MasukRamdam ni Summer na natuon sa kanila ni Zhione ang atensyon ng lahat. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makikita ang dalawang anak ng pinakamataas na opisyal ng kanilang lalawigan, na magkakaroon ng interaksyon sa isa’t isa. Kahit kasi nagkakasalubong sila noon ng binata sa mga okasyong kanilang pinupuntahan, they had never been this close to each other. Laging may mataas na pader na nakapagitan sa kanila.
Tumigil si Zhione sa gitna. Humarap ito sa kaniya saka siya tinitigan. Matagal. Nanunuot iyon hanggang sa kalooban-looban niya.
May pakiramdam siyang saglit na tumigil ang oras sa mga sandaling iyon at tanging sila lamang ni Zhione ang naroon. His charcoal black eyes were giving her so much pressure. She’s nervous. Parang anumang sandali ay babagsak siya sa sahig.
Dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Ang mabagal nitong mga hakbang ay tila tambol na bumabayo sa dibdib niya. Pabilis nang pabilis. Palakas nang palakas.
She can’t breathe. She’s not breathing at all while all eyes on him.
Ngumiti ito. Ngiting kaakit-akit. Ngiting nang-aanyaya.
Nang tumigil ito isang hakbang mula sa kaniya, mabagal nitong itinaas ang isang kamay pahaplos sa kaniyang pisngi. Sandali siyang napapikit sa init na dala ng palad nito. Ramdam din niyang nanginig ang kaniyang mga labi. At may palagay siyang kahit ang mga naroroon, ay nanginginig din sa nakikitang pagkakadikit nila.
“Stop shivering. Hindi naman kita kakainin ng buhay,” Zhione whispered.
Naramdaman niya ang isa pang kamay nito na hinawakan ang kamay niya. Inilagay nito iyon sa may balikat nito, habang ang sa lalaki ay sa beywang niya. Ganoon din ang ginawa nito sa kabila.
Zhione started to sway his hips according to the tempo of the music. Marahan. Naghihintay na sundan niya ito.
She exhaled deeply and long. Saka sumunod sa indayog ng katawan nito. She looked him in the eyes. Still, amusement could be seen in them.
“Why are you doing this?” sa kauna-unahang pagkakataon ay wika niya.
“What do you mean?” pagmamaang-maangan nito.
“Oh, cut the crap, will you! You know what I am talking about.” Naningkit ang kaniyang mga mata. Nais na niyang tirisin ang lalaki— kung puwede nga lang, pero alam naman niyang imposibleng mangyari iyon.
Ngumisi ito. “I don’t really know what you wanted to say, Summer. Hindi ba puwedeng gusto ko lang talaga ikaw isayaw?”
Tumaas ang isang kilay niya. “Why? What’s the reason? Because you can’t fool mo, Mr. Zhione Vergel. There is a reason behind all of your actions. Kahit iyong nangyari sa boutique,” walang prenong wika niya.
“Oh. . . Iyon ba ang tinutukoy mo? Do you want an honest answer?” Naghahamon ang tinig nito.
Biglang nawala ang tapang niya. Sandali siyang natigilan bago ito sinagot. “Yes.” Hindi siya kumukurap na nakatitig sa mga mata nito.
“I like you,” deretsahang sagot nito. Nawala ang mapaglaro nitong mga ngiti. Seryoso din nitong sinalubong ang mga mata niya.
The effect on her was so sudden. Pero madali niyang itinaboy iyon sa isipan. Pagkuwa’y mahinang tumawa. Sarkastiko. “Do you even hear yourself?” tanong niya rito.
Napatigil ito sa pagsasayaw, kaya ganoon din ang ginawa niya. At hindi lang ito seryoso, naroon na rin ang inis sa mga mata nito.
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Are you serious?” Bahagyang napalakas ang tinig niya. Mabuti na lang at mas malakas naman ang musikang pumapailanlang sa ere.
“Do I look like a f*cking clown to you? Huh?”
Doon napagtanto ni Summer na nagsasabi ng totoo ang lalaki. Kaya mabilis siyang napabitaw sa balikat nito. Akma niya itong tatalikuran, pero mabilis nitong nahuli ang kamay niya.
