lalaking minsan niyang minahal at siyang huling taong nais niyang makitang muli. But Nyle isn't the prince charming she's hoping for. Behind his respectable image as a governor is a man consumed by anger and a thirst for revenge. Handa siyang sagipin ang buhay ng kanilang anak, ngunit kapalit nito ang isang bagay na kay Natalie pinakamahalaga—ang karapatang manatili sa tabi ng kanyang anak. Will Natalie risk everything to save her son, even if it means tying herself to a man determined to punish her for a sin she never committed? Or will the wounds of their past destroy whatever remains between them—even the feelings they have desperately tried to bury?

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Your son is suffering from a high risk acute lymphoblastic leukemia, Miss Aurelio..."

Umawang ang mga labi ni Natalie sa kanyang narinig mula sa doctor na kanyang kaharap. Halos hindi maiproseso ng kanyang utak ang impormasyon na inilahad ng doctor sa kanya.

Dahan-dahan siyang napalingon kay Nigel na kasalukuyan na nakahiga sa ibabaw ng hospital bed. Limang taon palang ang anak niya tapos may malaking dagok na sa buhay nito.

Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob na meron siya at sinalubong ang mga mata ng doctor. "A—ano po ang pwede kong gawin para gumaling ang anak ko, Doc?" Nanginginig ang boses niyang tanong.

Inayos ng lalaking doctor ang salamin nito bago nagsalita. "Kailangan dumaan sa seryosong gamutan ang anak mo, Miss Aurelio. And the treatment isn't just one go. Buwan-buwan siyang dadaan sa treatment hanggang sa gumaling siya mula sa kanyang sakit."

Napalunok siya para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. "Magkano naman po ang gagastusin kung sakali, Doc?" Muli niyang tanong.

"Tatapatin na kita, Miss Aurelio, your son will be needing an initial one million pesos for the treatment and as time goes by, the payment will increase depending on the patient's needs for additional treatments and chemotherapies."

Muli siyang natahimik. Isang milyon para sa paunang lunas? Saan naman siya kukuha ng ganun kalaking halaga? Isa lang siyang ordinaryong mamamayan na nagtatrabaho bilang isang cashier sa convenience store na malapit sa inuupahan niya.

"Pero wala pa po akong pera na ibabayad para sa pagpapagamot sa kanya, Doc."

Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang doctor bago ito muling nagsalita. "I can refer you to the hospital's medical social worker so you can explore available assistance. But Miss Aurelio, I will just remind you, kailangan na mapagamot agad ang anak mo dahil delikado ang sakit niya."

Sa ikawalang pagkakataon ay sinulyapan niya si Nigel na ngayon ay gising niya. Dali-dali siyang lumapit sa kanyang anak at hinawakan ang kamay nito.

"Mama..." Mahina nitong sambit.

Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago hinalikan ang kamay ni Nigel. "Nandito lang si Mama, anak. May masakit ba sa'yo? May gusto ka bang kainin?" Masuyo niyang tanong.

Parang dinudurog ang puso niya sa labis na awa na nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Masiglahing bata si Nigel subalit nang magsimula na ang sakit nito, naging matamlay na ang anak niya. Ang dating malusog at mamula-mula nitong pisngi at labi, ngayon ay naging maputla at nauwi sa payat na katawan.

Marahan na umiling si Nigel. "Wala po. Uwi na tayo, Mama."

Sunod-sunod ang naging pagtango niya. "Okay. Uuwin tayo ngayon din," aniya at agad na inasikaso ang bill nila sa ospital.

Mabuti nalang at may kaunti pa siyang savings sa kanyang bangko mula sa sweldo niya nitong mga nagdaang taon. Subalit hindi naman iyon magkakasya para sa magiging gamutan ni Nigel sa susunod na araw.

Pagdating niya sa inuupahan niyang bahay, agad siyang dumiretso sa kanyang kapitbahay at malapit na kaibigan na si Alana.

"Nat, kumusta? Anong nangyari kay Nigel? Ayos lang ba siya?" Sunod-sunod nitong tanong.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago ikinuwento sa kanyang kaibigan ang tungkol sa naging sakit ng kanyang anak.

"Ano ng gagawin mo ngayon?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Alana sa kanya.

