Share

CHAPTER 7

Author: Gael Aragon
last update publish date: 2026-07-30 08:00:58

“Where have you been? Kanina pa kita hinahanap,” tanong ng kaniyang Papa pagpasok niya sa malaking pintuan ng kanilang mansyon.

“I jogged around, Pa.” Summer wiped her sweat on her forehead. Uminom din siya ng tubig sa dalang tumbler. Hinihingal pa rin siya dahil malayo-layo rin ang tinakbo niya sa umagang iyon.

“Get dressed. May pupuntahan tayo,” anito na nilagpasan siya. Halatang hindi pa rin ayos ang kaniyang ama sa nangyari noong ball. Halos kibuin-dili siya nito— na labis na talaga niyang ikinapagtataka.

“Where are we going?” tanong niya nang malapit na ito sa pintuan papuntang dining.

Tumigil ito. “Sa Ginintuang Kamay Foundation. It’s their founding anniversary. We’re giving them the donation we got last ball,” hindi lumilingong sagot nito.

“Kailangan pa ba talaga akong sumama? Hindi ba puwedeng kayo na lang?”

Lumingon ito sa kaniya, seryoso at hindi man lang ngumingiti. “You have to be there. Kaysa naman nandito ka lang sa bahay at walang ginagawa.”

Gusto niyang taasan ng kilay ang ama. Sino bang may gustong wala siyang gawin? Hindi ba ito naman? Pero iba pa rin ang namutawi sa bibig niya. “Pero hindi naman kailangan ang presensya ko roon. Tutunganga rin lang ako.”

“Well, at least sa pagtunganga mo may napapala ang ibang tao,” mariing wika nito.

“But, Pa. . .”

Iwinasiwas nito ang kamay. “Wala ng pero-pero, Summer Rhaine. Go to your room and get dressed.” Pinal na ang sinabi nitong iyon. Ganoon ito kapag tinatawag na siya sa kaniyang buong pangalan. At hindi na siya maaari pang tumanggi.

HABANG daan ay wala silang imikan ng ama. Bigla ay parang naging malamig ang pakikitungo nito sa kaniya. Ni hindi siya nito kinikibo. At labis na niya iyong ikinapagtataka.

Maraming tanong ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Kung iyon pa ba ay dahil sa nangyari noong ball, o baka naman may iba pa itong dahilan? Baka may inililihim ito sa kaniya. Baka tungkol na naman iyon sa pagtakbo nito sa susunod na eleksyon. At nananawa na siya sa ganoong sistema ng buhay nila.

Gusto na niyang makawala sa paningin ng publiko. Gusto niya ng kalayaan. Iyong walang pupuna sa ginagawa niya. Iyong hindi makaaapekto sa karera ng kaniyang ama. Iyong hindi siya lalabas na bad publicity rito.

Kasi kahit na gaano pa siya kasunod sa layaw at marami silang pera, hindi pa rin niyon kayang tumbasan ang tila nakakahong buhay niya. Almost half of her life was all about following rules. Summer do this, Summer do that. Tinutumbasan lang iyon ng ama ng mga bagay na gusto niya. Nang pera na mayroon sila.

“After this, sasamahan mo ako sa ground breaking ng isang mall sa bayan ng San Alfonso,” basag ng kaniyang ama sa katahimikan nila.

Napalingon siya rito. “Pa, please. . . this event is already enough for me. Kayo na lang ang pumunta sa ground breaking,” may halong pakiusap na wika niya.

Huminga ito nang malalim. “Alright. . . Pero sasamahan mo ako sa isang araw. It’s the first day of filling candidacy. Mas kailangan kita roon.”

Tumango siya. May magagawa pa ba siya sa bagay na iyon? Noon pa man tuwing mag-f-file ito lagi naman siyang naroroon. Hindi siya nawawala sa tabi ng ama.