“You can’t do that to me for the second time around. That is if you don’t like to create us scene here.” Iginala nito ang mga mata sa paligid. Sinundan naman niya ang mga iyon.
People were still looking at them. Ang iba ay may ngiti sa mga labi, ang iba naman ay inggit, and some were mocking.
Palihim na tumaas ang isang kilay niya. Tiningnan niyang muli si Zhione. “How dare you!” mariing asik niya rito.
“How dare me when it is you who started asking me questions? Ngayon ko lang napatunayan na mas mapagbiro ka pala kaysa sa akin.” Muli nitong ibinalik ang mga kamay niya sa balikat nito. At ang kaninang bahagyang puwang sa pagitan nila ay nawala. Mas lalo pa kasi siya nitong hinapit sa beywang.
“Let go of me!” Palihim siyang nagpumiglas pero hindi siya nito pinakawalan.
“I told you, not this time, Summer. Saka, pareho naman nating alam na attracted tayo sa isa’t isa. And don’t you dare deny it.”
Pagak siyang natawa. “In your dreams, Mr. Vergel,” sarkastikong wika niya.
“Do you want a prove.” At dahan-dahan nitong inilapit ang ulo sa kaniya.
She knew he was not joking. Kaya buong lakas niyang pinisil ang magkabilang balikat nito. Iyong tipong babaon ang kuko niya rito.
Napahinto naman si Zhione. Naglalaro nang muli ang pilyong ngiti sa mga labi nito. “Well, we could continue this in the bathroom.”
Paa naman nito ang tinapakan niya gamit ang takong ng kaniyang sapatos. Napangiwi ito. Pero hindi pa rin siya nagawang bitawan.
“You like it hard?” nakalolokong tanong nito.
“Wala akong panahon na makipaglokohan sa iyo, Mr. Vergel. Kaya puwede ba? Tapusin mo na ang pagpapanggap mo? If I know, you were just driven by your egoistic mind. You just want an attention. And you know what? You get it! Dahil lahat sila nakatingin na sa atin.” Ang tinutukoy niya ay ang mga taong nakapaligid sa kanila.
Kailan man ay hindi niya paniniwalaan ang lumalabas sa bibig ng isang Zhione Vergel. He’s a player. An expert on his own game. At hindi niya gustong mapabilang sa mahabang listahan ng mga naging babae nito.
“Do you really think I’m joking?” tanong nito.
“Eh, ano pa nga ba?”
Napailing ito kasabay ng pagtaltak. “I am not, Miss Summer Rhaine Cojuangco. At patutunayan ko iyan sa iyo,” seryosong turan nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “Alam nating pareho na hindi puwede.” May diin ang bawat katagang binigkas niya.
“And who said so? Our parents?” Pagak itong natawa. “This is a modern world, Summer. And we are in a democratic country. Kaya walang bawal. Lahat malayang gawin ang nais basta hindi masama,” dagdag pa nito.
“You’re insane! And this is ridiculous.” Umiling-iling siya.
“Maybe. But I know I am on my right mind.”
“Sabihin mo nga sa akin kung bakit? Hindi ba si Kristal ang bago mo? Kaya paanong gusto mo ako?” lakas loob na tanong niya.
“Simple lang. It’s because of the kiss we shared,” tugon nito. Ngumisi pang muli.
Napamulagat siya. “Dahil lang doon?” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. “Nasisiraan ka na nga talaga ng bait.” Sinabayan niya iyon ng isang nakamamatay na irap.
“And because I could feel that you also like me. Hindi mo lang maamin dahil takot ka.”
“Hindi ka lang pala egoistic, narcissist ka rin.”
“Bakit, hindi ba totoo?”
Mariin niya itong tinitigan. “Walang totoo, Mr. Vergel. Wala sa mga sinasabi mo,” malamig niyang wika.
“Well, let’s see kung tama ang sinasabi mo. Dahil kung mali ka at tama ako, wala akong ibang gagawin kung hindi ang paligayahin ka.”
Mas lalo niyang diniinan ang pagkakahawak sa mga balikat nito.
Hambog talaga! Mayabang! Paniwalang-paniwala sa sarili! Akala mo kung sino! Sunod-sunod na sigaw ng isipan niya.