Humugot siya ng malalim na paghinga bago nagsalita. "Maghahanap ako ng pera, Alana. Kailangan na maipagamot ko si Nigel sa mas lalong madaling panahon. At kakailanganin ko ang tulong mo, Alana. Habang maghahanap ako ng pera, pwede bang... pwede bang dito muna sandali si Nigel?"

Agad namang tumango ang kanyang kaibigan. "Walang problema, Nat. Gawin mo na kung ano ang kailangan mong gawin. Ako na muna ang bahala sa inaanak ko."

Maluha-luha siyang ngumiti bago yumakap kay Alana at nagpasalamat. Alam niyang abala din ang kaibigan niya lalo pa't may dalawa itong anak na halos kasing edad lang ni Nigel subalit bukod kay Alana, wala na siyang iba pang mahingan ng tulong dahil wala narin naman siyang pamilya.

Matapos makapagpaalam kay Nigel, umuwi siya sa inuupahan nila at hinalungkat ang kanyang drawer para maghanap ng pwede niyang maibenta. Ilang sandali pa'y nadampot niya ang isang pamilya na kwintas. May pendant iyong hugis puso at may initials na dalawang letra.

N & N...

Pikit mata niya iyong inilagay sa kanyang bag kasama na ang iba pang alahas na pwede niyang maibenta.

Pagkatapos niyang manggaling sa pawnshop, pumunta siya sa bawat kakilala niya na pwede niyang mahiraman ng pera. Nakalimutan na nga niya ang hiya, ang importante ay maipagamot niya ang kanyang anak.

Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa isa pa niyang kakilala na nagpapagihiram ng pera nang makatanggap siya ng tawag mula kay Alana.

"Natalie! Kailangan mong umuwi! Si Nigel ayaw na matigil sa pag-iyak at sobrang taas na ng lagnat!"

Mula sa kabilang linya, dinig niya ang pamilyar na iyak ng kanyang anak. "Okay. Pauwi na ako!" Aniya at agad na pinatay ang tawag.

Mabilis siyang sumakay ng traysikel at nagpahatid sa kinaroroonan ni Nigel. Pagdating niya doon, inaapoy nga ng lagnat ang bata kaya ng sinabi ni Alana. Nagkaroon narin ng ilang pantal-pantal ang balat nito sa braso at binti.

"Mama... masakit po katawan ko," humihikbi at nahihirapan nitong bigkas.

Marahas niyang pinahid ang mga luhang kumawala sa kanyang pisngi. "Wag kang mag-alala. Dadalhin ka ulit ni Mama sa ospital para mawala na ang sakit," alo niya dito at mabilis itong binuhat palabas ng bahay ni Alana.

Muli niyang ibinalik si Nigel sa ospital kung saan sinuri ito ng mga doctor. Halos hindi naman siya mapakali habang naghihintay ng resulta sa labas ng emergency room.

Maya-maya pa'y lumabas ang pamilyar na doctor na siyang nag-asikaso sa kanyang anak kanina. "Miss Aurelio, your son's condition is getting worse. Kailangan na niyang sumailalim sa treatment dahil maaaring magkaroon ng iba pang kumplikasyon ang sakit niya ngayong mahina ang immune system ng bata," seryoso nitong turan.

Muling nalaglag ang maasahan luha mula sa kanyang mga mata bago siya napatingin sa bag na kanyang dala. Seventy five thousand palang ang pera na naipon niya at ang kalakihan doon ay mula sa kwintas na ibinenta niya. Kahit saang anggulo tingnan, kulang na kulang parin iyon para sa gamutan ni Nigel. Subalit hindi naman siya pwedeng sumuko.

Mula sa unahan ng waiting area, natanaw niya sa unahan ang isang TV kung saan isang pamilyar na pigura ang lumitaw at kasalukuyan na nagbibigay ng pahayag sa harapan ng mga reporters.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa bag na kanyang dala kasabay ng pagpasok ng isang ideya sa kanyang isipan. Kailangan niyang iligtas ang anak niya at handa siyang gawin ang lahat sa abot ng kanyang makakaya.

At iisang solusyon lang ang sa ngayon ay naiisip niya. Ang ipaalam sa ama ni Nigel ang tungkol sa kalagayan nito. Kailangan niyang makausap si Nyle Emmanuel Barcelona—ang ama ng anak niya…

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

I'mUrHappyEnding
I'mUrHappyEnding
Highly Recommended!
2026-10-12 19:52:54
1
0
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status