MALAKAS na palakpakan ang sumalubong sa kanilang mag-ama pagbaba nila ng sasakyan sa loob ng compound ng Ginintuang Kamay Foundation. Maganda ang panahon kaya sa ground ng foundation ginanap ang event. May mga ilang politiko na rin na naroon kabilang ang bise-gobernador at pamilya nito. Hinanap ng mga mata niya ang isang partikular na tao, pero wala roon ang lalaki.

Nagsimula ang palatuntunan nang makompleto na ang mga panauhing pandangal. Nagbigay ng maikling mensahe ang kaniyang ama at ang bise-gobernador, saka pa lang nagkaroon ng mga sorpresang palaro at raffles. Syempre, hindi siya nakaligtas doon.

Ang Ginintuang Kamay Foundation ay isang organisasyong naglalayong makatulong sa mga batang wala ng mga magulang. Bukod doon, tumutulong din sila sa mga estudyanteng hindi kayang pag-aralin ang mga sarili sa kolehiyo. Pinamumunuan ito ng mga madre.

Hindi man gusto ni Summer na makisaya sa mga naroon, pero ang makita ang mga inosenteng mukha ng mga bata roon ang nagpabago sa isip niya. She saw herself to them. Ang kaibahan nga lamang, mayroon siyang mayamang ama.

Pagkatapos ng laro ay saglit na nagpahinga si Summer sa ilalim ng punong mangga. Mayroon doong bench na semento. Malilim at medyo mahangin kaya iyon ang napili niyang puwesto.

“Ate Summer! Ate Summer!” tawag ng batang si Dindin habang tumatakbo palapit sa kaniya. Nakilala niya ito kanina sa palaro.

Ngumiti siya rito. “Ano iyon?”

“Puwede niyo po ba akong tulungan dito?” Ipinakita nito ang isang sketchpad sa kaniya. Hawak nito sa isang kamay ang isang box ng krayola. May drawing activity na kasalukuyang nagaganap doon.

Nakita niyang may drawing na bahay doon. “Umupo ka rito.” Tinapik niya ang bakanteng puwesto sa tabi niya. Mabilis namang sumunod ang batang babae.

“Tungkol ba saan ang ipinapa-drawing sa inyo?” masuyong tanong niya. Inayos pa niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito.

“Happy memories daw po,” sagot nito. Ngumiti ito sa kaniya.

Tumango-tango siya. “Ah. . . Eh, bakit bahay?”

Itinuro nito ang building sa kanilang likuran. “Iyan po talaga ang drawing ko. Kaso para pong hindi siya tama.”

“Ah. . .” Naintindihan naman niya ang nais nito. Kinuha niya ang krayola sa kamay ni Dindin. “Lagyan na lang natin ng bulaklak at mga puno. Iyon lang naman ang kulang para mas gumanda pa ang gawa mo.”

“Talaga po, Ate Summer? Maganda na po ang gawa ko?” inosenteng tanong nito sa kaniya. Sandali pa siya nitong sinulyapan saka ibinalik sa ginagawa ang pansin.

“Oo, kaya!” Totoo naman ang sinasabi niya. May talento si Dindin sa pagguhit. Hindi pa lang iyon nahahasa nang mabuti.

“Matagal ka na ba rito?” tanong niya pamaya-maya.

Tumango ito. “Baby pa lang po sabi nina Mother andito na ako,” anito.

“Ilang taon ka na?” patuloy niyang pag-uusisa.

“Seven po. Pero wala pa rin pong nagkagugustong pamilya sa akin.”

Natigilan siya. Halata kasi sa tinig nito ang lungkot. Hinaplos niya ang ulo nito.

“Huwag kang mag-alala, darating ang araw na may kukupkop din sa iyo.”

“Sana nga po. Kasi gusto ko rin pong maranasan ang magkaroon ng buong pamilya, gaya ng mga kaibigan kong umalis na rito.” Nilingon siya nito. Wala na ang lungkot sa mga mata nito. Ang naroon na ay ang pag-asang pinakaaasam nito.