“I’ll prove everything to you, Summer,” bulong nito nang sa wakas ay pakawalan na nito ang beywang niya. “And by the way, you look hot tonight,” dagdag pa nito na sinadyang ilapit ang mga labi sa tenga niya. Nagdulot iyon ng nakapangingilabot na sensasyon na gumapang sa buong katawan niya. Something that made her senses alive.
Nananadya talaga!
“You must be tired. Come, ihahatid na kitang muli sa tatay mo. Baka kasi mamaya bigla na lang akong bumulagta sa sahig dahil hindi na niya inalis ang nakatatakot na tingin sa akin mula pa kanina.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Bahagya niyang nilingon ang ama. Nakatingin nga ito sa kanila, partikular kay Zhione.
Pero hindi lang naman ang ama niya ang ganoon, pati na rin ang ama ng lalaki at si Kristal. Masama ang tingin ng mga ito sa kanila
“Really? How about yours?” Ginaya niya ang ginawa nito. Bahagya niyang idinampi ang mga labi sa tenga nito, dahilan para manigas ang katawan ng lalaki.
Napangisi siya. Kahit kailan, hindi kayang dayain ng katawan ang tunay na nararamdaman ng isang tao. Ngayon siya naniniwalang gusto siya nito, ngunit, sa ibang kahulugan ng salitang iyon.
Iniwan na niya ang lalaki. Nauna na siyang bumalik sa kinaroroonan ng lamesa nila. Kitang-kita pa niya ang pagtaas ng isang kilay ng ama nang makalapit siya rito.
She knew her father well. Hindi talaga nito nagustuhan ang pagsasayaw nila ni Zhione, even the thought of talking to each other. But they were in an event hosted by him. Hindi ito maaaring tumanggi, ni ang sitahin siya o si Zhione. It will just cause a gossip throughout the whole Province of Dela Paz.
Kinuha niya ang kopitang nasa harapan at sumimsim ng alak doon, habang balik kuwentuhan na ang mga nasa paligid niya. She was thinking of what Zhione had told her earlier.
I like you, paulit-ulit iyong naglaro sa isipan ni Summer. Para bang naging musika iyon sa kaniyang pandinig. At hindi niya maintindihan kung bakit nangingiti siya kapag naaalala iyon.
Zhione Vergel did something to her. Pero hindi na niya gustong alamin pa kung ano iyon.
“Oh my God! Zhione, put me down!” Humahalahak na saway niya sa asawa habang buhat-buhat siya nito.Kabababa lamang nila sa bangkang naghatid sa kanila sa islang iyon. Islang binili ng kaniyang ama para sa kanila ni Zhione. Iyon daw ang regalo nito sa kanila.Yes. Muli silang ikinasal ni Zhione. This time, it was a beautiful garden wedding by the sunset. Ginanap iyon mismo sa magandang hardin ng Hacienda Filomena. Piling mga kaibigan lang ang imbitado. It was so solemn that it made her and Zhione’s heart filled with so much happiness.After so many challenges that they’ve been through, sa wakas, tuluyan ng magiging buo ang kasiyahan nila. Hindi na iyon kulang, kung hindi umaapaw pa nga.Those people who hurt them faced the consequences of their actions. Sa pinagsanib puwersa ng pamilya nila, wala ng katakas-takas pa sa batas ang mag-amang Reverencio at Kristal. Both will rot in
Matapos ang lahat ng nangyari, iniwan niya sa ama ang pag-aasikaso sa mga kasong isinampa nila laban sa mag-amang Perez. Nagmamadali naman siyang bumalik ng ospital dahil tumawag ang kaniyang ina, nagising na raw si Summer.“Oh, God!” Humahangos na nilapitan niya ang asawa at niyakap nang mahigpit. Nakangiting gumanti naman ito ng yakap sa kaniya. “Thank you for coming back to me, honey. I love you so much,” aniya.“I love you, too. Hindi ko kayang iwanan kang mag-isa rito. Hindi iyon mangyayari, Zhione,” anito.Matagal sila sa ganoong posisyon. Para bang ayaw na nilang maghiwalay pa. Napukaw lang sila nang may tumikhim sa kanilang likuran. Sabay nilang nilingon ang mga naroon.“We’re just going out. Mag-usap na muna kayong dalawa,” anang kaniyang byenan na titig na titig sa kaniya. “Ang bilin ka sa iyo, hijo. Huwag na huwag mong kalilimutan
Sa silid muna ng kaniyang byenan sila tumuloy pagdating nila sa ospital. Matagal pang nagkatitigan ang dalawang may-edad na lalaki, bago ito nagawang lapitan ng kaniyang ama.“Fernan.”“Santino.”Panabay pang wika ng mga ito bago nagtawanan. Parang bigla ay nawala ang ilang taong alitan sa pagitan ng dalawa sa nakikita niyang tagpo. It was like meeting an old friend after a long while of being away from each other.“I’m so sorry,” mahinang wika ng kaniyang byenan. “I’m so sorry for everything that I did in the past. Alam kong nasaktan kita nang husto noon pero isinawalang bahala ko lang iyon. Sana mapatawad mo pa ako.” Nangulap ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniyang ama.Mas lumapit naman ang ama niya sa kinahihigaan ng byenan. “Ako rin naman, gusto kong humingi ng despensa sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo.
Isang buong araw na ang lumipas ngunit tulog pa rin si Summer. Nag-aalala man, pero hindi naman siya pinanghihinaan ng loob. Alam niyang babalik ang kaniyang asawa.“Hijo, magpahinga ka muna. You need rest. Kahapon ka pa hindi umaalis sa tabi ng asawa mo. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan,” anang kaniyang ina nang lapitan siya nito. Nakaupo siya sa upuang malapit sa kama ni Summer. Hindi niya binibitawan ang kamay nito.“How could I rest when my wife haven’t wakened up?” frustrated na tanong niya sa ina.Pinisil nito ang kaniyang mga balikat. “Summer will wake up, hijo. Manalig ka lang. At saka, gusto mo bang makita ka ng asawa mo sa ganiyang anyo? You haven’t had your shower for God’s sake! Gosh, kung ako ang asawa mo, hindi ako tatabi sa iyo. Mukha ka ng dugyot,” pagbibiro pa nito.Nagtagumpay naman itong patawanin siya. “Guwapo na dugy
“Come again?” Bigla siyang nabingi. He even blinked his eyes a few times. Klinaklaro pa rin ng isip niya ang narinig.“Your wife is pregnant, Mr. Vergel,” pag-uulit naman ng doctor. “You have to make a decision now.”“F*ck!” He couldn’t stop cursing. Marahas din siyang napahilamos sa mukha. Parang dinudurog ang puso niya sa mga sandaling iyob. Kung hindi siya nagkakamali, walang alam si Summer na buntis ito.Hinarap niya ang doctor. He decided. “I need my wife alive. Do you hear me?!” Ano pa bang kailangan niyang pag-isipan? Patawirin siya ng asawa pero mas gugustuhin niya itong mabuhay kaysa sa kahit na sino. She’s his life now. Ikamamatay niya kapag hindi ito nakaligtas.Tumango ang doctor, naintindihan ang nais niyang mangyari. “I’ll update you as soon as it’s done.”“Please d
“Where are you going?” tanong ng kaniyang ama nang makitang bihis na bihis siya.Ngumiti siya rito. “I’ll go with you,” malambing na wika niya. Gusto niyang ipakita rito na sa kabila ng lahat ng mga nalaman niya at nangyari, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal at pagtingin niya rito. Kaya susuportahan pa rin niya ito sa gusto nito.“Malayo ang pupuntahan ko, hija. Mapapagod ka lang,” hindi tuwirang tanggi nito.Napataas ang isang kilay niya. Mula noong kausapin niya ito, palagi niya itong nakikitang nag-iisip. Siguro, na-realize na rin nito ang mga kailangang gawin— hindi pa nga lang siguro ito handa.“Are you avoiding being with me? Dahil ba iyon sa mga sinabi ni Kristal?” tila may hinampong sabi niya.“Of course not!” Mariin itong umiling. “It’s just that. . . hindi pa rin safe, hija. Ay