“Hayaan mo, gagawan ko ng paraan ang bagay na iyan.” Totoo ang sinasabi niyang iyon. Because she knew what it feels like to be lonely. To be sad. Kaya kahit man lang sa ibang tao, magawa niya ang kakulangan sa kaniyang pagkatao.

“Totoo po, Ate Summer!?” Nanlaki ang mga mata nito.

“Oo, naman.” Sinabayan pa niya iyon ng pagngiti.

“Wow! Yehey!” At sa pagkagulat niya ay niyakap siya nito. “Thank you po.”

Pakiramdam niya may mainit na bagay na humaplos sa kaniyang puso. She never felt like that before. And it was so fulfilling. Natangay niyon ang mga alalahanin niya sa isip.

Pagkatapos nilang malagyan ni Dindin ng nga bulaklak at puno ang paligid, naglagay din ito ng mga tao. Saka pa lang sila natapos.

“Salamat po ulit, Ate Summer. Dumalaw po sana ulit kayo rito,” masayang wika nito.

Tumango siya. “Syempre, naman. Palagi na akong dadalaw rito dahil sa iyo.”

“Sige po, ate. Ipakikita ko na po ito sa kanila.” Humalik pa ito sa pisngi niya bago bumalik sa mga kasamahan.

“You shouldn’t do that.”

Napapitlag siya nang may magsalita sa kaniyang likuran. Paglingon niya ay nakatayo roon si Zhione. His hands were both inside the pockets of his faded jeans. Naka-green polo shirt ito, habang protektado ng itim na shades ang mga mata nito.

Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa kaniya. Sandali siyang natulala dahil parang slow motion iyon, habang nililipad ng hangin ang buhok nito. It added sexiness on his hot and powerful aura. Talagang walang magkakamaling hindi ito lingunin: babae man o lalaki.

Warning bells ringing on her head. Mabilis siyang tumayo, pero mas mabilis ang lalaki. Agad nitong naharangan ang daraanan niya.

“Are you avoiding me?” tanong nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. “At bakit ko naman gagawin iyon?” Pilit niyang itinago  ang mabilis na tibok ng kaniyang puso; na kanina pa niya nadarama, mula nang makita niya ito.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. “Don’t deny it. Was it because of what I’ve said? O dahil sa ama mo?” Nanunukat ang mga matang tinitigan siya nito.

She crossed her arms in front of her chest. “Bakit? Ano ba ang sinabi mo? At bakit nadawit dito ang ama ko?” pagtanggi niya. Kahit anong gawin nito, hinding-hindi siya nito mapaaamin.

“Tsk! Kahit ilang beses mong itanggi, alam kong gusto mo rin ako.”

“Ang kapal!” gigil na sambit niya kasabay ng pag-iling.

“Hindi mayabang ang tawag doon, honest lang.”

Inirapan niya ito. “Puwede ba, kung wala ka rin namang sasabihing matino, lubayan mo na ako?”

“Paano kung mayroon?”

“Then say it.”

Huminga ito nang malalim. “Like what I’ve said you shouldn’t promise that child about her adaptations,” anito.

Napailing na lang siya. Kanina pa pala ito naroon at nakikinig sa pinag-uusapan nila ni Dindin. “I never promised anything to her. I was just stating the facts here.”

“At paano kung walang mag-ampon sa kaniya? Do you know how it will affect her?” Mariing nakatitig ang mga mata nito sa kaniya. Subalit, bakit ba tila iba ang nakikita niya roon? Bakit ba parang totoong nag-aalala ito?

Ipinilig niya ang ulo. Hindi siya puwedeng magpadala nang basta-basta rito.

“Walang hindi aampon sa kaniya. At kung mangyari man iyon, ako mismo ang kukupkop kay Dindin,” mariing wika niya.

Nawalan ito ng imik. Pero saglit lang iyon. “I never thought you like kids; that you have a big heart for them. And I never thought you will think this way. I thought. . .”

“You thought that I was a spoiled brat?” nakataas ang isang kilay na tanong niya. “Totoo naman. I am spoiled, but I choose which people I could show my bratty sides of character.”

“At isa na ako roon,” kumpirma nito habang tumatango-tango. “Can I ask you one last question?”

She sighed, then nodded.

“Can I take you out for di—”

“Summer!” Nagulat silang pareho nang marinig ang makapangyarihang tinig na iyon. Di-kalayuan sa kinatatayuan nila ay naroon ang kaniyang ama. Nakatingin ito kay Zhione. Mariin. Pagkuwa’y sa kaniya. Hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.

“P-Pa. . .” For the first time in her life, nakadama siya ng takot dito. At hindi niya alam kung bakit.

“Let’s go,” anito saka mabilis na tumalikod.

Hinarap niya si Zhione. “I’m sorry.” Hindi niya alam kung para saan iyon. Pero pakiramdam niya iyon lang ang tanging salitang nais niyang sabihin dito.

Nilagpasahan na niya ang lalaki. Hindi naman na siya pinigilan pa nito.

Nang makalayo rito. Muli siyang huminga nang malalim, saka tuloy-tuloy na sumakay sa nakaabang nilang sasakyan. Nahagip pa ng mga mata niya na hindi pa rin umaalis si Zhione sa pinag-iwanan niya rito. At may lungkot siyang nakapa sa dibdib habang lumiliit ito sa kaniyang paningin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gael Aragon
salamat po. araw-araw po ang update ng mga bago kong stories. Sana po subaybay niyo silang lahat.
goodnovel comment avatar
Sheena Lipardo
ang ganda excited na sa susunod na chapter
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   SPECIAL CHAPTER

    “Oh my God! Zhione, put me down!” Humahalahak na saway niya sa asawa habang buhat-buhat siya nito.Kabababa lamang nila sa bangkang naghatid sa kanila sa islang iyon. Islang binili ng kaniyang ama para sa kanila ni Zhione. Iyon daw ang regalo nito sa kanila.Yes. Muli silang ikinasal ni Zhione. This time, it was a beautiful garden wedding by the sunset. Ginanap iyon mismo sa magandang hardin ng Hacienda Filomena. Piling mga kaibigan lang ang imbitado. It was so solemn that it made her and Zhione’s heart filled with so much happiness.After so many challenges that they’ve been through, sa wakas, tuluyan ng magiging buo ang kasiyahan nila. Hindi na iyon kulang, kung hindi umaapaw pa nga.Those people who hurt them faced the consequences of their actions. Sa pinagsanib puwersa ng pamilya nila, wala ng katakas-takas pa sa batas ang mag-amang Reverencio at Kristal. Both will rot in

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   WAKAS

    Matapos ang lahat ng nangyari, iniwan niya sa ama ang pag-aasikaso sa mga kasong isinampa nila laban sa mag-amang Perez. Nagmamadali naman siyang bumalik ng ospital dahil tumawag ang kaniyang ina, nagising na raw si Summer.“Oh, God!” Humahangos na nilapitan niya ang asawa at niyakap nang mahigpit. Nakangiting gumanti naman ito ng yakap sa kaniya. “Thank you for coming back to me, honey. I love you so much,” aniya.“I love you, too. Hindi ko kayang iwanan kang mag-isa rito. Hindi iyon mangyayari, Zhione,” anito.Matagal sila sa ganoong posisyon. Para bang ayaw na nilang maghiwalay pa. Napukaw lang sila nang may tumikhim sa kanilang likuran. Sabay nilang nilingon ang mga naroon.“We’re just going out. Mag-usap na muna kayong dalawa,” anang kaniyang byenan na titig na titig sa kaniya. “Ang bilin ka sa iyo, hijo. Huwag na huwag mong kalilimutan

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 26

    Sa silid muna ng kaniyang byenan sila tumuloy pagdating nila sa ospital. Matagal pang nagkatitigan ang dalawang may-edad na lalaki, bago ito nagawang lapitan ng kaniyang ama.“Fernan.”“Santino.”Panabay pang wika ng mga ito bago nagtawanan. Parang bigla ay nawala ang ilang taong alitan sa pagitan ng dalawa sa nakikita niyang tagpo. It was like meeting an old friend after a long while of being away from each other.“I’m so sorry,” mahinang wika ng kaniyang byenan. “I’m so sorry for everything that I did in the past. Alam kong nasaktan kita nang husto noon pero isinawalang bahala ko lang iyon. Sana mapatawad mo pa ako.” Nangulap ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniyang ama.Mas lumapit naman ang ama niya sa kinahihigaan ng byenan. “Ako rin naman, gusto kong humingi ng despensa sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo.

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 25

    Isang buong araw na ang lumipas ngunit tulog pa rin si Summer. Nag-aalala man, pero hindi naman siya pinanghihinaan ng loob. Alam niyang babalik ang kaniyang asawa.“Hijo, magpahinga ka muna. You need rest. Kahapon ka pa hindi umaalis sa tabi ng asawa mo. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan,” anang kaniyang ina nang lapitan siya nito. Nakaupo siya sa upuang malapit sa kama ni Summer. Hindi niya binibitawan ang kamay nito.“How could I rest when my wife haven’t wakened up?” frustrated na tanong niya sa ina.Pinisil nito ang kaniyang mga balikat. “Summer will wake up, hijo. Manalig ka lang. At saka, gusto mo bang makita ka ng asawa mo sa ganiyang anyo? You haven’t had your shower for God’s sake! Gosh, kung ako ang asawa mo, hindi ako tatabi sa iyo. Mukha ka ng dugyot,” pagbibiro pa nito.Nagtagumpay naman itong patawanin siya. “Guwapo na dugy

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 24

    “Come again?” Bigla siyang nabingi. He even blinked his eyes a few times. Klinaklaro pa rin ng isip niya ang narinig.“Your wife is pregnant, Mr. Vergel,” pag-uulit naman ng doctor. “You have to make a decision now.”“F*ck!” He couldn’t stop cursing. Marahas din siyang napahilamos sa mukha. Parang dinudurog ang puso niya sa mga sandaling iyob. Kung hindi siya nagkakamali, walang alam si Summer na buntis ito.Hinarap niya ang doctor. He decided. “I need my wife alive. Do you hear me?!” Ano pa bang kailangan niyang pag-isipan? Patawirin siya ng asawa pero mas gugustuhin niya itong mabuhay kaysa sa kahit na sino. She’s his life now. Ikamamatay niya kapag hindi ito nakaligtas.Tumango ang doctor, naintindihan ang nais niyang mangyari. “I’ll update you as soon as it’s done.”“Please d

  • SEASON OF LOVE 3: SUMMER - IN BETWEEN US   CHAPTER 23

    “Where are you going?” tanong ng kaniyang ama nang makitang bihis na bihis siya.Ngumiti siya rito. “I’ll go with you,” malambing na wika niya. Gusto niyang ipakita rito na sa kabila ng lahat ng mga nalaman niya at nangyari, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal at pagtingin niya rito. Kaya susuportahan pa rin niya ito sa gusto nito.“Malayo ang pupuntahan ko, hija. Mapapagod ka lang,” hindi tuwirang tanggi nito.Napataas ang isang kilay niya. Mula noong kausapin niya ito, palagi niya itong nakikitang nag-iisip. Siguro, na-realize na rin nito ang mga kailangang gawin— hindi pa nga lang siguro ito handa.“Are you avoiding being with me? Dahil ba iyon sa mga sinabi ni Kristal?” tila may hinampong sabi niya.“Of course not!” Mariin itong umiling. “It’s just that. . . hindi pa rin safe, hija. Ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status